Connect with us

Social News

Mag-asawang vendor na nasa 80s na, tinulungan ng grupo ng riders

Published

on

Isang grupo ng riders mula sa Taguig ang dumayo sa mag-asawang matanda na nagtitinda sa kalsada.

In-upload ni Denso Tambyahero sa kanilang Facebook page ang larawan ng mag-asawa na sina Domingo Blanco, 85, at Nora Blanco, 82 taong gulang, na taga Sta. Cruz Laguna.

Nakita umano ni Denso Tambyahero ang video sa page ng ‘Stephanie “Teptep” Chloe’ ang dalawa na naglalakad habang nagtitinda sa kalsada na tulak-tulak ang kariton.

Matanda na pero lumalaban parin sila para Mabuhay, Nakakamiss na may Lolo at Lola!” saad sa page Stephanie “Teptep” Chloe.

Screenshot mula Stephanie “Teptep” Chloe FB page

Kinabukasan, pagkatapos makita ang naturang video ay bumiyahe na at agad silang nagtungo sa Sta. Cruz Laguna para hanapin ang mag-asawa.

Agad naman nilang nakita ang matandang si lola Norma ngunit hindi kasama ang asawa sapagkat nahihilo umano ito. Pinakyaw ng kasamahan nila ang paninda ng matanda para makauwi na agad ito na inalalayan naman nila hanggang sa makauwi na sa tahanan.

Screenshot mula Denso Tambyahero FB Account

“Wala naman akong mapa-ano sa inyo, maipakain sa kanila eh, “ sabi ng lola na nagpapasalamat naman habang naiiyak. Mapapansing kuba na ang matanda.

Pinapasok naman sila ng mag-asawa at muntikan pang matumba ang nahihilong si lolo. Malungkot sila dahil wala man lang mapakain ang mag-asawa sa bisita.

Nagulat ang matanda nang ipinasok sa kanilang bahay ang isang sakong bigas, “Aba, ano ba yan? Ano ba ito?” gulat na sambit ni lola Norma sa nakita. Sabi ng grupo na “Okay lang sila” sapagkat pumunta sila sa bahay ng mag-asawa para maghatid ng saya at tumulong.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng mag-asawa.

Sila lamang ang nakatira sa bahay at kumakayod pa rin para mabuhay. Masipag magtinda ang mag-asawa sa kalsada pero madalas ay sa Unisun at sa plaza ng Sta. Cruz Laguna lang sila gumagawi.

Minsan, sa pagtitinda ay naliligaw pa umano ang matanda sa pag-uwi dahil nalilimutan raw niya kung saan ang daan pabalik sa kanilang tirahan. “Marami akong tinitinda, kung saan saan po ako nakakarating dahil naliligaw po ako, ginagalitan po ako ng asawa ko,” kuwento ni lola habang umiiyak.

Hindi lamang bigas ang ibinigay sa mag-asawa kundi binigyan din sila ng pera na nagkakahalaga ng 20 thousand pesos para panggastos nila. Nakaaantig ng puso ang nakita sa kanilang kasiyahan. Makapagpapahinga sila nang matagal-tagal/

Screenshot mula Denso Tambyahero FB Account

Tinanggihan at nahihiya ang mag-asawa na tanggapin ang pera. “Ano ‘yan?” sabi ni lolo. “Susmaryosep! Sa inyo na ‘yan” dagdag ni lolo. Umiiyak ang dalawa na sinasabing baka mawalan na sila ng pera.

“Sabi ko sa ‘yo eh, ‘di tayo pababayaan ni Lord eh.” Sobrang lubos ang pasasalamat ng dalawa sa kanilang natanggap mula sa grupo.

Ang  team Denso Tambyahero ay tumutulong sa mga nangangailangan at namimigay ng mga helmet sa ilang delivery boy at riders.

Kahit malayo ang kanilang pagbiyahe ay sulit naman daw ang kanilang pagod. Ang mahalaga ay mayroon na naman silang napasaya.

Narito at panoorin ang kabuuang video:

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Paalala ng netizen sa mga customer ng delivery riders: It’s not very hard to be kind

Published

on

By

Ibinahagi ng isang netizen ang pinaka-hassle na karanasan niya sa isang rider matapos abutin ng dalawang oras ang dapat sana’y 20 minuto lamang na delivery. Sa kabila nito, sinalubong niya ang rider nang may ngiti at triple pa ang ibinayad dito.

Kuwento ni Mariz Agento sa isang Facebook post, nag-book siya ng delivery para sa kaniyang order sa Hidalgo, Pasay bandang 8 p.m. at dumating ito sa kaniya matapos ang dalawang oras kahit wala pang limang kilometro ang layo nito.

Habang nasa biyahe raw kasi ay nagkaroon ng problema ang rider sa kaniyang app kaya hindi niya ito mabuksan.

Sinigurado naman ng rider na maihahatid niya ang parcel ngunit medyo matatagalan ito dahil hindi niya kabisado ang daan.

Sa halip na magalit ay inunawa ito ni Mariz at ginabayan ito kung paano makararating sa destinasyon kahit wala ang app.

“I have all the time to be angry and put pressure on the man, but I didn’t. I have to wake up before 5 am tomorrow, and by this time, I should be asleep already,” aniya.

“I patiently waited and replied to him the exact directions on how to go to my place even without using Waze and when he finally arrived, he kept on apologizing for the inconvenience.”

Buong-puso namang tinanggap ng uploader ang paumanhin ng rider. Triple rin ang ibinayad niya rito at binigyan pa ng five-star rating.

“You see, it’s not very hard to be kind. We must do it often, as nothing compares to the feeling that you did not hurt anybody’s feelings but instead, made them happy even when they expected the exact opposite,” sabi ni Mariz.

“Delivery riders are humans too. They deserve to be respected and they make our lives hassle-free in terms of delivery.  To tatay rider, keep hustlin’. Aahon din.”

Continue Reading

Social News

Solenn at Nico Bolzico’s adorable Baby Thylane, naghatid ng saya sa kanyang bibong pagkanta

Published

on

By

Napaka-cute at smart ng anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na makikita sa Instagram post ng huli sa in-upload niyang video  kamakailan.

Ang kanilang anak na si Thylane na 2 taong gulang na ay makikitang kumakanta ng counting song sa lenggwaheng Espanyol habang buhat-buhat ni Nico sa kanyang likuran nang sila ay nag-hiking sa France.

“Counting the number of days #ElPadre will be in the dog house because we forgot #TiliBolz outdoor jacket,” aniya sa kanyang caption.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanilang video dahil sa napaka-cute at sa taglay na talino ni Thylane.

“Tili huhuhu ka cute nimo oy.”

“Very smart and lovable Tili.”

“Grabeh!!!!! Cute!!!! Di ko mapigilan di magcomment.”

Isa rin sa mga ipinost ni Nico ay ang kanyang mag-ina kung saan nakayakap si Solenn sa kanilang anak habang nakangiti naman si Thylane na nakatingin sa camera.

“My whole life in one picture… also the source of all my commands for the rest of my life…,” ani Nico sa kanyang post.

Nag-post naman si Solenn sa kanyang Instagram kasama ang anak kung saan sumisigaw siya at siya namang ginagaya ng anak na ikinatuwa naman ng maraming netizen.

“Screaming our feelings out,”  pagbabahagi ni Solenn sa kanyang caption post.

Kamakailan lang ay pinabilib niya ang netizens dahil sa pagsasalita niya ng iba-ibang lenggwahe – French to Spanish –  habang nakikipag-usap sa kanyang ina.

Si Nico Bolzico ay founder at Presidente sa LM10 Corporationp; isang Argentine na naninirahan sa Pilipinas sa nakalipas na walong taon. Siya ay 38 taong gulang na.

Si Solenn Heussaff ay isang Filipina-French aktres, TV host, model, singer, painter, fashion designer at propesyunal na make-up artist na ngayon ay 36 anyos na.

Ipinagdiwang nila sa France noong Bagong Taon, Enero 1, 2022 ang ikalawang kaarawan ni Thylane Katana Bolzico.

Continue Reading

Social News

Mayor Vico ‘binati’ ng kapwa-COVID patient: “Finally, nakisama ka na rin”

Published

on

By

Kahit na kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19, nakuha pa ring magpangiti ng kaniyang mga social media followers at supporters si Mayor Vico Sotto.

Noong Linggo, Enero 16, ibinahagi ni Mayor Vico ang screenshot ng isang mensahe na ipinadala sa kaniya  ng isang netizen na isa ring COVID patient.

Bagama’t hiling ng netizen ang agarang paggaling ng butihing alkalde, may hirit pa rin itong nakakatawa.

Anang netizen kay Mayor Vico, “Get well soon” na pinasalamatan naman ng alkalde.

“Finally nakisama ka na. Now IN ka na. Get well soon,” muling hirit ng netizen.

“Ha ha Thanks sir,” tugon naman ni Mayor Vico.

Ang screenshot ng kanilang nakakatawang usapan ay ibinahagi ng 32-anyos na mayor sa kaniyang Facebook story. May caption itong “Ganito na raw ang batian ng get well soon sa Omicron’” with laughing emoji.

Imahe mula sa Facebook| Mayor Vico Sotto

Noong Linggo ay ibinahagi ni Mayor Vico na nagpositibo siya sa COVID-19 at nakararanas ng mga sintomas gaya ng sore throat, lagnat at pananakit ng katawan.

Sa kabila nito, tiniyak niya sa kaniyang mga constituent na maayos ang kaniyang kalagayan at patuloy ang kaniyang pagtatrabaho bilang alkalde kahit nasa isolation.

“Hi everyone, bad news, I’ve tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches, but please don’t worry! I’ll continue to work remotely while in isolation for the next 7 days,” bahagi ng alkalde.

“Naka ilan close call ako sa Delta (gaya nung sa driver ko mismo) pero di ako nahawaan. Matindi talaga ang pagkalat ng Omicron– sabi nga ng ibang eksperto, LAHAT TAYO ay mae-expose sa variant na ito,” kuwento pa ni Mayor Vico.

Nagpaalala rin ito sa lahat na laging mag-ingat, palakasin ang resistensiya at maging responsible. Sakali man umanong makaramdam ng sintomas ay mabuting huwag na lang munang lumabas.

BASAHIN: Mayor Vico ‘nangako’: “Pagkatapos ng pandemya, kahit mag-kiss po tayo puwedeng-puwede”

 

Continue Reading

Trending