Connect with us

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

celebrity

Multi-talented Scarlet Snow Belo earns praise for Panda artwork

Published

on

By

This seven-year-old celebrity kid is indeed multi-talented that seeing her drawings will surely make you praise her diligence and skill albeit a bit less surprised.

The doted upon daughter of celebrity couple Hayden Kho and Doc Vicki Belo is good in singing, dancing, has a yellow belt in Taekwondo, studied ballet, loves reading books and knows a number of languages, among others.

Her latest hobby is sketching and on her Instagram post a few days ago she shared her panda artwork using charcoal pencils.. It shows a mommy panda cuddling a cub.

“I still need some practice in symmetry but would you give me a good score for my effort? 1-10?” she asked IG followers.

Many gave her a 10; considering that she’s just a beginner and yet she has produced something that many of us can’t manage. Lol

“I’ll give u a 10. You really did well for a beginner “

“I’d give this an 11! You should do digital drawing Snow! I bet you would love it.”

Mommy Vicki was super generous with her score. “100/10 my love.”

But before that finished artwork, she earlier shared a video of her art lessons as she practiced on a panda.

She posted then, “Hi peoples! (emoji) I’ve been working on a sketch today with my Art teacher @cathyongtecodesigns . She’s been teaching me about shading. What do you think of my work so far?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)

Earlier in April, she also shared an artwork as she learns to mix shapes and combine colors.

“I’m learning to mix shapes and combine colors. Thank you @cathyongtecodesigns for being patient with me! I’ll turn this into a card and give it as a present to my friend who loves Pokémon!” she posted.

Read:  Vicki, Hayden nagbahagi ng throwback photos sa ika-7 kaarawan ni Scarlet Snow

Scarlet turned seven on March 3. Her parents are truly grateful to have her in their life.

Dr. Vicki posted her message of love on IG: ““Seven already? Looking back at these photos I can see how much you’ve grown but I’m also wishing how time would slow down @scarletsnowbelo.”

Doting father Hayden  believes it is him who loves his daughter the most, as he posted: “I’ll get you whatever you want on your birthday… if you can find anyone who loves you more than I do. Happy birthday, my love. To more of these!”

Read: Taekwondo girl? Scarlet Snow Belo moves up to ‘yellow belt’ at age seven

Continue Reading

Inspiring

LJ Reyes reflects on parenthood: ‘Paano nga ba magdesisyon para sa buhay ng iba?’

Published

on

By

Actress LJ Reyes spent Mother’s Day with a reflection on the important role that parents play in their children’s lives.

“Paano nga ba maging isang magulang? Paano nga ba magdesisyon para sa buhay ng iba?” LJ asked in an Instagram post.

“Carried them inside your body for 9 months, will be taking care of them ’til they can stand on their own, but you never really stop ‘taking care’ of them. And in the very long time that you have to make decisions on their behalf, paano nga ba piliin ang tama?”

LJ said that while there is no specific handbook for parents, she always comes back to one thing — love.

“Wala namang iisang paraan kung paano maging magulang. There could be a lot of things that is uncertain and not ideal, but one thing remains certain and true — that LOVE would hold you altogether.”

She added that she realized they have been through a lot of ups and downs but LJ made sure to make Aki and Summer feel loved “in every sense of the word.”

“We love because God loved us first. And I experience God’s love through them. Kaya naman nag-uumapaw yung pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanila. Hindi ako perfect, pero ang alam ko lang mahal na mahal ko sila— buong buo, siksik na siksik, umaapaw,” LJ narrated.

“Cheers to all the amazing mommas!”

She also shared a text message sent by Aki to greet her on the special occasion while she was away for work.

“Happy Mother’s Day Mom,” it reads, along with a photo of him and Summer.

Continue Reading

Inspiring

Dating OFW, hinanap ang magkapatid na nagsilbing inspirasyon niya noon sa buhay

Published

on

By

Naging inspirasyon ng dating OFW sa Saudi Arabia ang larawan ng batang magkapatid na hindi niya kilala habang nakalusong sa baha noong 1997 sa Pilipinas.

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” noong Mayo 2 ay ibinahagi ng dating OFW na si Roel Mendoza na regular siyang nagbabasa ng diyaryo na galing sa Pilipinas kahit nasa KSA siya.

Noong 1997, nakita niya ang larawan ng batang magkapatid na nakalusong sa baha. Pasan sa likod ng isang bata ang mas nakababata niyang kapatid.

 

Kapag tinititigan umano ni Roel ang larawan ng dalawang bata ay may kirot sa puso niya dahil isa rin pala siyang kuya sa kaniyang bunsong kapatid.

Naging inspirasyon din kay Roel ang larawan ng magkapatid sa tuwing dumadaan siya sa mga pagsubok ng buhay.

Sa mga sandali na nahihirapan siya, iniisip niya ang batang magkapatid sa larawan na kung kinaya nila ang pagsubok sa buhay ay kakayanin rin niya.

Ang naturang larawan ay idinikit noon ni Roel sa kaniyang bulletin board sa KSA, katabi ng kaniyang family photo.

Pagkatapos ng 17 taon na pagtatrabaho sa KSA, umuwi ng Pilipinas si Roel dala ang larawan ng magkapatid na ginupit niya sa pahayagan.

Sa kasamang-palad nabiktima umano si Roel ng pyramiding scam kaya nagsimula siyang muli sa wala.

Sa mga sandaling iyon, naging inspirasyon niyang muli sa pagbangon ang larawan ng batang magkapatid.

Matapos ang 25 taon, hindi niya pa rin makalimutan ang mga bata at ninais niyang mahanap ang dalawa upang kumustahin ang kanilang naging buhay.

Ipinost niya ang larawan sa social media para magpatulong sa paghahanap sa mga bata. Kasabay naman nito ang pag-tag ng ilang netizens sa “KMJS” para tumulong sa paghahanap.

Tumulong naman ang KMJS team upang matunton ang mga bata sa naturang larawan na unang nailathala sa pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Napag-alaman ng team na ang larawan ay kuha pala sa Dinalupihan, Bataan. Nakilala ang magkapatid na sina Ronelo Carlos, ang bunsong nakapasan sa kaniyang kuya na si Rowell.

Hindi raw nila nalaman na nag-viral ang larawan nila noong bata pa sila at may taong naghahanap sa kanila.

Ngayon na natukoy na ang kinaroroonan ng magkapatid ay agad namang bumiyahe si Roel patungong Bataan upang makita at makausap sa unang pagkakataon ang magkapatid na naging bahagi ng kaniyang buhay.

Umantig ang kuwento ng maraming netizens kaya’t hindi nakapagtataka na humakot ito ng milyong views,

Panoorin ang feature video na ibinahagi ng KMJS:

Continue Reading

Trending