Connect with us

celebrity

Post ni Kris Aquino sa kinahinatnan ng relasyon inulan ng messages of love and suppport

Published

on

Kasunod ng paghahayag ni Kris Aquino tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ng boyfriend na si Mel Sarmiento, ang dating kalihim ng Department of Interior and Local Government, ay inulan ng mensahe ng pagsuporta at pagmamahal ang social media post niya.

Image from Kris Aquino

Kamakailan lang ay isiniwalat ni Kris sa kanyang social media followers ang hiwalayan nila ni Mel.

Sa pamamagitan ng isang post sa kanyang Instagram account, inihayag ni Kris ang dahilan kung bakit wala nang makikita pang bakas ni Mel sa kanyang social media accounts.

Aniya, sa kabila ng estado ng kalusugan niya ay pinipili niyang ipabatid sa mga nagtatanong kung ano ang kinahinatnan ng relasyon nila para tuluyan na rin niyang maisara nang matiwasay ang kanilang kabanata.

“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao bang gustong pag-usapan pa ang kanyang paghihiwalay? But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health because my sons still need me, Kuya Josh has autism, and Bimb will only turn 18 in three years, three months, and 16 days, I must end this chapter,” pagbabahagi ng Queen of All Media.

Ibinahagi rin ni Kris ang huling mensahe sa kanya ni Mel na nagsabing tinatanggap niya ang alok ni Kris na maghiwalay na sila.

IMage from Kris Aquino

 

“For the past two days, I had enough time to think about things and accepted the fact that ensuring you don’t get COVID is an enormous responsibility. Given my nature, who loves to go out, I accept the fact that I already have a bubble fatigue and I will not be able to, sad to say, be able to continue living in a bubble. On that note, with a heavy heart, I accepted your offer of letting me go. For I cannot in conscience be able to accept that something will happen to you that brought about my going out of the bubble. I will always cherish in my heart the happy moments we had together,” saad ng menshae ni Mel sa nobyang si Kris.

Narito naman ang ilan sa mga mensahe kay Kris ng mga kaibigang nagmamahal sa kanya:

Basahin: Mel sa ex-fiancee na si Kris: I do love you, but this is goodbye for your life is of greatest importance

celebrity

Joshua Garcia nilinaw sa publiko na wala siyang Facebook account

Published

on

By

Nilinaw ng aktor na si Joshua Garcia na wala siyang Facebook account at hindi sa kaniya nagmula ang kamakailan lamang ay nag-viral na larawan.

Kumalat kasi sa social media ang litrato ng binata kasama ang aktres na si Ria Atayde at may caption na “Ikaw ang aking liwanag”.

Kinilig naman ang mga netizens at fans ni Joshua sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong mamahalin ang young actor.

Subalit pinabatid ni Joshua sa kaniyang mga fans na hindi kaniya ang Facebook account na nagbahagi ng viral na larawan kahit ito ay nakapangalan sa kaniya.

“Hello! This is not mine! I don’t have Facebook page! Thank you,” paglilinaw ng aktor sa Instagram.

“Rii look @ria. Thank you @kyleechari bro!” dagdag pa nito.

Naka-tag sa nasabing Instagram story ni Joshua si Ria Atayde na agad namang nagkomento.

“Liwanag?! Bakit? Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha,” anang aktres. “Fake News”.

Ayon sa Bandera, nagmula ang kumalat na larawan sa Instagram ni Kyle Echarri at kuha ito noong mag-bonding ang magkakaibigan kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Noon pa man ay na-link na rin sa isa’t-isa sina Joshua at Ria subalit kapwa nila ito pinabulaanan. Ayon pa kay Ria, si Joshua ay itinuturing niya lamang na isang malapit na kaibigan.

“Joshua is a very good friend. He’s one of the… See? That’s the thing, e. It’s so hard to… I’m sure you also have guys friends that you are super comfortable with,” bahagi ng young actress sa isang panayam noong isang taon.

Noong isang araw lamang ay inamin ni Joshua na sa lahat ng kaniyang naging leading ladies, kay Janella Salvador siya nagkaroon talaga ng crush.

BASAHIN: Xian Gaza, sinabihan si Joshua Garcia na jowain na si Ivana bago pa maunahan ni Gerald

Continue Reading

celebrity

Vice Ganda ipinasilip ang bagong luxury car; ‘malas’ daw sa sasakyan kaya nagpalit

Published

on

By

Ipinasilip ni Vice Ganda ang kaniyang bagong-biling luxury car na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Sa kaniyang vlog na ‘New Car Reveal’ nitong Miyerkules, makikitang excited ang komedyante habang hinihintay ang delivery ng kaniyang sasakyan bagama’t pilit niya ring pinipigil ang sarili.

Kuwento ni Vice, mukhang malas siya sa iba niyang sasakyan kaya nagpasiya siyang bumili na lang ng bago.

“Parang minamalas ako sa sasakyan, so sabi ko baka it’s time na bumili na ng bago para ma-dispose na ‘yung ibang lumang sasakyan since ngarag na naman siya,” pagbabahagi ng ‘Unkabogable Star’.

‘Yung isa umano ay nawalan ng preno habang nagda-drive siya. Ang isa naman daw na ginagamit niya kapag pumapasok sa ‘It’s Showtime’ ay nagloloko naman ang aircon unit, habang ang isang sinasakyan niya kapag may shooting ay ‘nangarag’ din.

Ang bagong luxury car na binili ni Vice ay kulay itim na Cadillac Escalade na tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Ipinasilip niya rin sa mga viewers ang magandang interior at ilang makabagong features ng mamahaling SUV.

“Kailangan nating bumili ng bagong sasakyan for safe travels. Ingatan mo ‘yan kuya, ha,” paalala ng ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang driver.

Kuwento pa ni Vice, noong Agosto pa nila ito hinihintay subalit hindi available ang kulay na gusto niya.

‘ES’ naman ang napili niyang ipangalan sa bago niyang ‘caru’, na umano ay katas ng kaniyang programang ‘Everybody, Sing!’.

Panoorin ang vlog ni Vice Ganda na umani na nang mahigit 1 milyong views sa loob lamang ng dalawang araw:

Continue Reading

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

Trending