Connect with us

celebrities

Madam Inuts, bagong komedyante ng Kapamilya Network

Published

on

Mayroon pa bang hindi nakakakilala kay Madam Inutz? Abangan siya sa bagong sitcom na gagawin ng ABS-CBN na may titulong ‘My Papa Pi’ .

Sino si Madam Inutz?

Siya ay isang online seller na nagbebenta ng ukay-ukay sa netizens at nag-viral naman sa kadahilanang walang nagma-‘mine’ sa mga ibinebenta niyang damit noong August 12, 2021 sa kanyang FB live. Ang makwela niyang paraan ay naghatid sa kanya sa top trending list.

Imahe mula sa Youtube

Doon nag-umpisang sumikat si Madam Inutz na laging sinasabi sa kanyang live video ang salitang ‘Inutil’ patungkol sa mga viewers na walang hatid na pakinabang sa kanya. Kaya naman siya ay nabansagan na Madam Inutz. Ang kanyang totoong pangalan ay Daisy Lopez, isang Online Seller, Social Media Sensation, at Product Endorser.

Kahit palamura si Madam Inutz at minsan ay hindi maganda ang lumalabas sa bibig ay talaga namang kinagigiliwan ito ng mga Netizens. Comedy kasi ang hatid nito sa mga viewers.

Karamihan sa nanonood sa kanya ay nawawala umano ang stress. In fairness, marami na rin ang nagma-mine sa kanyang mga ibinebentang ukay.

Kamakailan ay napasali siya sa PBB Kumunity Season 10 at umabot sa Final five.

Imahe mula sa Abs-cbn

Maraming nagsasabi na baka si Madam Inutz na ang susunod sa yapak nina Pokwang o Ai-Ai. Mahusay kasi itong magpatawa. Hindi na nakapagtataka kung mayroon mang oportunidad na magbubukas para kay Madam Inutz bilang isang komedyante.

To be a Kapamilya soon?

Kinumpirma na ni Madam Inutz sa kanyang FB live post na makakasama siya sa bagong sitcom na gagawin ng ABS-CBN na may titulong ‘My Papa Pi’ . Dito ay makakaeksena niya sina Angelica Panganiban at Piolo Pascual. 

Ayon pa rin kay Madam, mag-uumpisa na ang kanilang lock in taping kaya nagpaalam na ulit siya sa kanyang mga fans at followers.

Imahe mula kay Daisy Lopez

Ibinahagi naman ng A2Z Channel Unofficial na ikinatuwa ng kanyang mga fans at mga taga-supporta ang bagong oportunidad na ito.

The next PokwAng/ AiAi ng Abs. – If not better or level up. Oh di vahhhhhh!!!!  saad ni Lisa Abalos.

Wow congratulations Madam Inutz!!! ani F Lou.

Well, deserve madam lovelots ani R Suan.

Oh jiiieva? ang dating online live seller at simpleng naghahanapbuhay bilang isang tindera ay makakasama na sa taping ng mga bigating artista.

Sa tingin n’yo, siya na nga ba ang papalit kina Pokwang at Ai-Ai?

Congrats, Madam Inutz!

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

celebrities

Mariel inaming nagselos noon sa ‘bath tub scene’ nina Robin at Kris

Published

on

By

Inamin ni Mariel Padilla na nagselos siya noon sa isang eksena ng kaniyang mister na si Robin at ni Kris Aquino.

Ito ay matapos usisain ng netizens ang TV host-actress kung sino sa mga dating leading lady ni Robin ang kaniyang pinagseselosan.

“Not Ate Kris but the scene!!!” paglilinaw ni Mariel sa kaniyang Instagram stories na may kalakip pang larawan na magkasama ang kaniyang asawa at si Kris.

Pag-amin ni Mariel, immature pa siya noon kaya nahihiya siya sa kaniyang naging reaksyon.

“Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene… tapos naka-diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako,” dugtong nito.

Sa tanong naman kung nagsisisi ba siya sa kaniyang pagseselos noon sa naturang eksena, sagot ni Mariel ay oo daw.

Aniya, “Do I regret it? Yes! Btw, love ate Kris to the max!!!”

Ayon sa Bandera, ang tinutukoy marahil na eksena ni Mariel ay sa Kapamilya teleserye na “Kailangan Ko’y Ikaw” kung saan nakasama ng dalawa si Anne Curtis.

Bago pa ang pag-aming ito ni Mariel, nag-alay ng panalangin si Robin para sa paggaling ni Kris Aquino.

BASAHIN: Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel si Kris bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng binansagang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda may ‘power’ na magdesisyon para sa ‘It’s Showtime’?

Published

on

By

May ‘say’ umano si Vice Ganda sa mga desisyong ginagawa sa kanilang noontime show na ‘It’s Showtime’, ito ang ibinahagi ni Ogie Diaz.

Ani Ogie, may nakapagsabi sa kaniyang isang source na isa si Vice Ganda sa kinukonsulta o pinagkukunan ng desisyon kapag may bagong programa o segment silang ipapasok sa ‘It’s Showtime’.

“Actually ang alam ko, e, binigyan ng power si Vice na magdesisyon para sa show or magkonsulta sa kanya ang mga staff,” kuwento ng talent manager sa kaniyang co-host na si Mama Loi sa kanilang ‘Ogie Diaz Showbiz Update’.

Pakli naman ni Mama Loi, lumalabas na parang ‘creative consultant’ ng programa si Vice Ganda. Subalit ayon naman kay Ogie, BUH o ‘business unit head’ ang dating nito sa kaniya.

Sang-ayon naman dito si Ogie. Aniya, mas nakakahiya umano kapag ang kukunsultahin ay isang wala pa namang napatunayan sa showbiz.

“Nakakahiya naman kung kukunsulta ka sa hindi naman panalo sa show, so, siyempre doon ka kokonsulta sa tao na una tinitingala sa show, pangalawa, ‘yung source of energy ng show pinaghuhugutan nila,” paliwanag ng showbiz writer.

“Kasi sa totoo lang matalino naman ‘yang baklang ‘yan! In fairness to him kapag sa meeting-meeting ang dami niyang baon, doon niya naibubuhos,” dagdag pa ni Ogie.

Napag-usapan nina Ogie at Mama Loi si Vice Ganda matapos sabihin ni Lolit Solis na nagpa-power tripping umano ang sikat na komedyante sa ‘It’s Showtime’. Dahil dito nagparinig si Vice tungkol sa hindi magandang ginagawa raw ng mga ‘Marites’ na tila ang pinatatamaan ay si Lolit.

BASAHIN: Jugs sinagot ang post ni Lolit Solis tungkol sa umano’y power tripping ni Vice sa ‘It’s Showtime’

Subalit para kina Ogie, maaaring concerned lamang si Vice sa kanilang show kaya nasaktan ito sa sinabi ni Lolit. Wika pa ng dalawa, nagmamalasakit lamang ang comedian-host kaya iniisip nito ang lahat ng makabubuti sa kanilang programa.

Panoorin ang buong talakayan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa ‘Ogie Diaz Showbiz Update’ vlog:

Continue Reading

celebrities

Robin: ‘Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Kris’

Published

on

By

Nag-alay ng panalangin si Robin Padilla para kay Kris Aquino na ngayon ay humaharap sa mabigat na pagsubok sa kaniyang kalusugan.

Bukod sa kaniyang health condition, hindi rin tinitigilan si Kris ng mga bashers at mga tsismis tungkol sa kaniyang personal na buhay.

BASAHIN: Kris sa mga nagpapakalat na wala na siya: ‘Sorry pero ilalaban pa na mapahaba ang oras ko’

kris

Sa isang Facebook post nitong Martes, sinabi ni Robin na mahal na mahal nila ni Mariel ang tinaguriang ‘Queen of All Media’ bilang isang kaibigan.

Nalulungkot umano siya sa mga lumabas na masasamang balita tungkol sa actress-TV host sapagka’t hindi ito makatutulong sa kalusugan ng huli.

“Batid ko na ang pulitika ay walang patawad at wala nang makapagpapabago don. Hindi ko rin hinihingi ang awa dahil walang awa sa pulitika, ipinanganak nga ito sa ating bayan na nakabalot sa dugo ni Andres Bonifacio,” ani Robin.

Dahil dito, nag-alay ng dasal ang aktor para sa kapatid ng yumaong Pangulong Noynoy Aquino.

“Ang aking salmo ay mabigyan ng pahinga ang kaisipan at damdamin ni Ms. Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas,” wika ni Robin.

BASAHIN: Robin Padilla, nakiusap sa mga kritiko ni Kris Aquino na magpakatao

“Maging ano man ang kulay natin sa pulitika, kailangan natin si Ms. Kris,” dagdag pa ng tinaguriang ‘Bad Boy’ ng pelikulang Pilipino.

Hindi rin umano mabubuhay ang demokrasya sa bansa kung walang oposisyon, at si Kris lamang daw ang maituturing ngayong ‘mukha ng tunay na oposisyon’.

Bukod dito, ani Robin, kailangan pa ang aktres ng kaniyang dalawang anak na sina Joshua at BImby.

“Kailangan natin ang tunay na oposisyon para manatili sa direksyon ang administrasyon,” ayon pa sa aktor.

Si Robin ay kilalang kaalyado ng administrasyon at masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Siya ay kumakandidato ring senador sa susunod na halalan.

Samantala, si Kris naman ay isang ‘dilawan’; ang kolokyal na tawag sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino. Hayag na rin ang kaniyang pagsuporta kay VP Leni Robredo, ang kandidato ng oposisyon.

Continue Reading

Trending