Connect with us

Food

Pambihira! Mexican restaurant kayang mag-serve ng order sa loob lamang ng 13.5 segundo

Published

on

Isa ka ba sa mga taong maiikli ang pasensya pagdating sa paghihintay ng order sa restawran? Ayaw na ayaw mo ba na naaantala ang pagdating sa iyo ng pagkaing gustong-gusto mo nang matikman o kailangang-kailangan mo na dahil nalilipasan ka na ng gutom? Kung ganoon, tiyak na ikatutuwa mo ang serbisyo sa isang Mexican restaurant na kayang mag-serve ng order sa loob lamang ng 13.5 segundo.

mexican restaurant 13.5

Screenshot mula sa Karne Garibaldi | YouTube

Tama ang nabasa mo. Totoong 13.5 segundo ang pinakamabilis na serving time sa sikat na kainan sa Guadalajara, ang Karne Garibaldi. Sa katunayan, dahil dito ay nakuha nito ang “Guinness World Record for fastest service” at hawak na ang titulong ito simula pa lamang noong 1996.

Ayon sa isa sa mga namamalakad sa nasabing restawran, nagsimula raw ang napakabilis nilang serbisyo sa simpleng katuwaan lamang sa pagitan ng kanilang mga waiter na nagpapaligsahan kung sino ang pinakamabilis mag-serve ng pagkain sa kanilang mga suki.

“It began as a game between the waiters to see who could bring the food to each table the fastest,” kuwento ni Daniel Flores, ang manager ng pinakamalaking branch ng Karne Garibaldi, sa isang panayam sa VICE. “That competition led to us attempting the Guinness Record.”

mexican restaurant 13.5

Screenshot mula sa Karne Garibaldi | YouTube

Pagkalipas ng mahigit dalawa at kalahating dekada, naging bahagi na ng sistema ng nasabing restawran ang kakaibang bilis ng mga nagtatrabaho rito. Karamihan sa mga pagkaing isini-serve ay naihahain sa customer sa loob lamang ng isang minuto.

“Waiters, captains, cooks, and all of our Karne Garibaldi staff are the soul of our kitchen,” saad ni Laura Mariaud, head of digital communications ng Karne Garibaldi, sa isang panayam sa Yahoo. “Therefore, the speediness of our waiters is not all that matters to make our service the fastest of all. Of course, we train our staff to learn how to be efficient, but there’s a whole process behind the preparation of the food that allows the workflow to be fast and effective. This is how our service turns into a production chain that makes the waiter serve in the fastest way possible to our customers.”

mexican restaurant 13.5

Screenshot mula sa Karne Garibaldi | YouTube

Food

Amazing! Baker gumawa ng hyperrealistic cake na kanyang kawangis

Published

on

hyperrealistic cake

Lahat tayo gustong gawing espesyal ang araw kung kailan tayo isinilang—mula sa mga kakainin at ihahanda, sa mga planong gawin, sa mga pupuntahan, hanggang sa mga taong nais makasama sa araw na ‘yun. Katulad ng marami, ginawa ring espesyal ng isang baker ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang hyperrealistic birthday cake na siya mismo ang lumikha.

hyperrealistic cake

Sa Instagram, ibinahagi sa page ni Natalie Sideserf na @sideserfcakes ang isa na namang naiibang hyperrealistic sculpted cake na ngayon ay mas naging espesyal pa dahil para ito sa kaniyang kaarawan. Aniya, dahil nagdiriwang siya ng espesyal na araw, naisipan niyang gumawa ng cake para sa sarili niya.

“It’s my birthday, so I made myself a cake!” saad ni Natalie sa caption ng kanyang post.

Sa simula ng kanyang video, tinakpan muna ni Natalie ang mukha gamit ang hyperrealistic cake na mayroon nang isang slice sa platong pinaglalagyan nito.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Kasunod nito, sa wakas ay inalis na rin niya ang cake sa pagkakatabing nito sa kanyang mukha at doon ay makikita na kuhang-kuha nito ang hitsura niya; ang sukat ng ulo, ang ayos ng mukha at buhok niya nang araw na iyon, at maging ang itim na damit na kasalukuyan niyang suot.

hyperrealistic birthday cake

Screenshot from @sideserfcakes | Instagram

Manghang-mangha ang mga social media users sa cake na ginawa ni Natalie. Gayunman, sa comments section ng post ay sinabi niya na nagbibiro lamang siya at matagal na niyang ginawa ang cake na ito, “This is just jokes, friends! I made this cake a little while ago. No birthday cake for me this year. I’m taking a cake break today.”

Sa kabila nito, pinasalamatan pa rin siya ng mga taong napahanga niya. Anila, wala naman kaso kung kailan niya ginawa ang cake na ito dahil kahit pagbali-baligtarin pa ang mundo ay kamangha-mangha ang ginawa niya rito.

hyperrealistic cake

Continue Reading

Food

Meet ‘NUMBER 1′: Dunkin’ naglunsad ng unang service bot sa Pilipinas

Published

on

By

Ang Dunkin’ ay naglunsad nitong buwan ng Enero ng kanilang unang robot server na ang pangalan ay ‘Number 1’. Mayroon na nito sa mga branches nila sa Aurora, SM North EDSA, at Robinsons Nova upang magbigay serbisyo sa kanilang mga giliw na customers.

Siguro ay curious ka kung paano gumagana ang Number 1 service bot ng multinational coffee at doughnut company.

Una,  kailangan mong umorder at bayaran ito sa cashier.  Pagkatapos ng step 1 ay ay magtungo na sa table number na ipo-provide ng service crew sa iyo.

Kapag naihanda na ang iyong mga order ay dito ka na aasikasuhin ng service bot. Dadalhin nito ang mga inorder mo at kapag nakuha mo na ay babalik na ito sa area niyang pinanggalingan.

May mga natutuwa naman sa ‘Number 1’ launch, pero mixed emotions ang ilang netizens pagdating sa kanilang opinyon dito.

“I think they do this para iwas sa covid mga staff. Take note nakaremote control siya. I hope matapos na covid para ‘di na need ng mga ganitong robot kasi mahirap mawalan ng work,” ani ng isang netizen.

 

Ilan din namang netizen ang nalungkot dahil mas bababa daw ang bilang ng trabahador kapag dumani ang ganitong robot pang-serbisyo.

Bunsod nga sa pagdami ng kaso ng COVID sa ating bansa ay ramdam ng isang netizen na kaya daw ginawa ang service bot ay para na rin sa ikabubuti ng staff ng Dunkin’.

“Dapat hindi ito magtuloy-tuloy mababawasan ng employment sa bansa natin dami na nga yung employed, lalong mawawalan ng trabaho.”

“Isa naman ang mawawalan ng work dahil sa ganyan siguro mapapadali yung trabaho sa Pilipinas pero isipin mo kapag ganyan mas lalo lang dadami yung mga taong mawawalan ng work at magugutom. Syempre magugutom sila tpos ang ending nga naman eh kakapit sa patalim yung iba. Di naman masama na umunlad ung tech. natin kaso isipin naman yung mga taong need yung trabaho ayan na lang napapasukan ng ibang tao mawawalan pa dahil sa ganyan.”

Samantala, panoorin ang video na ibinahagi ng Dunkin.

Continue Reading

Food

Business owner naglabas ng hinaing kaugnay sa matagal na pagre-remit ng isang food delivery service sa kanilang sales

Published

on

By

Naglabas ng hinaing sa pamamagitan ng isang Facebook post ang isang business owner, ang ‘Mama Dith’s’, isang Filipino restaurant sa Antipolo City sa kanyang kasosyo kaugnay sa matagal na pagre-remit ng pinakamalaking food at grocery delivery platform sa Asya na Foodpanda sa kanilang sales.

Screenshot mula sa Facebook | Mama Dith’s

Napansin n’yo siguro na simula noong Disyembre 2021 ay lagi silang naka-close sa app na Foodpanda.

“Dahil ‘yan sa hindi nila PAGREMIT NG SALES ko nung NOVEMBER,” ani ng business owner sa post.

Kuwento pa ng may-ari ng restaurant, ‘yung dalawang linggo bago nila makuha ang kanilang pinaghirapang kinita ay umabot pa ng dalawang buwan.

“Hindi na nga kami nagrereklamo sa 2-week payment scheme (yes, dalawang linggo pa bago namin makuha yung kita ng pinaghirapan naming i-prepare at lutuin para sa inyo), aba, naging 2 months pa!” aniya.

Nagtataka ang may-ari, pagkat kumpara umano sa Grab na araw-araw namang nagre-remit sa kanila, ang Foodpanda ay inaabot pa ng matagalang pag-remit sa kanila.

“Grabe, ‘no? Sa GRAB, araw-araw sila nagreremit samin (Go Grab!). Bakit niyo nga ba tinatabi nang 2 weeks pera namin. Bangko yarn?” dagdag pa niya.

 

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Halos kainin na umano ng Foodpanda ang profit margin sa sales ng restaurant.

“Para sa small business na tulad ko, pumayag ako sa 27% commission nila before pandemic (kahit na halos kainin na ang profit margin namin!), pero starting June 2021, nagsimula na rin sila maningil ng additional 12% para daw sa tax nila plus P1K++ AGENCY FEES (???) daw na wala naman sa original contract! SO, ANO NA LANG NATIRA SAMIN?” aniya.

“Di ba nga, “partners” daw kami? Eh bakit pag kaming mga vendors ang may problema sa app or remittance nila, through email or chat lang sila pwede i-contact? Pero pag sila may problema sa amin, aba, kung makatawag at demand, grabe! At kapag nadetect pa na nakaclose store mo, talagang kukulitin ka sa mga automated calls,” dagdag pa niya.

“Ilang beses namin sila in-email at chinat sa chat support platform for almost two months. Laging sagot “iimbestigahan” daw nila. Buti na lang recently naisipan ko isama sa email yung DTI. Ayun, binigay agad nila! Akalain mo yun!? Takot sila sa DTI pero sa vendors WALA SILANG PAKE!”

Dahil sa ganitong sistema ng Foodpanda ay itinigil na umano ng business owner ng Mama Dith’s ang pakikipagsosyo at pagtangggap ng orders sa kanilang app noong Disyembre 2021.

“Kaya tuluyan na rin namin ititigil ang ONE-SIDED “partnership” kuno sa FOODPANDA. Kawawa ang small business owners,” aniya.

“Kung nais niyong mas masuportahan ang mga small business owners tulad namin, through DINE-IN, GRAB, or for pickup na lang ha!” paalala ng may-ari ng restaurant.

Sa isa pang post ay nagpahayag lalo ng sama ng loob ang may-ari: “Tapos after kami pagkakitaan… tatawagin kaming ZOMBIE!!! ABAY!!!”

Sa comments section ay may screenshots ng iba pang businessed na nagpahayag din ng pagbitaw sa naturang delivery service. Mayroon ding mga hinaing na lumabas kaugnay sa delivery riders.

Umabot na sa mahigit 10K ang mga komen to at 24K naman sa shares.

Imahe mula sa Facebook | Mama Dith’s

Continue Reading

Trending