Connect with us

entertainment

Loyal fans ni Kris Aquino bumuwelta kay Mel Sarmiento

Published

on

Sa programang “Cristy Ferminute” ay tinalakay ni Cristy Fermin ang paghihiwalay ni Kris Aquino at ng nakatakda na sana niyang mapapangasawa na si Mel Sarmiento at ang naging reaksyon dito ng mga fans ng aktres.

Image from Cristy Ferminute

Hindi nagustuhan ng mga tagahanga ang dahilan ni Mel sa pagpayag na makipaghiwalay kay Kris. Tanda lang daw iyon na mababaw at hilaw pa ang pag-ibig niya.

Matatandaang ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris ang huling mensahe sa kanya ng katipan na nagsabing tinanggap nito ang alok ng aktres na maghiwalay na sila.

“I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because I still want to preserve whatever dignity I have left,” ani Kris na ang tanging hiling sa mga followers ay bigyan siya ng respeto at privacy para sa gagawing pagharap sa kanyang kalusugan.

Narito ang text message ni Mel na ayon kay Cristy Fermin ay hindi nagustuhan ng mga fans:

Image from Kris Aquino

For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility. Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together.”

Ayon kay Cristy Fermin, umalis si Mel sa panahong kailangan siya ni Kris kaya nagagalit ang mga fans.

“Bumubuwelta na ‘yung mga loyalista ni Kris Aquino, galit na galit kay Mel Sarmiento,” aniya.

Image from Kris Aquino

 

“Kung baga, sa panahong kailangang kailangan ka ni Kris saka ka pa umalis, saka ka pa nawala. At ang kinasangkapan mo lang, hindi ikaw ang klase ng tao na pupwedeng panatiliin sa bubble, ‘di ba? Pupwede naman kayong mag-LDR, pwede namang magkahiwalay lang kayo ng bahay pero kayo pa rin. Pero bigla kang umalis. ‘Yun ang ikinagagalit ng mga fans ni Kris Aquino,” sabi  pa niya.

Sabi naman ni Romel Chika na kasama ni Cristy sa programa ay hindi pa hinog at hilaw na hilaw pa ang pag-ibig na inukol ni Mel kay Kris Aquino.

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrities

Angeline Quinto, Erik Santos kinakiligan ng mga fans dahil sa kanilang kulitan

Published

on

By

Nitong nagdaang Disyembre 2021 ay nagbahagi si Angeline sa kanyang Instagram ng kanyang pregnancy test result at ito ay nagpapakitang siya ay nagdadalantao na.

“Merry Christmas. Dahil Pasko ngayon, ito ang pinakamagandang regalo ang natanggap ko. Ito ang pinakamagandang positive result sa buhay ko. Baby on the way, Yahooo,” aniya. Bumuhos ang pagbati sa singer-aktres mula sa mga followers at mga kaibigan sa industriya.

Ngayon naman ay kinakikiligan ng maraming fans nina Angeline Quinto at Erik Santos sa social media ang dalawa nang makita ang mga larawang magkasama sila.

Sa Instagram account ni Erik nitong Huwebes ay ibinahagi niya ang mga larawan nila ng actress-singer habang nagkukulitan sila sa labas ng studio ng “ASAP Natin ‘To!”

Makikitang idinikit ni Erik ang kanyang tainga sa tiyan ni Angeline.

“Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap,” pagbibiro ni Erik.

Hindi naman nagpatalo si Angeline kaya humirit ito sa comments section.

“Hahahaha. Pogs umalis kana kasi, may sinabi pa si Baby, THIS IS THE MOMENT MAMA.”

Pansinin na hango sa kanta ni Angeline ang sinabi ni Erik, sa kantang “Patuloy Ang Pangarap,” habang ang kay Angeline naman ay mula sa awitin ni Erik na “This Is The Moment.”

Matatandaang sa naging panayam kay Angeline ni Karen Davila noong Oktubre 2021, ay sinabi nitong sinubukan naman daw nila ni Erik na magkaroon ng romantic relationship, ngunit hindi talaga lumapat.

“Singing partner ko po talaga si Erik, isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya,” ani Angeline.

“Ginawa namin ’yun kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko ‘Pogs, ’wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo, kasi minsan magiging sweet kami tapos matatawa na lang kami,” dagdag pa niya.

 

Nagbahagi naman ang isang netizen ng kanyang saloobin sa dalawa.

“AND IN THIS MOMENT, THE WHOLE FANDOM LOST THEIR SHITS . Omg Im cryingggg rn, I loveyouu both my AngErik. Ps. Grabee yung love mo Kuya kay Ate na kahit sa mga mahalagang pangyayari sa buhay niya di mo pa den siya pinapabayan. Get a man like Erik Santos na iche- cheer ka at hindi ka iiwan sa lahat ng ganap mo sa life.” 

“Sana kayu na lang,” saad ng isa pang netizen, at may tugon dito ang isa pang follower nila. “Pinagtagpo pero di tinadhana.”

Sa ngayon ay matalik na magkaibigan pa rin ang dalawa. At sa darating na Mayo naman ang nakatakdang pagsilang ni Angeline sa kanyang panganay na anak sa kanyang non-showbiz partner.

Continue Reading

celebrities

Pinas pangatlo sa mga bansang may pinakamaraming K-pop fans noong 2021, ayon sa Twitter

Published

on

By

Hindi maipagkakailang napakaraming kabataang Pinoy ngayon ang nahuhumaling sa mga K-pop group at maging sa K-drama.

Kaya hindi na rin nakapagtataka na pumangatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming fans ng K-pop sa mundo, base sa datos ng Twitter para sa taong 2021.

Ayon sa Twitter, nanguna sa listahan ang Indonesia, na sinusundan ng Japan.

Pumangatlo naman ang Pilipinas at tinalo pa ang South Korea kung saan nagmula mismo ang mga sikat na K-pop groups.

Sumunod sa listahan ang Estados Unidos, Thailand, Brazil, Mexico, India, at Malaysia.

Samantala, pumangalawa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming tweet tungkol sa K-pop na pinangunahan pa rin ng Indonesia.

Ang Pinas ay sinundan ng South Korea, Thailand, Estados Unidos, Mexico, Brazil, India, at Japan.

Ang listahan naman ng ‘most tweeted K-pop artists in the Philippines’ noong nakaraang taon ay binubuo ng BTS, Enhypen, Blackpink, NCT, Seventeen, Treasure, Twice, EXO, Tomorrow X Together (TXT), at Stray Kids, ayon sa pagkasunod-sunod.

Nanguna rin ang BTS sa listahan ng ‘most tweeted K-pop artist globally’, na sinusundan ng NCT, Enhypen, EXO, Blackpink, Tomorrow X Together (TXT), Treasure, Seventeen, Ateez, at Stray Kids.

Halos umabot sa 7.8 bilyong ‘K-pop related tweets globally’ ang naitala ng micro-blogging platform para sa taong 2021; higit na mataas kumpara sa 6.7 bilyong tweets noong 2020.

Naniniwala rin ang Twitter na patuloy pang mamamayagpag ang K-pop artists at magbabasag ng mga kasalukuyang record sa mga susunod pang mga taon.

Continue Reading

Trending