Connect with us

celebrity

‘Insensitive’ daw? Caption ng swimsuit photo ni Korina, ‘di pinalampas ng netizens

Published

on

Screenshot mula sa Instagram

Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang caption ng Instagram swimsuit photo ni Korina Sanchez dahil parang ‘insenstive’ daw ito lalo na ngayong marami na naman ang nahahawahan ng COVID-19.

Noong Linggo, Enero 9, unang ibinahagi ni Korina ang kaniyang swimsuit photo kung saan mababasa rito ang original caption na “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase dami ko tinutulungan?”

Imahe mula sa PEP.ph

Hindi ito pinalampas ng ilang netizens na tinawag na ‘insensitive’ at ‘wala sa lugar’ ang caption ng dating Kapamilya broadcaster.

Makaraan ang ilang oras, sinubukang baguhin ng misis ni Mar Roxas ang caption at ginawa itong “IMAGINE. Lahat nagka covid na. Ako never pa. And Im ALL OVER. Thank you, Lord. Sadya akong pinagpala kase baka nakakatulong yung may natutulungan din? Please bless and heal all those infected.”

imahe mula sa PEP.ph

Hindi pa rin ito pumasa sa panlasa ng mga netizens at patuloy ang pag-bash sa award-winning journalist.

Ayon sa ilan, hindi naman kailangan ipangalandakan pa ni Korina ang pagtulong at ipagmalaki pa sa karamihan na kaya siya hindi nagkaka-COVID ay dahil dito.

Depensa naman ng ‘Rated Korina’ host, ‘miscalculation of words in caption’ lang ang kaniyang naisulat at wala naman siyang nais ipakahulugan dito.

Nitong Lunes, ay muling naiba ang caption ng Instagram post ni Korina dahil hindi pa rin ito tinatantanan ng mga bashers.

Screenshot mula sa Instagram

“Thank you Lord. So many sick and infected. Ive never been positive—- even as Im all over for work I have to do. Frontliner pa ako ngayon sa househelp and driver ko. Help me help others through this pandemic. Kaya natin ito,” ayon sa nakasulat na lamang dito.

Ipinagtanggol naman ang beteranang broadcast journalist ng kaniyang mga followers mula sa negatibong komento ng bashers.

“Yung mga negatrons, anyare sa inyo 2022 na! Spread love, happiness, good vibes, kindness and be grateful kahit sa MALIIT na bagay. Nagpapapansin lang kayo Or gusto niyo lang na pansinin kayo ni Ma’am Korina?” komento ng isang follower.

Screenshot mula sa Instagram

“Wala nang sabihin na di makakaoffend. Que maganda or panget ang post may maooffend, how about minding our own business na lang. If we give a damn to everything lalo lang tayo makakahanap ng rason masaktan or maoffend. Super touchy na ang tao, wala nang pinalagpas lahat kelangan i-relate sa sarili,” dagdag naman ng isa pa.

Hindi na bago kay Korina ang ganitong pamba-bash sa kaniya sa social media. Subalit sa ilang pagkakataon, napipilitang sagutin ito ng broadcaster lalo pa’t minsan ay masyado nang personal ang mga banat sa kaniya at idinadamay pa ang kaniyang pamilya.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

celebrity

Gretchen Barretto, truck-truck ng special rice ang ayuda sa mga health frontliners

Published

on

By

Walang pagsidlan ng ligaya at puno ng pasasalamat ang mga health workers ng San Lazaro Hospital dahil sa ayuda ni Ms. Gretchen Barretto para sa kanila.

Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang ginagawa ni Gretchen B. ang pagbibigay ng tulong sa mga frontliners.

Sabi nga ng contact ni Ms. Gretchen sa San Lazaro Hospital na si Dr. Cherry Abrenica, na kalaunan ay naging kaibigan na niya, ay noon pang 2014-2015 nagbibigay ng tulong ang aktres sa naturang pagamutan.

“Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa niya ang anak at mga pamangkin,” kuwento ni Dr. Abrenica.

Umabot sa 1,328 sacks ng special rice ang ipinamahagi ni Gretchen noong nakaraang linggo sa mga manggagawa ng San Lazaro Hospital. Pinangasiwaan ng mga trusted friends niyang sina Anna Abiera, Grace Medina, Rusky Fernandez at Francis Simeon ang pamamahagi ng ayuda.

Isang imahen ni San Lazaro ang pasadyang ipinagawa ni Dr. Abrenica at iniregalo kay Gretchen bilang pasasalamat sa pagtulong nito.

Sa isang video na ibinahagi ng aktres ay makikita sa altar niya sa kanyang bahay ang naturang imahen ng santo.

“ I just received a note from Dr. Cherry Abrenica and the doctors at San Lazaro Hospital and they gave me San Lazaro and it’s now here at home with me,” lahad ni Gretchen.

Sumunod na pinadalhan ni Gretchen ng isang truck na special rice ay ang St. Luke’s sa BGC, Taguig City. Hindi lang mga medical frontliners ang nabahaginan ng bigas kundi maging ang mga security at maintenance personnel ng pagamutan.

Sa dami ng mga dinalang bigas ay umabot ng alas-nuwebe ng gabi ang turn over. Nasa 3,406 sacks of special rice ang naipamahagi.

Sinabi ng aktres na sa St. Luke’s na-confine ang kanyang ina na si Inday Barretto at nagpapasalamat siya sa buong staff ng pagamutan sa pag-aalaga sa mahal na ina.

Naka-line up na rin ang iba pang mga ospital na padadalhan niya ng mga bigas. Kabilang dito ang Philippine General Hospital, St. Luke’s Hospital-Quezon City, National Children’s Hospital at ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Continue Reading

Trending