Connect with us

VIDEO

Ang “King of Philippine Peso” na puwedeng umabot sa mahigit isang milyon ang halaga

Published

on

Ang mga coins o barya ay pera na yari sa metal na ginagamit sa maliliit na transaksyon.

Dito sa Pilipinas, ang mga baryang singko sentimos at beinte singko sentimos ay halos wala nang pumapansin.

Public Domain Image

Kalimitang ginagamit itong panukli ng mga tindahan kagaya ng supermarket at mga malalaking botika. At ang sukling iyon kadalasan ay inihuhulog na lang ng mga customers sa “donation can” na makikita sa mga cashier counter.

Nagagamit pa rin namang pambayad ang mga ito lalo na kapag magbabayad ng kuryente at iba pang bayarin na may butal.

Marami sa mga baryang ito ang makikita na lang sa drawer ng mga aparador o kaya naman ay sa loob ng bulsa ng mga bags.

Sa ngayon, ang barya na madalas ginagamit ng mga Pinoy sa mga maliliit na transaksyon ay ang piso, limang piso, sampung piso at ang bagong P20 coin.

Sa segment na “KuyaKimAnoNa?” ng GMA News 24 Oras, ibinahagi ng segment host na si Kim Atienza, na mas popular sa tawag na Kuya Kim, ang ilang trivia tungkol sa mga coins sa bansa.

Bago pa raw sakupin ng mga Kastila ang ating bansa ay gumagamit na tayo ng baryang gawa sa ginto para sa pakikipagkalakalan sa China, Borneo, Java at Thailand.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang tawag sa gintong pera na ginagamit ng ating mga ninuno ay “barter ring” at ang unang opisyal na barya ay tinatawag na “piloncitos”. May inscription iyon na “MA,” na pinaniniwalaan na pangalan ng ating bansa bago pa tayo sakupin ng mga Kastila.

Image from BSP

Sabi ni Kuya Kim, may isang uri ng lumang barya na umiral noon sa Pilipinas ang maaaring umabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga.

Aniya, ang 1906 S US Philippine Peso coin ay tinaguriang “King of Philippine Peso” na 90% silver ang sangkap na metal. Maipagbibili umano ito sa mga coin collectors sa halagang mahigit isang milyong piso depende sa kondisyon nito.

“Ngayon sino ang magsasabing ang mga coins ay barya barya lang?” tanong ni Kuya Kim.

Image from PCGS

 

Panoorin ang “KuyaKimAnoNa?” segment ng 24 Oras:

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Wedding vow ng groom na sobrang kabado: ‘tinitipan kita ng kanyang bahay ang aking bahay na may bahay’

Published

on

By

Para sa mga couples, ang kanilang wedding day ang ‘pinakamahalagang araw’ sa kanilang buhay, lalo na kapag talagang mahal n’yo ang isa’t isa. Hindi nakapagtataka na sa araw na iyun ay may halong kaba at pananabik ang mga ikakasal kapag nasa altar na.

Nag-viral ang isang video clip na ibinahagi ng Facebook page na Tambayan ni mael; kung saan ay mapapanood ang pagpapahayag ng wedding vow ng groom.

Dahil yata sa labis na kaba ay hindi makapag-concentrate ang ating bida sa kanyang linyahan sa kasal.

Bitaw niya sa kanyang bride, “Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kita ng kanyang bahay… ang aking bahay (napapikit)… na may bahay.” 

Hindi mapigilang matawa ng mga naroroon kabilang na ang bride at ang paring nagdadaos ng kanilang matrimonyo. Agaw pansin din ang reaksyon ng bride.

“House and lot ang gusto mo ah, hindi si Stephanie!” biro ng pari. “Ulit-ulit” dagdag pa nito.

Inulit muli ng pari ang pagdidikta ngunit ilang beses pa ring nagpaulit-ulit ng sabi ng ‘bahay’ ang groom.

 

“Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayan tinitipan kitang aking maging bahay …, pag-ulit ng groom na humakot na naman ng tawanan.

Hindi nagtagal ay ibinigay na lamang ng pari ang kanyang librong hawak sa groom. “Basahin mo na nga,” ani father.

Ayun, nabuo din sa wakas ang wedding vow ng groom. Truly unforgettable wedding!

Ang mga netizens ay sobrang naaliw kaya naman ang video ay nagkaroon na ng 315k reacts, 9K comments at 7.1M views as of posting.

“Yung Kinakasal ka pero Bahay na agad ang nsa isip mo.”

“Congratz po imbes maiyak kasi kasal puro tawa ako eh pero ang cute n’yo po mag jowa este mag asawa pala.”

“I LOVE the Future Wife’s Gestures…If di mo pa na experience yong Tap sa dib2 at kurot sa pisngi then you don’t know how much LOVE that goes with it.”

“I can imagine how their life will be full of laughters and joy God bless your union.”

“The happiest bride that I’ve ever seen…Congrats to both of you.”

Nagbahagi din ng video sa YouTube ang newly weds na sina Steph at Alfie Magpantay.

Continue Reading

Social News

‘When mommy is life but majorette is lifer’: Buntis na dating majorette, nagpabilib

Published

on

By

Matindi ang tawag ng musika kaya’t hindi na nakapagpigil pa ang isang babae na magpakitang gilas sa publiko nang dumaan ang isang banda. Kaya lang ay buntis siya!

Ibinahagi ni Sharmaine Federizo sa kanyang Facebook account nitong January 23 ang video ng isang buntis habang nagme-majorette performance ito sa gitna ng kalsada.

“ATE YUNG BATA!   HHAHAHAHAHA” ang caption ni Sharmaine sa video clip. Kapansin-pansin namang malaki na rin ang tiyan ng ginang.

Makikitang hawak ng babae ang dalawang baton at nagme-majorette moves ito sa saliw ng tugtog ng banda. Halatang na-miss ni ate ang kanyang majorette days ah! Ang galing niya!

Maririnig sa video ang hiyawan ng mga tao at may mga sumisigaw pa ng “Ate ang bata!”. Maliksi kasi at ‘bouncy’ ang ‘da moves’ ng babae kaya’t hindi maiwasang mag-alala ng ibang nanonood sa kanya.

Ang buntis ay nakilalang si Nicole Caimoy Marbella na isa palang dating lead majorette. Siya ay taga Tanay Rizal  at nagdaraos ng pista sa kanilang lugar noong Linggo.

Instant celebrity

Humakot agad ang naturang video ng mahigit 13k reactions at may halos 700K views na sa Facebook clip pa lang.

Marami ang naaliw at mayroon din namang nabahala sa pag-indak ng ginang. Baka daw kasi ito mapaanak nang wala sa oras.

“Hooyyyu. Nicoleeeeee… Uwi.. Makukurot kita jan.”

“Ako lang ba yung kinakabahan kasi baka matamaan tyan nya haha.”

“Pag passion mo talaga kahit ilang dekada ang lilipas pag nagawa mo uli ang saya ng feeling parang ako passion ko sumayaw dito ko na lang sa TikTok nilabas.”

“Galing ni ate.”

“When mommy is life but majorette is lifer.”

“Tapo paglabas nung baby nag mamajorette na rin HAHAHAHAHHAH cotton buds hawak n’ya.”

“ay Bongga hehehehh dating majoret ata.”

May mga naka-miss din noong panahon na nagma-majorette pa sila. “Yung laking Banda ka nakakamiss to nung Elem/highschool.”

Naalala ko nung nag majoritte din ako during my teenage ang saya saya lalo na kapag naka uniform na kami at nagpaparade”.

Panoorin ang video:

Continue Reading

Philippine Showbiz

Bong Revilla, muling lilipad sa Agimat ni Agila Book 2

Published

on

By

Magbabalik at muling mapapanood sa GMA-7 ang sequel ng Agimat ng Agila dahil tinangkilik ng televiewers ang Book 1 ng comeback project ni Senator Bong Revilla sa telebisyon, matapos ang halos walong taong pagpapahinga mula sa pag-arte.

Hindi rin inaasahan ng aktor na magkakaroon muli ng Agimat ni Agila Book 2. Ito’y dahil na rin siguro maganda at mabenta sa mga manonood ang serye.

“Action films will always be there. Mawawala iyan for a while pero babalik iyan. Maski noong panahon ng ’70s, ikinukuwento ng tatay ko [Ramon Revilla, Sr.] at ni FPJ [Fernando Poe, Jr.], nung pumasok ‘yung bold movies, nawala yung action films pero bumalik pa rin.”

“So, action films like sa television, ngayon, mas in ‘yung television, babalik at babalik iyan. Tayo naman hangga’t nandirito tayo, kaya pa natin umaksyon, gagawa tayo ng magagandang aksyon para hindi mawala ito,” paliwanag ni Bong nang tanungin siya tungkol sa kapalaran ng action movies sa naganap na virtual mediacon ng Season 2 ng Agimat ng Agila noong Linggo ng hapon, Enero 23, ayon sa PEP.ph

Kaya naman bigay todo si Bong sa kanyang pag-eensayo na halos araw-araw niya umanong ginagawa upang mabawasan ang kaniyang timbang para sa mga maseselang action stunt na siya mismo ang gumagawa.

“I’m very proud of this project at magagaling talaga ‘yung mga kasamahan ko. Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo,” aniya. “I work out almost every day. I do my boxing and kick boxing. Pati yung mga rolling-rolling na iyan, pagulong-pagulong, nandoon pa rin yung training.”

“Hindi tayo puwedeng kumawala diyan kasi lalo na sa mga ginagawa nating action scenes,” ang kuwento ni Bong na nagbiro pang 35 years old lamang ang kanyang pakiramdam.

Sinabi rin ng senator na  makikita ng televiewers sa Season 2 ng Agimat ng Agila ang pagkakaiba ng kanyang physical appearance sa unang season ng drama action fantasy series na pinagbibidahan niya.

Sa pagbabalik ng ‘Agimat ng Agila,’ mas pinatindi pa ang mga eksena at pakikipagsapalaran ni Major Gabriel Labrador (Bong Revilla), kasama si Maya (Sanya Lopez), Alejandro (Roi Vinzon), Wesley (Benjie Paras), (Zeus) Gardo Versoza, Art (Betong Sumaya), at Asha (Rabiya Mateo). Mapapanood ang Agimat ng Agila Season 2, simula sa January 29, tuwing Sabado, 7:45pm. Abangan!

Paanoorin ang Agimat ng Aguila Season 2 teaser, Ang Pagbabalik.

Continue Reading

Trending