Connect with us

social media

Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, usap-usapan

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng internet personality na si Jam Magno kung saan ipinahayag niya ang buong suporta sa kandidatura ni Robin Padilla sa pagka-senador sa darating na eleksyon sa Mayo.

Screenshot from Jam Magno’s video

Aniya, mas naging abala pa si Robin sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette kaysa sa karamihan sa mga incumbent senators.

Hangad niya raw talaga na manalo ang aktor.

“Robin Padilla is busier than most incumbent senators helping Typhoon ODette victims. And I honestly hope he wins,” ayon sa kontrobersyal na social media personality na kilala bilang isang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para sa kanya, higit na mas mahusay daw si Robin kaysa sa mga kandidato sa line up ni Vice President Leni Robredo at sa mismong Bise Presidente.

“You don’t have to agree with me but Robin Padilla is a way better bet than those in Leni’s roster- even better than Leni herself.

Humanga siya sa aktor noong hindi ito agad umuwi sa piling ng asawang si Mariel at mga anak noong Pasko at Bagong Taon dahil sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“Clearly I know enough to say that he has always been a long standing ally of the President. And that he missed Christmas and New Year’s to be with Typhoon Odette victims than to be with his beautiful and funny wife Mariel and their kids.

Image from Robin Padilla

 Ipinagtanggol rin ni Jam ang plataporma ni Robin sa mga bumabatikos doon.

His platform is easy to understand and he has walked his talk for years. And unbeknownst to many I actually heard that he’s one smart guy too. So again to the people making fun of him. Shame on you and your bets who think the Philippines only has 1,700 islands.

 Naniniwala umano siya kay Robin dahil tulad nito nais rin niya ng tunay na kapayapaan sa Mindanao. Gusto raw kasi niya na magkaroon ng boses sa Senado ang Muslim Community.

Image from Robin Padilla

social media

Twitter account ni Jam Magno tuluyan nang sinuspinde

Published

on

By

Tuluyan nang sinuspinde ang Twitter account ng sikat at kontrobersiyal na social media personality na si Jam Magno.

Ibinahagi pa ni Magno ang screenshot ng kaniyang suspendidong Twitter account sa isang Facebook post na kinalaunan ay tinanggal niya rin.

Nakasaad sa screenshot na nilabag umano ni Magno ang rules sa Twitter, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” nasasaad dito.

Hindi naman daw malaman ng popular na vlogger kung ano ang tunay na dahilan sa pagkakasuspinde ng kaniyang Twitter account.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” wika nito.

Subalit sa kaniyang pinakahuling Facebook post, tila may bago na siyang Twitter account gamit ang ibang pangalan.

Si Magno ay kilalang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon at ni Pangulong Duterte.

BASAHIN: Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, usap-usapan

Mahigpit din siyang kritiko ng mga ‘dilawan’ at oposisyon, at ni Vice President Leni Robredo.

Noong nakaraang taon ay sinuspinde rin ng Tiktok ang account ni Magno sa popular na video sharing platform.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang vlogger at sinabing mapapanood pa rin siya ng kaniyang mga followers sa Tiktok Live version.

“Let me remind you that being banned on Tiktok is NOT new to me and I came back from it before. I am still going to [go] Live regardless and being declared PNG {persona non grata) even more so,” matapang na hamon nito.

Nitong Martes, ibinahagi rin ni Magno na magbabalik na siya sa Tiktok.

Aniya,” I loved not being on Tiktok. I realized Social Media does not dictate my Life because I use my platform to share what I like and I am passionate about and also it connects me to the best people. Also, it will never stop me from being who I am in real life just because you think it’s right to ban me. But if you think I am giving up despite all that you do to my profiles. NEVER.”

Continue Reading

Food

Taho vendor sa Boracay, nag-viral dahil sa cashless na pagbebenta

Published

on

By

Kapag tayo ay bumibili sa taho vendor ang ipinambabayad natin ay ang perang hawak-hawak natin, pero alam mo ba na ang ilang taho vendor sa Boracay ay tumatanggap na ngayon ng cashless payment?

Viral ngayon sa social media ang taho vendor sa isla ng Boracay na si Mang Reynaldo Indalos.

Paano ba naman hi-tech na rin kasi ang pagbabayad sa kanya ng mga customer. Si Mang Reynaldo ay tumatanggap ng bayad gamit ang GCcash at Paymaya app. May pa-QR code o ‘quick response’ code pa ito. Scan and pay, ganoon kadali!

“Sa beach maam kapag nagdadala po ako nito, ang sigaw ko po Tahooo!  kapag walang cash pwede gcash,” ani  Reynaldo sa Ulatbayan.

Ayon kay Roanne, isang online freelancer na kumuha ng video, natuwa siya sa diskarteng ito ni Mang Reynaldo kaya’t kahit walang dalang cash ay napabili na rin siya ng taho.

“I find cashless transaction mas convenient and also para iwas na rin  for covid sense. ‘Yung money syempre. ‘Yung transfer ba ng viruses sa paghawak natin ng pera,” aniya sa Ulatbayan.

 

Ayon pa sa uploader, maging ang mga maliliit na vendor sa Boracay ay naka-cashless transaction na rin.

“Bibigyan ka na talaga nila ng QR code. As in naka laminate na talaga at ipapakita na lang sa’yo,” aniya.

Para naman kay Mang Reynaldo, na anim na taon nang magtataho sa Bora, nakatulong din sa kanya ang ganitong mode of payment. Minsan kasi ay malaki rin ang tip ng mga customer at dahil sa kanyang kwelang personalidad na-feature na rin siya ng mga bloggers mula sa ibang bansa.

“‘Yung taho ko, maam, may halong pagmamahal,” ngiting sabi ni Mang Reynaldo.

“Pampatibay ba ng relasyon ‘yung taho ko, sigurado,” dagdag pa niya.

Sa panahong nasa gitna tayo ng pandemya, lumalabas lalo ang diskarte ng marami at nahihikayat ang bawat isa na sumabay sa teknolohiya na mayroon ngayon. At sa panahon din na apektado ang kabuhayan ng mga maliliit na naghahanap-buhay, mainam na sila’y ating tangkilikin at suportahan.

Continue Reading

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

Trending