Connect with us

entertainment

Lotlot, sinagot ang netizen na nagsabing natitiis niyang hindi dalawin ang inang si Nora Aunor

Published

on

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang surpresahin ng kanyang mga anak at apo ang tanging Superstar ng local showbiz na si Ms. Nora “Ate Guy” Aunor para sa isang late Christmas celebration.

Dumating nang magkakasama ang kanyang mga anak na sina Ian, Matet, Kiko, at Kenneth at ang kani-kanilang mga pamilya. Tanging si Lotlot at ang kanyang pamilya lang ang wala sa family gathering na iyon.

Image from John Rendez’s Instagram account

Nang maitanong kay Ate Guy kung umaasa siyang dadalawin din ni Lotlot at ng mga anak nito, maikli lang ang kanyang sagot, “Bahala na ang nasa Itaas.”

Magugunita na minsan nang nagpahayag ng saloobin si Lotlot tungkol sa relasyon niya sa kanyang ina. Ginawa na raw niya ang lahat para maging mabuting anak at alam iyon ng Diyos.

“Ang relationship ko kay Mommy, iba. We have never been the ‘typical’ kind of family. I have tried my best all these years to be a good daughter. Wala akong hindi sinubukan gawin. Alam ng Diyos ‘yan. Minsan gusto ko ipaliwanag sa lahat kung ano nga ba kami pero hindi ko rin maipaliwanag. Ang alam ko lang mahal ko siya. At siguro kahit nga ipaliwanag ko, hindi pa rin maiintindihan,” wika noon ni Lotlot.

Sa latest post ni Lotlot sa Instagram, isang netizen ang hindi nakapagpigil na sumbatan siya sa hindi niya pagdalo sa family reunion. Matigas raw ang puso niya at natitiis ang ina na umampon sa kanya.

Narito ang unedited na mensahe ng netizen kay Lotlot:

Image from Lotlot De Leon

Matigas talaga puso noh? D namin alam kung ano ginawa sayo ni ate guy, subra mo cya natitiis, baka bumalik sayo ginagawa mo, pray harder n walang anak mo gumaya sayo. Siguro kung d k nya inampon wala k sa kalagayan mo ngayon. Sa nkikita puro lagi mo binabati CD d naman cya ang umampon sayo. Nkita namin lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas? Idol kita like kita kahit noon p bata k pa kahit n nga ngayon sinusubay bayan kita. Pero d ko mapigilan sabihin ito. D ko gusto ugali mo. Iunfollow n kita.”

 Narito naman ang maikling sagot ni Lotlot:

“Ay! Ang puso mo hinay hinay po.. Pero teka baka kulang pa po sasabihin n’yo? Wala na po ba kayo idadagdag sa panghuhusga n’yo? Okay..noted po! Noted na noted po! 

Image from Lotlot De Leon

celebrities

Pa-calendar naman! 2022 Kalendaryo ni Karla Estrada, ‘inaawitan’ ng netizens

Published

on

By

Inaawitan ngayon sa social media ang 2022 kalendaryo ng aktres na si Karla Estrada matapos niya itong i-post sa kanyang Facebook account.

“She never gives up. She believes in her strength. Everything is possible when it comes to her family..she has to deal with her Cards the best way she can. She can be a Teacher, Doctor, Cook, Referee, Provider, Protector, Defender and a superhero! She can wear her Cape anytime and anywhere she wants, for She is Real Life Wonderwoman. She is MAMA,” aniya sa kanyang post.

Makikita sa 2022 na kalendaryo ang napakagandang quote. “The Love of a Family Makes Life Beautiful.”

Sa larawan ay kasama niya ang kanyang apat na anak. Ang nasa gawing kaliwa niya ay si Carmela Ford Tenorio o lella, 15 taong gulang na bunsong anak. Inilalarawan niya si Daniel at Carmela bilang pinaka ‘makulit’ sa miyembro ng kanilang pamilya.

Ang nasa kanan naman niya ay si Margaret Ford Planas o Magui, 19 taong gulang. Anak niya ito sa ex-partner na si Mike Planas, dating Councilor sa Quezon City. Hindi nakabibigla na mayroong talento si Margaret sa paggigitara at pagtugtog ng piano.

Makikita rin sa kalendaryo ang panganay nitong anak na si Daniel Padilla, 26, na anak nila ni Rommel Padilla. Narito rin ang kanyang pangalawang anak na si Jose Carlito Padilla, 25 anyos, na anak naman niya kay Naldy Padilla.

Maraming netizens ang gustong makakuha ng kalendaryo niya. Ang iba naman ay hinangaan ang aktres dahil sa pagiging matatag bilang ina at ama sa kanyang mga anak.

“Momshie Karla Estrada pengeng kalendaryo para may picture ako ng family nyo sa bahay namin.”

“Hello goodmorning miss Karla, proud momshie fighter sa lahat ng pagsubok sa buhay. God bless you and the entire family”

Naikuwento ni Karla sa programang ‘Toni talks ‘ noong Disyembre 12, 2021 na hindi naging madali ang pinagdaanan niya sa pagpapalaki sa apat niyang anak. Maliban sa mga naririnig niyang negatibo dahil sa magkakaibang ama ng mga ito ay naging mahirap rin talaga ang pamumuhay nila.

“Ginapang talaga. I was really tested. Hindi lang sa panganganak, pati ‘yong pang-araw-araw saan ka kukuha,” aniya.

Pero kahit ganoon ang naging sitwasyyon nila hindi niya ipinaramdam sa mga anak na kawawa sila. Sa halip ay inilagay niya umano sa isip ng mga ito na matutong maging maparaan at madiskarte sa buhay para hindi umasa.

Continue Reading

celebrities

Cristy Fermin kay Kris: “Hindi ko gusto ‘yung ‘It’s not my loss’”

Published

on

By

Bagama’t isa si Cristy Fermin sa mga nananalangin para sa agarang paggaling ni Kris Aquino, inamin din ng showbiz journalist na hindi niya nagustuhan ang sinabi ng huli na ‘It’s not my loss’ patungkol sa paghihiwalay nila ng dating fiancé na si Mel Sarmiento.

Ani Cristy sa pinakahuling episode ng ‘Cristy Ferminute’ nitong Lunes, personal niyang pananaw lamang ito. Pero naniniwala rin umano siyang marami ang sasang-ayon sa kaniyang opinyon.

“Pero, siyempre, paminsan-minsan, may panlasa naman tayo pagdating sa mga opinion.Hindi ko naman ipagsisinungaling sa sarili ko at sa publiko, na hindi ko gusto yung, ‘It’s not my loss,'” paliwanag ni Nay Cristy.

“Ang sa akin lang, personal kong pananaw ito at siguro marami rin ang mag-aadhere o ookay sa sasabihin ko, kapag pinasok mo ang isang relasyon, hindi ka dapat magsasabi ng ‘It’s not my loss’ o pinagsisisihan mo,” dagdag nito.

Wika pa ng entertainment columnist, kapag pinasok ninuman ang isang relasyon, dapat ay hindi nagbibitiw ng mga katagang ‘It’s not my loss’.

Image from Kris Aquino

Para raw kasing pinagsisihan ni Kris ang nangyari sa relasyon niya sa dating kalihim ng DILG.

Patuloy pa ni Nay Cristy, kapag pinasok mo ang isang relasyon, iyan ay desisyon mo na hindi dapat isisi sa ibang tao.

“Batang pag-ibig, matandang pag-ibig, pinasok mo ‘yan, lumigaya ka minsan isang panahon. Kapag naghiwalay kayo, huwag mo nang wasakin,” wika nito.

BASAHIN: Post ni Kris Aquino sa kinahinatnan ng relasyon inulan ng messages of love and suppport

“Kasi wala namang nagtulak sa’yo. Sana kung hinilahod kita, palapit kay Mel Sarmiento, ipinagtulakan kita, para maging magkarelasyon kayo, eh hindi eh,” dagdag ni Cristy Fermin.

Image from Kris Aquino

Katunayan umano, nagulantang na lang ang publiko nang ianunsiyo nina Kris at Mel na engaged na sila.

BASAHIN: Kris Aquino may Bagong Fiancé, Kilalanin Siya Dito

Hindi na dapat daw sinabi pa ni Kris ang ‘it’s not my loss’ dahil papaano na lang kung sumagot din si Mel ng ‘it’s not my loss, either’.

Tunghayan ang buong episode ng ‘Cristy Ferminute’ kung saan tinalakay din nila ang iba pang maiinit na isyu sa showbiz:

Continue Reading

entertainment

Dra. Vicki Belo may surpresang regalo kay Andrea Brillantes

Published

on

By

Nasurpresa ang young actress na si Andrea “Blythe” Brillantes sa regalo sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

Idinaan ni Dra.Vicki sa isang prank ang surpresa niya kay Blythe.

Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “Unboxing Christmas Gifts with Andrea Brillantes,” sinabi ng celebrity dermatologist na  magpapatulong siya sa unboxing ng mga regalong natanggap niya noong Pasko.

Nabuksan na raw niya ang mga regalong iyon, pero gusto lang daw niyang ipakita sa mga followers ang mga gifts na natanggap niya. Lalo na ‘yung regalo mula sa asawang si Hayden Kho.

“Hello, everyone. Welcome back again to my YouTube channel where we are going to do our unboxing of my favorite Christmas gifts. And today I have someone who will help me unbox, the very big star…Andrea Brillantes,” bungad ni Dra.Vicki.

“Ako po ang tagabukas ng regalo,” sabi naman ni Andrea.

Sabi niya, mahilig talaga siyang magbukas ng regalo, pero ang mga binubuksan daw niya ay ‘yung mga ipina-wrap sa SM na pwedeng sirain ang wrapper. Aniya, bawal sirain ang wrapper ng mga mamahaling regalong natanggap ni Dra. Vicki.

“Pinabukas ko na ‘to pero i-unbox ko pa rin para sa inyo para malaman n’yo kung ano’ng na-receive ko this year. Of course, my best gifts are from my husband. He’s very thoughtful and sweet and kilalang-kilala n’ya ako,” sabi naman ng doctor to the stars.

Nang tanungin kung ano ang paboritong regalong natanggap ngayong taon, sinabi ni Andrea na hindi raw siya mahilig manghingi ng regalo.

Matapos ang kaunting kuwentuhan ay sinimulan na ng dalawa ang unboxing ng mga regalo. Karimihan sa mga regalong natanggap ni Dra. Vicki ay mga designer bags tulad ng Chanel at Kelly na mas mahal at mas mahirap daw hanapin kaysa Birkin bags.

Ang huling regalo na i-unbox nila ay isang Dior bag.

Napatili ang young actress nang sabihin  ni Dra.Vicki Belo na binili nila iyon ni Hayden para sa kanya.

May regalo rin ang mag-asawang Dra.Vicki at Hayden sa ka-love team ni Andrea na si Seth Fedelin, na umaktong cameraman para sa naturang unboxing prank.

Isang Prada wallet ang natanggap ni Seth. Sabi ni Dra.Vicki, yumayaman daw ang mga taong nireregaluhan nila ng wallet na masuwerte.

 

Continue Reading

Trending