Connect with us

technology

Smart Mirror na nagkakahalaga ng P85,000 ibinida ni Heart Evangelista

Published

on

Pangkaraniwan nang nakikita ang mga netizens na kumukuha ng selfie gamit ang kanilang smartphone sa harap ng isang salamin. Pero narinig n’yo na ba na may isang uri ng salamin na ito mismo ang kukuha ng selfie n’yo?

Meron nang ganyan. Ang Lulu Smart Mirror.

Isa ang aktres na si Heart Evangelista sa mga nagmamay-ari ng smart mirror. Sabi niya, iyon ay isang higanteng android phone na nagsisilbi ring “OOTD” mirror.

“Can you guys believe that I actually have a smart mirror at home? Meet Serena, @lulusmartmirror‘s latest smart technology  #OOTD mirror and features a 5MP camera. You can even download apps on it. It makes my life so much easier when I’m working at home or trying out new outfits for shoots and endorsements,” post niya sa Instagram.

“Php85k! Just wow”, “Omg. She’s serving tech and style”, at “Wow. I want to have one. Hihihi,” ang ilan lang sa mga komento ng followers niya.

Bukod kay Heart, si Cat Arambulo, na isa ring social media influencer, ay nagmamay-ari rin ng isang smart mirror.

Tatlong models ang maaaring pagpipilian sa Lulu Smart Mirror; ang Eve, Luna at Serena.

Ang Serena model kagaya ng kay Heart Evangelista ay 32”ang sukat.

“Serena 32″ would be your perfect buddy during your everyday exercise! It has no pre-installed fitness app but you may download any android fitness app that you want!,” ayon sa Facebook page ng Lulu Smart Mirror.

“Serena 32″ is technically an android tablet with real features of a mirror. It has a built in 5MP Camera and downloadable with any android apps that you love! This would be your perfect buddy during your workouts, meetings, classes or just having your OOTD selfie!” ayon pa rito.

Nagkakahalaga ito ng P85,000.

Ang Eve model na 32” rin ay nagkakahalaga naman ng P70,000.

Ang pinakamalaking model naman ay ang Luna na 43” ang sukat at P80,000 ang presyo ngayon mula sa dating P95,000.

 

News

‘Liter of Light’, nagbigay ng ideya at liwanag sa mga Pinoy para makatipid sa kuryente

Published

on

By

Tuwing katapusan ng bawat buwan, pinoproblema ng marami si “Judith” o ang kanilang due date sa mga bayarin gaya ng kuryente, tubig at iba pa.

Kabilang sa pinoproblema ng marami ay ang gastos sa pagkonsumo ng kuryente. Mayroon din namang mga lugar na may kakulangan sa kuryente. Kung puwede lang sana ay magkaroon ng kuryente na hindi naman mabigat sa bulsa. Kaya naman may isang organisasyon na bumubuo ng solar lights na tipid sa kuryente at nagbibigay ng liwanag sa mga tahanan.

Ayon sa panayam ng “iJuander”, sinasabing base sa datos ng Department of Energy noong 2021, nasa 1.62 milyong kabahayan sa bansa ang hindi naaabot ng kuryente.

Nariyan ang Nursery Compound sa Barangay Talon Dos sa Las Piñas City na diumano ay limang taon nang wala pa ring kuryente kahit nasa siyudad lamang sila.

Nasa 100 pamilya ang naninirahan sa compound, at ang iba ay nagbabayad ng P70 kada gabi para makigamit ng generator at mailawan ang kanilang tahanan pagsapit ng dilim.

Ang ilang komunidad naman ay gumagawa ng paraan sa paglikha at paggamit ng solar lights na ibinabahagi ng Liter of Light Foundation.

Liter of Light Foundation

Ayon sa kanilang website, ang Liter of Light ay isang ” global, grassroots movement commited to providing affordable, sustainable solar light to people with limited or no access to electricity.”

Sa pamamagitan ng network of partnerships sa buong mundo, ang mga volunteers ng Liter of Light ay nagtuturo sa mga marginalized na komunidad kung paano magagamit ang mga recycled plastic bottles at locally sourced na materyales para mapaliwanag ang kanilang mga tirahan, negosyo at mga kalsada.

Ang isang solar light nila ay binubuo ng LED, switch, jack na isasaksak sa pagkukuhaan ng solar power, at recycled bottle na magsisilbing diffuser. Malaking tulong ito sa isang komunidad lalo na’t sila ay hindi naaabot ng kuryente.

Hindi na ito mangangailangan pa ng kuryente dahil ito ay ibinilad sa araw para makahigop ng energy para makapagbigay ito ng liwanag. Hindi lang sa Pilipinas nagagamit ang naturang proyekto. Mayroon na rin nito sa 32 na bansa.

“Yung importante kasi sa amin is makita ng mundo na ang mga Pilipino ay hindi lang siya nangangailangan palagi at humihingi ng tulong, pero ‘yung mga ideas niya ay nakatutulong rin sa iba,” paliwanag ni Illac Diaz, founder ng Liter of Light Organization.

Ang Liter of Light technology ay kinilala na ng UN at ginagamit na sa ilang UNHCR camps. Kabilang sa mga pagkilalang natanggap na nito ay ang 2016 St. Andrews Prize for the Environment, ang 2015 Zayed Future Energy Prize, at nagwagi na rin sa 2014-2015 World Habitat Award.

Samantala, alamin natin kung paano nga ba ginagawa ang isang solar light na kaya nang buuin ng sinumang nais gumamit nito. Panoorin ang video na ibinahagi ng iJuander.

Continue Reading

Inspiring

Driver mula Taguig nakagawa ng robot mula sa recycled materials

Published

on

By

Isang Pilipinong tsuper ang gumawa ng isang maliit na robot – na kayang maglakad, magsalita, at ‘umihi’ – at karamihan sa ginamit niya ay mga recycled na materyales.

Ayon kay Kuya Kim sa “24 Oras” noong Biyernes, matagal na umanong pangarap ni Omar Cruz, isang driver mula sa Taguig City, na magkaroon ng laruang robot.

Ngayong taong ito, natapos niyang gawin ang pinapangarap na robot na pinangalanan niyang Well-O. Ang robot ay isang simpleng box-type na may mga gulong, ngunit mukhang ito ay parang sa isang science fiction na pelikula.

“Self-studying lang ang ginawa ko. Ginawa ko siya nung 2016, nung March ko lang natapos. Halos wala akong ginastos dahil 80% made from scrap ‘to,” sabi niya tungkol sa kanyang gawa.

Hindi malayo ang Well-O sa Gundams ng Japan at iba pang mga robot. Sinabi ni Omar na gusto niyang pagbutihin pa ang kanyang robot at magdagdag ng mga function nito.

“Gusto kong ipakita ‘yung mga kaya kong gawin,” saad ni Omar. [I want to show what I can do.]

Ang Departamento ng Science at Technologu ay nag-aalok ng direktang pagpopondo sa mga Pilipinong imbentor na gustong bumuo ng kanilang sariling mga robot at iba pang mga gadget.

“Ito ay naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga innovative startups upang ma-translate ang kanilang early stage technologies into market-ready products,” wika ni Edward Apigo, Senior Science Research Specialist.

Grabe ang galing ni Kuya! Nakaka-proud ang husay sa paggawa ng robot!

Kaya naman marami ang napahanga na mga netizen sa gawa ni Omar at sinabing, “Wow ayus ah Philippine made robot”

“Sana suportahan ito ng gobyerno.”

“Grabe Solid.”

“Wall e galing niyo po kuya, sana marami pa kayong magawang robot. God bless po.”

Maraming netizen ang napansin na para itong si WALL-E, bilang Waste Allocation Load Lifter Earth-class, ang huling robot na natitira sa Earth, na ipinalabas noong Hunyo 21, 2008.

Ating silipin si Well-O:

Continue Reading

celebrities

Isko Moreno makikipag-negotiate sa SpaceX para sa mas mabilis na internet

Published

on

By

Ibinunyag ni Manila City Mayor Isko Moreno noong Huwebes na pinahintulutan siya ng City Council of Manila na makipag-negotiate sa kumpanya ng American billionaire na si Elon Musk para sa pagbili ng Starlink low-orbit satellites.

“I hope we can avail of Starlink low-orbit satellite soonest. The best success story is in Ukraine when Elon Musk deployed a number of satellites in that country after its internet connectivity was destroyed by Russian forces. Hopefully, we can use this in the entire country,” ani Moreno sa isang press conference sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Ang tinutukoy ni Moreno ay ang City Council Resolution No. 46 na nagpapahintulot sa kaniya, “to negotiate and/or enter into a contract with SpaceX Enterprise for the use of Starlink, the world’s most advance broadband internet system in the City of Manila.”

Ang SpaceX ay isang space exploration company na pag-aari ng tech magnate at bilyonaryo na si Elon Musk.

Isa rin itong tagapagbigay ng mga serbisyo sa transportasyon sa kalawakan, at isang korporasyon ng komunikasyon na may headquarters sa Hawthorne, California.

Sinabi ng 47-anyos na kandidato sa pagkapangulo na ang Lungsod ng Maynila at ang buong bansa ay makikinabang nang malaki sa mga serbisyong maibibigay ng Starlink, lalo na para sa disaster preparedness dahil magkakaroon pa rin ito ng signal sa gitna ng mga sakuna.

“We are not unaware that there are many calamities in the Philippines, especially strong typhoons and earthquakes. And often the line of communication is broken like what happened in areas in Visayas and Mindanao which were devastated by Odette.”

“No phone, no internet. This is a big help from Elon Musk because it has a signal even with storms and earthquakes.”

Dagdag pa ni Moreno, makikinabang ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Maynila sa high-speed broadband ng Starlink.

“Wala nang dead spots, wala nang mabagal na signal o no signal which affects the online learning process of students,” aniya.

Gumagana ang satellite internet company ni Elon Musk na Starlink sa pamamagitan ng pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng vacuum of space, kung saan ito ay naglalakbay nang mas mabilis kaysa sa fiber-optic cable at maaaring maabot ang mas maraming tao at lugar; sinabi ng campaign team ni Moreno sa pahayag nito na ipinadala sa media.

Panoorin:

Continue Reading

Trending