Connect with us

Philippine Showbiz

Iya Villania, nagpositibo sa COVID-19; pinalakas ang loob ng mga magulang sa parehong sitwasyon

Published

on

Positibo sa COVID-19 ang Kapuso host na si Iya Villania kaya naman kasalukuyan siyang naka-quarantine at kailangan munang malayo sa tatlong anak.

Imahe mula sa Instagram | Iya Villania

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Iya ang sitwasyon sa kanilang tahanan. “Primo gets it, Leon is okay too because he follows his Kuya’s lead. But Alana? Boy, it broke my heart to see her cry for me and not be able to console her even for a bit,” aniya.

Ang kaniyang panganay na si Primo ay limang taong gulang, si Alonzo ay tatlong taong gulang, habang ang bunsong si Alana naman ay isang taong gulang pa lamang.

Layunin daw ni Iya na palakasin ang loob ng mga kapwa magulang na dumadaan sa parehong sitwasyon. Tiyak daw siyang hindi sila nag-iisa at kakayanin nilang lagpasan ang pagsubok na ito.

Imahe mula sa Instagram | Iya Villania

“This post is for all mamas and papas that are going thru the same thing and have to endure not hugging and kissing their children. This was the hardest thing to accept upon learning I was + (and I’m not talking about my pregnancy test),” pagbibiro pa niya.

Payo niya sa mga magulang na naka-quarantine ngayon at hindi puwedeng yakapin ang mga anak, “try not to cry! Coz the tears will only cause nasal congestion and lengthen recovery! I know, I know. Ang hirap.”

Imahe mula sa Instagram | Iya Villania

Maging siya raw ay hindi nasunod ang payong ito ngunit kailangan niya raw magpagaling kaagad para sa kaniyang pamilya. 

You have to get over it as soon as you can and get in that speed car towards recovery for your family. Kapit, guys! There’s a whole bunch of us! We can do it!”

Kamakailan lamang ay ibinalita ni Iya na dinadala niya ang pang-apat na anak nila ng asawang si Drew Arellano. 

Philippine Showbiz

Bea sa netizen na nagtanong kung kailan siya magpapakasal: ‘It’s not a race’

Published

on

By

Sinagot ng aktres na si Bea Alonzo ang isang netizen na nag-usisa kung kailan niya balak magpakasal at bumuo ng sariling pamilya kagaya ng ilang mga kasabayan sa show business.

Binuksan ni Bea ang kaniyang Instagram para sa tanong mula sa followers at may isa na nagtanong tungkol sa pagpapakasal.

“You are not getting any younger po. When will you get married and have kids like Marian [Rivera], Anne [Curtis], Jennylyn [Mercado], etc?,” sabi ng netizen.

“May taxi? Hahaha,” pabirong sagot ni Bea.

Ipinaliwanag din ng aktres na hindi siya nagmamadali dahil naniniwala siyang may kaniya-kaniyang timeline ang bawat isa.

“Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline.”

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin ni Bea ang relasyon nila ni Dominic Roque, ngunit bago ito ay matagal nang usap-usapan ang tungkol dito.

“It just came out naturally. Alam ko na prior to the posting, marami nang haka-haka ang mga tao. It’s not like I was trying to hide it, I think I was just trying to be careful given my past experience. Siyempre, gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official,” sabi noon ng aktres sa panayam sa 24 Oras.

Naniniwala rin daw siyang ang pinakamahalagang moments sa relasyon ay ‘yong mga hindi nakikita sa social media.

“Even sa past relationships ko, hindi naman ako super open about it. I think treasured moments ng relationship ay ‘yong moments na hindi nashi-share sa social media. I want to keep it that way,” sabi ni Bea sa parehong panayam.

Samantala, may isang netizen din na nagtanong kung ano ang pinaka-nagustuhan niya kay Dominic.

“The way he loves me. The way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan,” aniya.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Megan, Mikael nagpasalamat sa netizens sa pagpapaalala ng kanilang 2nd wedding anniversary

Published

on

By

Muling nakaligtaan ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang mahalagang milestone sa kanilang buhay – ang kanilang ikalawang wedding anniversary.

Sa isang Instagram post ay nagpasalamat si Miss World 2013 Megan sa mga nagpaalala ng kanilang anibersaryo.

“Thank you to everyone else for reminding us because we always forget these things,” aniya.”

Aminado rin ang kaniyang mister na nawala sa isip niya ang mahalagang araw na ito. “On cue, we forgot a major milestone in our relationship once again. Today is our 2nd wedding anniversary! (synchronized face palm from me and Bonez). But then again, this is how we roll and it’s all good in the hood,” sabi ni Mikael.

Nagbahagi rin ang aktor ng larawan ng natutulog na si Megan habang suot pa ang kaniyang wedding dress.

“And just to remind everyone how Boneezy feels about me, you may refer to the second picture in this post. Yes, that is Boneezy, plakda po siya. She has fallen and stayed fallen…in love with me! HAHA! But to be honest, I’m just looking for a cheesy excuse to post that picture,” sabi niya.

“And with that, happy anniversary to us! My only message to Bonez is… I shall do my best to make you stay ‘fallen.’”

Samantala, pangako naman ni Megan, palagi lang siyang nasa likod ni Mikael. “2 years married and 11 years together. I’ve always got your back as you’ve always got mine.”

Marami ang humanga sa simpleng kasal na idinaos nina Megan at Mikael noong January 2020. Unang ikinasal ang dalawa noong January 10 at dinaluhan ito ng 10 mga mahal sa buhay.

“January 10, 2020 was the day we officially sealed the deal. We had an intimate ceremony at Caleruega attended by 10 loved ones. Fofo and I ended up crying during the whole ceremony so please excuse our red noses,” sabi noon ni Megan.

Muli silang ikinasal noong January 25 sa Subic.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Andi Eigenmann ibinahagi ang kanyang fitness journey

Published

on

By

Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa Instagram na ang ilan sa kanyang fitness goals ay naging matagumpay isang taong matapos niyang ipanganak ang kanyang ikatlong anak na si Koa.

Ibinahagi niya ang isang compilation ng videos habang nagsasagawa ng pag-eehersisyo sa bahay,  “Was looking for some motivation and found it in myself!”

Ayon kay Andi, umabot ang kanyang timbang sa 175 lbs nang ipinagbubuntis niya ang bunsong anak na si Koa.

Dahil sa kagustuhang maibalik sa healthy shape ang kanyang katawan ay sinisikap niyang mag-ehersisyo kahit mahirap. Nabawasan siya ng 50 lbs makalipas lamang ng 10 buwan.

Wow! Sana all matiyaga mag-exercise dahil sa panahon ngayon ay food is life! 

Aminado naman ang aktres na nahinto ang kanyang pagpapapayat subalit naisip pa rin niya ang kahalagahan ng ginagawa niyang pag-eehersisyo, hindi lamang sa physical kundi para sa mental health nito.

“Suddenly being “out of place” for almost 2 months froze me up quite a bit, but I realise how much of an impact physical exercise has really had on my mental health and overall well- being,” aniya.

Pinasasalamatan din niya ang kanyang mga fitness coach at ang kanyang asawang si Philmar Alipayo dahil sa pagtulong sa kanyang fitness journey.

“I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit. And also I just wanted to try making a reel,”dagdag pa ni Andi.

Maraming followers naman ang na-inspire sa tiyaga ni Andi:

“Galing Andie! You’re really so inspiring – ina_feleo”

“YAAAAASSSSSS GO GURLLLL!!!!! – yassipressman”

“Galing talaga!happy islander fam fan here.”

“Wow!!!! Thats what you call HARD WORK! Good Job”

Kamakailan ay bumalik na muli ang anak na si Ellie na masayang ibinahagi ni Andi sa Instagram account nito.

Panoorin ang buong fitness journey ng aktres:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Continue Reading

Trending