Connect with us

Social News

Looting na ginawa ng mga volunteer bumbero na rumesponde sa Starmall, nahulicam

Published

on

Nahulicam ang isang grupo ng mga volunteer bumbero na rumesponde sa nasusunog na Starmall sa Alabang na naghakot ng mga food items mula sa natutupok na shopping mall.

Sa isang TikTok video na ibinahagi ng isang netizen, makikitang nasa loob ng firetruck ang kahon-kahong Stick-O wafer sticks, Piattos chips, Coca-cola canned softdrinks at iba pa.

Screenshot from a TikTok video

“Starmall Alabang fire scene. Hayst kaya nasisira ibang brigada na volunteer dahil sa ganitong mga brigada,” ang caption sa TikTok video.

Maririnig sa video ang isang boses ng lalaki na pinaniniwalaang security personnel ng shopping mall na ipinabababa sa truck ang mga naturang food items. Maririnig din ang tinig ng isang babae na itinatanggi na sa kanila ang mga iyon.

“Pakibaba n’yong lahat ‘yan. Nasusunugan na nga ganyan pa iisipin n’yo, aba,” maririnig na sabi ng lalaki.

“Sir, hindi kami nag-ano n’yan, sir,” maririnig naman na pagtanggi ng babae.

“Hindi ho. Hindi ho. Truck n’yo ‘yan,” sabi pa ng tinig ng lalaki.

Binasa pa ng lalaking kumukuha ng video ang markings sa firetruck na nagsasabi kung saan galing ang volunteer fire brigade.

“Barangay Zapote. Kapitan Cesar T. Rubio and Council,” aniya.

Screenshot from a TikTok video

Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa looting incident:

“Ang dami hahahaha ‘kala ko dalawang kahon lang.”

“Volunteer na salisi.”

“Tsk. Pinapahiya n’yo kaming Las Piñeros.”

“Tsk. Nakakasira sa mga kapwa  natin firefighter. ‘Wag ganyan.”

“Hindi pala bumbero, reseller pala.”

“Totoo pala na ‘yung ibang bumbero may ninanakaw sa loob ng bahay?”

Screenshot from a TikTok video

“’Yan ang dahilan kaya ang SM ayaw papasukin ang bumbero kapag may sunog kahit  sa residential. Nasisira ang mga bumbero na matino nadadamay sa katulad n’yo. Nakakahiya kayo.”

“Hindi naman lahat, pero meron talaga na gumagawa ng ganyan.”

May iba naman  na pinangatwiranan pa ang ginawang looting. Mas mabuti na raw na kinuha ang mga iyon kaysa matupok at masayang lang.

“OK  lang ‘yan nang mapakinabangan kaysa masunog.”

“Pero kung iisipin sayang kaysa naman sa masunog, mapakinabangan kahit papaano.”

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Social News

Donalyn mamimigay ng bahay na nagkakahalaga ng P2-M, fully furnished pa, sa kaniyang lucky subscriber

Published

on

By

Lubhang magiging mapalad ang isa mga subscribers ni Donalyn Bartolome na mabibigyan ng bagong bahay na nagkakahalaga ng tumataginting na P2M.

Bukod dito, fully furnished din ang bahay na nasa magandang lokasyon pa dahil malapit raw ito sa simbahan, eskuwelahan at pamilihan.

Ipinasilip pa ng vlogger ang labas at loob ng dalawang-palapag na bahay kung saan makikita ang maaliwalas at magagandang living room, kitchen, bedrooms at bathrooms.

Mayroon na ring nakahandang mga furnitures at appliances sa loob gaya ng dining set, TV, refrigerator, microwave oven, automatic washing machine at vaccum cleaner na tinesting pa ni Donalyn.

Nakapuwesto na rin ang sala set, carpets, kama na may kasama nang mattress kaya lilipat na lamang talaga kung sinuman ang masuwerteng subscriber na mapipili niya.

Kuwento ni Donalyn, siya mismo ang personal na nag-shopping at namili ng mga furnitures at appliances na inilagay sa bahay.

Ibinahagi niya rin na isang partylist ang kaniyang sinusuportahan ngayon dahil umano sa adbokasiya nito.

“I’m supporting a partylist na magpu-push ng batas like affordable na pabahay, housing program for public school teachers… and they provide homes for abandoned senior citizens,” bahagi ni Donalyn sa kaniyang vlog.

Samantala, upang makasali naman sa mga mapagpipilian, unang-una ay kailangang subscriber ka ng You Tube channel ni Donnalyn.

Pangalawa, dapat ay i-comment mo ang iyong Instagram account at ang buong pangalan.

Panoorin ang buong ‘house tour’ vlog ni Donalyn upang malaman na rin ang kailangang gawin kung paano mapili.

Continue Reading

celebrities

Chipotle to Chicotle? Fast food binago ang Twitter handle dahil sa maling pagbigkas ni BTS Jungkook

Published

on

By

Kapag ang miyembro ng isang sikat na sikat na Korean boy band ay nakunan ng video na nag-e-enjoy sa iyong pagkain, ano ang iyong mararamdaman?

Noong Enero 23, 2022, nag-upload ng video ang ‘BangtanTV’, ang YouTube channel ng Korean boy band na BTS o mas kilala bilang ‘Bangtan boys’, kung saan ay makikita ang K-pop superstars na sina Jungkook, Jimin, Jin, Suga, J-Hope, V at Rap monster.

Matapos ang ‘Corden show performance’ ng BTS sa Los Angeles, makikita sa video na sinubukan ng banda ang Chipotle food at ito umano ay sa unang pagkakataon. Isa sa mga miyembro nito na si Jungkook ang higit na nag-enjoy sa pagkain dahil nagustuhan niya ang lasa ng biniling aytems para sa grupo.

“What is this, Chicotle?” tanong ni Jungkook.

Labis niya talagang nagustuhan ito.

“This is so good. I love this. I want to eat this every day,” dagdag pa niya.

Hindi maikakaila kung gaano kalakas ang impluwensya ng South Korean boy band na BTS sa global world. Nang dahil sa maling pagbigkas ni Jungkook sa brand name ng restaurant — Chicotle sa halip na Chipotle — ay naging viral ang video.

Kasunod nito ay binago ng Chipotle ang kanilang Twitter handle at ito’y naging “CHICOTLE”.  “It’s chicotle from now on.”

Nag-retweet din ang Twitter account ng isang clip mula sa video ng BantanTV kung saan makikita at maririnig si Jungkook na nagsabi ng “Chicotle.”

“If Jungkook said it’s chicotle then it’s chicotle (crying emojis) that’s it.”

Ang Chipotle Mexican Grill, Inc., na mas kilala bilang Chipotle, ay isang chain ng fast casual restaurant sa United States, United Kingdom, Canada, Germany, at France, na nag-e-specialize sa mga tacos at Mission burrito.

Ang BTS ay nangangahulugang “Bangtan Sonyeondan,” a.k.a. “a group of bulletproof boys,” o ang opisyal na pamagat sa English, “Bulletproof Boy Scouts.” Ang mas maiikling bersyon ng pangalan ay “Bangtan” o “Bangtan Boys”. Sila ay nabuo noong 2010 at nag-debut noong 2013 sa ilalim ng Big Hit Entertainment at binubuo ng mga miyembrong sina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V, at Jungkook.

Marami na rin silang natanggap na rewards at halos milyon-milyon din ang views ng kanilang mga music videos sa YouTube.

Panoorin ang video:

Continue Reading

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

Trending