Connect with us

News

Carlos Laurel na kasama ni Poblacion Girl sa bar, lumantad at nagbigay ng pahayag

Published

on

Isa sa labinlimang close contacts ni Gwynette Chua na tinaguriang ‘Poblacion Girl’ ay lumantad na sa publiko at nagbigay ng opisyal na pahayag.

Si Carlos Laurel, isang modelo at aspiring politician sa Batangas, ay isa sa kasama ng kontrobersyal na si Poblacion Girl sa isang bar sa Makati.

Image fromP EP

Ilan sa kanilang magkakasama ang nahawa ng covid kay Poblacion girl, subalit masuwerteng hindi siya kasama sa mga iyon.

Sa isang litrato na kuha sa bar ay makikitang katabi ni Carlos si Gwynette Chua.

Narito ang pahayag ni Carlos:

Ako po ay nag-isolate kaagad noong nalaman ko na nagkaroon ako ng exposure sa isang tao na nag-positive para sa coronavirus. Makalipas ang pitong araw mula sa posibleng exposure date ay nagpa-test agad ako (RT-PCR) at negative ang naging resulta nito.

 “Dahil dito, lubos po ang aking pasasalamat sa ating Poong Maykapal at sa kasiyahan na makikita at makakasama kong muli ang ating mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan. Aking laging ipinapa-alala ang kahalagahan at ang pagsunod ko sa minimum public health standards at agarang pagbabakuna na siyang nagbigay ng dagdag na proteksyon sa akin.

 “Muli, ang inyo pong panalangin, pag-aalala at malasakit ay aking taos-pusong pinahahalagahan. Ramdam ko po ang inyong pagmamahal at buong tiwala sa akin. Isang ligtas at mabiyayang Bagong Taon sa ating lahat”

Image from Philnews

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), pito sa labinlimang close contacts ni Poblacion Girl ang nagpositibo sa virus at isa sa kanyang secondary contacts ang nahawahan din nito.

“Talaga pong naging superspreader event ang paglabas-pasok ni ‘Poblacion girlsa kanyang quarantine hotel,” sabi ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

Ipinahayag naman ni DILG Secretary Eduardo Año na kakasuhan si Poblacion Girl ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act of 2018 na may multang mula P20,000 hanggang P50,000 o pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan o pareho batay sa desisyon ng korte.

Si Poblacion Girl ay tinatawag ngayon bilang ang “face of omicron” dahil sa ginawa niyang pagtakas sa quarantine hotel para mag-party na sanhi ng pagkakahawa ng maraming taong nakasalamuha niya.

Image from DILG

 

News

Gov. Jonvic Remulla sa mga bumabatikos sa pagpanig kay Bongbong Marcos: Everyone is free to choose

Published

on

By

Pinanindigan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pahayag na naniniwala siyang nakatadhanang manalo sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos.

“Maraming letga sa huling post ko kung saan sinulat ko na mananalo si BBM sa Cavite. Maraming letga sa aking pananaw na ginuhit ng tadhana na maging Pangulo si BBM. Maraming letga sa aking impresyon na panahon na ni BBM bilang susunod na lider ng bansa,” ani Gov. Remulla sa isang post.

Sa kabila nito ay pinaninindigan niya raw ang kaniyang paniniwala at hindi raw siya hihingi ng paumanhin sa kahit sino.

“To all those who reacted (special mention to the first time visitors of the page who dropped by just to make their feelings known), let me make one thing clear: I am owning up to my words. I will never apologize to anyone for what I wrote or what I believe is the most likely outcome,” sabi niya.

Basahin: ‘It’s his destiny’: Cavite Gov. Jonvic Remulla naniniwalang mananalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

Ayon pa kay Gov. Remulla, mahalaga para sa kaniya na marinig ang iba’t ibang panig sa usaping politika. Masaya rin umano siyang makitang marami ang nagmamahal sa bansa.

“I welcome hearing all sides – even with the extreme emotions and expletives. It only proves one thing: We all care about our country. Sa galit at gayak pa lang ay nakikita ko na marami pa rin ang nagmamahal sa bansa,” paliwanag niya.  

“To everyone, thank you very much for the feedback. It gives me a great sense of hope that our love for the country remains steadfast and the virtues we want in our leaders are precise and clear.”

Paalala niya rin, ang bawat isa ay may karapatang pumili ng lider.

“Let the final arbiter be the people. Meanwhile, everyone is free to choose sides. Let’s choose the issues that matter. Most importantly, let us choose our leaders wisely. Every vote counts. For every vote is a win for our democracy. It’s a win for our future.”

Continue Reading

Money

P142-M jackpot sa lotto napanalunan ng mananaya mula Leyte

Published

on

By

Isang mapalad na mananaya sa Leyte ang mag-uuwi ng mahigit P142-M na jackpot prize sa Lotto 6/49.

Sa draw na ginanap nitong Linggo, Enero 16, masuwerteng natamaan ng mananayang taga-Abuyog, Leyte ang lumabas na mga numerong 02-05-04-31-01-46.

Ito ay may kaakibat na premyong nagkakahalaga ng P142,679,606.40, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binati rin ng PCSO sa kanilang Facebook page ang masuwerteng bettor at pinakabagong milyonaryo.

Bukod dito, 14 na bettors din ang tamang nakahula ng limang numero mula sa anim na lumabas. Sila ay mag-uuwi ng P50,000 kada isa bilang second prize.

Noong nakaraang araw, isa ring bettor mula sa Albay ang nanalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng mahigit P65-M.

Noong Biyernes, Enero 15, ginanap ang bola kung saan lumabas ang mga numerong 39-29-09-21-19-20. Napanalunan ng mapalad na Bicolano ang kabuuang gantimpala na nagkakahalaga ng P65,991,571.

Ang masuwerteng tiket ay binili umano sa Tabaco City, Albay.

Ito na ang pang-apat na beses ngayong buwan na ang jackpot prize ay napanalunan ng nag-iisang bettor.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/55 na may kasalukuyang jackpot na P49,500,000. Sa bola nito ring Linggo, lumabas ang mga numerong 13 – 34 – 17- 41 – 58 – 53.

Ang premyong mahigit sa P10,000 ay kakaltasan ng 20 porsiyentong buwis bilang pagsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Para sa mga nanalo, maaari lamang silang magtungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City bitbit ang kanilang winning ticket.

Continue Reading

News

Lalaking nagpresenta ng fake na RT-PCR test result, COVID-positive pala

Published

on

By

Imahe mula sa Check Point Blog

Isa na namang pasaway na balikbayan ang hindi sumunod sa mandatory quarantine protocol para sa mga umuuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, isang lalaking galing Australia ang nagpumilit na umalis sa kaniyang hotel na tinutuluyan kahit hindi pa lumalabas ng resulta ng RT-PCR test.

Dumating umano sa bansa ang nasabing balikbayan noong Enero 2 at tumuloy sa Lelita Hotel para sa kaniyang mandatory quarantine. Enero 6 naman nang siya ay sumailalim sa RT-PCR test.

Subalit ayon sa management ng hotel, bago pa man lumabas ang resulta noong Enero 7, nagpumilit nang bumaba sa kaniyang kuwarto ang lalaki dahil dumating na umano ang susundo sa kaniyang mga kaibigan.

“Ang sabi niya po, wala daw po siyang pakialam kung ano yung sasabihin, kung ano ‘yung gagawin. Basta lalabas daw po siya,” kuwento ng manager ng hotel.

Nagpadala rin umano ang lalaki sa email ng resulta ng RT-PCR test na negatibo subalit nang kanila itong i-i-check ay pangalan ng babae ang nakalagay.

Bukod dito, lumalabas na nagpositibo rin sa COVID-19 ang nasabing balikbayan nang dumating na ang resulta.

Ayon pa sa management, nang bumaba raw ito sa kaniyang kuwarto ay talagang nagpupumilit at dala na ang lahat ng kaniyang bag na naka-impake.

Dahil dito, napilitan tuloy silang tumawag ng pulis at Philippine Coast Guard dahil hindi na nila makontrol ang lalaki.

Kinausap daw ng mga pulis ang lalaki at pinabalik ito sa kaniyang kuwarto bago ginawan ng blotter report. Kinumpirma rin ng mga awtoridad ang RT-PCR test na unang isinumite ng balikbayan sa laboratory at napatunayan ngang peke ito.

Makaraan ang ilang araw ay sinundo na sa hotel ang pasaway na balikbayan ng mga personnel ng Bureau of Quarantine (BOQ) at dinala ito sa isang pasilidad.

Hindi man lang daw nag-sorry sa kanila ang lalaki nang umalis ito at hindi na nila nalaman pa kung nasaan na ito ngayon.

Noong nakaraang linggo ay laman din ng balita ang dalawang balikbayang babae – na tinawag na ‘Poblacion Girl’ at ‘Massage Girl’ – na hindi sumunod sa ipinatutupad na mandatory quarantine matapos dumating galing sa ibang bansa.

Continue Reading

Trending