Connect with us

government

Pang. Duterte, hiningi ang tulong ng NPA nurses sa pagtugon sa pandemya

Published

on

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nurses sa hanay ng New People’s Army (NPA) na tumulong sa pamahalaan sa pagtugon sa muling tumataas na bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Tiniyak niya ang seguridad ng mga ito habang nagsisilbi hanggang sa muling makabalik sa kanilang NPA unit.

Image from PCOO

Handa namang magbayad ang pamahalaan sa kanilang serbisyo, ayon sa Pangulo.

“Yung mga nurses na nag-NPA, magbaba kayo, I assure you that if you give an advanced notice that you are going down to participate in these people who are offering their services, tutal magbayad man ako, magtulong kayo. Pagtapos niyan, I will also guarantee that you can go back to your unit and fight another day,” ani Pang. Duterte.

At kung sakaling tumugon sa kanyang panawagan ang mga NPA nurses ay inalok pa niya ang mga ito na magkape sa Malakanyang upang makita naman daw ng mga ito ang Palace of the People.

“If you will go down because you will help, that’s much better. And then let’s have a coffee here in my office so that you can see the Palace of the People,” alok ng Pangulo.

At kung sakaling hindi tumugon sa kanyang panawagan, pinakiusapan niya ang Communist Party of the Philippines at ang NPA na hayaan at bigyang-daan ang mga frontliners na magbigay ng tulong sa mga malalayong lugar.

Image from NPR

“I am directing this to the Communist Party of the Philippines: This time of our national life, we are having a serious problem. If you cannot cooperate, if you cannot help, then, maybe you can stand aside and allow the government to operate,” aniya.

Batay sa report ng Department of Health, nakapagtala ang bansa ngayong Biyernes, January 7, ng 21,819 new cases ng covid.

Umabot na sa 2,910,664 ang kabuuang bilang ng mga covid cases sa bansa.

Image from DOH

government

Rekomendasyong kasuhan sina Sec. Duque at ex-FDA chief Domingo, binawi ng Kamara

Published

on

By

Ilang oras lamang matapos isapubliko ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng reklamo sina Health Secretary Francisco Duque III at dating FDA chief Dr. Eric Domingo dahil umano sa kapalpakan ng mga ito sa pagtugon sa pandemiya, binawi naman agad ito ng Kamara.

Nitong Miyerkules, Enero 26, ay inilabas ang Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021 na nagmumungkahing kasuhan sina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” at sa “Anti-Red Tape Act of 2007”.

Ang dalawang opisyal umano ay dapat ksauhan dahil sa kanilang “failure to render government services such as approval of applications for automatic renewal within prescribed time.”

Kinuwestiyon din ng report ang magkakasalungat na pahayag ng DOH at FDA hinggil sa Ivermectin bilang gamot sa COVID, pagiging ‘bias’ pabor sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc. (PSMID), at backlogs sa mga aplikasyon sa License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ang committee report ay nagmula sa House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay.

Nagkamali kaya binawi?

Subalit nitong Miyerkules din ay binawi rin ito ng Mababang Kapulungan dahil hindi pa raw tapos ang kanilang pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

“The House of Representatives has always followed the rule of law. And in the constitution enshrined the principle of due process. The resource persons remain such and cannot be respondents unless he was able to attend all hearings and defend himself,” paliwanag ni Aglipay sa mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag.

“So with this, the committee will conduct further hearings or get the side of Secretary Duque since he was not able to attend those hearings. Then and only then we will be able to get the full picture,” dagdag pa ng kongresista.

Inamin rin ni Aglipay na nagkamali sila dahil absent umano sa mga pagdinig si Duque at inakala nilang ini-waive ng kalihim ang kaniyang karapatang marinig sa Kongreso.

Continue Reading

government

Iba pang frequency ng ABS-CBN napunta rin sa SMNI ni Quiboloy, Aliw Broadcasting

Published

on

By

Bukod sa kompanya ni Manny Villar, nakakuha rin ng dating frequency ng ABS-CBN ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na naibigay sa Swara Sug Media Corp., ang kompanyang namamahala ng SMNI, ang Channel 43.

Ang Channel 43 ay dating naka-assign sa Amcara Broadcasting Network, ang block timer ng ABS-CBN para ipalabas ang programa sa kanilang set-top box TV Plus o ‘black box’.

Paliwanag ng NTC, ang SMNI ni Quiboloy ang pangatlong aplikante na naghahanap ng provisional authority (PA) para sa kanilang digital media broadcasting system simula pa noong 2007.

Ang kontrobersiyal na pastor ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.  Ang SMNI ay kasalukuyang umeere sa UHF Channel 40.

Samantala, ang Channel 23 ay ibinigay naman ng NTC sa Aliw Broadcasting Corp, ang kompanyang nagpapatakbo sa radio stations na DWIZ AM at Home Radio FM.

Sa Channel 23 napanonood dati ang Studio 23 ng ABS-CBN at ang kanilang programang Sports+Action.

“Aliw was the second applicant for an authority to install, operate and maintain a digital TV in Metro Manila.  Aliw was granted the PA after the determination of its legal, technical and financial qualification,” paliwanag ng NTC.

Nauna nang kinumpirma ng NTC na ibinigay sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ni Manny Villar ang Channel 2 at Channel 16 frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN.

BASAHIN: Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC,” pahayag ng NTC.

Ang ABS-CBN ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong 25-taong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

Continue Reading

government

Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

Published

on

By

Ibinigay na sa kompanya ni dating Senate President at bilyonaryong negosyante na si Manny Villar ang television at radio frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN Corporation.

Kinumpirma ito ng National Telecommunications Commission (NTC) sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, Enero 25.

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC.

Ang AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ay pag-aari ni Villar at nabigyan ng 25-taong prangkisa noong 2019.

Samantala, ang ABS-CBN naman ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

 

“The temporary assignment was granted to ensure service to both analog and digital TV signal users as the country transitions to full digital TV,” dagdag pa ng NTC.

Bukod dito, isa pang NTC order na pirmado nina  NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, at deputy commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles ang nagbigay din ng ‘provisional authority’ sa AMBS para sa isang digital TV broadcasting system gamit ang isa pang dating frequency ng ABS-CBN.

“In the interest of public service, the Commission hereby grants Advanced Media System Inc. a provisional authority to install, operate, and maintain a digital TV broadcasting system…using Channel 16…for 18 months,” ayon sa order.

Paliwanag ng NTC, ang AMBS ang unang aplikanteng naghahanap ng frequency simula pa noong 2006 umano.

“AMBS has been waiting for an available digital frequency since 2006 after undergoing a quasi-judicial process which include notice to all interested/affected parties and hearing,” anang ahensiya.

Ang anak ni Villar na si Las Piñas Rep. Camille Villar ay isa sa mga bumoto noon para ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN. Ang isa pang niyang anak na si Mark Villar ay itinalagang Public Works Secretary at ngayon ay tumatakbong senador.

Continue Reading

Trending