Connect with us

business

Marvin Agustin, ginalingan ang pagluluto ng cochinillo na in-order ng customers noong New Year’s Eve

Published

on

Sa kabila ng pagdagsa ng mga reklamo ng mga hindi nasiyahang customers sa kalidad ng cochinillo at ibang pagkain noong December 25, 2021, hindi nasiraan ng loob ang actor-businessman na si Marvin Agustin.

Itinuloy pa rin niya ang pagluluto ng ipinagmamalaking cochinillo na in-order ng mga customers para sa  New Year’s Eve. Aniya, ibinigay nila ang buong makakaya upang maging maayos ang lahat at maibigay sa customers ang masarap na karanasan.

Screenshot of Marvin Agustin’s IG post

“Happy New Year everyone. We are roasting now your cochi orders.  We have prepared and gave our all to make everything good.

Enjoy the cochi we all worked hard for to give you a delicious experience,” post ni Marvin sa Instagram noong December 31, 2021.

Inanusiyo rin ng aktor na ibabalik ng “Cochi by Marvin Agustin” ang dating istilo ng kanilang operasyon kaya hindi na magagawa na mag-deliver sa mga parukyano.

Hindi raw nila pangunahing kakayahan ang pagde-deliver.

“Moving forward, after this holiday, we will go back to our old-style of operations that we won’t be able to arrange delivery anymore for our customers, as this is not our core competency,” aniya.

Ipinaliwanag niya na dahil sa distansya o layo ng pinagde-deliver-an ay mahirap para sa kanilang cochinillo na palaging dumating na maayos pa ang kalidad niyon.

Hindi umano nila kontrolado kung ano ang nangyayari sa delivery ng kanilang produkto sa kabila ng ibinibigay nilang instructions.

Sabi pa niya, mas mae-enjoy ang kanilang cochinillo kapag bagong hango sa oven.

Image from Marvin Agustin

“Our cochi quality is best enjoyed straight from the oven, delivery conditions is something beyond our control,. We give instructions what to do but we don’t know what happens during travel time,” paliwanag ng aktor.

Matatandaang kabilang sa mga reklamo ng mga customers ay ang makunat na balat ng inorder na cochinillo at ang iba naman ay sunog ang balat.

Kasabay ng paghingi ng paumanhin ay ipinaliwanag ni Marvin na nasira ang kanilang oven at ibang kitchen  equipment, nagkaroon ng glitch ang kanilang website kaya hindi naging maayos ang pagkuha ng orders at maraming mga delivery riders ang nagkansela at  hindi na tumanggap ng ipinade-deliver nilang litson.

Image from Marvin Agustin

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

business

Informant ibinahagi kung paano nila nakuha ang OTP ng ilang kliyente ng BDO

Published

on

By

Idinetalye ng informant ang paraan kung paano sila nagkaroon ng access sa OTP (one-time password) ng mga kliyenteng apektado ng BDO hacking noong nakaraang Disyembre.

Sa panayam ng GMA News, isiniwalat umano ni ‘Alex’ na siya ang gumawa ng ‘text blast’ na ipinadala sa mahigit 700 kliyente ng BDO. Si Alex din ang nagbigay ng impormasyon na nauwi sa pagkakahuli ng apat na suspek noong isang araw.

Kuwento ng impormante, sa message link na ipinadala nila ay doon naglogin ang mga account holder gamit ang kanilang username at password.

“At the same time meron na po kaming OTP nung depositor, kumbaga hindi na po papasok sa kanya yung OTP, kundi sa panel na po namin,” lahad ng informant.

Inamin din ni Alex na kasama siya sa gumawa ng ‘Mark Nagoyo’ account na siyang ginamit ng mga hacker para itago at ibili ng cryptocurrency ang milyones na kanilang nanakaw.

Tinaon umano talaga nila na sa buwan ng Disyembre gagawin ang hacking dahil maraming OFW ang nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Alam po namin na mas maraming depositor yung sa month ng December kasi po magpa-Pasko at Bagong Taon. Mas marami pong depositor si BDO sa ibang bansa po like OFW (Overseas Filipino Workers),” wika nito.

Inamin din ng isa pang naaresto, na isang babae, na isa siya sa kumakausap sa mga kliyente ng bangko para makuha ang kanilang OTP.

Samantala, patuloy na sinusuri ng National Bureau of Investigation  (NBI) ang mga gadgets na nasamsam nila mula sa apat na kataong naaresto para mas maintindihan nila umano ang operasyon.

BASAHIN: 4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Bukod dito, magagamit rin daw ito para mas lalo pang mapalakas ang security ng ating financial institutions.

Buong ulat ng GMA News:

Continue Reading

business

4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Published

on

By

Nalambat na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat kataong sangkot diumano sa ‘hacking incident’ ng BDO Disyembre noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng GMA News, kabilang sa naaresto ay dalawang Nigerian national na kapwa nasakote ng mga awtoridad sa Pampanga.

Ang naging papel umano ng dalawang banyaga sa grupo ay ‘i-synchronize’ ang kilos ng mga miyembro.

“Ino-open nila ang account, sila ang nagpapa-falsify ng mga dokumento tapos ‘yung mga downloaded amounts o downloaded cash, sila ang nagko-consolidate from different downloaders at sila rin ang nagbibigay ng payoff,” pahayag ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo nitong Biyernes.

Bukod sa dalawa, nahuli rin ang dalawa pang sangkot sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Pasig City. Isa umano sa mga ito ang siyang gumagawa ng computer program para ma-hack ang bangko.

Sa kasalukuyan, iniipon na ng NBI ang mga ebidensiya laban sa apat na suspek bilang paghahanda sa pagsampa ng kaukulang kaso.

Tiniyak dati ng BDO na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng naapektuhan ng nasabing ‘hacking incident’.

BASAHIN: BDO tiniyak na ibabalik nila ang pera ng mga kliyenteng na-hack ang account

Ikinasa na rin ng bangko ang karagdagang “security measures” upang hindi na ito maulit pa at maprotektahan ang kanilang bank credentials.

Naumpisahan na rin ng bangkong pag-aari ng pamilya Sy ang reimbursement process para sa 700 kliyenteng apektado ng insidente.

BASAHIN: BDO inumpisahan na ang proseso sa reimbursement ng 700 apektadong depositors

Ayon sa pahayag ng mga biktima, nasa P40,000 hanggang P200,000 umano ang perang nabawas sa kanilang account gayung wala namang dumarating na OTP request sa kanilang cellphone.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang BDO hinggil sa pagkakahuli sa 4 na suspek.

Continue Reading

business

Baker nawindang sa kanyang customer kaugnay sa inorder nitong money cake

Published

on

By

Ngayong pandemya isa ring sumikat na hanapbuhay ang pagbe-bake ng cake at pa-customize ng cake na mayroong pera sa loob. Ito ang tinatawag na ‘money cake’.

Isang baker, si Bea Manuel Sigua, ang nagbahagi online na nawindang siya sa kanyang kausap na customer thru messenger noong Enero 17.

Nagtanong umano ang customer na magpapagawa ng money cake sa kanya kung magkano ito at kung kasama na rin ba sa 1500 ang laman ng cake na nagkakahalaga ng 10k. Holler? Hindi lamang iyon humiling pa na kung maaari daw ay tig-iisang daan ang ilalaman sa loob.

Tugon niya, “Kayo na po magpoprovide ng bills na ilalagay tapos much better po nakabarya na din siya.” Nagbalik-tanong ang kanyang customer, “hindi pa po kasama yun sa 1500?”

Aniya, “Hindi po ako nag-aabono sa money cake hindi po ako mayaman kung bawat money cake 1500 lang halaga tapos may laman na 10k e di na po ako magbebake oorder nalang ako ng money cake sa ibang baker”

Sino ba naman ang hindi mawiwindang kapag may ganitong mga customer ang mag-iinquire sa ‘yo? Nakawiwindang nga naman!

 

Kaya  hindi sila nag-aabono lalo na kapag may mga nag-oorder na kung kailan malapit at nakahanda na ang lahat ay bigla-bigla namang magca-cancel.

“Pag money cake po kayo po magbibigay ng pera na ilalagay sa loob. Hindi po kami nag aabono don kasi last time na nag abono ako don nagcancel ng order yung client, nasayang effort ko mag withdraw, magpabarya at magbalot nakakadala na po talaga,” saad ni Bea.

Para sa mga baker, o kahit saan namang negosyo, ay masasayang lamang lahat ng iyong effort, pagod at oras kapag may mga nagca-cancel na orders lalo na kung nakahanda na ang lahat.

Sinabi naman niya na puwede namang mag-bank transfer, pero para sa isang baker na malayo sa bayan at maraming kliyente ang nagpapagawa, ubusan oras kumbaga kaya kaunti na lamang ang oras niya para sa mga ibang bagay gaya ng pagpapabarya.

“Sobrang loaded po kami ng orders talaga, di kami nagrurush. Matagal din po magbalot nyan lalo pag gusto ni client eh baryang barya ilalagay, di po ako tumatanggap ng isesend yung pera pag malapit na target date tapos ako pa magpapabarya dikitan na po talaga ng oras,” aniya.

 

 

Sa kanyang post sinabi din niya na kahit gaano kalaki ang pera ay safe naman at maiibigay sa tamang oras at sa pagdedeliveran nito. “Kung may duda naman po kayo wag na po kayo samin pagawa ng money cake. Di ko naman po gagastusin ang money, may mga nagawa na po kaming 100k, 70k, 50k, 20k at mga 10k na money cake. Safe po ang pera niyo naman samin kahit anong amount pa yaaaaan.”    “

Sa huli, hindi naman daw talaga siya galit sapagkat gusto lamang niya maglabas ng hinaing sa mga customer at malinawan ang mga ito. “NAGPAPALIWANAG LANG AKO good vibes lang dapat always hahahahaha,” dagdag niya.

Sa ibinahaging post ni Bea ay marami ang naloka at  nagkomento;

“Yung feeling na 1,500 lang ‘yung cake tapos free sa loob 10k hahaha. Pagawa na ako Cake now na.”

“Sakit sa ulo ng ganyan Bey. Pa’no kaya nila naiisip yun? “

“HAHAHAHAHAHA na stress ako girl!!! HAHAHAHAHA”

Continue Reading

Trending