Health
Dr. Willie Ong tinamaan ng omicron, nagbigay ng payo batay sa nararamdaman
Published
1 year agoon
By
lennon
Kahit nag-iingat ay tinamaan din si vice presidential aspirant na si Dr. Willie Ong ng kumakalat na omicron variant ng COVID-19.
Tuwing lumalabas ay nakasuot naman daw siya ng N95 face mask, pero nakapasok pa rin ang virus.

Screenshot from Doc Willie Ong’s vlog
“Maingat naman talaga ako e, lagi akong naka-N95 ‘pag lumalabas… Pero matindi talaga itong omicron, matindi siya,” ani Dok Willie Ong.
Hindi niya raw alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa paglipas pa ng mga araw, kaya habang medyo malakas pa ang pakiramdam niya ay nagbahagi na siya ng ilang mga natutuhan sa omicron na dapat daw na malaman ng mga tao na hindi pa nahahawan nito upang lalong makapag-ingat.
Aniya, ikalawang araw na siyang may sintomas ng omicron at namamalat na raw siya sa kakaubo.
Mali raw ang mga nababasa sa internet na mild lang ang tama ng omicron kaya dapat ay ibayong ingat ang gawin ng mga tao. Hangga’t maaari raw ay umiwas sa mga matataong lugar.
“Hindi mild ang Omicron. Mas Matindi ito sa Flu,” sabi niya.
Dapat raw na magsuot ng dobleng face mask para mas matindi ang proteksyon.
K
Screenshot from Doc Willie Ong’s vlogabilang daw sa mga nararamdaman niya ay matinding sakit ng ulo, pagpapawis sa buong katawan, sipon at kaunting lagnat. May panlasa at pang-amoy daw siya.
Ipinayo rin niya sa mga local government units, lalo na ‘yung nasa malalayong probinsya, na bumilli na ng Mulnopiravir dahil mas higit na mura iyon kumpara sa ibang gamot.
Mainam din daw na uminom ng paracetamol kahit walang lagnat dahil nakapapawi iyon ng sakit ng ulo.
Labindalawa hanggang labing-apat na baso ng tubig isang araw daw ngayon ang iniinom niya, kasama na ang tsaa.
Napansin niya raw na ang covid ay nakakainit ng ulo. Hindi rin umano maganda ang tulog ng nakararanas nito.

Screenshot from Doc Willie Ong’s vlog
Agad daw na mag-isolate kapag may naramdamang sintomas at magpa-booster shot. Aniya, parang maganda araw ang Pfizer bilang booster shot.
Nakakapayat daw kapag maysakit kaya dapat kumain lang nang kumain kahit walang panlasa o walang gana para magkaroon ng energy. At higit sa lahat, maghanda raw ng mga gamot sa mga sintomas tulad ng paracetamol at mga bitamina.
Panoorin ang kanyang vlog via YouTube:
You may like
-
AJ Raval positibo sa Covid 19, hindi sa pregnancy test
-
COVID positive patients not allowed to vote on Election Day
-
‘No Marriage is perfect’: Marco Alcaraz nagbahagi ng sariling pananaw sa buhay ng mga mag-asawa
-
Man isolated for 14 months after getting COVID-19 positive for 78 times
-
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, ibinunyag ang takot sa COVID-19 nitong Enero
-
COVID-19 Care Kits sa isang barangay sa Pasig tiniyak na mapakikinabangan ng mga residente
entertainment
Andi Eigenmann shares tips to ensure consistency in her fitness journey
Published
1 month agoon
February 7, 2023By
Jam
Actress turned social media personality Andi Eigenmann took to social media to share tips on how she ensures consistency in her wellness journey.
In an Instagram post, Andi also said she noticed that being in good shape also affects other aspects in her life.
“Enjoying the journey towards wellness, keeping in mind that a healthy self is all about balance. I’m happy to make it a duty to care for my body because as I grow older, I’ve found that when I take good care of my physical health (inside and out), it spills over into other aspects of my being that are, in hindsight, more of a priority to me,” she explained.
Andi also encouraged others to join her in her wellness journey as she shared tips on how to start strong.
“A good TIP to begin: keep a good mindset and lay- out your priorities to allow yourself to stay in this for the long run. Jumping into things can often lead to exhaustion early on. Hope you will be inspired to join me in this too!”
Last year, Andi shared that diet plays a huge role in keeping herself fit, but it is also important to do activities that one enjoys doing. She shared that she was then doing boxing sessions.
“The diet plays a big part in this fitness journey, especially when the goal is to shed some weight. But choosing physical activities and sports to enjoy enough to do regularly is a good tip to be consistent!” she said.
“When I challenge myself to achieve something in a specific sport, I get into a mindset of going for it in a holistic way. Most importantly in eating the right nutrients – dense foods that go with the fitness goal!”
Fellow celebrity moms commented on Andi’s post to express their support and admiration, including Anne Curtis and Jessy Mendiola.
celebrities
‘Missing my baby’s kicks in my womb’: Jessy nagbahagi ng post partum photo, netizens humanga
Published
2 months agoon
January 14, 2023By
Joyce
Matapos ianunsiyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kamakailan na sila ay proud parents na, nagbahagi ang new mom sa kanyang Instagram Stories ng isang larawan ng kanyang post partum body.
Aniya dito, “Missing my baby’s kicks in my womb.” Idinagdag pa niya na siya’y “almost two weeks post partum”.
Sa ibinahaging post ng Inquirer.net sa Facebook page nito kung saan ay makikita ang screenshot ng IG post ni Jessy ay bumuhos ang maraming komento ng paghanga. Hindi kasi naabutan ng ibang followers ang IG Story ni Jessy na nag-eexpire na matapos ang 24-oras.
Kinabiliban ang post partum na pangangatawan ng 30-anyos na mommy.
“Sana ol ganyan ang aura 2 weeks post partum! Congrats!”
“Grabe sana all talaga. dyusku dyosa pa din. Ako nung tym ng two weeks na ko po dugyot ako sa taba ko .”
“Sana all ganyan ang hitsura nang 2 weeks postpartum 😄 nung ako yong 2 weeks ko mukhang 5 months pa rin ang tiyan ko.”
“Bat ganun parang di kayo nanganak hahaha Samantalang ako 2 years old na anak ko mukhang buntis pa din, unfair talaga hahaha”
Naalagaan nang mabuti ni Jessy ang kanyang pagbubuntis kaya’t hindi ito lumobo katulad ng iba? Sabi nga ng isang nagkomento, “Iba talaga pag nasa tamang tao ka.”
Bumuhos din ang pagbati sa kanila ni Luis at mayroon pang mga nagbiro na sundan agad si Baby Peanut para hindi niya mamiss ang mga ‘baby kicks.’
Mahihinuha na bandang Pasko nang isilang ni Jessy si Baby Peanut (palayaw). Kaya naman hindi na sila nakadalo sa Christmas get-together na ibinahagi naman ni Vilma Santos-Recto sa kanyang social media accounts. Mayroon na pala silang Isabella Rose Tawile Manzano!
Basahin: ‘Never knew I could love like this’: Jessy, Luis Manzano proud parents kay Baby Isabella Rose
Inaabangan na rin ang reaksyon ni Momsy Vilma na inihayag din ang kanyang excitement sa kanyang panibagong status in life bilang lola.
“As a first time lola, super excited talaga ako sa paglabas ng aming baby Peanut soon! <3 Siyempre marami akong tanong sa parents ng aming baby, and they have questions for me also. 🙂 Gaano ko kaya kadalas mahihiram si baby Peanut?” aniya sa nakaraang vlog kasama sina Luis at Jessy.
Panoorin ang latest vlog nina Luis at Jessy kung saan tinour nila ang followers nila sa room ni Baby Peanut aka Baby Isabella Rose:

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?
Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.
Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito. Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.
Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.
Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?
1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.
Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).
2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber
Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.
Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.
3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)
Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?
Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.
4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.
Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?
5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.
Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.
Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog, bituka, tiyan at dede.
Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.
Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.
Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.
Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
