Connect with us

Social News

Batang sementeryo noon, miyembro na ng SWAT team ngayon

Published

on

Kapag bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng kapalaran. Sino ba naman ang mag-aakala na mula sa pagiging batang-sementeryo ay  mararating niya ang estado bilang miyembro ng MPD SWAT team?

Siya si PO1 Angelo ‘Yong’ Borlongan na kabilang sa SWAT team ng MPD. Ang 28-anyos na police officer ay sa sementeryo ipinanganak at doon na rin lumaki at nagkaisip kasama ang kanyang nanay, lolo at lola.

Viral na pulis

Nag-viral si PO1 Yong dahil sa isang video sa Tiktok kung saan plano niya sanang magsayaw ngunit biglang pumasok ang kaniyang team leader  na naghahanap ng kutsilyo para tanggalin ang tali sa walis. Ang video na ito ay humakot  ng mahigit 8.7M views. Dahil dito ay ifineature siya ng Rated Korina.

Si Yong pala ay lumaki sa sementeryo kapiling ang kanyang ina at ang lolo’t lola. Ang kanyang lolo ay isang sepulturero at naging katu-katulong nito si Yong.

“Bilang isang bata, nagkaroon po ako ng pangarap sa buhay. Nakita ko po ‘yung aking mga magulang, ang aking mga lolo kung gaano kahirap,” paglalahad niya.

Walang permanenteng trabaho ang pagsesepulterero, kaya iniwanan si Yong ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.

“Wala ‘kong mapapag-iwanan kundi mga magulang ko lang ang pagkakatiwalaan ko, kailangan kong maghanapbuhay, pumapasok sa pabrika para kahit papano siyempre meron din silang makain. Napakahirap po ng isang single mom,” ani Alona Borlongan, nanay ni Yong.

Dumating rin sa punto na halos walang ulam at kanin lang umano ang kinakain nina Yong.

Noong 2003 bumalik at kinuha siya ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola at pinalaki na siya ng kanyang stepfather.

Pagka-graduate sa highschool, hindi na niya inasahan na siya ay makatutuntong pa sa kolehiyo. Ngunit nagtulong-tulong umano ang mga magulang ni Yong at mga kamag-anak sa sementeryo para matustusan ang pag-aaral niya sa kursong BS Criminology.

Sa wakas ay nakatapos na siya ng kolehiyo at naging ganap na pulis nang pumasa sa board exam noong 2016.

“Siyempre po maraming salamat sa Diyos dahil maiisip mo na sitwasyon mo ganun, pero napakasaya maam, Maraming salamat sa Diyos,” aniya sa kanyang panayam sa Rated Korina.

“Naiiyak ako dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ‘yung isa sa mga pinili ‘di ba, na maging isang alagad at tagapagpatupad ng batas, sinisikap na maging isang mabuting pulis, ‘di ba po?” aniya.

“Kaya po nakakaiyak dahil sa tuwa, walang mapaglagyan po yung tuwa,” dagdag pa niya.

Nang magkatrabaho ay umupa sila ng kanyang nanay ng bahay sa halagang P4,000 na kadikit din lang ng sementeryo. Kung dati ay sa ibabaw ng nitso siya natutulog, ngayon kahit paano ay may silid na siya at higaan.

“Hindi ko po maiiwan itong sementeryo kasi andito po ang aking comfort zone, dito po ako masaya, nandito po ang buhay ko, walang sasaya pa dito sa lugar na to kahit na ako’y bigyan pa ng pagkakataon ng diyos na mas lalong umangat pa hinding hindi ko kakalimutan ‘tong lugar na to dito na po ako eh, dito na po ako lumaki, dito na rin po ako hihimlay,” pagtatapos niya sa panayam ng Rated Korina.

Panoorin si Gwapulis:

celebrity

Pokwang, tanggap at iginagalang ang bagong administrasyon; Proud pa rin na isang kakampink

Published

on

By

Ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Twitter na tanggap niya umano ang bagong administrasyon ngayon sa bansa. Ito ay matapos iproklama bilang ika-17th president si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at ang ka-tandem nitong si Sara Duterte bilang Bise Presidente ng Pilipinas.

Kalakip nito ang isang larawan na nagpapakita ng kabuuang bilang ng mga boto na natanggap nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan noong May 2022 elections.

Ayon sa comedienne, ang administrasyon ngayon ng bansa ay iginagalang niya at buong puso niyang tinatanggap.

Gayunpaman, nais niya pa ring sabihin sa buong mundo na ipinagmamalaki niya na isa siya sa mga nanindigan at patuloy na titindig bilang kakampink.

“Kung ano man ang meron tayo ngayong administrasyon nirerespeto ko at buong pusong tinatanggap, ngunit nais kong ipagsigawan na ako ay proud na isa ako sa tumindig at patuloy na titindig #loudandproud #proudkakampink.”

Ang comedienne ay supporter nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan. Sumama na rin siya sa ilang rally ng Leni-Kiko tandem noong kampanya.

Matatandaan na inihayag ni Pokwang sa kanyang Instagram post na hindi siya nagsisisi na sinuportahan niya si Leni, at nagpasalamat din ito sa VP dahil naging parte siya ng journey nito.

“This is it… hindi po ako nagsisi na sinuportahan kita, at kahit kailan ‘di ko ikahihiya na sinuportahan ko ang isang Leni Robredo, thank you po at hinayaan n’yo akong maging parte ng iyong journey, may mga nayakap at nakausap na tao nadagdagan ang kaibigan sa maiksing panahon ng mga rallies na nakasama ako, isang nakakapagod ngunit masayang experience kasama mga nagmamahal sayo.”

Nagpasalamat din ang comedienne sa mga nag-volunteer upang tumulong, pati na rin ang mga kapwa niya artista.

“Salamat po @bise_leni God bless you at buong pamilya sa mga nagboluntaryo ng tulong mula sa mga kapwa ko Artista, estudyante, lahat kayo na may mga maliliit na negosyo, salamat maraming salamat sa inyo back to work back to normal ang buhay laban ulit.”

Continue Reading

Social News

Batang lalaki sa likod ng P500 bill, nasa healthcare industry na sa New York

Published

on

By

Natatandaan mo ba ang mga imaheng nakaimprenta sa mga perang papel natin? Eh ‘yung sa limang daang piso na may imahe ni late Benigno Aquino, napuna mo bang may batang nag-aabot ng mga bulaklak sa isang sundalo sa likod na bahagi nito?

Trending ang batang lalaki na iyon ngayon!

Ito’y matapos mag-post ng isang Pinoy sa New York, si Jello-o Gutierrez, ng selfie kasama si VP Leni Robredo noong May 21.

“Bumped into the Vice President of the Philippines   (emoji)  Thank you for being so approachable and kind! God bless you! Leni Gerona Robredo  #Starstruck”

Ang kasiyahan ni Jell-o ay ipinarating naman nito sa kanyang dating propesor na si Gabby Lopez at ibinahagi naman ng huli sa sariling Facebook post kalakip ang pagpapabatid na ito ang batang naka-imprenta sa likod ng P500 na banknote.

“Buen Sabado. Woke up with this beautiful message from my PLM MBA graduated former student Jell-o Gutierrez in NY. He is the boy giving flowers to the peace-loving kawal ng bayan in our P500 bill. Pax et Bonum. He is also a former co-seminarian at Our Lady of Guadalupe Minor Seminary. Ave Maria. Salve Regina. Viva VP Leni Gerona Robredo,” pagbabahagi ni Sir Gabby Lopez, na isang “Educator Servant & RRUrban Development-Security Advocate serving God, Country & Humanity”, ayon sa soial media account nito.

Kumalat ang post ni Dean Lopez sa social media at marami ang nagbahagi nito at ng mga larawan at impormasyon kaugnay sa historical event na People Power Revolution taong 1986.

Sa tweet ni Guitar Dev ay makikita ang ilang larawan na mula sa aklat ng People Power; kasama ang kuha ng batang lalaki na nagbibigay ng bulaklak sa isang military official.

“Page 169 in the People Power Book,” aniya sa caption.

Mayroon ding mga nagbahagi ng photos ng bata sa banknote na ayon sa netizens ay nagngangalang Angelo Gutierrez at kabilang na sa healthcare industry sa New York at 39 taong gulang na!

Omg! Bakit mukhang teenager o nasa early 20s lamang? — Iyan ang naging tanong ng marami kaya’t mayroon ding pabirong nagduda kung siya nga ba ang ‘makasaysayang bata’ sa pera dahil napakabata naman niyang tignan! Sana all daw.  🙂

“How can someone be a young child during EDSA 1 revolution and still look like in his 20s today. Lord I wanna age like him,” pakwela naman ni Jau.

Sa isang feature naman ng Esquire Magazine ay kanilang ibinahagi na nakapanayam na nila ang ‘makasaysayang bata’.

Sa pagkukuwento ni Angelo – o Jell-o- ay napag-alaman na nawala pala siya sa paningin ng kanyang mga magulang dahil sa dami ng tao nang mga panahong iyon.

“My parents lost sight of me in the middle of a huge crowd and got so worried, just to find out I was picking up stalks of flowers on the ground and handing it over to the people around me,” kuwento umano nito.

Nakuhanan pala siya ng photographer na si John Chua ng larawan nang nagbigay siya ng ilang stalk ng bulaklak sa isang sundalo. Ang larawang kinunan ng photographer ay lumabas umano sa front page ng isang daily broadsheet noong sumunod na araw at labis itong ikinagulat ng kanyang mga magulang.

“The following day, they were all surprised that a picture of me giving a flower to a soldier was printed on the front page of the Philippine Daily Inquirer,” ani Jell-o.

Ang larawang iyon na kuha  ni John Chua ay na-immortalize na sa reverse side ng P500 bill at maituturing na isang milestone ito para kay Jell-o.

Ayon sa nag-trending na ‘500-kid’, wala siyang ideya sa kabuluhan ng EDSA People Power nang mamigay siya ng bulaklak sa mga tao sa kalsada. Ngunit sa kanyang paglaki, napagtanto niya kung gaano kahalaga ang naging bahagi ka ng kasaysayan.

Kaya naman sa kanyang mensahe ay naipabatid niya sa netizens na , “The more I understood the significance of EDSA, the more I felt humbled and honored to be a reminder of that milestone in our history. It was a small act from an innocent boy but if it creates even just a small positive impact, I am glad to have been part of that.”

Ibinahagi rin niya sa Esquire na kakalipat lang niya sa US at pinaplano niyang kumuha ng post-grad course para maging nurse practitioner.

“I’ve just recently moved to the United States to work as a nurse. I am also planning to pursue a post-grad course to become a Nurse Practitioner. I spend my free time mostly with my relatives and friends and I love traveling,” pagbabahagi niya.

Samantala, mababasa sa mga komento ng mga kaibigan at kakilala ni Jell-o na sila man ay nagulat sa natuklasang espesyal na karanasan nito.

Pinasalamatan naman niya ang lahat ng mga nagbahagi ng kanyang kuwento. “Thank you. And to the countless article writers, facebook groups, and individuals who shared the story. God bless you all!”

Continue Reading

celebrity

Lolit Solis, may puna kay Bea: ‘Mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak’

Published

on

By

Muli na namang ipinagpatuloy ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account ang pagpuna laban sa aktres na si Bea Alonzo.

Pinuna ng beteranang showbiz writer si Bea na na-late ng dalawang oras sa kanyang Beautederm press conference.

Iginiit din niya na mukhang matanda, washed out, at mas malala ang pangangatawan ni Bea kumpara kay Marian Rivera kahit na may dalawang anak na ang huli.

 

Ayon kay Lolit, hindi karapat-dapat si Bea na maging endorser ng Beautederm dahil mukhang siyang matanda.

Sa kabila ng patuloy na pagpuna ni Lolit, patuloy pa rin naman ang tagumpay ni Bea bilang aktres at endorser. Mayroon din siyang  romantic life bilang girlfriend ni Dominic Roque. Hindi na rin umano pinapansin ni Bea ang lahat ng post ni Lolit laban sa kanya.

“Paano kaya ang gagawin ng Beautederm na pag-launch sa dalawa nilang endorser na sila Marian Rivera at Bea Alonzo, Salve. Kasi ang ganda ganda ni Marian Rivera kahit may 2 anak na, samantalang mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak.”

“Imagine mo na sa presscon lang kita mo na ang big difference ng dalawa, si Marian, advance ng kalahating oras, samantalang si Bea LATE ng 2 oras. Grabe ang difference ‘di bah! Kaloka! Eh mas sikat si Marian Rivera, mas maganda at mukhang bata pero hindi late dumating at hindi binigyan ng sakit ng ulo ang Beautederm, heto si Bea na parang starlet na lang ngayon, mukhang matanda, ewan bakit ghosting ni Gerald Anderson, at sa edad niya hangga ngayon wala parin anak pero mas maganda parin katawan ni Marian Rivera.”

“Parang hindi na bagay sa Beautederm si Bea Alonzo dahil sapaw siya sa beauty ni Marian. Saka dapat makakita na siya ng BF na hindi siya ghosting at pakasalan na siya dahil nagkaka edad na siya. Sana nga duon sa mga commercials nila na mukha siyang Tita ni Alden Richards mas maging mukha na siyang bata at fresh looking,” pagpapatuloy pa nito.

“Hay naku, lahat ng make up artists ipatawag na para mag ayos kay Bea at sana huwag ng sita ma late ha, sumakit ang ulo ng mga writers sa paghihintay sa kanya, at Bea Alonzo, huwag ka ng magpagod ipa-cancel kami nila Gorgy at Salve, hindi namin pinangarap maghintay ng 2 oras sa isang starlet na tulad mo noh! Kalokah,” pagtatapos nito sa kanyang IG pos.

Sa isang ulat ng PEP noong Mayo 3, tinanong umano siya ni Ogie Diaz kung ano nga ba ang tila galit niya kay Bea, ngunit hindi raw nito alam. Pero pag-amin naman ni Manay Lolit, masama umano ang loob nito sa manager ni Bea na si Shirley Kuan, na nagkataong kasamahan ni Lolit  sa PAMI  o Professional Artists Managers, Inc. Bagamat tapos na raw iyon, tila hindi pa handa si Manay Lolit na tigilan na ang kapupuna sa girlfriend ni Dom ano?

Continue Reading

Trending