Connect with us

News

Marcoleta nangakong paiimbestigahan ang ABS-CBN sister company na Big Dipper kapag nanalo

Published

on

Imahe mula sa PNA

Mukhang hindi tatantanan ni Deputy Speaker at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta ang kompanyang pag-aari ng pamilya Lopez na ayon sa mambabatas ay may ‘anomalya’ sa pagbabayad ng buwis.

Kapag nanalo sa darating na eleksiyon bilang senador, tiniyak ni Marcoleta na bubuksan niya muli ang imbestigasyon sa Big Dipper Digital Content and Design Inc., isang subsidiary company ng ABS-CBN.

Ayon sa kongresista, ang Big Dipper ay itinayo ng ABS-CBN para sa digitization at repurposing service ng kanilang mga shows at program upang maipalabas ito sa ibang platform gaya ng Netflix, iTunes at Amazon.

Imahe mula sa Eagle News

Ito ay kasalukuyang nakarehistro sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Paliwanag ni Marcoleta, kumita ang Big Dipper ng P2.68-B mula sa ibinayad ng ABS-CBN Hungary (P1.37-B), ABS-CBN (P838-M) at iba pang kompanya ng network (P469-M).

Subalit nakapagtataka raw na nagbayad ang ABS-CBN sa Big Dipper ng P838-M para sa serbisyo nito gayung maaari namang magbayad ng in-house na lamang sa halagang P96-M.

“What kind of business person would pay a service provider P838 million when it can do the same thing in-house for only P96 million?” tanong ng mambabatas.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Lumalabas umano ang ang P742-M na sobrang ibinayad sa Big Dipper ay maaaring buwisan ng BIR ng 30% income tax rate para sa ABS-CBN.

Lubhang kaduda-duda raw talaga na nagbabayad ang ABS-CBN sa Big Dipper ng napakalaking halaga gayung mas maliit ang gagastusin nila kapag ginawa itong in-house payments na lamang.

“And why did ABS-CBN, its subsidiaries and other companies, religiously pay Big Dipper exorbitant amount for uneven value of services that could be acquired in-house for much lower cost?” anito.

“Because Big Dipper is strangely registered with PEZA and as such, is only taxed at 5% gross, that’s why,” patuloy ni Marcoleta.

Imahe mula sa goodgovernanceforum.ph

Isa umano ito sa kaniyang mga kukuwestiyunin kapag muling nabuksan ang imbestigasyon sa Senado at siya ay palaring manalo sa darating na halalan.

Si Marcoleta ay isa sa mga kongresistang malaki ang naging papel sa House inquiry noong 2020 kung saan nabigo ang ABS-CBN na makakuha ng panibagong prangkisa sana sa susunod na 25 taon.

Siya ay tumatakbong senador sa ilalim ng PDP-Laban Cusi wing at posibleng umanib na rin sa tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte.

government

Rekomendasyong kasuhan sina Sec. Duque at ex-FDA chief Domingo, binawi ng Kamara

Published

on

By

Ilang oras lamang matapos isapubliko ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng reklamo sina Health Secretary Francisco Duque III at dating FDA chief Dr. Eric Domingo dahil umano sa kapalpakan ng mga ito sa pagtugon sa pandemiya, binawi naman agad ito ng Kamara.

Nitong Miyerkules, Enero 26, ay inilabas ang Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021 na nagmumungkahing kasuhan sina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” at sa “Anti-Red Tape Act of 2007”.

Ang dalawang opisyal umano ay dapat ksauhan dahil sa kanilang “failure to render government services such as approval of applications for automatic renewal within prescribed time.”

Kinuwestiyon din ng report ang magkakasalungat na pahayag ng DOH at FDA hinggil sa Ivermectin bilang gamot sa COVID, pagiging ‘bias’ pabor sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc. (PSMID), at backlogs sa mga aplikasyon sa License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ang committee report ay nagmula sa House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay.

Nagkamali kaya binawi?

Subalit nitong Miyerkules din ay binawi rin ito ng Mababang Kapulungan dahil hindi pa raw tapos ang kanilang pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

“The House of Representatives has always followed the rule of law. And in the constitution enshrined the principle of due process. The resource persons remain such and cannot be respondents unless he was able to attend all hearings and defend himself,” paliwanag ni Aglipay sa mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag.

“So with this, the committee will conduct further hearings or get the side of Secretary Duque since he was not able to attend those hearings. Then and only then we will be able to get the full picture,” dagdag pa ng kongresista.

Inamin rin ni Aglipay na nagkamali sila dahil absent umano sa mga pagdinig si Duque at inakala nilang ini-waive ng kalihim ang kaniyang karapatang marinig sa Kongreso.

Continue Reading

Money

Poe umalma sa advisory ng BSP hinggil sa pekeng pera mula sa mga ATM: ‘Di obligasyon ng depositors’

Published

on

By

Hindi sang-ayon si Senador Grace Poe sa paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dapat ay suriing maigi ng publiko ang mga perang lumalabas sa mga ATM.

Para kay Poe, hindi na obligasyon ng mga depositors na siyasatin muna ang perang nakukuha nila ATM upang malaman kung tunay ito o peke.

“The burden of distinguishing counterfeit bills emanating from banks from genuine ones should not be placed on depositors. ATMs dispensing fake bills is unacceptable and must have no place in the banking system,” anang senadora sa isang pahayag.

Ginawa ito ng mambabatas matapos maglabas ng advisory ang BSP na nagpapaalala sa mga depositors na maging mapanuri sa mga perang nawi-withdraw nila sa ATM upang ‘wag malusutan ng pekeng salapi.

“The BSP reminds the public to regularly inspect banknotes for authenticity through the ‘feel, look, tilt’ approach to protect oneself against counterfeiting. Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit, the holder is advised to immediately report it to the bank that owns the machine,” ayon sa advisory ng BSP.

Subalit, giit ni Poe, responsibilidad ito ng mga bangko kaya kailangang tiyakin na mayroon silang state-of the art defenses upang maiwasan ang mga ganitong bagay at para na rin sa seguridad ng kanilang banking system.

“It is our financial institutions that carry the responsibility to steadfastly guard against vulnerabilities and keenly upgrade their systems amidst the changing times to keep our people’s unflinching trust in the banking industry,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng Republic Act 10951, ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang namemeke ng pera ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang 12 taon at multang hindi lalampas sa P12-milyon.

Continue Reading

government

Iba pang frequency ng ABS-CBN napunta rin sa SMNI ni Quiboloy, Aliw Broadcasting

Published

on

By

Bukod sa kompanya ni Manny Villar, nakakuha rin ng dating frequency ng ABS-CBN ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na naibigay sa Swara Sug Media Corp., ang kompanyang namamahala ng SMNI, ang Channel 43.

Ang Channel 43 ay dating naka-assign sa Amcara Broadcasting Network, ang block timer ng ABS-CBN para ipalabas ang programa sa kanilang set-top box TV Plus o ‘black box’.

Paliwanag ng NTC, ang SMNI ni Quiboloy ang pangatlong aplikante na naghahanap ng provisional authority (PA) para sa kanilang digital media broadcasting system simula pa noong 2007.

Ang kontrobersiyal na pastor ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.  Ang SMNI ay kasalukuyang umeere sa UHF Channel 40.

Samantala, ang Channel 23 ay ibinigay naman ng NTC sa Aliw Broadcasting Corp, ang kompanyang nagpapatakbo sa radio stations na DWIZ AM at Home Radio FM.

Sa Channel 23 napanonood dati ang Studio 23 ng ABS-CBN at ang kanilang programang Sports+Action.

“Aliw was the second applicant for an authority to install, operate and maintain a digital TV in Metro Manila.  Aliw was granted the PA after the determination of its legal, technical and financial qualification,” paliwanag ng NTC.

Nauna nang kinumpirma ng NTC na ibinigay sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ni Manny Villar ang Channel 2 at Channel 16 frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN.

BASAHIN: Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC,” pahayag ng NTC.

Ang ABS-CBN ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong 25-taong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

Continue Reading

Trending