Connect with us

celebrities

Julia, natanggap ang first ever Rolex watch mula kay Gerald Anderson

Published

on

Bongga pala ang regalong ibinigay ni Gerald Anderson sa nobyang si Julia Barretto noong Pasko … isang Rolex watch.

Mapapanood sa vlog ni Marjorie Barretto ang pagreregalo ni Gerald kay Julia. Sa sobrang saya nang makita ang laman ng gift box ay agad niyang niyakap ang boyfriend. Sabi ni Julia, ngayon pa lang siya nagkaroon ng ganoong relo, na agad niyang isinuot.

Screenshot from Marjorie Barretto’s vlog

“This is my first Rolex,” sabi ng magandang aktres.

Bukod kay Julia ay niregaluhan rin ng aktor ang mga kapatid nito. Isang scented candle para kay Dani Barretto at isang malaking Hello Kitty  para sa bunso nilang kapatid na si Erich.

Ayon kay Leon Barretto, ang lalaking kapatid ni Julia, pangarap daw talaga ni Erich na magkaroon ng Hello Kitty stuff toy na binigyang katuparan ni Gerald noong Christmas Day.

Marami ring natanggap na gift si Gerald mula sa Barretto family.

Iyon ang kauna-unahang Christmas ni Gerald kasama ang pamilya ng nobya.

Screenshot from Marjorie Barretto’s vlog

Kamakailan lang,  inamin ni Julia na hindi na siya bumibili ng mga mahahaling gamit para sa sarili mula nang maipatayo niya ang sariling bahay at solong nanirahan doon.

Wais na siya sa pera at proud “kuripot.”

Aniya, sa halip na bumili ng mga designer shoes and bags na hilig niya noong kabataan niya, napupunta na raw ang budget niya sa mga bayarin sa kanyang household tulad ng kuryente.

Screenshot from Marjorie Barretto’s vlog

“Hindi na ako ‘yung before na parang every week may bago akong sapatos, may bago akong bag. Hindi na ako  ganon. Napupunta na lang sa electric bills, sa amortization dues,” aniya.

Mas napapahalagahan na raw niya ngayon ang perang kinikita at ‘yung oras at energy na ginugugol niya para kumita ngayong solo na lang siyang namumuhay sa sariling bahay na hindi naman kalayuan sa bahay ng inang si Marjorie.

 Nung bata pa ako, magastos talaga ako. Pero ngayon na I live on my own and ako na nagra-run ng household, tipid na ako. Ano na ako, kuripot na.

celebrities

Mark Anthony sa ex-GF na si Claudine: Iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin?

Published

on

mark anthony claudine

Ngayong nagkasama muli sa isang proyekto pagkalipas ng halos tatlong dekada, hindi maiaalis sa marami ang magbalik-tanaw sa nakaraan ng dating magkasintahang sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto. Ngunit kumusta naman kaya silang dalawa sa usaping ito?

Sa panayam nila sa Push, inamin ng dalawa na maging sila ay binabalikan din ang kanilang kahapon, at sa katunayan, napapaisip kung kumusta kaya sila kung silang dalawa ang nagkatuluyan.

mark anthony claudine

“Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako natutuwa pa rin akong nakakausap si Boss Clau. Gano’n din siya sa akin. Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo ‘yon?” ani Mark Anthony, kasabay ng pag-amin na hindi niya isinasara ang mga posibilidad para sa ikalawang pagkakataon nila.

“Para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo ‘yon? Kung anuman ‘yon. Kasi bata pa naman si Boss Clau, e. Depende sa sitwasyon, alam mo ‘yon? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi? Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala ‘yong pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush,” dagdgag pa ng aktor.

Wika naman ni Claudine, “Napag-usapan namin ‘yan, actually. ‘Paano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin?’ Kino-compute pa namin.”

Huling beses nagkasama sa isang proyekto ang dalawa noong 1995 sa pelikulang Mangarap Ka ng Star Cinema. Ngayon naman ay magkakasama muli sila sa pelikulang Deception ng Viva Films na mapanonood sa Vivamax sa January 28, 2022.

mark anthony claudine

Hindi naman daw naging mahirap para kay Claudine ang muling gumawa ng pelikula kahit matagal-tagal din itong nagpahinga; patunay na isa talaga siyang magaling na artista.

“Paano ba ako naghanda dito?” aniya. “Wala naman akong ginawa kung ‘di aralin ‘yong script. Nag-focus lang talaga ako kung anuman ang gustong ipagawa ni Direk.”

Samantala, sa kanilang pagbabalik tambalan, napansin daw ni Claudine na lumalim si Mark Anthony bilang aktor.

“Lumalim siya bilang aktor. Pinag-aralan niya ‘yong role niya. Adventurous siya at nag-e-explore sa pelikulang ito. Magaling si Mark, matagal naman nang alam ng tao ‘yon, lalo na ngayon, at nagulat ako na sobrang gumaling talaga siya. Nag-mature siya tapos ibinibigay niya lahat ang mga requirements,” saad niya.

mark anthony claudine

Continue Reading

celebrities

‘You are enough, you were created from His image’: IG post ni LJ nagdala ng inspirasyon sa social media

Published

on

LJ Reyes

Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang pinagdaanan ng aktres na si LJ Reyes matapos ang hiwalayan nila ng dating partner na si Paolo Contis, kaya naman marami ang nakakuha ng inspirasyon sa isa sa kanyang mga recent post sa Instagram na nagpapaalala sa bawat isa na karapat-dapat sila sa magagandang bagay sa mundo.

lj reyes

Kasabay ng pagbabahagi ng ilang litrato, kabilang na ang larawan niya na masayang-masaya, binitawan ni LJ ang mga katagang maghahatid ng inspirasyon sa mga taong may pinagdadaanan at kinukuwestiyon na ang self-worth.

“You are enough,” paalala niya. “Yes! To all of you reading this, I want to remind you that YOU are ENOUGH. Why? Because YOU are God’s best creation. You were created from His image. You are His masterpiece!”

lj reyes

Kasama rin sa mga litratong ibinahagi niya ang isang T-shirt na may nakaimprenta na “you are enough” at magandang parke.

“I couldn’t get this image out of my head,” wika ng actress. “This area in Central Park that just really had me in awe of God’s creation! God created a beautiful world—a world that is an expression of His love for us. So if sceneries such as this take our breath away, how much more should you feel confident that YOU…are…beautiful! YOU…are…ENOUGH! Stay WONDERful!”

LJ Reyes

Sa comments section ng post, may mga nag-iwan ng mensahe ng pagmamahal, suporta, at pasasalamat para sa aktres.

Wika ng social media user na si @beeralin, “Continue to allow the Lord to use you as His voice to the women you influence. May purpose si Lord sa lahat. From our pain and triumphs, may He be glorified in our lives. Praise God for your life. God bless you more and more!”

“I love reading your inspiring words of wisdom,” kumento ni @Sanala1016. “God bless you and your lovely kids with his love”

Continue Reading

celebrities

Pa-calendar naman! 2022 Kalendaryo ni Karla Estrada, ‘inaawitan’ ng netizens

Published

on

By

Inaawitan ngayon sa social media ang 2022 kalendaryo ng aktres na si Karla Estrada matapos niya itong i-post sa kanyang Facebook account.

“She never gives up. She believes in her strength. Everything is possible when it comes to her family..she has to deal with her Cards the best way she can. She can be a Teacher, Doctor, Cook, Referee, Provider, Protector, Defender and a superhero! She can wear her Cape anytime and anywhere she wants, for She is Real Life Wonderwoman. She is MAMA,” aniya sa kanyang post.

Makikita sa 2022 na kalendaryo ang napakagandang quote. “The Love of a Family Makes Life Beautiful.”

Sa larawan ay kasama niya ang kanyang apat na anak. Ang nasa gawing kaliwa niya ay si Carmela Ford Tenorio o lella, 15 taong gulang na bunsong anak. Inilalarawan niya si Daniel at Carmela bilang pinaka ‘makulit’ sa miyembro ng kanilang pamilya.

Ang nasa kanan naman niya ay si Margaret Ford Planas o Magui, 19 taong gulang. Anak niya ito sa ex-partner na si Mike Planas, dating Councilor sa Quezon City. Hindi nakabibigla na mayroong talento si Margaret sa paggigitara at pagtugtog ng piano.

Makikita rin sa kalendaryo ang panganay nitong anak na si Daniel Padilla, 26, na anak nila ni Rommel Padilla. Narito rin ang kanyang pangalawang anak na si Jose Carlito Padilla, 25 anyos, na anak naman niya kay Naldy Padilla.

Maraming netizens ang gustong makakuha ng kalendaryo niya. Ang iba naman ay hinangaan ang aktres dahil sa pagiging matatag bilang ina at ama sa kanyang mga anak.

“Momshie Karla Estrada pengeng kalendaryo para may picture ako ng family nyo sa bahay namin.”

“Hello goodmorning miss Karla, proud momshie fighter sa lahat ng pagsubok sa buhay. God bless you and the entire family”

Naikuwento ni Karla sa programang ‘Toni talks ‘ noong Disyembre 12, 2021 na hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa pagpapalaki sa apat niyang anak. Maliban sa mga naririnig niyang negatibo dahil sa magkakaibang ama ng mga ito ay naging mahirap rin talaga ang pamumuhay nila.

“Ginapang talaga. I was really tested. Hindi lang sa panganganak, pati ‘yong pang-araw-araw saan ka kukuha,” aniya.

Pero kahit ganoon ang naging sitwasyyon nila hindi niya ipinaramdam sa mga anak na kawawa sila. Sa halip ay inilagay niya umano sa isip ng mga ito na matutong maging maparaan at madiskarte sa buhay para hindi umasa.

Continue Reading

Trending