Connect with us

News

Caretaker nakatatanggap na raw ng banta; nakiusap na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon

Published

on

Nakiusap ang caretaker ng lupang kinatitirikan ng mangga sa Asingan, Pangasinan na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon hinggil sa kaso ni Lolo Narding.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na humarap sa media ang caretaker na si Robert Hong na siyang nagsampa ng reklamo kay Lolo Narding.

Ani Hong, tatlong beses na raw silang nagharap sa barangay ng matanda subalit nagmatigas umano ito.

BASAHIN: Lolo Narding tatlong beses humingi ng paumanhin sa caretaker, batay sa record ng barangay

Nilinaw niya rin na 10 kaing, at hindi sampung kilo ang napitas na mangga sa punong nakatayo sa binabantayan niyang lupa.

Wika pa ni Hong, handa na sana siyang iurong ang kaso subalit nagulat na lang daw siya nang maglabas ng arrest warrant ang Asingan police at hinuli si Lolo Narding.

“Sinabi naman sana niya, ‘Ito na lang ang natira sa napagbentahan ko. Patawarin mo ako kung ano yung nagawa kong kasalanan at hindi ko na uulitin.’ E ‘di maluwag sa loob ko na hindi ko na itutuloy yung kaso,” kuwento ng caretaker sa Balitang Amianan ng GMA News.

Dahil sa nag-viral ang kuwento ni Lolo sa social media, umani ito ng simpatiya sa maraming netizens.

Nanawagan naman si Hong na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa kaso dahil nakatatanggap na raw sila ng pagbabanta mula sa mga netizens at nadadamay na rin ang kaniyang pamilya.

Iginiit naman ng anak ni Hong na nais nilang sa korte na lamang humantong ang kaso upang malinawan ang mga tao sa tunay na nangyari.

“Willing naman po talaga kami… sa korte na lang po. Kasi gusto lang po talaga namin malinawan po lahat ng tao, lalo na po sa social media, ‘yung sa part po namin. Dapat hindi sila naging one-sided,” ayon sa anak ng caretaker.

Plano namang humingi ng proteksiyon ng pamilya Hong mula sa mga awtoridad dahil sa mga natatanggap na banta.

Tunghayan ang buong ulat (simula 5:39):

News

Tricia Robredo on netizens making Martial Law jokes: ‘Please stop’

Published

on

By

Vice President Leni Robredo’s daughter Dr. Tricia Robredo called on netizens who are making jokes out of Martial Law abuses to stop.

In a tweet, Tricia reacted to a screenshot of a comment made by someone pretending to be her on New York University’s graduation live stream.

“I’m not sure what bothers me more: being impersonated on the comments section of the live stream of my sister’s graduation or people thinking that this is something to joke about. Hindi nakakatawa at hindi nakakatuwa. Pakiusap – please stop,” Tricia said.

She added that people should not throw jokes about Martial Law atrocities.

“You’re concerned about historical revisionism but you joke about nutribun and red-tagging, as if these are things to be taken lightly. I will never reduce the atrocities of Martial Law for clout and entertainment. Neither should you,” she added.

VP Robredo is currently with her daughters in New York to attend her youngest Jillian’s graduation. She earned a Bachelor of Arts degree with a double major in Mathematics and Economics.

[RELATED: VP Leni Robredo to attend daughter’s graduation; assures smooth turnover to successor]

VP Robredo said they will be away for a few days “to spend time with family and take a well-deserved rest.”

“This is the first time since my husband died in 2012 that we will be travelling again as a family with no work to take care of. We are sorry if we cannot accept the numerous requests for meet ups. We will do that some other time in the future. For now, we just need to spend as much time together,” she said.

Continue Reading

News

VP Leni Robredo to attend daughter’s graduation; assures smooth turnover to successor

Published

on

By

Vice President Leni Robredo is set to fly to New York to attend her youngest daughter Jillian Robredo’s graduation.

“We will be gone for a few days just to spend time with family and take a well-deserved rest before all of us restart the lives we put on hold,” she said in a Facebook post.

VP Robredo added that this is the first time since she lost her husband Jesse Robredo in 2012 that they will be taking a vacation without thinking about work.

“We are sorry if we cannot accept the numerous requests for meet ups. We will do that some other time in the future. For now, we just need to spend as much time together,” she said.

She also apologized for not being able to answer messages and referred urgent concerns to her Chief of Staff Usec Boyet Dy.

Meanwhile, she said her Office of the Vice President (OVP) family is taking care of the preparations in order to ensure the smooth turnover of the office to the next Vice President.

Davao City Mayor Sara Duterte kept her lead in the latest Comelec transparency server data.

Meanwhile, VP Robredo assured that she is on top of the preparations for the launch of the non-government organization Angat Buhay.

During her thanksgiving gathering at the Ateneo de Manila University last Friday, VP Robredo reminded her supporters to wipe their tears when they are done crying because they have work to do.

“Payagan ang sariling lumuha. Pero ‘pag handa nang pahiran ang luha, pagpagin ang sarili. Tibayan ang puso. Dahil may trabaho pa tayo,” she said.

Angat Buhay is set to be launched as an NGO on July 1.

“Hindi tayo mamimili ng tutulungan. Wala tayong tatalikuran. Ipapakita natin ang buong pwersa ng radikal na pagmamahal,” she said.

Continue Reading

News

Isko Moreno tututukan ang trabaho, OK sa P750 na minimum wage

Published

on

By

Noong Labor Day May 1, sinabi ng Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na tututukan niya ang paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga mamamayang Pilipino sakaling manalo siya sa pagkapangulo.

“Importante ‘yun na makapagtrabaho ang tao dahil maraming nawalan ng trabaho,” sabi ni Moreno sa isang chance interview.

Ayon sa Aksyon Demokratiko standard-bearer, hangad din niyang taasan ang standard wage ng mga manggagawa.

“‘Yun bang suweldo ng manggagawa sapat ipamuhay sa kanyang pamilya o kaya ‘di ba sabi ko bababaan ko ang buwis ng kuryente, bababaan ko ang buwis ng krudo para mapamura ang bilihin,” ani Mayor ng Manila.

Nang tanungin kung pumayag siya sa mungkahing P750 na minimum na sahod, sa ngayon ay okay naman daw, “for now.”

“Basta ngayon, okay tayo diyan kung kakayanin ng mga negosyante,” sabi ni Moreno.

“Meron akong isang approach. Mabuhay ang negosyo… ‘wag na magsara, maka survive ang negosyo, makadagdag ng trabaho, tapos dahil kulang na ang suweldo ng tao, babaan ko ‘yung mga presyo ng pangunahing bilihin at gastusin ng tao.”

Aniya, kapag naipasa na ito ng bansa, titingnan niya ang pagwawakas sa kontraktwalisasyon at paglikha ng mga permanenteng trabaho.

“But for now, unawaan eh,” dagdag pa ng tumatakbong pagkapangulo.

Vilma-Ralph endorsement

Samantala, sinabi ni Moreno na nananatili sa kanya ang suporta nina Senator Ralph Recto at Deputy Speaker Vilma Santos-Recto.

Sa isang ulat, hiningan siya ng komento tungkol sa courtesy visit ng presidential rival at Vice President Leni Robredo sa mag-asawang Recto.

“Hanggang ngayon naman. Ganon talaga ang mga disenteng tao na marunong tumanggap ng bisita. And I’m proud of Senator Ralph Recto and Congresswoman Vilma Santos. I’m very proud of them na marunong silang tumanggap ng bisita,” ayon kay Moreno.

“It shows character eh. So I’m really proud of [the] Isko Moreno supporters, mga ordinaryong tao, kasi sila hindi nakikipag away, nakikinig, pero firm sa kanilang paniniwala,” dagdag pa niya.

Sinamahan ni Recto si Moreno sa kanyang mga aktibidad sa pangangampanya sa Batangas, kung saan ang huli ay dumalo pa sa rally ng Team Bagong Lipa ni Recto sa Lipa bilang panauhin.

Continue Reading

Trending