Connect with us

Social News

Netizen ibinahagi ang ‘good deeds’ ng viral na si ‘Mang Boy’

Published

on

Ipinakita ng isang netizen ang pagkakawanggawa ng nag-viral sa social media na si Ret. SPO3 Juanito Lazaro o “Mang Boy.”

Imahe mula sa Facebook

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Ferl Geronimo na nalulungkot siya na pinagpipiyestahan ngayon sa social media si Mang Boy matapos na ma-videohan na sinisira ang speaker ng isang grupo gamit ang isang matulis na bagay.

Dahil dito, ibinahagi ni Ferl ang mga mabubuting nagawa noon ni Mang Boy para sa mga kapitbahay.

“Bakit hindi ito ang naging viral? ‘Di na nakuhanan ng mga video, picture ‘yong iba mo pang ginagawang kawanggawa noon, Mang Boy,” aniya.

Tuwing kaarawan nito, nagdiriwang umano siya sa pamamagitan ng pagkuha ng barbero upang magbigay ng libreng gupit sa kanilang komunidad.

Imahe mula sa Facebook | Ferl Geronimo

“Grabe pagmamahal mo sa mga kapitbahay mo. Alam na alam nila ‘yan. ‘Pag mag-celebrate ka tuwing biirthday mo, kumukuha ka ng barbero para may pa libreng gupit sa ka lugar mo. May pa-tsinelas ka pa dahil ayaw na ayaw n’yong may mga naka-paa,” sabi pa ni Ferl.

Ngayon pandemya, patuloy rin daw ang pagtulong ni Mang Boy sa kaniyang mga kapitbahay.

“Itong nagdaang pandemic, imbes na i-save n’yo pera ninyo, ginagawa n’yong mag-asawa, namiimili, para lamang  may maipamahagi sa mga kapitbahay. ‘Yon pala ‘yong pinagtatawanan, ginawan ng memes, may mga parody pa,” dagdag niya pa.

Imahe mula sa Facebook | Ferl Geronimo

Tinapos niya ang kaniyang post sa pamamagitan ng paglalagay ng #RespectMangBoy.

Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action ay idinulog ni Cherry Mae Pelonia ang nangyaring komprontasyon noong Enero 1. Aniya, si Mang Boy ang nagsabi sa kanila na maglabas sila ng speaker noong New Year’s Eve dahil masyadong tahimik ang lugar.

Umabot ng 8 a.m. ang inuman nina Cherry at dito na nagalit si Mang Boy. Paliwanag niya, sinubukan niyang sawayin ang grupo ng magkakaibigan ngunit bigo siyang gawin ito.

Panoorin dito ang episode ng Raffy Tulfo in Action.

Social News

Donalyn mamimigay ng bahay na nagkakahalaga ng P2-M, fully furnished pa, sa kaniyang lucky subscriber

Published

on

By

Lubhang magiging mapalad ang isa mga subscribers ni Donalyn Bartolome na mabibigyan ng bagong bahay na nagkakahalaga ng tumataginting na P2M.

Bukod dito, fully furnished din ang bahay na nasa magandang lokasyon pa dahil malapit raw ito sa simbahan, eskuwelahan at pamilihan.

Ipinasilip pa ng vlogger ang labas at loob ng dalawang-palapag na bahay kung saan makikita ang maaliwalas at magagandang living room, kitchen, bedrooms at bathrooms.

Mayroon na ring nakahandang mga furnitures at appliances sa loob gaya ng dining set, TV, refrigerator, microwave oven, automatic washing machine at vaccum cleaner na tinesting pa ni Donalyn.

Nakapuwesto na rin ang sala set, carpets, kama na may kasama nang mattress kaya lilipat na lamang talaga kung sinuman ang masuwerteng subscriber na mapipili niya.

Kuwento ni Donalyn, siya mismo ang personal na nag-shopping at namili ng mga furnitures at appliances na inilagay sa bahay.

Ibinahagi niya rin na isang partylist ang kaniyang sinusuportahan ngayon dahil umano sa adbokasiya nito.

“I’m supporting a partylist na magpu-push ng batas like affordable na pabahay, housing program for public school teachers… and they provide homes for abandoned senior citizens,” bahagi ni Donalyn sa kaniyang vlog.

Samantala, upang makasali naman sa mga mapagpipilian, unang-una ay kailangang subscriber ka ng You Tube channel ni Donnalyn.

Pangalawa, dapat ay i-comment mo ang iyong Instagram account at ang buong pangalan.

Panoorin ang buong ‘house tour’ vlog ni Donalyn upang malaman na rin ang kailangang gawin kung paano mapili.

Continue Reading

celebrities

Chipotle to Chicotle? Fast food binago ang Twitter handle dahil sa maling pagbigkas ni BTS Jungkook

Published

on

By

Kapag ang miyembro ng isang sikat na sikat na Korean boy band ay nakunan ng video na nag-e-enjoy sa iyong pagkain, ano ang iyong mararamdaman?

Noong Enero 23, 2022, nag-upload ng video ang ‘BangtanTV’, ang YouTube channel ng Korean boy band na BTS o mas kilala bilang ‘Bangtan boys’, kung saan ay makikita ang K-pop superstars na sina Jungkook, Jimin, Jin, Suga, J-Hope, V at Rap monster.

Matapos ang ‘Corden show performance’ ng BTS sa Los Angeles, makikita sa video na sinubukan ng banda ang Chipotle food at ito umano ay sa unang pagkakataon. Isa sa mga miyembro nito na si Jungkook ang higit na nag-enjoy sa pagkain dahil nagustuhan niya ang lasa ng biniling aytems para sa grupo.

“What is this, Chicotle?” tanong ni Jungkook.

Labis niya talagang nagustuhan ito.

“This is so good. I love this. I want to eat this every day,” dagdag pa niya.

Hindi maikakaila kung gaano kalakas ang impluwensya ng South Korean boy band na BTS sa global world. Nang dahil sa maling pagbigkas ni Jungkook sa brand name ng restaurant — Chicotle sa halip na Chipotle — ay naging viral ang video.

Kasunod nito ay binago ng Chipotle ang kanilang Twitter handle at ito’y naging “CHICOTLE”.  “It’s chicotle from now on.”

Nag-retweet din ang Twitter account ng isang clip mula sa video ng BantanTV kung saan makikita at maririnig si Jungkook na nagsabi ng “Chicotle.”

“If Jungkook said it’s chicotle then it’s chicotle (crying emojis) that’s it.”

Ang Chipotle Mexican Grill, Inc., na mas kilala bilang Chipotle, ay isang chain ng fast casual restaurant sa United States, United Kingdom, Canada, Germany, at France, na nag-e-specialize sa mga tacos at Mission burrito.

Ang BTS ay nangangahulugang “Bangtan Sonyeondan,” a.k.a. “a group of bulletproof boys,” o ang opisyal na pamagat sa English, “Bulletproof Boy Scouts.” Ang mas maiikling bersyon ng pangalan ay “Bangtan” o “Bangtan Boys”. Sila ay nabuo noong 2010 at nag-debut noong 2013 sa ilalim ng Big Hit Entertainment at binubuo ng mga miyembrong sina Jin, Suga, J-Hope, RM, Jimin, V, at Jungkook.

Marami na rin silang natanggap na rewards at halos milyon-milyon din ang views ng kanilang mga music videos sa YouTube.

Panoorin ang video:

Continue Reading

celebrity

Xian Gaza gustong linawin kay Carla ang umano’y ‘tsismis’ tungkol kay Tom

Published

on

By

Hindi na naman nagpahuli ang tinaguriang ‘Pambansang Marites’ na si Xian Gaza pagdating sa pinakabagong pinag-uusapan ngayon sa showbiz.

Dahil mainit ang isyu tungkol sa diumano’y paghihiwalay ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, may ‘tsismis’ din ukol dito si Xian Gaza.

BASAHIN: Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, ibinahagi ng kontrobersiyal na negosyante ang screenshot ng DM niya raw kay Carla.

Nabanggit sa mensahe ni Xian na may gusto lamang siyang linawin tungkol sa ‘tsismis’ na kaniyang narinig.

“Madam Carla, magandang umaga po. My name is Xian Gaza, National Marites of the Philippine Islands,” pambungad ng social media personality.

“May gusto lang sana akong linawin para makatulog na po ako. Dalawang gabi na po kasi akong binabagabag nito. Apektado na po ang mental health ko,” wika pa ni Xian.

Kasunod nito ay tinanong ng vlogger kung totoo raw ba ang tsismis tungkol sa mister ni Carla na si Tom.

“How true na may iba siyang nabuntis few months bago ang kasal?  Totoo ba itey? Or fake news lamang ito?” diretsahang tanong ng ‘Pambansang Marites’.

Hindi naman sinabi ni Xian kung sinagot ni Carla ang kaniyang pag-uusisa.

Nabigla ang entertainment industry at social media dahil sa biglaang pag-unfollow ng mag-asawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Ayon naman kay Cristy Fermin, may ‘third party’ sa hiwalayang ito ng mag-asawa batay na rin daw sa impormasyong nakarating sa kaniya mula sa kaniyang mga kaibigan sa Kapuso network.

BASAHIN: Third party ang dahilan ng kontrobersya sa pagitan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana? – Cristy Fermin

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Samantala, sa kasalukuyan ay naka-follow na muli sa isa’t isa sina Carla at Tom, subalit nananatiling tikom ang bibig tungkol sa estado ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Continue Reading

Trending