Nostalgia
Nostalgia: Ang comic strips sa balat ng Pinoy favorite Bazooka gums
Published
5 months agoon
By
Cha Echaluce
Isa ka ba sa mga tumangkilik noon ng comic strips sa balat ng Pinoy favorite na Bazooka gums? Inaabangan mo rin ba kung anong comic strip ang makukuha mo tuwing bibili ka ng bubble gum na Bazooka?
Bukod sa laman nitong bubble gum, kabilang ang comic strips na ito sa mga nagustuhan noon sa Bazooka. Sa bawat pakete, dagdag na excitement ang hatid ng mga mababasa at makikita nilang karakter sa kuwentong kalakip ng mga mumunting produkto na ito.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga alaalang hatid sa kanila ng old school bubble gum na may comic strip sa balat. Pinuri nila ang pagiging masarap nito at ang mga maiikling kuwentong masarap basahin at kolektahin pagkatapos.
“‘Yong nagbabasa ka habang ngumunguya,” saad ng admin sa caption ng litratong ibinahagi nito sa page.
“Helped me learn to read and speak English when I was very young; on top of being my favorite bubble gum! Bazooka Joe! Where are you now?” kumento ng Facebook user na si D. Villacrusis.
“Isang shoe box naipon kong comics niyan. I was saving them for my future children sana noon kaso may nagbiro, nawala bigla. Saka ‘yong ‘Ziggy’ na figurine na free sa Tang juice ba ‘yon? Lahat ng daliri ko sa kamay at paa mayroon,” pagbabahagi ni E. M. Habana.
“Torpe pa ako that time. Pabili-bili pa ng Bazooka, ‘di pa rin naman masasabi. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi na mahal ko siya,” kuwento ni O. Lekim.
Ikaw, bumibili ka rin ba lagi noon ng Bazooka? Inaabangan mo rin ba ang comic strip na nasa balat nito? May naging paborito ka ba sa mga nabili mo? May mga naitago ka pa ba sa mga ito? Ibahagi sa ang iyong kuwento sa comments section ng post na ito!
You may like
-
Natatandaan mo ba noong pumupunta ka pa sa telephone booth para makausap siya?
-
Nostalgia: Balik-tanaw sa mga alaalang dala ng iyong old school Nokia phone
-
From Shiela to Lorben: ‘Letting go’ letter found inside a bottle 18 years later
-
‘May YM ka ba?’ Balikan ang mga alaalang nabuo sa dating popular messaging app na Yahoo Messenger
-
Nabiktimä ka rin ba? Chewing gum na may ipis, sinaunang pränk ng mga batang 90s
-
Ice scramble ‘sinaunang milk tea’ ng mga batang 90s
Nostalgia
Facial cream na Chin Chun Su: Ang ‘paboritong pampaganda ng mga Pinay’ noon
Published
3 days agoon
May 25, 2022By
Cha Echaluce
Pamilyar ka ba sa lightening facial cream na Chin Chun Su o ang tinatawag nilang “paboritong pampaganda ng mga Pinay” noon?
Kung hindi man nakagamit, karamihan ay pamilyar sa classic face cream na Chin Chun Su dahil naging napakapopular nito sa maraming kababaihan noon; pamilyar dahil gumagamit nito ang mga babae sa pamilya, pamilyar dahil minsan nang nautusang bumili sa tindahan o sa botika, pamilyar dahil nakikita sa mga kaklase at kaibigan, pamilyar dahil pinag-uusapan ito ng mga nagpapatotoo na ito ay “certified beauty secret”.
Abot-kaya ang presyo pero subok na ang bisa, ginagamit ito ng mga babae bilang pangontra sa acne, age spots, wrinkles, at iba pang imperfection sa mukha.
Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga natatandaan nila sa popular facial cream na ito.
“Tagal ko ginamit, hiyang sa ‘kin noon. Ang ganda ng face ko noon,” komento ng miyembro na si V. M. Barcelos.
“Ginamit ng ibang kaklase ko, ang kikintab ng mukha. Minsan lang ‘di maayos ang pagka-blend,” ani L. Pineda.
“Gamit ni Nanay,” pagbabahagi ni H. Nichole. “Dahil ako naman ay elementary student lamang that time, curious ako sa nilalagay ng nanay ko sa mukha niya, pinakialaman ko. Naubos at nagmukha akong white lady.”
“Lalo na kapag gabi, bago matulog,” kuwento ni B. Wong. “Naalala ko tuloy pagpasok ng tita ko sa kuwarto namin, akala ko white lady sa sobrang puti ng face niya. Kinder pa lang ako noon, parang ayaw ko nang gumabi. Haha! Dahil magkatabi kami ng tita ko.”
Bagama’t hindi na gaanong nagagamit at nakikita, hanggang ngayon ay makabibili pa rin nito at mayroon pa ring mga loyal na hindi ito ipinagpalit kahit na marami nang bagong brands na nagsulputan sa mga pamilihan.
Ikaw, isa ka ba sa mga nakagamit na noon at/o patuloy na gumagamit nito ngayon?
Nostalgia
Natatandaan mo ba noong pumupunta ka pa sa telephone booth para makausap siya?
Published
7 days agoon
May 20, 2022By
Cha Echaluce
Bago pa nauso ang text messages, Facebook Messenger, at iba pang makabagong paraan ng komunikasyon, nagtiyaga muna ang mga naunang henerasyon sa pagpunta sa mga telephone booth para makakonekta sa mga taong kailangan nilang makausap.
Noon, kailangan pa munang lumabas na may baong sapat na barya bago mo matawagan ang taong nais mong makausap. Talagang hindi basta-basta, lalo na kung malayo sa iyo ang kinaroroonan ng teleponong ito. Katulad ng maraming bagay noon, maging ang komunikasyon ay pinaghihirapan muna bago mo makuha–pero, sulit naman daw kapag nakausap mo na ang tao o nagawa na ang pakay.
Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng maraming social media users ang panahon ng mga telephone booth at ang mga mahahalagang gunita na nabuo sa pagpunta nila sa mga ito.
“Naranasan ko ‘yan. Tumatawag ako sa ganiyan na phone para makausap ang boyfriend ko na ngayon ay asawa ko na. Mula sa Angeles, Pampangga to Manila,” pag-aalaala ni R. Lee. Sabi pa niya, “Ikuwento ko nga sa mga anak ko ‘yan. Ipakita ko ‘yang phone na ‘yan sa kanila.”
Samantala, isang kanta naman ang naalala ng netizen na si L. Ariñez, Jr., “Tatlong bente-singko lang ang aking kailangan upang makausap ka kahit sandali lang. Tungkol sa telephone booth na ‘yan ang hit na kanta ni Dingdong Avanzado na ‘Tatlong Beynte-singko’.”
Ikaw, ano ang ipinaalala sa iyo ng telephone booth? Natatandaan mo pa ba kung kanino ka madalas tumawag noon? Nakakausap mo pa ba siya hanggang ngayon, o katulad ng telephone booth ay niluma na rin ng panahon ang inyong ugnayan? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section at sabay-sabay nating balikan ang ating kahapon!
Nostalgia
Nostalgia: Balik-tanaw sa mga alaalang dala ng iyong old school Nokia phone
Published
7 days agoon
May 20, 2022By
Cha Echaluce
Natatandaan mo pa ba ang una mong cellphone? Isa ka rin ba sa mga nagsimula sa paggamit ng old school na Nokia phone?
Noong bago pa lamang nauuso ang paggamit ng cellphone, masaya na ang mga tao–lalo na ang mga kabataan–sa pagkakaroon ng Nokia 5110; na noong panahon nito ay maituturing nang isa sa mga pinakamodernong gadget. Bagama’t malayo sa mga klase ng smartphone na mayroon tayo ngayon, hindi maikakaila kung gaano kalaki ang naitulong nito sa pagpapaganda ng uri ng komunikasyon na mayroon ang mga tao noon.
Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isa sa mga miyembro ang larawan ng mga old school na Nokia 5110 phone.
Saad ng text na nasa larawan, “Ano reaction n’yo noong first time n’yong magka-cellphone?”
Dito ay nagbalik-tanaw ang netizens sa panahon kung kailan sila nagkaroon ng cellphone sa unang pagkakataon.
“Excited and proud dahil ‘yon lang naman talaga mga phone noon, e. Matutuwa ka na kapag nagkaroon ka niyan, lalo na at first time,” tugon ng isa sa mga miyembro na si N. Azrim.
“Haha! Random text at tawag ang ginagawa ko, tapos kahit mahal ang load e hindi ako nauubusan,” ani E. Bee.
“Very excited to make my first wireless call,” wika ni R. Pangan.
“Masaya kasi puwede ka na makapag-text or call sa CP. Unlike kasi dati sa pager, easy call, at two-way radio pa ang gamit sa pang-communicate,” pagbabahagi ni J. Benito.
Hindi rin daw makalilimutan ng ilan kung gaano katibay ang ganitong klaseng phone, na kahit mahulog ay hindi agad na nasisira. Katulad na lamang ni V. Flores nag nag-comment ng, “Basta mas matibay talaga ‘yong may antenna. Sino sa inyo ang pumapabor sa akin?”
Ikaw, naitabi mo pa ba ang lumang Nokia 5110 mo? Ano-ano ang mga alaalang hindi mo makalilimutan sa panahong ito ang gamit mo?

Pokwang, tanggap at iginagalang ang bagong administrasyon; Proud pa rin na isang kakampink

Batang lalaki sa likod ng P500 bill, nasa healthcare industry na sa New York

Lolit Solis, may puna kay Bea: ‘Mukhang mas matanda si Bea Alonzo na wala pang asawa at anak’

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla celebrate 10th anniversary

‘Slowly but surely’: OFW in Japan shares getting a house built for their parents

Clarita Carlos, hinamon si Frankie: ‘Can you write a 5,000 word essay defending your declaration?’

Loren Legarda’s other son says he’s proud of his mom: ‘She puts others before herself’

Daughter Grace Poe confirms the passing of Susan Roces, the ‘Queen of Philippine Movies’

Janice de Belen explains why she can’t work with ex-husband John Estrada

Gabbi, Julia go viral for showing the ‘two types of bridesmaids’ look
Trending
-
Social News5 days ago
Retired teacher buys car in cash after being turned down from another shop
-
entertainment5 days ago
Sunshine Cruz pens touching message to daughters’ half brother Diego Loyzaga
-
celebrities4 days ago
Carla Abellana tells Zeinab Harake, ‘Kaya natin ‘to’
-
politics2 days ago
President-elect Bongbong Marcos asks for prayers, promises to strive for perfection
-
entertainment5 days ago
Toni Fowler shares unpleasant 1st encounter with Toni Gonzaga; Toni G. explains
-
celebrities2 days ago
Caridad Sanchez’s daughter Cathy shares ‘do’s and don’ts’ on writing a eulogy
-
politics4 days ago
Karen Davila on senator-elect Robin Padilla’s decision to leave showbiz: ‘Good move’
-
Inspiring1 day ago
‘Slowly but surely’: OFW in Japan shares getting a house built for their parents