Connect with us

celebrity

Francine Diaz, Andrea Brillantes nag-unfollow sa isa’t isa, si Seth Fedelin kaya ang dahilan?

Published

on

Mainit ngayon sa mga netizens ang usap-usapan tungkol sa pag-unfollow sa isa’t isa ng teen stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa Intagram. Friendship over na ba?

Nitong Huwebes ay nawala na umano sa followers list ni Andrea si Francine, na naging palaisipan sa mga sumusbaybay sa kanila. Nagkaroon tuloy ng mga espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng pagkakaibigan ng dalawa.

Ano kaya ang tunay na nangyari? Dahil kaya kay Seth Fedelin?

Ito ang usap-usapan ng netizens matapos kumalat sa social media ang family picture ni Francine kung saan namataang naroon din si Seth. May caption pa itong “Family is love.”

Marami ang nagtaka kung bakit kasama si Seth sa salu-salo ng pamilya ni Francine noong Bagong Taon. Napatanong ang fans kung senyales ba itong may espesyal na ugnayan ang dalawa sa tunay na buhay?

Imahe mula kay Merdick Saenz Diaz Fb account

Marami ang mga issue na lumabas kung saan sinasabi ng mga netizens na may relasyon umano ang dalawa. Subalit sa latest na interview kay Francine Diaz ay sinabi nito na hindi pa umano siya handa na pumasok sa isang relasyon.

Sumikat ang SETHDREA at KYCINE nang dahil sa teleseryeng Kadenang Ginto. Kahit natapos na ang serye ay patuloy pa ring napapanood ang grupong Gold Squad sa YouTube. Tila nabuwag ang loveteam na KYCINE dahil sa na-link ang aktor na si Kyle Echarri kay Chie Filomeno.

Imahe mula kay Francine Diaz IG Account

Samantala, muling nakita sa IG account ni Andrea na mukhang nag-follow back na ulit siya kay Francine, na pinost naman agad ng ‘pambansang marites’ na si Xian Gaza sa kanyang FB account. Todo antabay ang Xian sa mga kaganapan. Kalaunan, muling nag-update si Xian na naka-unfollow na naman muli sa IG ang teen stars. Ano ba yan? Gulong-gulo na raw ang isipan ni Andrea? Test of friendship lang kaya?

imahe mula kay Christian Albert Gaza

Ang dalawang teen stars ay pareho pa rin namang naka-follow kay Seth sa IG account nito.

Pabirong sabi tuloy ng mga netizens, “Marga Mondragon versus Cassie Mondragon’ na ba ulit?” na ang tinutukoy ang ang karakter nila sa Kadenang Ginto.

May mga nagpahayag na ng pagka-miss sa dalawang aktres dahil inaabangan ang kanilang muling pagsasama sa video ng The Squad Plus via YouTube.

Samantala, humanda ka, Seth. Ikaw ngayon ang apple of the eyes ni Xian o.

Sino raw ‘yung kasama mo sa Batangas? Hindi daw si Andrea at hindi rin si Francine. “Sino yung babaeng nakaputi na hindi kita yung mukha sa video?” saad sa caption ng video na ibinahagi ng pambansanng marites na lalaki.

celebrity

Nadine Lustre nag-trending matapos nitong muling magpakita ng suporta sa Leni-Kiko tandem

Published

on

By

Ang singer, model, endorser, dancer at aktres na si Nadine Lustre ay muling nagpakita ng pagsuporta sa tandem nina presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng kaniyang My Story sa Instagram  nitong Enero 18, 2022.

Certified ‘kakampink’ na talaga ang aktres? Makikita sa kaniyang Instagram story post ang kuhang larawan ng Leni-Kiko tandem sa isang bahagi ng gusali.

Kamakailan ay iniulat ng The Philippine Star via Twitter na inihayag ni Nadine ang pagsuporta sa kanyang piniling iboboto sa darating na halalan 2022.

“You can support who you wanna support. And you shouldn’t be afraid to say it to people. And if you wanna support someone, you do it all the way. It’s like, why would you be ashamed of your picks,” saad ni Nadine.

Gayunpaman, sinabi ng aktres na hindi niya pipilitin ang sinuman na bumoto ng napipisil niya o ng iba. Aniya, kahit sino ay maaaring suportahan kung sino ang gusto nila.

As of this writing ay trending si Nadine sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

“Nadine Lustre is currently trending after showing support for VP Leni Robredo’s presidential candidacy!”

“Nadine Lustre, sending out a pink heart for all the kakampinks out there. QUEEN. #LetLeniKikoLead2022.”

“Stan the kweeen!”

“President Nadine Lustre has spoken. She is a certified Kakampink. Thank you for your support, @hello_nadine!”

“A Queen for A Queen. Nadine Lustre using her platform. Even the smallest way helps.”

Samantala, umani rin ito ng batikos mula sa mga netizen na sumusuporta sa ibang kandidato o partido.

“Luh? May nagkakalat na naman pong starlet na palaos na!”

“Canceled! Okay next!”

“Naku dear, may pelikula ka pa naman… gusto mong langawin?”

“From our DENR Secretary (kuno) Nadine Lustre. Clap! Clap! Clap! Dahil diyan, lalong hindi ko iboboto ‘yan!”

Totoo naman na kahit sino ay may karapatang mamili at bumoto ayon sa kanilang napipisil na kandidato. Ito ‘yung tinatawag na respeto sa iyong napili at sa napili ng iba.

Sa ngayon ay maraming nagtatalo-talo kaugnay sa mga kandidatong kanilang pinili. May tinatawag pa ngang ‘cancel culture’ kung saan ang isang celebrity o brand, halimbawa, ay binoboycott kapag hindi lapat sa sinusuportahan ng ilang grupo.

Ang Eleksyon 2022 ay nakatakda sa Mayo 9, 2022.

Kamakailan ay nagbigay ng tulong sa mga survivors ng bagyong Odette si Nadine at nagpa-install pa ng solar panel para sa mga residente ng Brgy. Malinao, Siargao.

 

Continue Reading

celebrity

‘Saksi lahat ng uban ko sa mga role ko sa buhåy’: Karla Estrada masaya at proud sa mga white hair niya

Published

on

karla white hair

Kung naaaburido ang iba sa tuwing nakakakita ng puting buhok lalo na kung hindi pa naman ganoon katanda, ang aktres na si Karla Estrada ay masaya at proud pang ipinakikita ang mga white hair niya

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-host ang isang selfie kung saan ngiting-ngiti siya at halatang masaya. Dito, sinabi niya na maging siya ay napapansin na ang mga puting buhok niya. Gayunman, imbes na mainis o malungkot sa senyales na ito ng pagtanda, mas pinipili niyang ngumiti at ikarangal ang pagbabagong ito dahil saksi raw ang mga uban sa mga papel na ginampanan niya sa buhay bilang isang single mother at artista.

karla white hair

“I am mama, mommy, mudra, momshie, nanay, Mother Nature, Queen Mother, and tatay din! Saksi lahat ng uban ko sa mga role ko sa buhay! At nakuha ko pang ngumiti? Why not? Life is beautiful and so are we!” saad niya sa caption.

Sa isang episode ng Toni Talks kamakailan, binalikan ni Karla ang mga pinagdaanan nila ng kanyang panganay na si Daniel Padilla at ng mga kapatid nito; kabilang na noong panahong nawalan sila ng kuryente at kinailangan nilang magpaypay sa gabi.

Aniya, ginigising niya si Daniel noon dahil toka na niyang magpaypay sa mga kapatid niya. Narinig niya raw na humikbi ito, bagama’t hindi niya tinanong kung bakit.

karla white hair

“Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod, gumanun na siya pero narinig kong humikbi,” aniya. “Hanggang ngayon ‘di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong ‘yong anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa.”

Pero ngayong malaki na ang ipinagbago ng buhay nila, masasabi raw ni Karla na malaking bagay din ang mga pinagdaanan nila ng kanyang mga anak sa kung sino sila ngayon bilang tao.

karla white hair

Continue Reading

celebrity

Solenn Heussaff, preggy with Baby #2 na nga ba?

Published

on

By

Napaisip ang followers ng celebrity na si Solenn Heussaff matapos nitong magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account. May Baby #2 na kaya soon?

Ang ibinahagi niyang larawan ay may caption na: “Fun days with you. Love this leotard from @bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo!”

Napansin ng netizens na tila nakapang-maternity na kasuotan ang aktres habang buhat ang anak na si Thylane sa kanyang Instagram post.

Hindi napigilan ng kanyang mga followers na magpahayag sa comment section ng kanilang sapantaha kaugnay sa larawan. Nagpo-promote lang kaya siya ng @bumpsuit o sadyang nagbibigay na siya ng hint na another #BabyBolz is on the way?

“I assume that you just simply announced that you’re pregnant.  Congrats in advance if true.. Ate na si Tili ” – altheajoy0729

“Yehey another baby, keywords: bumpsuit and preggo” – helloac

keyword PREGGO,” switzluv214

Marami rin sa kanila ang nagsimulang bumati kay Solenn:

“Congratsss!!!???” – bhuds

“OMG!!!! I can’t with another Tilibolz or a boy version of her if ever this is true” – sunnysideup

Hindi pa naman kinukumpirma ni Solenn kung totoo nga ba na magkakaroon na sila ng baby #2 ng asawa niyang si Nico.

Noong 2012 nagsimulang makipag-date si Solenn kay Nico na isang negosyanteng Argentine.

Noong Disyembre 2014, inihayag ni Solenn ang kanilang relasyon ni Nico.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 21, 2016, sa Combourg, France. Noong Agosto 2019, inihayag niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram.

Isinilang niya si Thylane Katana sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong Enero 1, 2020. Nitong simula ng taon ay sa France nila ipinagdiwang ang ikalawang kaarawan ni Tili.

Continue Reading

Trending