Connect with us

Food

Business owner naglabas ng hinaing kaugnay sa matagal na pagre-remit ng isang food delivery service sa kanilang sales

Published

on

Naglabas ng hinaing sa pamamagitan ng isang Facebook post ang isang business owner, ang ‘Mama Dith’s’, isang Filipino restaurant sa Antipolo City sa kanyang kasosyo kaugnay sa matagal na pagre-remit ng pinakamalaking food at grocery delivery platform sa Asya na Foodpanda sa kanilang sales.

Screenshot mula sa Facebook | Mama Dith’s

Napansin n’yo siguro na simula noong Disyembre 2021 ay lagi silang naka-close sa app na Foodpanda.

“Dahil ‘yan sa hindi nila PAGREMIT NG SALES ko nung NOVEMBER,” ani ng business owner sa post.

Kuwento pa ng may-ari ng restaurant, ‘yung dalawang linggo bago nila makuha ang kanilang pinaghirapang kinita ay umabot pa ng dalawang buwan.

“Hindi na nga kami nagrereklamo sa 2-week payment scheme (yes, dalawang linggo pa bago namin makuha yung kita ng pinaghirapan naming i-prepare at lutuin para sa inyo), aba, naging 2 months pa!” aniya.

Nagtataka ang may-ari, pagkat kumpara umano sa Grab na araw-araw namang nagre-remit sa kanila, ang Foodpanda ay inaabot pa ng matagalang pag-remit sa kanila.

“Grabe, ‘no? Sa GRAB, araw-araw sila nagreremit samin (Go Grab!). Bakit niyo nga ba tinatabi nang 2 weeks pera namin. Bangko yarn?” dagdag pa niya.

 

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Halos kainin na umano ng Foodpanda ang profit margin sa sales ng restaurant.

“Para sa small business na tulad ko, pumayag ako sa 27% commission nila before pandemic (kahit na halos kainin na ang profit margin namin!), pero starting June 2021, nagsimula na rin sila maningil ng additional 12% para daw sa tax nila plus P1K++ AGENCY FEES (???) daw na wala naman sa original contract! SO, ANO NA LANG NATIRA SAMIN?” aniya.

“Di ba nga, “partners” daw kami? Eh bakit pag kaming mga vendors ang may problema sa app or remittance nila, through email or chat lang sila pwede i-contact? Pero pag sila may problema sa amin, aba, kung makatawag at demand, grabe! At kapag nadetect pa na nakaclose store mo, talagang kukulitin ka sa mga automated calls,” dagdag pa niya.

“Ilang beses namin sila in-email at chinat sa chat support platform for almost two months. Laging sagot “iimbestigahan” daw nila. Buti na lang recently naisipan ko isama sa email yung DTI. Ayun, binigay agad nila! Akalain mo yun!? Takot sila sa DTI pero sa vendors WALA SILANG PAKE!”

Dahil sa ganitong sistema ng Foodpanda ay itinigil na umano ng business owner ng Mama Dith’s ang pakikipagsosyo at pagtangggap ng orders sa kanilang app noong Disyembre 2021.

“Kaya tuluyan na rin namin ititigil ang ONE-SIDED “partnership” kuno sa FOODPANDA. Kawawa ang small business owners,” aniya.

“Kung nais niyong mas masuportahan ang mga small business owners tulad namin, through DINE-IN, GRAB, or for pickup na lang ha!” paalala ng may-ari ng restaurant.

Sa isa pang post ay nagpahayag lalo ng sama ng loob ang may-ari: “Tapos after kami pagkakitaan… tatawagin kaming ZOMBIE!!! ABAY!!!”

Sa comments section ay may screenshots ng iba pang businessed na nagpahayag din ng pagbitaw sa naturang delivery service. Mayroon ding mga hinaing na lumabas kaugnay sa delivery riders.

Umabot na sa mahigit 10K ang mga komen to at 24K naman sa shares.

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Food

Batang kalye at magbobote noon, matagumpay na negosyante na ngayon

Published

on

By

May tropa ba kayong malayo-layo na ang narating kumpara sa dating pagkakakilala n’yo sa kanya? Kagaya na lang ng isang batang kalye noon na ngayon pala ay negosyante na!

Hindi mo marahil aakalain na darating ang malaking pagbabago sa buhay ng isang dating kakilala. Si  Roy Carlo Villegas ay isa lamang magbobote noon pero ngayon may-ari na siya ng isang restawran na naghahain ng Bulalo sa banga  at ng Uncle Roy’s Burger na matatagpuan sa Calamba, Laguna.

Si Roy Carlo Villegas ay ipinanganak umano na mayaman pero naghirap sa isang iglap ang kanyang pamilya. Isa-isang nawala ang kanilang tatlong maid. Kalaunan ay palagi namang wala ang kanyang ina sa kanilang bahay at ‘di nagtagal ay napabayaan na siya at naging batang kalye at magbobote sa lansangan.

Binigyang-kalinga naman siya ng mga Good Samaritan at inampon siya ng mga ito.

Hindi nagtagal ay naging basketbolista si Roy at nagdala ito ng pagbabago sa kanyang buhay.

“Noong na-discover na ako na naglalaro ako ng basketball, noong grade 5. Dinala niya ako sa Manila, pagkadala niya sa akin sa Manila, nagustuhan agad ako ng kung ano-anong team,” kuwento niya na ang tinutukoy ay ‘yung umampon sa kanya.

Para masuportahan ang kanyang pamumuhay, binibigyan siya ng mga ito ng tig-20 pesos kada magsusuweldo sila sa U.E. Para naman sa kanyang dagdag pera, siya mismo ang naglilinis ng mga sapatos ng mga ito. Kalaunan ay nagtrabaho siya bilang isang basketball coach.

Nag-resign si Roy Villegas sa kanyang trabaho para magsimula ng burger business gamit ang isang lumang kariton sa puhunang P5,000. Kaya lang, halos wala siyang kinita sa unang tatlong buwan. Pero hindi siya tumigil mangarap at nagsikap pa siya nang maigi.

Hindi naglaon ay dumating ang kanyang big break. Sumigaw ng pa-order ang sikat na banda na Parokya ni Edgar na nagkataong may event malapit sa kanilang lugar at bumili sa kanya ng 20 pirasong burger.  Dahil nagustuhan ng banda ang burger ni Roy, makalipas ang apat na oras ay bumalik ang manager ng Parokya ni Edgar at nasa 80 piraso ng burger na ang binili nito.

Labis naman ang tuwa ni Roy nang makabenta siya nang marami nang araw na ‘yon. Naipost niya ang pasasalamat sa sikat na banda at tila naging hudyat iyon ng mas magandang future sa pinasok niyang pagnenegosyo.

Nakapag-eksperimento siya ng iba’t ibang putahe hanggang sa maging hari ng kusina sa sariling negosyo.

Ang mga bida niyang luto ay Gourmet burger at bulalo.

Mula sa karag-karag na burger cart ay nakapagpatayo na si Roy ng dalawang restaurant at balak pa niyang mag-expand.

Sa kanyang panayam sa MyPuhunan, tinanong siya ng host na si Karen Davila, isang kilalang journalist, kung ano ang susi sa kanyang tagumpay.

Ang susi ng tagumpay ko ay be honest, always. Be honest to yourself especially. Don’t be hesitant. No doubt ka dapat sa lahat ng haharapin mo. ‘Pag naisip mo, find a way kasi malay mo ‘yung inisip mo na ‘yun could make a difference,” sagot naman ni Roy.

Malayo na ang narating ng dating batang kalye. Gayunpaman ay hindi siya nakalilimot sa mga taong tumulong sa kaniya upang matupad ang kanyang mga pangarap.

Masaya naman siya na binabalikan ang hirap ng nakaraan; sa kabila ng pait ay pinili niyang magpatawad sa kanyang ina na nang-iwan sa kanya.

Kumikita ng P300,000 kada buwan si Roy at naipatayo na rin niya ang kanyang dream house, nakabili ng mga kotse, at nakaluluwag na sa buhay.

Naitampok ang success story ni Roy sa Unang Hirit ng GMA News and Public Affairs noong October 2021. Kamakailan ay sa Kapamilya network naman siya na-feature:

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN News (@abscbnnews)

Continue Reading

Food

Pambihira! Mexican restaurant kayang mag-serve ng order sa loob lamang ng 13.5 segundo

Published

on

Isa ka ba sa mga taong maiikli ang pasensya pagdating sa paghihintay ng order sa restawran? Ayaw na ayaw mo ba na naaantala ang pagdating sa iyo ng pagkaing gustong-gusto mo nang matikman o kailangang-kailangan mo na dahil nalilipasan ka na ng gutom? Kung ganoon, tiyak na ikatutuwa mo ang serbisyo sa isang Mexican restaurant na kayang mag-serve ng order sa loob lamang ng 13.5 segundo.

mexican restaurant 13.5

Screenshot mula sa Karne Garibaldi | YouTube

Tama ang nabasa mo. Totoong 13.5 segundo ang pinakamabilis na serving time sa sikat na kainan sa Guadalajara, ang Karne Garibaldi. Sa katunayan, dahil dito ay nakuha nito ang “Guinness World Record for fastest service” at hawak na ang titulong ito simula pa lamang noong 1996.

Ayon sa isa sa mga namamalakad sa nasabing restawran, nagsimula raw ang napakabilis nilang serbisyo sa simpleng katuwaan lamang sa pagitan ng kanilang mga waiter na nagpapaligsahan kung sino ang pinakamabilis mag-serve ng pagkain sa kanilang mga suki.

“It began as a game between the waiters to see who could bring the food to each table the fastest,” kuwento ni Daniel Flores, ang manager ng pinakamalaking branch ng Karne Garibaldi, sa isang panayam sa VICE. “That competition led to us attempting the Guinness Record.”

mexican restaurant 13.5

Screenshot mula sa Karne Garibaldi | YouTube

Pagkalipas ng mahigit dalawa at kalahating dekada, naging bahagi na ng sistema ng nasabing restawran ang kakaibang bilis ng mga nagtatrabaho rito. Karamihan sa mga pagkaing isini-serve ay naihahain sa customer sa loob lamang ng isang minuto.

“Waiters, captains, cooks, and all of our Karne Garibaldi staff are the soul of our kitchen,” saad ni Laura Mariaud, head of digital communications ng Karne Garibaldi, sa isang panayam sa Yahoo. “Therefore, the speediness of our waiters is not all that matters to make our service the fastest of all. Of course, we train our staff to learn how to be efficient, but there’s a whole process behind the preparation of the food that allows the workflow to be fast and effective. This is how our service turns into a production chain that makes the waiter serve in the fastest way possible to our customers.”

mexican restaurant 13.5

Screenshot mula sa Karne Garibaldi | YouTube

Continue Reading

Food

Adobo at Sisig kasama sa “100 Best Dishes in the World”

Published

on

By

Ang Adobo, baboy man o manok, ay paboritong ihain sa hapag kainan ng mga Pinoy sa anumang okasyon. Para sa marami, ang adobo ang pambansang ulam. Ang Sinigang ang katunggali nito sa naturang titulo.

Image from Taste Atlas

Ang Sisig naman na karaniwang ginagawang pulutan sa mga inuman ay napakasarap ding i-ulam sa kanin lalo na kapag binasagan ito ng itlog sa ibabaw habang mainit pa ang karne na kalimitang mula sa bahagi ng ulo ng baboy – ang tenga, panga at pisngi.

Hindi katakataka na mapabilang ang dalawang masasarap na ulam na ito sa listahan ng “the best” na pagkain sa buong mundo.

Ang Adobo ay nasa ika-81 na puwesto ang adobo sa 100 Best Dishes in the World of 2021 ng Taste Atlas, isang online culinary guide na nagha-highlight ng mga cuisines mula sa iba’t ibang bansa.

Binigyan ng Taste Atlas ng rating na 4.3 ang Adobo.

Adobo is the closest thing to a national dish in the Philippines, consisting of seared and browned chunks of meat, seafood, fruit, or vegetables mixed with white vinegar or soy sauce (or both), bay leaves, garlic, salt, sugar, oil, and black pepper.

 The combination of these ingredients is left to simmer over low heat, resulting in succulent, juicy, and tender ingredients covered in thick, rich, and savory sauce. Adobo got its name from the Spanish word adobar, meaning marinade or pickling sauce.

 Mas mataas ng kaunti ang rating ng Sisig kaysa sa Adobo – 4.4 at nasa ika-72 puwesto ito sa 100 Best Dishes in the World of 2021.

Image from Taste Atlas

Sisig is a popular Filipino dish made by boiling, chopping, and grilling parts of pig’s head such as ears, cheeks, and jowls, which are then seasoned with salt, pepper, and vinegar. The meat is combined with fried onions, sili, and chicken livers, and the whole concoction is traditionally topped with a raw egg.

 The name of the dish is believed to derive from the word sisigan, meaning to make sour. It was used as an early remedy for nausea and hangovers, because its sour flavor was considered a vomit suppressant, and that is why today sisig is almost always paired with an ice-cold beer on the side.

 Ang numero uno sa listahan ng Taste Atlas ng 100 Best Dishes in the World ay ang “Cochinita Pibil” mula sa Mexico.

Image from Taste Atlas

  

Continue Reading

Trending