Connect with us

celebrity

Kathryn at Daniel hinahangaan sa kanilang pagsisikap para sa pamilya at sa hinaharap

Published

on

kathryn daniel

Marami ang humahanga sa pagsisikap ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Bukod sa pagiging maasikaso sa kanya-kanya nilang pamilya, talaga namang nag-iipon at nag-i-invest din ang dalawa sa kanya-kanya nilang paraan.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, naipatayo na ng actor na si Daniel Padilla ang bahay na titirhan ng kanyang pamilya kung sakali, samantalang halfway na ang construction ng bahay sa Antipolo na ipinagagawa ni Kathryn para sa kanyang mga magulang.

kathryn daniel

Dagdag pa rito, nagpatayo ang ina ni Kathryn ng isang studio na magagamit niya at maaaring paupahan din sa iba. Matatandaang doon na nga sa nasabing studio ginanap ang kasalan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Ngayon pa lang, masasabing marami na siyang additional income bukod sa pag-aartista.

kathryn daniel

Sa isang panayam kay Daniel sa programang Tonight With Boy Abunda, hindi nito itinanggi na napag-uusapan na nila ni Kathryn ang pagbuo ng sariling pamilya. Inamin din ng aktor na pinag-iipunan na nila ang kanilang kinabukasan.

“‘Yon ang pinaghahandaan na namin ngayon, pinagta-trabahuhan namin. Kasi siyempre ‘pag dumating ang panahon na ‘yun ayoko ng pukpukan pa rin (sa trabaho). Siyempre after marriage, you have to have a family,” pagbabahagi niya.

kathryn daniel

Imahe mula kay @supremo_dp | Instagram

Wika pa ng aktor, nais niya na magkaroon ng sariling pamilya bago siya sumapit sa edad na 30 taon.

“Ayaw ko maging late pagdating sa family, ayoko na maging old tapos magkakaanak,” saad niya.

At kung darating na raw ang pagkakataon na tutuparin na niya ang kaniyang pangarap na pagbuo ng sariling pamilya, hangad daw ni Daniel na maging maayos ang kanyang ina at mga kapatid.

“Once na bumukod ka, gusto mo steady rin sila. Hindi naman pwede na si Mama, I mean nagta-trabaho siya ngayon, pero hindi ko naman gusto,” wika ng Kapamilya actor. “Gusto ko rin na i-provide na sa kanila ‘yon, provide provide pero siyempre kailangan din nila matuto.”

celebrity

Kim Chiu muling nag-sorry sa animal lovers dahil sa viral comment hinggil sa ‘maingay na pusa’

Published

on

By

Muling humingi ng paumanhin si Kim Chiu sa mga animal lovers matapos kumalat ulit sa social media ang kaniyang komento noon hinggil raw sa ‘maingay na pusa’.

Kung matatandaan, mga ilang buwan na ang nakararaan nang mag-viral ang naging pahayag ng Kapamilya aktres sa ‘It’s Showtime’ na ikinagalit ng ilang netizens.

“Nakakainis ‘yun ‘no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay,”  ani Kim sa segment na ‘Madlang Pi-Poll’.

Kaagad namang nag-sorry ang aktres at ipinaliwanag na hindi naman talaga seryoso ang kaniyang sinabi.

Subalit isang netizen ang muling umungkat nito matapos sumulpot ulit isa internet ang video ni Kim tungkol sa kaniyang sinabi. Pinayuhan ng netizen si Kim na mag-apologize bago pa lumala ang sitwasyon.

Sa kaniyang Twitter post, ipinaliwanag ni Kim na nais na sana niyang manahimik dahil mga ilang buwan na rin ang nakararaan nang mangyari ito.

“I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is…” wika ng aktres.

Dagdag pa niya, putol ang video na kumakalat ngayon dahil hindi rito isinama ang kaniyang paliwanag at paghingi ng paumanhin.

“Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin,” aniya.

Nakalulungkot lang daw na kahit wala ka pa namang ginawa ay naging masama ka na agad sa mata ng iba, samantala hindi umano napapansin ang ‘magaganda’ mong nagawa.

Sa kabila nito, humingi pa rin ng paumanhin si Kim Chiu sa ikalawang pagkakataon.

Aniya, “Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.”

Nakiusap rin ang ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang mga haters at detractors na huwag nang palakihin pa ang isyu dahil wala naman talagang nasaktan.

Continue Reading

celebrity

Gretchen Barretto, truck-truck ng special rice ang ayuda sa mga health frontliners

Published

on

By

Walang pagsidlan ng ligaya at puno ng pasasalamat ang mga health workers ng San Lazaro Hospital dahil sa ayuda ni Ms. Gretchen Barretto para sa kanila.

Lingid sa kaalaman ng marami, matagal nang ginagawa ni Gretchen B. ang pagbibigay ng tulong sa mga frontliners.

Sabi nga ng contact ni Ms. Gretchen sa San Lazaro Hospital na si Dr. Cherry Abrenica, na kalaunan ay naging kaibigan na niya, ay noon pang 2014-2015 nagbibigay ng tulong ang aktres sa naturang pagamutan.

“Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa niya ang anak at mga pamangkin,” kuwento ni Dr. Abrenica.

Umabot sa 1,328 sacks ng special rice ang ipinamahagi ni Gretchen noong nakaraang linggo sa mga manggagawa ng San Lazaro Hospital. Pinangasiwaan ng mga trusted friends niyang sina Anna Abiera, Grace Medina, Rusky Fernandez at Francis Simeon ang pamamahagi ng ayuda.

Isang imahen ni San Lazaro ang pasadyang ipinagawa ni Dr. Abrenica at iniregalo kay Gretchen bilang pasasalamat sa pagtulong nito.

Sa isang video na ibinahagi ng aktres ay makikita sa altar niya sa kanyang bahay ang naturang imahen ng santo.

“ I just received a note from Dr. Cherry Abrenica and the doctors at San Lazaro Hospital and they gave me San Lazaro and it’s now here at home with me,” lahad ni Gretchen.

Sumunod na pinadalhan ni Gretchen ng isang truck na special rice ay ang St. Luke’s sa BGC, Taguig City. Hindi lang mga medical frontliners ang nabahaginan ng bigas kundi maging ang mga security at maintenance personnel ng pagamutan.

Sa dami ng mga dinalang bigas ay umabot ng alas-nuwebe ng gabi ang turn over. Nasa 3,406 sacks of special rice ang naipamahagi.

Sinabi ng aktres na sa St. Luke’s na-confine ang kanyang ina na si Inday Barretto at nagpapasalamat siya sa buong staff ng pagamutan sa pag-aalaga sa mahal na ina.

Naka-line up na rin ang iba pang mga ospital na padadalhan niya ng mga bigas. Kabilang dito ang Philippine General Hospital, St. Luke’s Hospital-Quezon City, National Children’s Hospital at ang National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Continue Reading

celebrity

Ken Chan, may malalaking negosyo dahil sa pagsunod sa payo ng mga magulang

Published

on

By

Sampung taon na rin ang showbiz career ng aktor na si Ken Chan.

Nagsimula siya bilang isa sa mga co-hosts sa “Walang Tulugan” ng yumaong German Moreno at ngayon ay isa na siya sa mga bankable male actors sa local showbiz industry.

Bukod sa pagiging mahusay na artista, nalilinya na rin ang aktor sa pagnenegosyo. Sa ngayon ay mayroon na siyang tatlong businesses na inaatupag. Filipino-Chinese si Ken kaya naman nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugo ng pagiging negosyante.

Noong November 2020 ay ibinida ng aktor ang ipinagagawang branches niya ng iFuel gasoline stations na umabot na sa lima.

“Just visited two of my iFuel Gasoline Station branches in Baliuag, Bulacan and San Fernando, Pampanga and I couldn’t be happier with the progress coming along. Can’t wait to show you my three new branches in the works. Stay tuned to find out in which cities!” pagbibida ni Ken noong 2020.

Co-founder din siya sa negosyong Aromagicare, na ang produkto ay affordable wellness massage chair at therapy oils.

At kamakailan lang ay inilunsad niya ang Cafe Claus, ang cafe-bakery na nagse-serve ng American at Pinoy dishes bukod pa sa cake at pastries.

Wika ni Ken, bata pa lang siya ay pangarap na raw talaga niya ang magkaroon ng sariling negosyo at ngayon nga ay natupad na iyon dahil sa kanyang pagsusumikap.

Malaking factor daw ang payo ng  kanyang mga magulang noon sa pagkakaroon niya ng puhunan sa negosyo. Mula noon hanggang ngayong may matagumpay na siyang showbiz career ay ina-apply pa rin daw niya sa buhay ang pagtitipid na natutuhan mula sa mga magulang.

“Ang turo ng mga magulang ko, kapag kumita ako ng sampung piso, ’yung gagastusin ko ’yung piso at ’yung siyam na piso, itatago ko. Ini-apply ko ’yun sa buhay ko simula pa nang mag-artista ako at hanggang ngayon po,” lahad niya.

Napatunayan raw niya na kapag may mga pangarap ka at pinaniwalaan ang iyongsarili ay matutupad ang mga iyon.

Continue Reading

Trending