Connect with us

celebrity

Dimples Romana, ipinost ang video ng pagdidisiplina sa anak niyang si Alonzo

Published

on

Ano nga ba ang tamang pagdidisiplina sa anak?

Ang tamang pagdidisiplina sa bata ay nakabase sa kanilang edad. Mahalagang malaman ito ng bawat magulang upang masolusyonan ang pagtatama sa kanilang anak.

Ibinahagi naman ng aktres na si Dimples Romana sa kanyang Instagram account kung paano magdisiplina ng anak.

“When you ask your child to stand in the corner as a form of disciplinary action,”  saad ni Dimples kanyang post. “Tapos nakita mo imbis na magalit, magdabog, magkutkot ng paint sa wall (Gaya ko) NAGDADASAL sya #AlonzoRomeoJose anak naman eh” . 

CLICK IMAGE to see full post and video via Dimples Romana Intagram

Imbes na pagalitan ang anak ay natawa na lamang sila at nagulat ng kanyang asawang si Boyet sa kanilang nakita na nagdarasal ang anak na si Alonzo.

Sino ba naman ang magagalit sa anak na inakala ng mag-asawa na iiyak, magmamaktol sa kanilang pagdidisiplina pero nagdarasal pala ito?

Sa takot ng mag-asawa ipinaliwanag nila kung bakit nagkamali at dapat humingi  ng tawad kay Lord. “Sa takot namin ni @papaboyetonline kay Lord, napasorry at explain kami eh  kay alonzo,” aniya.

Imahe mula kay papaboyetonline IG account

“On a serious note, my heart melted soon as I saw this and I asked him what he was saying in prayer, ” aniya, at sinagot naman siya ng anak kung ano ang ipinagdarasal nito. “I asked God if I am a BAD PERSON and if he was disappointed in me mom because I did bad things,” saad ni Alonzo.

Tinanong ng ina kung nakita ni Alonzo si God? “Oo daw”. Sabi ng bata “Sabi ko Ano Sabi ? (Legit yung takot ko, kasi baka sabihin nya, Sabi ni Lord mom lagot kayo ni daddy),” ani Dimples.

“Sabi daw ni Lord sa kanya, “NO Alonzo, you are NOT A BAD PERSON, you just made a mistake and if you ask for forgiveness you will be forgiven. Because everyone sins everyday,”  sagot ng bata kay Dimples.

Masaya naman ang mag-asawa sa kanilang nakita sa anak; na alam nito kung paano makipag-usap sa Panginoon lalo na kapag nalulungkot ito.

CLICK IMAGE to see full post and video via Dimples Romana Intagram

Maraming netizens ang nag-react sa pagdidisiplina ni Dimples sa anak.

“Napakaganda ng Values na itinuturo mo sa anak mo Mommy @dimplesromana (KAWIKAAN 22:6)” – primarose

“You’re raising him well. Good job, mommy.”  – Absynthebeauty

“Sana lahat ng magulang ganito, yung sinasabihan pag mali ang anak nila.” – irenecarbo27

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrity

Joshua Garcia nilinaw sa publiko na wala siyang Facebook account

Published

on

By

Nilinaw ng aktor na si Joshua Garcia na wala siyang Facebook account at hindi sa kaniya nagmula ang kamakailan lamang ay nag-viral na larawan.

Kumalat kasi sa social media ang litrato ng binata kasama ang aktres na si Ria Atayde at may caption na “Ikaw ang aking liwanag”.

Kinilig naman ang mga netizens at fans ni Joshua sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong mamahalin ang young actor.

Subalit pinabatid ni Joshua sa kaniyang mga fans na hindi kaniya ang Facebook account na nagbahagi ng viral na larawan kahit ito ay nakapangalan sa kaniya.

“Hello! This is not mine! I don’t have Facebook page! Thank you,” paglilinaw ng aktor sa Instagram.

“Rii look @ria. Thank you @kyleechari bro!” dagdag pa nito.

Naka-tag sa nasabing Instagram story ni Joshua si Ria Atayde na agad namang nagkomento.

“Liwanag?! Bakit? Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha,” anang aktres. “Fake News”.

Ayon sa Bandera, nagmula ang kumalat na larawan sa Instagram ni Kyle Echarri at kuha ito noong mag-bonding ang magkakaibigan kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Noon pa man ay na-link na rin sa isa’t-isa sina Joshua at Ria subalit kapwa nila ito pinabulaanan. Ayon pa kay Ria, si Joshua ay itinuturing niya lamang na isang malapit na kaibigan.

“Joshua is a very good friend. He’s one of the… See? That’s the thing, e. It’s so hard to… I’m sure you also have guys friends that you are super comfortable with,” bahagi ng young actress sa isang panayam noong isang taon.

Noong isang araw lamang ay inamin ni Joshua na sa lahat ng kaniyang naging leading ladies, kay Janella Salvador siya nagkaroon talaga ng crush.

BASAHIN: Xian Gaza, sinabihan si Joshua Garcia na jowain na si Ivana bago pa maunahan ni Gerald

Continue Reading

celebrity

Vice Ganda ipinasilip ang bagong luxury car; ‘malas’ daw sa sasakyan kaya nagpalit

Published

on

By

Ipinasilip ni Vice Ganda ang kaniyang bagong-biling luxury car na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Sa kaniyang vlog na ‘New Car Reveal’ nitong Miyerkules, makikitang excited ang komedyante habang hinihintay ang delivery ng kaniyang sasakyan bagama’t pilit niya ring pinipigil ang sarili.

Kuwento ni Vice, mukhang malas siya sa iba niyang sasakyan kaya nagpasiya siyang bumili na lang ng bago.

“Parang minamalas ako sa sasakyan, so sabi ko baka it’s time na bumili na ng bago para ma-dispose na ‘yung ibang lumang sasakyan since ngarag na naman siya,” pagbabahagi ng ‘Unkabogable Star’.

‘Yung isa umano ay nawalan ng preno habang nagda-drive siya. Ang isa naman daw na ginagamit niya kapag pumapasok sa ‘It’s Showtime’ ay nagloloko naman ang aircon unit, habang ang isang sinasakyan niya kapag may shooting ay ‘nangarag’ din.

Ang bagong luxury car na binili ni Vice ay kulay itim na Cadillac Escalade na tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Ipinasilip niya rin sa mga viewers ang magandang interior at ilang makabagong features ng mamahaling SUV.

“Kailangan nating bumili ng bagong sasakyan for safe travels. Ingatan mo ‘yan kuya, ha,” paalala ng ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang driver.

Kuwento pa ni Vice, noong Agosto pa nila ito hinihintay subalit hindi available ang kulay na gusto niya.

‘ES’ naman ang napili niyang ipangalan sa bago niyang ‘caru’, na umano ay katas ng kaniyang programang ‘Everybody, Sing!’.

Panoorin ang vlog ni Vice Ganda na umani na nang mahigit 1 milyong views sa loob lamang ng dalawang araw:

Continue Reading

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

Trending