Connect with us

celebrity

Liz Alindogan, tinalakan ang nang-okray sa pagti-TikTok niya

Published

on

Natural na sa dating sexy actress na si Liz Alindogan ang maganda at masayahing disposisyon kaya hindi katakataka na nahuhumaling siya sa pagti-TikTok.

Bukod sa masaya at enjoy siya sa ginagawang TikTok videos ay marami pa siyang followers na napapaligaya na palaging naghihintay ng bago niyang pakwela at pagsasayaw.

Image from Liz Alindogan

Pero sa kabila ng aliw na ibinibigay niya, mayroon pa ring ilan na nagagawa siyang okrayin, tulad na lang ng isang may username na “Bawal Buraot” na tinawag siyang matanda na at matagal nang laos.

“Matanda ka na po idol. Matagal ka na po laos,” pang-ookray ni Bawal Buraot sa aktres.

Pinatulan ni Liz si Bawal Buraot at nag-post ng sagot niya rito.

Narito ang mahabang talak ni Liz kay Bawal Buraot (edited for easy reading):

Buraot, bigay mo sa akin Gcash mo. Padalhan kita ng panggastos at pangkain baka nalilipasan ka parati ng gutom at bitter ka sa buhay hahaha.

 Lahat tatanda at puwede maging laos or magstop magiba ng career, job, etc. ‘Di ko naman sinasabi na sikat ako. Nag-TikTok lang naman ako at nafeature pa ako sa TV Patrol Kay Marc Logan with views of 900 thousand for that one video only, in just a few days.

 Eh, kung magstop na sa career at age 22 at the peak of your career, eh talagang mawawala ka na sa circulation. Choice ko yun. Tama na siguro ang almost 93 movies na nagawa ko in 6 years. Ang importante until now masaya, contented, buo pamilya, professionals and tapos na sa school ang mga anak, maganda buhay, healthy, may naipon, my work pa rin at kinuha ng Viva as Viva contract artist, doing movies again if I Iike the role and want to accept it, and have other work earning as president of our family corporation, etc.

 And most importantly nasa Panginoon  at dami blessings. Ano problema mo, buraot? Lahat ba na nag-TikTok para sa sikat lang? Sorry ha, or baka gusto mo ba maranasan sumikat?

Image from Liz Alindogan

Si Liz Alindogan ay naging leading lady ni Dolphy sa ilang pelikula at ni “Da King” Fernando Poe, Jr sa “Ang Panday” noong 1980.

Noon lang nakaraang taon, September hanggang December, ay gumanap siya bilang lola ni Julia Barretto sa TV5 drama series na “Di na Muli.”

Image from TV5

celebrity

Nadine Lustre nag-trending matapos nitong muling magpakita ng suporta sa Leni-Kiko tandem

Published

on

By

Ang singer, model, endorser, dancer at aktres na si Nadine Lustre ay muling nagpakita ng pagsuporta sa tandem nina presidential candidate VP Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan sa pamamagitan ng kaniyang My Story sa Instagram  nitong Enero 18, 2022.

Certified ‘kakampink’ na talaga ang aktres? Makikita sa kaniyang Instagram story post ang kuhang larawan ng Leni-Kiko tandem sa isang bahagi ng gusali.

Kamakailan ay iniulat ng The Philippine Star via Twitter na inihayag ni Nadine ang pagsuporta sa kanyang piniling iboboto sa darating na halalan 2022.

“You can support who you wanna support. And you shouldn’t be afraid to say it to people. And if you wanna support someone, you do it all the way. It’s like, why would you be ashamed of your picks,” saad ni Nadine.

Gayunpaman, sinabi ng aktres na hindi niya pipilitin ang sinuman na bumoto ng napipisil niya o ng iba. Aniya, kahit sino ay maaaring suportahan kung sino ang gusto nila.

As of this writing ay trending si Nadine sa Twitter.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

“Nadine Lustre is currently trending after showing support for VP Leni Robredo’s presidential candidacy!”

“Nadine Lustre, sending out a pink heart for all the kakampinks out there. QUEEN. #LetLeniKikoLead2022.”

“Stan the kweeen!”

“President Nadine Lustre has spoken. She is a certified Kakampink. Thank you for your support, @hello_nadine!”

“A Queen for A Queen. Nadine Lustre using her platform. Even the smallest way helps.”

Samantala, umani rin ito ng batikos mula sa mga netizen na sumusuporta sa ibang kandidato o partido.

“Luh? May nagkakalat na naman pong starlet na palaos na!”

“Canceled! Okay next!”

“Naku dear, may pelikula ka pa naman… gusto mong langawin?”

“From our DENR Secretary (kuno) Nadine Lustre. Clap! Clap! Clap! Dahil diyan, lalong hindi ko iboboto ‘yan!”

Totoo naman na kahit sino ay may karapatang mamili at bumoto ayon sa kanilang napipisil na kandidato. Ito ‘yung tinatawag na respeto sa iyong napili at sa napili ng iba.

Sa ngayon ay maraming nagtatalo-talo kaugnay sa mga kandidatong kanilang pinili. May tinatawag pa ngang ‘cancel culture’ kung saan ang isang celebrity o brand, halimbawa, ay binoboycott kapag hindi lapat sa sinusuportahan ng ilang grupo.

Ang Eleksyon 2022 ay nakatakda sa Mayo 9, 2022.

Kamakailan ay nagbigay ng tulong sa mga survivors ng bagyong Odette si Nadine at nagpa-install pa ng solar panel para sa mga residente ng Brgy. Malinao, Siargao.

 

Continue Reading

celebrity

‘Saksi lahat ng uban ko sa mga role ko sa buhåy’: Karla Estrada masaya at proud sa mga white hair niya

Published

on

karla white hair

Kung naaaburido ang iba sa tuwing nakakakita ng puting buhok lalo na kung hindi pa naman ganoon katanda, ang aktres na si Karla Estrada ay masaya at proud pang ipinakikita ang mga white hair niya

Sa Instagram, ibinahagi ng actress-host ang isang selfie kung saan ngiting-ngiti siya at halatang masaya. Dito, sinabi niya na maging siya ay napapansin na ang mga puting buhok niya. Gayunman, imbes na mainis o malungkot sa senyales na ito ng pagtanda, mas pinipili niyang ngumiti at ikarangal ang pagbabagong ito dahil saksi raw ang mga uban sa mga papel na ginampanan niya sa buhay bilang isang single mother at artista.

karla white hair

“I am mama, mommy, mudra, momshie, nanay, Mother Nature, Queen Mother, and tatay din! Saksi lahat ng uban ko sa mga role ko sa buhay! At nakuha ko pang ngumiti? Why not? Life is beautiful and so are we!” saad niya sa caption.

Sa isang episode ng Toni Talks kamakailan, binalikan ni Karla ang mga pinagdaanan nila ng kanyang panganay na si Daniel Padilla at ng mga kapatid nito; kabilang na noong panahong nawalan sila ng kuryente at kinailangan nilang magpaypay sa gabi.

Aniya, ginigising niya si Daniel noon dahil toka na niyang magpaypay sa mga kapatid niya. Narinig niya raw na humikbi ito, bagama’t hindi niya tinanong kung bakit.

karla white hair

“Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod, gumanun na siya pero narinig kong humikbi,” aniya. “Hanggang ngayon ‘di ko naman alam kung bakit kasi ayokong tinatanong ‘yong anak ko ng ikalulungkot niya. Parang gusto ko lang matatag siya kasi kuya siya. Hindi ko pinansin pero narinig ko. Humikbi lang siya, ako ngumangawa.”

Pero ngayong malaki na ang ipinagbago ng buhay nila, masasabi raw ni Karla na malaking bagay din ang mga pinagdaanan nila ng kanyang mga anak sa kung sino sila ngayon bilang tao.

karla white hair

Continue Reading

celebrity

Solenn Heussaff, preggy with Baby #2 na nga ba?

Published

on

By

Napaisip ang followers ng celebrity na si Solenn Heussaff matapos nitong magbahagi ng isang larawan sa kanyang Instagram account. May Baby #2 na kaya soon?

Ang ibinahagi niyang larawan ay may caption na: “Fun days with you. Love this leotard from @bumpsuit, so easy to wear and also stretches if you get preggo!”

Napansin ng netizens na tila nakapang-maternity na kasuotan ang aktres habang buhat ang anak na si Thylane sa kanyang Instagram post.

Hindi napigilan ng kanyang mga followers na magpahayag sa comment section ng kanilang sapantaha kaugnay sa larawan. Nagpo-promote lang kaya siya ng @bumpsuit o sadyang nagbibigay na siya ng hint na another #BabyBolz is on the way?

“I assume that you just simply announced that you’re pregnant.  Congrats in advance if true.. Ate na si Tili ” – altheajoy0729

“Yehey another baby, keywords: bumpsuit and preggo” – helloac

keyword PREGGO,” switzluv214

Marami rin sa kanila ang nagsimulang bumati kay Solenn:

“Congratsss!!!???” – bhuds

“OMG!!!! I can’t with another Tilibolz or a boy version of her if ever this is true” – sunnysideup

Hindi pa naman kinukumpirma ni Solenn kung totoo nga ba na magkakaroon na sila ng baby #2 ng asawa niyang si Nico.

Noong 2012 nagsimulang makipag-date si Solenn kay Nico na isang negosyanteng Argentine.

Noong Disyembre 2014, inihayag ni Solenn ang kanilang relasyon ni Nico.

Ikinasal ang dalawa noong Mayo 21, 2016, sa Combourg, France. Noong Agosto 2019, inihayag niya ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng Instagram.

Isinilang niya si Thylane Katana sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong Enero 1, 2020. Nitong simula ng taon ay sa France nila ipinagdiwang ang ikalawang kaarawan ni Tili.

Continue Reading

Trending