Connect with us

social media

Hinaing ng isang netizen: Ang daming handa pero ako lang mag-isa

Published

on

Taon-taon ay ipinagdiriwang natin ang Bagong Taon at kadalasang kasa-kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Marami din sa atin ang nakakasama lamang ang buong pamilya kapag sumasapit ang Pasko at Bagong taon. Grand family reunion, ‘di ba? Pero naranasan mo na bang magdiwang ng Bagong taon na ikaw lang mag-isa? Ang lungkot isipin, ‘di ba?

Nag-viral ang isang video sa page ng KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) na humakot ng mahigit 2.1M views at 145K reacts. Sa dami ng naantig at naka-relate sa video ay umabot na sa mahigit 6,500 ang nagkomento.

Ang nasa video ay si Wendy Seller mula sa Zamboanga City; isang vlogger, youtuber, tiktoker, dancer, host, at comedian. Dito ay ibinahagi niya na siya ay nagdiwang ng Bagong Taon nang mag-isa at walang kasamang pamilya gaya ng mga nakaraang pagdiriwang.

Sino ba naman ang hindi malulungkot at maiiyak, hindi ba?

Aakalain mo sa una na masaya siya pero bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit ng nararamdaman niya.

Dati, sabay-sabay kaming nagse-celebrate ng Bagong Taon. Sama-sama kaming kumakain. Kumpleto kaming pamilya. Pero nitong nagdaang New Year, ako na lang mag-isa,” ani Wendy sa kanyang video.

Ipinakita niya ang mga inihanda niyang mango float, macaroni, Spaghetti, fruits, lechon belly at iba pa.

“Ang dami kong hinanda pero wala akong kasama. Na-realize ko na hindi talaga importante kung anong handa ang mayroon ka sa mesa. Mas importante ‘yung buo kayo, ‘yung magkasalo-salo kayo sa hapagkainan,” dagdag pa niya.

Maraming netizens ang naging emosyonal at napa-comment sa kanyang video dahil maging sila ay randam ang ganoong eksena. Maraming naka-relate sa kanyang sentimyento.

Sana makasama ulit ni Wendy sa personal ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa susunod na bisperas ng Bagong Taon para sila ay mabuo at magsasalo–salo sa iisang pamilya,” ani M. Magno

“Randam ko yung ganyan mas malala pa nga sa kin kasi New Year ako lang mag isa sa bahay tapos wala pang kahanda handa pagod pa ko non galing trabaho. Pinilit kong maging masaya nung araw na yon kaso Di ko mapigilan ‘di maiyak  Pero at least ngayon New year SOBRA SOBRA YUNG BALIK Kasi Nabuo kaming lahat.  LABAN LANG SA LAHAT NG PAGSUBOK. Mas magandang plan si Lord sa yo sis LABAN LANG ,” ani R. Ratac

May isa ring OFW ang labis na naka-relate kay Wendy at nagbigay ng payo sa kanya.  Ibinahagi rin nito ang isang screenshot ng video call sa sariling pamilya.

“Marami rin akong hinanda nung bagong taon 5yrs ko na tong ginagawa simula nag abroad ako. Masaya pa rin kahit papaano parang kasama ko na rin ang buong pamilya ko sa pagsalubong ng bagong taon kahit sa video call lang. Sacrifice muna tayo ngayon dahil darating din yung tamang oras na magkasama sama ulit ang buong pamilya para maipagdiwang ang bagong taon.  Stay always positive and avoid negativity lalo na pag magdiwang ng bagong taon.

Pero bakit nga ba nag-iisa si Wendy? Nasaan ang kanyang mga kapamilya? Abangan ang buong kuwento niya sa KMJS  bukas (Enero 9, 2022). Samantala, ini-upload niya ang nag-viral na video sa kanyang YouTube channel.

celebrity

Joshua Garcia nilinaw sa publiko na wala siyang Facebook account

Published

on

By

Nilinaw ng aktor na si Joshua Garcia na wala siyang Facebook account at hindi sa kaniya nagmula ang kamakailan lamang ay nag-viral na larawan.

Kumalat kasi sa social media ang litrato ng binata kasama ang aktres na si Ria Atayde at may caption na “Ikaw ang aking liwanag”.

Kinilig naman ang mga netizens at fans ni Joshua sa pag-aakalang nakahanap na ng bagong mamahalin ang young actor.

Subalit pinabatid ni Joshua sa kaniyang mga fans na hindi kaniya ang Facebook account na nagbahagi ng viral na larawan kahit ito ay nakapangalan sa kaniya.

“Hello! This is not mine! I don’t have Facebook page! Thank you,” paglilinaw ng aktor sa Instagram.

“Rii look @ria. Thank you @kyleechari bro!” dagdag pa nito.

Naka-tag sa nasabing Instagram story ni Joshua si Ria Atayde na agad namang nagkomento.

“Liwanag?! Bakit? Hahaha. So funny but also, another reminder to always check your sources. Hahahaha,” anang aktres. “Fake News”.

Ayon sa Bandera, nagmula ang kumalat na larawan sa Instagram ni Kyle Echarri at kuha ito noong mag-bonding ang magkakaibigan kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Noon pa man ay na-link na rin sa isa’t-isa sina Joshua at Ria subalit kapwa nila ito pinabulaanan. Ayon pa kay Ria, si Joshua ay itinuturing niya lamang na isang malapit na kaibigan.

“Joshua is a very good friend. He’s one of the… See? That’s the thing, e. It’s so hard to… I’m sure you also have guys friends that you are super comfortable with,” bahagi ng young actress sa isang panayam noong isang taon.

Noong isang araw lamang ay inamin ni Joshua na sa lahat ng kaniyang naging leading ladies, kay Janella Salvador siya nagkaroon talaga ng crush.

BASAHIN: Xian Gaza, sinabihan si Joshua Garcia na jowain na si Ivana bago pa maunahan ni Gerald

Continue Reading

social media

Messenger may bagong end-to-end encryption feature

Published

on

By

May bagong end-to-end encryption (E2EE) feature ang Messenger kung saan makatatanggap ng notification ang user kapag ang kaniyang kausap ay kumuha ng screenshot sa isang disappearing message.

Mismong si Facebook founder at CEO Mark Zuckerberg ang nagbahagi nito sa kaniyang Facebook post.

Bukod dito, magdaragdag rin ng mga GIFs, sticker at reactions sa encrypted chats.

 

“New update for end-to-end encrypted Messenger chats so you get a notification if someone screenshots a disappearing message. We’re also adding GIFs, stickers, and reactions to encrypted chats too,” ani Zuckerberg.

Ang feature na ito ay matagal na ring ginagamit sa Snapchat.

Ang mga encrypted chats naman ay supported na rin ang verified badges kung saan maaari nang malaman kung authentic ang account ng kausap.

Taong 2016 nang unang i-roll out ng Messenger ang E2EE sa chatting bagama’t ito ay optional pa lamang sa mga users kung nais i-encrypt ang kanilang text messages pati na group chat at call.

Sa kasalukuyan, may dalawang option ang Messenger upang gawing secure ang usapan.

Una ay sa pamamagitan ng vanishing mode; ito ay nagagawa kapag i-swipe up ang isang existing chat upang automatic na nawawala ang mga messages kapag naka-close na ang window.

Ang pangalawa naman ay sa pamamagitan ng pagpasok sa ‘Secret Conversation’, na siyang original na ni-roll out noong 2016.

Samantala, plano ng Meta (dating Facebook) na gawing fully encrypted na ang lahat ng chat pagdating ng taong 2023 kung saan pagsasamahin na ang conversations ng Instagram at Messenger.

Continue Reading

social media

Twitter account ni Jam Magno tuluyan nang sinuspinde

Published

on

By

Tuluyan nang sinuspinde ang Twitter account ng sikat at kontrobersiyal na social media personality na si Jam Magno.

Ibinahagi pa ni Magno ang screenshot ng kaniyang suspendidong Twitter account sa isang Facebook post na kinalaunan ay tinanggal niya rin.

Nakasaad sa screenshot na nilabag umano ni Magno ang rules sa Twitter, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Your account is permanently in read-only mode, which means you can’t Tweet, Retweet, or Like content. You won’t be able to create new accounts,” nasasaad dito.

Hindi naman daw malaman ng popular na vlogger kung ano ang tunay na dahilan sa pagkakasuspinde ng kaniyang Twitter account.

“HOW ON EARTH DID THIS HAPPEN? Uhm, should I be shocked? They just talked about this at the BBM interview. Am I part of the 300? I am 5000000 confused. Is it because I tweet against Leni? And because I like BBM?” wika nito.

Subalit sa kaniyang pinakahuling Facebook post, tila may bago na siyang Twitter account gamit ang ibang pangalan.

Si Magno ay kilalang masugid na taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon at ni Pangulong Duterte.

BASAHIN: Video ng pagsuporta ni Jam Magno kay Robin Padilla, usap-usapan

Mahigpit din siyang kritiko ng mga ‘dilawan’ at oposisyon, at ni Vice President Leni Robredo.

Noong nakaraang taon ay sinuspinde rin ng Tiktok ang account ni Magno sa popular na video sharing platform.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang vlogger at sinabing mapapanood pa rin siya ng kaniyang mga followers sa Tiktok Live version.

“Let me remind you that being banned on Tiktok is NOT new to me and I came back from it before. I am still going to [go] Live regardless and being declared PNG {persona non grata) even more so,” matapang na hamon nito.

Nitong Martes, ibinahagi rin ni Magno na magbabalik na siya sa Tiktok.

Aniya,” I loved not being on Tiktok. I realized Social Media does not dictate my Life because I use my platform to share what I like and I am passionate about and also it connects me to the best people. Also, it will never stop me from being who I am in real life just because you think it’s right to ban me. But if you think I am giving up despite all that you do to my profiles. NEVER.”

Continue Reading

Trending