Connect with us

Nostalgia

Childhood memories: Inabutan mo ba ang mga old school teks na animo’y komiks?

Published

on

teks komiks

Isa ka ba sa mga nawili maglaro ng teks noon? Nagbilang ka rin ba gamit ang “kakaibang paraan” na ang mga naglalaro lamang nito ang nakaaalam? (“I-sa! Dala-wa! Tat-lo! A-pat! Li-ma!” Malamang ay tanda mo pa!)

Kung batang 90s ka, tiyak na ang inabutan mong disenyo ng maliliit na cards na ito ay ang mga inspired sa movies at television shows katulad ng Marimar, Sailor Moon, Ghost Fighter, Dragon Ball Z, BT X, Zenki, at marami pang iba. Kung noong early 2000s ka naman naglaro, maaaring ang mga ginamit mo ay Mulawin, Darna, Encantadia, at siguro alam mo na kung alin pa.

teks komiks

Ngunit alam mo ba na may mas luma pa sa mga ito? Aba, hindi lang ikaw ang nawiling maglaro. Malamang sa malamang, pati ang mga magulang, tito, at tita mo ay nakiuso sa old school na teks noon.

Ibang-iba ang hitsura ng mga old school na teks: mayroong bilang, may mga dayalogo, parang isang komiks na ang itinatampok ay ang mga local Pinoy movie na ngayon ay itinuturing na ring mga classic.

“Sinasabi nga nila co-producer nito o kasamang gumagawa nito e mga producer ng pelikula,” saad ng anthropologist na si Dr. Jimmuel Naval sa isang naunang panayam sa Unang Hirit. “Parang isang paraan para mapopularisa itong mga artistang Pilipino at pelikulang Pilipino.”

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang isa sa mga klase ng laruan na bumuo sa kanilang kamusmusan. Ang iba, sa mga old school na teks na ito pa nasanay magbilang dahil nga sa mga numerong sinusundan sa maliliit na “komiks” na ito.

teks komiks

Para sa mga kabataan ng iba’t ibang henerasyon, anuman ang disenyo ng teks, hindi maikakailang naging sobrang saya nila noon habang sa mga ito pa lamang umiikot ang buhay nila—mga sandaling hindi nila maiwasang hanap-hanapin ngayong ibang-iba na ang takbo ng kanilang mundo.

teks komiks

Nostalgia

Childhood favorite: Ang classic Pinoy meryenda na ube bar bread

Published

on

ube bar bread

Sino ba ang makalilimot sa maliliit ngunit masasarap na ube bar bread na bumuo sa meryenda ng napakaraming batang Pinoy noon? Ang paboritong bilhin sa tindahan, ang most requested pasalubong kina nanay at tatay, ang tinapay na hindi pinagsasawaan—hindi maikakailang naging malaking parte ito ng masarap nating kabataan.

Sa Facebook, natakam ang maraming netizens nang ibahagi ng page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon ang mga larawan ng nasabing tinapay. Dahil sa post, nagbalik sa nakaraan ang mga followers ng nasabing page.

ube bar bread“Ube bar bread–ang tinapay na naging bahagi ng kabataan mo,” saad ng admin sa caption ng photos. Agad namang nag-iwan ng komento ang mga social media user na naka-relate.

“Baon ko noong elementary, P5 lang ang 10 pieces tapos ‘pag may ntira hanggang kinabukasan na,” pagbabahagi ng Facebook user na si M. Paraiso.

“Ito ‘yong pinakaborito kong tinapay mula noong estudyante pa ako hanggang magtrabaho ako. Naaalala ko pa ‘yong bakery sa harap ng Concepcion Elementary School. Tuwang-tuwa ako. Kahit dalawang piraso lang nito, masaya na ako,” pagbabahagi ni H. Devera.

“Kasabay ko sa paglaki, since five years old ako unang kumain niyan noong 1985,” ani M. Mariano.

ube bar bread

Imahe mula sa Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook

Nakakuha ang post ng lampas 36,000 shares at mahigit 40,000 reactions, as of posting. Halos limang libong social media users na rin ang nag-iwan ng kumento rito; hindi lamang ang mga taong naging paborito ito dahil sa pagiging popular, kung hindi pati na rin ang mga nakakakain na nito bago pa man ito nakilala at naging “classic” para sa marami.

Sa kasalukuyan, bagama’t hindi pa naman tuluyang nawawala ang ganitong klase ng tinapay ay hindi na kasing dami ng dati ang bilang ng mga nagtitinda nito. Sa katunayan, marami rin ang nagtatanong sa comments section kung saan na lamang ba nakabibili ng klase ng tinapay na ito.

ube bar bread

Imahe mula sa Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook

Ikaw, naging paborito mo rin ba ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Continue Reading

Nostalgia

Elementary days! Ang old school pencil sharpener na madalas nasa mesa ni titser

Published

on

old school pencil sharpener

Kabilang ang old school na pencil sharper sa mga bagay na madalas gamitin noon ng mga estudyante. Madalas itong matagpuan sa lamesa ni titser noon sa eskwela, o hindi kaya’y sa study table sa kuwarto kung saan ginagawa ang mga assignment at project.

Sa paaralan man o sa bahay, hindi maikakailang nagdala ng tuwa ang classic school supply na ito sa mga batang mag-aaral dahil bukod sa talagang mas malaki ito kumpara sa mga pantasang kasya sa kanilang pencil case, nakaaaliw din ito para sa kanila dahil sa kakaibang paraan ng paggamit nito.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Teaching Trio

Sa post ng Facebook page na Klasik Titos and Titas of Manila, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa mga gunitang nabuo sa panahon ng old school na pencil sharpener na ito. Mayroon din mga nagsabi na kailanman ay hindi sila nagkaroon ng bagay na ito dahil mga mayayaman lamang ang nakabibili nito, habang ang iba ay nanghihiram lamang sa kakilala o sa paaralan lamang nakagagamit nito.

 old school pencil sharpener
“Sa amin nakikitasa ng lapis ang mga kapitbahay namin kasi ang suwabe ng pagkatasa kapag iyan ang gamit, puwera na lang kung ang lapis mo e hindi magandang klase dahil mapuputol agad,” wika ng netizen na si P. Sta. Rosa.

“Iyong may ganito kami sa bahay noong bata kami tapos natutuwa ako magtasa kaya pati lapis ng classmate ko ay inuuwi ko, nangangakong tatasahan ko at isasauli kinabukasan,” pagbabahagi ni S. Sy.

old school pencil sharpener

Imahe mula sa Our Everyday Harvest

“Pangarap ko iyan noong bata ako,” kuwento ni G. R. Deoquino. “Mahal iyan noon kaya simpleng sharpener lang ang mayroon ako.”

Samantala, ibinahagi rin ng iba na ang litrato ng sarili nilang pantasa na hanggang ngayon ay nasa kanila pa ring pag-iingat at patuloy na nagagamit.

Ikaw, naranasan mo rin bang gumamit ng old school na pantasa? Ano ang hindi mo makalilimutan sa popular at classic school supply na ito? Mayroon ba kayo nito sa bahay o kay titser ka madalas nanghihiram? Ibahagi sa amin ang iyong kuwento!

Continue Reading

Nostalgia

Netizens binalikan ang alaala sa bunot at floor wax

Published

on

By

Naranasan mo rin bang gumamit ng bunot at floor wax para pakintabin ang sahig ng classroom noon?

Imahe mula sa Facebook

Marami ang napabalik-tanaw sa kanilang buhay-estudyante nang magbahagi ang netizen na si Ray Tanega ng larawan ng bunot at floor wax sa Facebook group na Nostalgia Philippines. “Dito ako noon natutong sumayaw,” biro niya.

Relate naman dito and ilang Facebook user, kabilang na si Ann Marie na nagsabing kahit walang music ay tiyak na sasayaw ka talaga habang gamit ang bunot.

“Sa pagbubunot, papawisan ka na. ‘Di mo na kailangang mag-Zumba,” komento naman ni Eliane A. 

“Ito yong magandang ehersisyo noong high school days,” pagsang-ayon ni Yen D.

“Araw-araw ko silang kasama dati, pero bakit ‘di ako natutong sumayaw?” pabirong tanong naman ni Cess P.

Imahe mula sa Facebook

Bukod sa katuwaan habang naglilinis, may ilan ding masayang makitang makintab ang kanilang sahig kaya naman naipasa na rin nila ang pagbubunot maging sa kanilang mga anak.

“Gumagamit pa kami niyan ngayon pampakintab ng aming sahig na semento at masaya ako na na-introduce ko ito sa mga anak ko,” sabi ni M. Rescober.

“Noon sa school at sa bahay namin gamit yan. Sa bahay ang sarap humiga at magbasa ng komiks pagkatapos o makinig sa radio drama lalo na’t malamig pa ang panahon noong araw di tulad ngayon,” sabi naman ni B. Principe.

Maging ang mga kalokohan noong kanilang kabataan ay nanumbalik din sa alaala ng iba. “Magugulat na lang classmate mo ‘pag nasa bahay na nila tapos pagtingin nila ng bag, nandoon na ‘yong coconut husk,” sabi ni C. Barlahan.

Imahe mula sa ACS

Nagpasalamat naman si Z. De Sagun dahil sa masasayang memories dulot ng throwback post. “Ako noon may paboritong bunot dahil marami kaming bunot. Thank you again for reminding me how fun my childhood was,” komento niya.

Mayroon ka rin bang ‘di malilimutang karanasan sa paggamit ng bunot at floor wax noong iyong kabataan?

Continue Reading

Trending