Connect with us

beauty

Hairstylist na may eye-catching flower braids hinahangaan ngayon sa social media

Published

on

flower braid hairstyle

Hanggang saan aabot ang pag-aayos mo ng buhok? Ikaw ba iyung simple at maayos na suklay lang ay kuntento na o talaga bang gumugugol ka ng ilang oras para maging mas presentable pa ang iyong “crowning glory”? Kung nasa pangalawa ka, tiyak na matutuwa ka sa hinahangaan ng marami ngayon na isang hairstylist mula sa Vietnam dahil sa mga naiiba at eye-catching flower braids na ginagawa nito.

Sa kanyang Facebook, Instagram, at TikTok accounts, pinahahanga ni Nguyen Phat Tri sa kasalukuyan ang maraming social media users sa simpleng pagpo-post niya ng photos at videos ng kanyang mga naiibang obra.

flower braid hairstyle

At masayang-masaya ito dahil noon pa man ay pangarap na niyang maibahagi ang kanyang kakayahan at ipakita sa mundo ang husay ng mga Vietnamese pagdating sa hairstyling.

“I want to inspire creativity in people who share my passion, and I hope to help Vietnam’s hair industry grow and reach the world,” saad niya.

Malayong-malayo sa unang kurso ni Nguyen ang pag-aayos ng buhok. Nagtapos siya ng pag-aaral sa An Giang University, kung saan siya nakakuha ng degree sa Biotechnology noong 2015. Ngunit dahil sa pangarap niya bilang isang hairstylist, nagdesisyon siyang tumungo sa Ho Chi Minh City para pag-aralan ang makeup at hairdressing.

Hindi naman siya binigo ng kanyang pangarap at naging maganda ang resulta ng kanyang mga flower braid.

flower braid hairstyle

Ang mga disenyo ni Nguyen at nakapag-generate ng libo-libong views sa social media. Ang pinakasimple niyang disenyo ay inaabot ng isa hanggang dalawang araw, habang ang iba naman na talagang mabusisi ay matiyagang ginagawa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sa kasalukuyan ay mayroon umanong high demand sa mga disenyong ginagawa ni Nguyen, kahit pa may kamahalan din ang ilan sa mga ito. Sa katunayan, ilan sa mga bridal design na ginagawa niya ay nagkakahalaga ng $130 hanggang $218, habang ang iba na mas mahirap gawin ay nasa $218 hanggang $305 naman.

flower braid hairstyle

beauty

Miss England finalist unang contestant na nakapasok sa pageant nang walang makeup

Published

on

By

Isang Miss England 2022 candidate ang gumagamit ng pageant platform para hamunin ang beauty standards.

Nakapasok sa finals ng Miss England ang dalawampung taong gulang na estudyante ng Political Science na si Melisa Raouf, at gumawa ng kasaysayan bilang unang kalahok na lumaban nang walang makeup.

Nauna nang naglunsad ang mga organizer ng makeup-free modelling round noong 2019, kung saan kailangang mag-post ang mga contestant nang walang make-up at mag-selfie sa social media.

Gayunpaman, si Melisa ang unang kandidata sa 94-taong kasaysayan ng pageant na ganap na makipagkumpetensya nang hindi gumagamit ng mga pampaganda.

Sinabi ng taga-London sa isang panayam ng Independent na gusto niyang hamunin ang beauty standards at isulong ang tunay na kagandahan mula sa loob.

“It means a lot to me as I feel many girls of different ages wear makeup because they feel pressured to do so,” sinabi ni Melisa sa publikasyon.

“If one is happy in their own skin, we should not be made to cover up our face with makeup. Our flaws make us who we are and that’s what makes every individual unique. I think people should love and embrace their flaws and blemishes, as we know real beauty lies within simplicity,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng aspiring beauty queen na nagsimula siyang mag-makeup sa murang edad ngunit “never feel (to have) meet beauty standards.”

Aniya, “I have recently accepted that I am beautiful in my own skin and that’s why I decided to compete with no make-up. I still feel confident in myself, with makeup I’m all concealed. This is who I am, I’m not afraid to share who I am. I wanted to show who Melisa truly is.”

Idinagdag ni Melisa na nagpapasalamat siya sa pagmamahal at suporta mula sa ibang mga kababaihan na nagsasabing nakatulong siya sa kanila na maging mas may kumpiyansa sa kanilang sarili.

“With mental health being such a big topic, I want to make all girls feel good. I just want to remove all the beauty standards. I feel like all girls are beautiful in their own way. I feel like I’ve done it for all girls.”

Kasama ang 40 pang beauty queens, sasabak si Melisa para sa titulong Miss England, kung saan ang koronasyon ay magaganap sa Oktubre.

Panoorin:

Continue Reading

beauty

Doc Vicki Belo shares video of treatment done on Andrea Brillantes: “These wings weren’t meant to fly”

Published

on

By

“These wings weren’t meant to fly!” @blythe !  (bat emoji)  so goes the caption on the post of Doctor Vicki Belo.

Dermatologist and television personality, as well as founder, CEO, and medical director of Belo Medical Group, Dr. Vicki Belo, shared on her Instagram account a video of young actress Andrea Brillantes when the later visited her clinic.

In the video, Andrea – Anndrew Blythe Daguio Gorostiza in real life – shared that she’s there at the Belo clinic for some treatment called the #BeloOndaPlus.

She revealed that she had been consuming a lot of chocolates and her upper arms has accumulated excess fat. She has an upcoming shoot so she revealed she’s got to try to have that excess ‘wings’ removed or minimized through the Onda Plus.

“Nandito ako ngayon sa Belo kasi kakakain ko ng chocolates lumaki na ang aking mga braso at meron akong papalapit na shoot kaya ita-try ko ang Onda PLus at  excited na akong i-try kasi palipad na ako eh. Let’s go!” Andrea excitedly shared.

Doc Vicki briefly explains in the video how the process is done while having the young actress as ‘model.’

She said they measure fat in the arms using a caliper to measure fat loss accurately. She further discloses that Belo ONda PLus has three functions: 1-Microwave energy delivered deep into the fat tissue to melt fat; 2-Superficial delivery of microwave energy to tighten skin, and lastly, Lymphatic drainage to get rid of the melted fat.

At the end of the video, Doc Vicki showed a ‘before and after’ treatment photos of Andrea’s arms. Though the reduction of fats may not seem very visible to the naked eye, the tightening of the skin (step 2) is probably what can’t be easily seen.

Andrea is obviously satisfied.

Meanwhile, IG followers of Doc Vicki asked questions regarding the cost of the treatment; to which she replied, “Price starts at ₱10,000 for #BeloOndaPlus”  🙂

Watch the video:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

How much

Price starts at ₱10,000 for #BeloOndaPlus

Continue Reading

beauty

Ivana Skin, pangarap na natupad na; Ivana Alawi CEO na ng sarili niyang negosyo

Published

on

By

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas kilala bilang Ivana Alawi, isang aktres, model, at vlogger ay nag-anunsyo kamakailan lang sa YouTube kaugnay sa kanyang negosyo.

Ayon kay Ivana, bata pa lamang daw siya ay hilig at pangarap na daw niya ang beauty products, kaya ngayon ay natupad na niya ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling skin care products, ang ‘Ivana Skin’ at kasalukuyan naman siyang CEO dito.

Kuwento ni Ivana, tatlong taon n aang nakararaan nang mag-umpisa siyang sumubok na bumuo ng skin care formula. Sa pamilya at mga kaibigan niya ito unang pinasubok. Kalaunan, nang maganda ang naging resulta ng kanyang produkto, ay inilunsad na niya ito.

Halos tutok daw si Ivana sa bawat detalye ng kanyang produkto; sa packaging, ingredients, formula, logo at iba pa.

“Hindi siya madali, it took really a long process but it’s a process that I’m proud of,” saad ni Ivana.

Aniya ay bukas din ito sa mga resellers at distributors. Naikuwento din ni Ivana na minsan na rin siyang naging isang online seller. Mga damit ang ibinebenta niya noon at ang kanyang ate Amira pa ang ginagawa niyang modelo.

“Meron akong kwento sa inyo na very very quick lang. So isa akong online seller dati. Naging malapit talaga sa puso ko ang mga online sellers. Nagbebenta ako ng mga damit, so I really wanted to open this business to other online sellers para mabigyan din ng chance na kumita,” aniya.

“I don’t look at it as resellers or distributors, I call it part of the family, part kayo ng Ivana Skin family and you are a part of our family,” pahayag ni Ivana.

Ito ay dahil malalapit daw ang mga ito sa kanyang puso dahil naranasan niyang maging tulad ng mga ito.

Todo naman ang suporta ng kanyang pamilya sa kanyang narating kung saan lahat ng pamilya niya ay sumubok sa produkto ni Ivana upang masiguro na maganda ang resulta ng mga ito.
Panoorin:

Continue Reading

Trending