Connect with us

Social News

Big-hearted? Inampong inang pusa na may tatlong kuting, umampon pa ng malaking daga

Published

on

Isa ka rin bang pet lover? May mga alaga ka rin bang pusa? Well, isang pet owner ang ‘nanermon’ sa kanyang alagang pusa na may tatlong kuting.

Ayon sa isang cat owner patungkol sa kanyang alagang mother cat, “Tatlo na ang anak mo, nagdagdag ka pa…” ngunit ang mas ipinagsisintir ni bossing, ang inampon ng kanyang alaga ay isang daga na kasinlaki rin ng kanyang mga kuting!

Imahe cia Jixson Piojo / Facebook

Nag-viral sa social media ang ibinahaging video post ng netizen na si Jixson Piojo sa page ng Cat Lovers Philippines. Umabot na sa mahigit 4.2K views at umani na ng 25K reactions ang video. Sa dami ng naaliw ay nai-share na ito ng mahigit 33,000 times.

Maririnig ang panenermon ng pet owner kay Kulit, ang inampon niyang pusa na mayroon nang tatlong supling. Aniya, “Daming aampunin, daga pa o…” habang lumalapit sa kanya ang alaga. “Tatlo na ‘yung anak mo nag-ampon ka pa ng daga.”

Katabi ng inang pusa sa bilao ang mga kuting pati ang daga na tila prenteng-prente sa kanyang kinalalagyan. At nang sitahin ni Jixson ang pusa, makikitang tila inaabot pa nito ang kamay ng amo at ayaw yatang mapagsabihan siya. Pinaalis daw ni Jixson ang daga ngunit bumabalik-balik ito sa mag-iina. Aba, talagang feeling niya ay ‘belong’ siya sa cat family?

Imahe via Jixson Piojo / Facebook

Baka laos na ‘yung kuwento na mortal enemies ang pusa’t daga? Bati na ba sina Tom at Jerry? O sadyang malaki lang talaga ang puso ni mother Kulit kaya’t siya’y naaawa ke daga?

Sa dami ng naaliw ay umabot na sa mahigit 3,400 ang comments. May nagsabi pa na “Reserved meal” daw ang daga kaya hindi ito inaaway ni Kulit.

Opinyon ng isa pa, “Gusto niya lang nman daw bigyan ng kalaro mga anak niya..saka mabait naman daw yan, wag kang ano…Kita mo di ba, feel na feel nung daga akala niya talaga belong siya sa family.”

“Ulila siguro yang daga na yan. Nakakita siya ng pamilya kay pusa… love love love lang daw,” hula naman ng isang commenter.

Nakaabot na sa Kapuso network ang nakaaaliw na kuwento ng viral na pusa:

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Inspiring

Basketball player, iniwan ang career sa PBA para maging truck driver sa Canada

Published

on

By

Isang dekadang inalagaan ni Tristan Perez ang pangarap niyang makapaglaro bilang professional basketball player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Natupad ang pangarap na iyon ni Tristan nang kunin siya ng Blackwater Elite team noong 2016, subalit sa loob lang ng isang taon bilang professional basketball player ay nagdesisyon siyang iwan ang PBA career niya upang makapiling ang asawa sa Canada.

“Ganoon talaga, may pangarap ka, minsan talaga may isa sa inyo na mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” paglalahad ni Tristan.

Sabi niya, tinimbang niyang mabuti ang kanyang mga options  bago nagdesisyon na sundan sa Alberta, Canada ang asawang si Princess Jhameel, kung saan ito nagtatrabaho. Pinag-isipan daw niya iyon nang ilang ulit.

“I weighed my options well. I thought it many times over. My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA – assuming I play long in the league,” aniya.

Mas pinili raw niya ang Canada kaysa sa PBA dahil ang magbebenepisyo ay ang future ng kanilang mga anak.

“Mas pinilli naming mag-Canada kasi ang daming benefits na maibibigay sa future ng mga anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future. Buo na ang desisyon ko, eh. Hindi ako basta-basta magdedesisyon na hindi ko paninindigan eh,” paliwanag niya.

Tatlong taon na rin si Tristan bilang truck driver sa Canada. Napamahal na raw sa kanya ang trabaho dahil exciting daw ang pagmamaneho ng malalaking truck sa Canada.

“Napamahal na ako sa trabahong ito. ‘Yung trabaho ko parang hindi siya nakakainip, parang ang dami niyang challenge. Risky siya, pero doon ako nag-e-enjoy, eh, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba’t ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo,” ani Tristan.

Kuwento niya, ang misis niya ay school driver naman.

Aniya, malayo man ang pagiging truck driver sa dati niyang propesyon bilang professional basketball player sa PBA, kakaiba raw ang feeling niya dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.

Continue Reading

Social News

“Ilang ektarya ba yan?”: Xian Gaza gusto nang ‘bilhin’ ang lupang kinatitirikan ng mangga

Published

on

By

Hindi pa rin yata humuhupa ang ngitngit ni Xian Gaza sa nangyari kay Lolo Narding na nakulong matapos ipapitas ang mangga mula sa punong nakatayo sa katabi ng kaniyang lupa.

Matapos bigyan ng babala ang taong nagsampa ng reklamo, pati na ang pipirma sa release order ni Lolo noong nakaraang araw, ngayon naman ay nais bilhin ng kontrobersiyal na negosyante ang lupang kinatatayuan ng ‘makasaysayang’ mangga.

BASAHIN: Xian Gaza binalaan ang nagsampa ng kaso laban kay Lolo Narding: “Hahanapin kita, kumapit ka na”

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes kung saan tinukoy niya ang caretaker ng lupa, mistulang nanggagalaiti pa rin si Gaza at gusto na nitong bilhin ang property.

“Sino ba may-ari ng lupa na yan? Nasa abroad ba? Sa kanya nakapangalan? Ilang ektarya ba yan? Naka-SPA ka ba?” sunod-sunod na tanong ng social media personality.

“Magkano per sqm? 100 pesos? 150? Bilhin ko na lang para wala ng issue sa lintek na puno ng mangga na yan,” wika pa nito.

Pansamantala nang nakalaya si Lolo Narding matapos makapagpiyansa nitong Huwebes, subalit ang arraignment para sa kaniyang kaso ay itinakda sa ika-8 ng Pebrero.

BASAHIN: 80-anyos na lolong nakasuhan dahil sa mga pinitas na mangga, nakalaya na

Nagpaliwanag na rin ang Asingan PIO na nasa maayos na kalagayan si Lolo Narding at inalagaan ito ng kapulisan nang nasa kustodiya pa nila ang 80 anyos na matanda. Humingi rin sila ng dispensa sa may-ari ng property na katabi ng lupa ni Lolo at sa caretaker nito.

“Huwag din po sana natin i-bash ang may ari ng lupa at ang caretaker nito, sa katunayan sila pa ang nagpupursige na mapawalang-bisa ang inihain na reklamo,” ayon sa Asingan PIO.

Samantala, nagbahagi rin ng saloobin si Xian Gaza hinggil sa kung bakit raw ganun ang nangyari kay Lolo Narding.

Aniya, “Kasi yung pera na pang-areglo niya sa caretaker ng lupa ay sobrang barya.”

Pangalawa umano ay dahil ‘wala siyang (Lolo Narding) pambayad sa abugado tapos umusad ang kaso hanggang sa naissuehan siya ng warrant of arrest.”

“Kasi hindi siya makapangyarihan kaya dinampot at inaresto siya ng mga pulis sa kabila ng kanyang edad,” dagdag pa ng negosyante.

Masakit man umanong isipin pero ang mundong ito ay sadyang pabor lamang sa mayayaman at makapangyarihan.

‘Kung nababasa mo ‘to at isa kang dukha, you only have 2 options in life: Either manatili kang mahirap at magreklamo nang magreklamo kung gaano ka-unfair sayo ang mundo, or magpursigi kang makatawid sa kabilang dako hanggang sa ika’y maging mayaman kagaya nang ginawa ko. The choice is yours,” pangwakas na payo ni Xian.

Continue Reading

Social News

‘Mahal kita’: Co-founder ng NFT game na Axie Infinity nagpahayag ng pagmamahal sa Pilipinas

Published

on

Sa gitna ng kasalukuyang pagbaba ng value ng Smooth Love Potion (SLP) o ang nakukuhang token sa non-fungible token (NFT) game na Axie Infinity, nagpahayag ng pagmamahal sa Pilipinas ang co-founder ng game na si Jeffrey “Jiho” Zirlin.

axie infinity

Sa wikang Filipino, ipinahayag ni Jiho ang pagmamahal niya sa bansa kung saan malaking porsyento ng nag-invest sa kanilang NFT game ay naroroon.

“Mahal kita,” saad niya sa isang tweet, kasabay ng paglalakip ng Philippine flag emoji.

Ikinatuwa ng mga Pinoy member ng Axie Community ang pakiramdam nila ay pakikisimpatiya ng co-founder sa mabababang value ng SLP. Nagpahayag din sila ng pagmamahal at suporta sa laro at sa mga nasa likod nito.

Saad ng isa, “Never mind the haters, Sir, just keep pushing, we will support you and the game all the way. Go, go, go! May God bless all the people behind the success of Axie Infinity.”

“Still believing with Axie Infinity. I’m far from my ROI (return of investment). Getting stressed with the arena, but I still enjoy playing it. I’m looking forward to the things that will unfold this year,” wika naman ng isa.

axie infinity

May mga nagpahayag din ng pagkadismaya at humimok sa kanya na gumawa ng paraan para tumaas muli ang value ng token na noon ay halos umabot na sa P20 ngunit ngayon ay hindi man lang umaabot ng piso.

Mayroon din namang nagbigay ng payo sa mga kapwa player kung ano ang magandang gawin sa mga sandaling ito.

axie infinity

Matatandaang kalagitnaan noong nakaraang taon nang magkaroon ng hype sa bansa at magsimulang mag-invest sa play-to-earn game na Axie Infinity sa kabila ng libo-libong piso na kailangang gastusin para magkaroon nito. Habang marami ang umasenso at kumita nang malaki, marami rin ang hindi pa rin nakababawi ng puhunan hanggang sa ngayon dahil sa pagbaba ng halaga ng SLP.

Ikaw, isa ka ba sa mga nag-invest sa Axie Infinity? Anong naramdaman mo nang mabasa ang tweet na ito?

Continue Reading

Trending