Connect with us

Social News

Laundry shop na nagbalik ng pera mula sa labada, pinuri ng netizens

Published

on

Marami ang napabilib sa isang laundry shop sa Agusan del Sur na nagbabalik ng mga perang naiiwan sa labada.

Imahe mula sa Facebook | Wash ME Laundromat-San Francisco

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng Wash ME Laundromat – San Francisco ang larawan ng mga nilabhan kalakip ang perang nakuha mula sa mga ito. 

“We value integrity more than anything else,” sabi nila sa post na ngayon ay may mahigit 13k reactions at 8.3k shares na.

Dahil sa pagiging tapat ay inulan sila ng papuri mula sa mga netizen. Ang isang commenter, sinabing dapat silang tawaging “liwanag sa dilim.”

“Isa kayong bayani  sa mundong karamihan ay inuuna ang sarili napakalaking inspirasyon ninyo at buong puso akong sumasaludo sa inyo, underpraise ang sabihing may integrity kayo, you guys should be called ‘liwanag sa dilim,’” sabi ni l Tris.

Imahe mula sa Facebook | Wash ME Laundromat-San Francisco

“Nakakatuwa naman po at meron pa ring mabubuting tao na matapat sa kanilang mga gawain. Hindi man ‘yan suklian ng tao pero ‘yong Diyos na higit nakakaalam ng inyong ginagawa ang Siyang magpapala po sa inyo. God bless po sa inyong business,” komento ni Va V.

Ang isang Facebook user naman, sinabing bagama’t malayo ang business kaya hindi niya ito personal na masusuportahan ay tutulungan niya ito sa pamamagitan ng pag-promote dito.

Imahe mula sa Facebook | Wash ME Laundromat-San Francisco

 “Malayo kayo, but because of your integrity and great service, we will help you by recommending this. God bless you more!” sabi ni Jana E.

Samantala, nagpasalamat naman ang pamunuan ng laundry shop sa mga mensaheng natatanggap.

From the bottom of our heart, MARAMING SALAMAT po! We received a lot of positive feedback from our simple gestures. We never thought it made an overwhelming impact on everyone. We remain faithful to GOD, to our service, and to our valued customers,” sabi nila.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

Social News

Dingdong Dantes, nagbabala kaugnay sa kanyang pekeng LinkedIn account

Published

on

By

Humihingi ng tulong ang GMA Kapuso Primetime King aktor na si Dingdong Dantes sa publiko kaugnay sa pekeng LinkedIn account na ginagamit ang kanyang pangalan.

Ibinahagi niya ang kanyang concern sa kanyang FB page na Dingdong PH. Mangyari kasi, bukod sa paggamit ng kanyang totoong pangalan na Jose Sixto Dantes, III, pati ang kanyang mga larawan ay ginagamit rin sa  employment-oriented online service na LinkedIn ng suspek.

Kaya naman hinihikayat ni Dingdong  ang publiko na iparating sa kanya kapag may nalaman kaugnay sa pamemekeng ito.

Nag-post siya ng screenshot ng pekeng account, pati na rin sa kanyang IG Story  at nagbabala sa mga followers nito.

“It has come to my attention that a fake Jose Sixto Dantes III @linkedin account with my photo, name and credentials, has been actively responding to messages and scheduling online and on-site meetings with individuals on my behalf,” saad ng aktor.

Dagdag pa niya, “Please be informed that the profile Jose Sixto Dantes III with over 400 connections on @linkedin is not me nor is it being handled by anyone I know. I am asking for your help to report the said account and to redirect your concerns to [email protected] and or/[email protected], if there are any.”

 

Marami na rin ang gumagamit ng ‘Linkedin’ na isang American business and employment-oriented online service na nag-ooperate sa websites at mobile apps. Pinapayagan nito ang mga naghahanap ng trabaho o koneksyon na mag-post ng kanilang curriculum vitae.  Ang mga employer naman ay maaari ding magbahagi ng mga job opening sa kanilang kompanya o negosyo. Maaari ding sila mismo ang mag-browse ng mga posibleng akma sa kanilang pangangailangan sa kompanya.

Samantala, kamakailan ay nabalitaan na nagpositbo ang buong pamilya ni Dingdong. Katatapos lang nila ng kanilang required 10-day home quarantine noong Linggo Enero 23.   Fully vaccinated at may booster shot na ang mag-asawa.

Continue Reading

Social News

Batang sementeryo noon, miyembro na ng SWAT team ngayon

Published

on

By

Kapag bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng kapalaran. Sino ba naman ang mag-aakala na mula sa pagiging batang-sementeryo ay  mararating niya ang estado bilang miyembro ng MPD SWAT team?

Siya si PO1 Angelo ‘Yong’ Borlongan na kabilang sa SWAT team ng MPD. Ang 28-anyos na police officer ay sa sementeryo ipinanganak at doon na rin lumaki at nagkaisip kasama ang kanyang nanay, lolo at lola.

Viral na pulis

Nag-viral si PO1 Yong dahil sa isang video sa Tiktok kung saan plano niya sanang magsayaw ngunit biglang pumasok ang kaniyang team leader  na naghahanap ng kutsilyo para tanggalin ang tali sa walis. Ang video na ito ay humakot  ng mahigit 8.7M views. Dahil dito ay ifineature siya ng Rated Korina.

Si Yong pala ay lumaki sa sementeryo kapiling ang kanyang ina at ang lolo’t lola. Ang kanyang lolo ay isang sepulturero at naging katu-katulong nito si Yong.

“Bilang isang bata, nagkaroon po ako ng pangarap sa buhay. Nakita ko po ‘yung aking mga magulang, ang aking mga lolo kung gaano kahirap,” paglalahad niya.

Walang permanenteng trabaho ang pagsesepulterero, kaya iniwanan si Yong ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.

“Wala ‘kong mapapag-iwanan kundi mga magulang ko lang ang pagkakatiwalaan ko, kailangan kong maghanapbuhay, pumapasok sa pabrika para kahit papano siyempre meron din silang makain. Napakahirap po ng isang single mom,” ani Alona Borlongan, nanay ni Yong.

Dumating rin sa punto na halos walang ulam at kanin lang umano ang kinakain nina Yong.

Noong 2003 bumalik at kinuha siya ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola at pinalaki na siya ng kanyang stepfather.

Pagka-graduate sa highschool, hindi na niya inasahan na siya ay makatutuntong pa sa kolehiyo. Ngunit nagtulong-tulong umano ang mga magulang ni Yong at mga kamag-anak sa sementeryo para matustusan ang pag-aaral niya sa kursong BS Criminology.

Sa wakas ay nakatapos na siya ng kolehiyo at naging ganap na pulis nang pumasa sa board exam noong 2016.

“Siyempre po maraming salamat sa Diyos dahil maiisip mo na sitwasyon mo ganun, pero napakasaya maam, Maraming salamat sa Diyos,” aniya sa kanyang panayam sa Rated Korina.

“Naiiyak ako dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ‘yung isa sa mga pinili ‘di ba, na maging isang alagad at tagapagpatupad ng batas, sinisikap na maging isang mabuting pulis, ‘di ba po?” aniya.

“Kaya po nakakaiyak dahil sa tuwa, walang mapaglagyan po yung tuwa,” dagdag pa niya.

Nang magkatrabaho ay umupa sila ng kanyang nanay ng bahay sa halagang P4,000 na kadikit din lang ng sementeryo. Kung dati ay sa ibabaw ng nitso siya natutulog, ngayon kahit paano ay may silid na siya at higaan.

“Hindi ko po maiiwan itong sementeryo kasi andito po ang aking comfort zone, dito po ako masaya, nandito po ang buhay ko, walang sasaya pa dito sa lugar na to kahit na ako’y bigyan pa ng pagkakataon ng diyos na mas lalong umangat pa hinding hindi ko kakalimutan ‘tong lugar na to dito na po ako eh, dito na po ako lumaki, dito na rin po ako hihimlay,” pagtatapos niya sa panayam ng Rated Korina.

Panoorin si Gwapulis:

Continue Reading

Trending