Coloring books ang isa sa mga nagpasaya sa mga bata noong araw; mga panahong wala pang gadgets. Kung wala kang coloring book, maaari kang gumuhit ng mga larawan at saka mo ito kukulayan.
Siyempre, para malagyan ng kulay at mabigyan ng buhay ang mga larawan, kailangan mo ng pangkulay gaya ng krayola. At kung marami kang krayola (crayons), aba, masayang-masaya ka na at kinaiinggitan pa ng mga kaklase kaya’t hinihiraman ka tuwing may project.
Kaya naman isang Facebook post ang pumukaw sa netizens tungkol sa pinangarap nilang krayola o pangkulay noong kanilang kabataan.

Pagbabahagi ni ka-NP Ben Totanes sa Nostalgia Philippines, “16 colors lang sa akin noon… lol”
Sinegundahan naman siya ng mga miyembro ng FB group na nagsiaming pinangarap din nila ang krayolang 64 piraso ang laman na may pantasa pang kasama sa likod ng sisidlan.
Karamihan ay walong kulay lamang ang naabot at 16 naman sa iba. Isa talagang malaking pangarap para sa mga bata noon ang magkaroon ng “64 different brilliant colors’ na iyan! At kung may coloring books ka rin noon, maaalala mo rin siguro ang mga kaklaseng sabik na makikulay sa iyong CB. “Pa-color naman!”

“8 colors lng yung sa akin dati. Rich kid lng ang may ganyan.”
“Rich kid ka kapag crayon mo ay ganito noon, Sa akin nga eh hanggang 8 colors lang, taz tipid na tipid pa sa pag gamit.”
“Pag ganito crayola mo pwede ka na tumakbong president sa klase.”
“Pangarap ko yan noong bata pa ako. Isa yan sa mga palatandaan ng rich kid.”
“Haha nagkaroon ako iyan ng elementary dhil gusto ng parents ko kumpleto ako sa gamit ko dhil lalo na teacher ang mother ko kya alam nya ang bagay na wala sa gmit. Kaso ang ang aking pinapaboritong crayola napaginteresan Kya ayon na wala o ninakaw my pantasa ksi sya sa likod.”

“Gang 16 lang kmi nun happy na.”
“Pang RK (rich kid) 🤣🤣 classmate ko nung grade 3 may ganyan siyaa kasi nasa abroad father niya at siyaa lang may ganyan samin nun.”
“Hanggang 48 colors lang ako noon hehe. Pero one time, noong nagtuturo na ako, bumili ako ng 64 colors na Crayola 🤣 Wala lang, trip ko lang. Nakaka-high ang amoy sa akin 🤣
“Rich kid ang may ganyan!”
Sa totoo lang, hanggang ngayon naman ay marami pa rin ang hindi nakakayang makabili ng krayola gaya ng estudyanteng nag-viral kamakailan na binigyan ng guro ng 16 colors na Crayola para sa kaniyang pag-aaral.
