Connect with us

celebrity

Ogie Diaz hindi makapagbunyi kahit abswelto na sa cyber libel case dahil sa awa kay Enchong Dee

Published

on

Hindi buo ang kasiyahan ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz sa pagkakaabswelto niya sa cyber libel case na isinampa laban sa kanya, kay Enchong Dee at iba pa ni Congresswoman Claudine Diana Bautista, ang representante ng Patry List na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Image from Ogie Diaz

Bukod kay Ogie at Enchong, kasama sa mga inireklamo sina Pokwang, Agot Isidro, ang Filipina drag queen na si Deedee Marie Holliday, isang Kristina Misajon, at isang Jane Doe dahil sa pagbibigay nila ng opinyon tungkol sa magarbong kasal ng kongresista sa negosyanteng si Jose Lim III sa Balesin Island Resort.

Abswelto ang mga inireklamo maliban sa aktor na si Enchong.

Basahin: Enchong Dee inireklamo ng kongresista; danyos na hinihingi P1 billion

Hindi umano maituturing na paninirang-puri ang mga sinambit nina Ogie, Pokwang, Agot Isidro at dalawa pa dahil inihayag lang daw ng mga ito ang kanilang opinyon, samantalang si Enchong ay diretsahang inakusahan si Rep. Claudine ng paggamit ng pondo ng Party list sa kanyang kasal.

“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise,” ang libelous na pahayag ni Enchong.

Gumugulong na sa korte ang P1-billion cyber libel case laban sa aktor, na nananatiling tahimik tungkol sa isyu.

Naawa naman si Ogie Diaz kay Enchong kaya hindi raw siya tuluyang makapagbunyi sa pagkakaabswelto.

Image from Enchong Dee’s video

“S’yempre, lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro ’yung amin, medyo simple kaya nabasura. Kaya hindi ko dini-discuss ito sa Youtube ko kasi ’yung kasamahan namin parang… masarap magbunyi kung lahat kayo panalo. Magbubunyi ka tapos ’yung isang kasama mo, nandoon pa rin siya,” wika ni Ogie.

‘S’yempre sad ako for Enchong. Pero sana maayos. Sana ganu’n din ang kalabasan ng tulad sa amin. Pero hindi pa tapos, kasi depende na lang kung may aapela,” ayon pa sa kanya.

Isang aral daw sa kanya ang nangyari. Sabi niya, kahit na hindi naman libelous ang binitiwang salita ay mayroon palang tao na nasasaktan sa pagsasabi niya ng kanyang opinyon.

Lesson learned to all of us na kahit alam mo sa sarili mo na hindi naman libelous o ano, e, meron naman palang masasaktan sa naging opinyon ko. Kahit ’yung kay Marvin Agustin, I apologize for my opinionbaka kasi sumobra ang opinyon ko.”

Image from files of NewsPresenter

Basahin: Marvin Agustin, pinayuhan ni Ogie Diaz na i-refund ang bayad ng disappointed customers ng cochinillo niya

celebrity

Kakai Bautista, may paalala sa mga kabataan: “Matuto muna kayong maglaba”

Published

on

By

Nag-post ang aktres-komedyante na si Kakai Bautista sa kanyang Facebook account kung saan sinabi niyang huwag magpakasalaula ang mga kabataan.

Paalala ng aktres sa mga kabataan na nag-iinarteng adult sa social media na matuto munang maglaba ng underwear: “Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA,” aniya.

“Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng adult sa social media, matuto muna kayong maglaba ng mga panty at brief n’yo,” aniya.

“Tama po miss Kakai Bautista kailangan matuto na ang mga kabataan kahit man lang underwear ay labahan nila…kahit mayaman ka man o mahirap hindi lang sa paglalaba ng underwear matuto ang kabataan dapat sa gawaing bahay din kasi sa totoo lang po marami tamad na kabataan ngaun, puro lang asa sa magulang o lola simpleng gawaing bahay lang pag inutusan mo naka muryot agad si face….peace lang,” kuwento ng isa sa mga followers ni Kakai.

Kasunod ng kanyang pag-post sinabi niyang siya ang naglalaba ng kanyang mga underwear.

“FYI ako ang naglalaba ng mga panties ko. Babad muna tapos banlaw,” aniya.

“Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal hygiene ‘yun eh,” hirit ng komedyante.

“Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!” dagdag pa niya.

Bumuhos naman ang mga tugon sa kanyang mga post. Mahigit isang libo ang nagbahagi rin ng kanilang saloobin at may mga larawan pa.

“Kaming mahirap lang idol kayang kaya po namin Yan di lang panty panglahatan sino membro sa bahay salitan lang yan turo ng mama namin saming magkapatid mawala man sila busog raw kmi sa kaalaman at pangaral nila,” komento ng isang netizen.

Sa panahon ngayon ay magandang mulat lalo ang mga kabataan sa mga gawaing bahay para saan man sila mapunta ay hindi sila kawawa na wala silang alam gawin. Sabi nga ng nanay ng karamihan, pag mapupuri ang isang bata – unang mapupuri ang kanyang mga magulang at kung siya man ay mapintasan, una ding mapipintasan ang kanyang magulang sapagkat ‘di niya naturuan ang anak niya habang ito ay bata pa.

Continue Reading

celebrity

Nico Bolzico may pahabol sa ‘sinayang’ post ni Alodia

Published

on

By

Matapos mapabalita ang  hiwalayang Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao noong 2021, ay naging usap-usapan na naman sila dahil sa ‘parinigang’ naganap sa kanilang social media post nitong nakaraang linggo.

Dahil sadyang makuwela ang asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, tila may sariling entry rin ito.

Ibinahagi naman ni Nico sa kanyang Instagram My Story,  ang larawan na may hawak na hanger na nakapaloob sa damit nito.

“Hi, Ako nga pala ang sinampay mo,” nakakatawang pahabol meme ni Nico. Ibinahagi niya rin ito sa kanyang Facebook wall at tinag pa ako ex-couple.

Nakita ng kaibigang si Wil ang FB post ni Nico at agad naman niya itong ibinahagi sa kanyang Facebook account. “Isang taon na tong meme may pa habol pa! Buset na ito.” Ni-repost din ni Wil ang meme sa kanyang Instagram Stories at may caption na “Dude” na may tatlong emoji reaction.

Matatandaan na ibinahagi ni Alodia sa social media noong Huwebes, Enero 13, ang kanyang larawan na suot ang sleek golden gown, na mula sa isang character ng League of Legends’ na si Leona, para sa Arcane red-carpet event sa California, USA.

“Hi. Ako nga pala yung sinayang mo,” saad ni Alodia sa caption.

Basahin: Viral post ni Alodia Gosiengfiao, patama kaya kay Wil Dasovich?

Maraming ‘marites’ naman ang nagsabing si Will ang pinaparinggan nito. Matapos itong ipost ni Alodia ay marami ang nagtag sa dating nobyong si Wil.

Kinabukasan, Enero 14, nag-post naman si Wil na tila tugon sa “parinig” ni Alodia.

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” saad sa caption ng Facebook post ni Will habang topless at nakasuot lamang ng apron, at may hawak na rice cooker na naglalaman ng sinaing na kanin.

Basahin: Wil Dasovich may kwelang bwelta sa viral post ng ex-GF; Alodia nagpaliwanag

Matapos ang tila ‘parinigan’ ng dalawa ay maraming haka-haka na nagbalikan daw muli ang ex-couple subalit wala pang kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi.

Nagsimula ang relasyon nina Wil at Alodia noong 2018 at nagwakas ito noong Nobyembre 2021 na ikinagulat ng lahat. Hindi na nila idinetalye pa kung ano ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan.

Marami rin ang nagsasabi na baka may third party umano na naging dahilan ng kanilang hiwalayan, pero sa huli wala pa ring sinasabi kung totoo ba ang ang usaping iyon.

Continue Reading

celebrity

Joshua Garcia trending muli sa TikTok

Published

on

By

Kabago-bago lang sa TikTok ay nag-viral na naman? Ibang klase talaga si Joshua Garcia!

Nag-upload na namang muli ng video ang kapamilya aktor na si Joshua sa kanyang TikTok account at humakot naman ito ng maraming views at shares gaya noong nauna.

Naging mainit na usapin ang aktor sa online world noong Miyerkules, lalo na sa Twitter, nang maglabas siya ng 10 segundong clip ng kanyang pagsasayaw na may caption na: “Call Me,” ayon sa ABS-CBN news.

Tulad ng una niyang TikTok video, dinagsa pa rin ng mga netizens ang in-demand na Kapamilya actor kung saan binansagan na siya ng ilan bilang bagong “TikTok King” ng Pilipinas.

Kaya naman bawat upload ng mga simpleng pagsayaw na video sa TikTok page ay talaga namang naghi-hit agad at bumebenta sa mga followers.

Sa pagtatapos ng video, ipinakita ni Joshua ang kanyang magandang ngiti na kinakikiligan naman ng mga followers nito.

Ang pinakabagong video post ng aktor ay mayroon nang 18.6 million views, 19 na oras lamang mula nang ma-upload ito sa TikTok. Nakakuha na ito ng mahigit 3 milyon likes at 100k shares, as of posting.

Marami namang nagkomento sa kanyang video;

“Hirap ng steps mo joshua first step kailangan pogi.”

“Joshua bigyan mo naman sila ng chance.”

“Pag may new upload talaga ito yanig ‘yung TikTok world eh.”

“Nakangiti na naman akong matutulog”

“Hindi pa nga ako nakakamove-on sa isa mayroon na naman omg more pa.”

Kamakailan ay nag-trending ang kauna-unahang video na ini-upload niya na wala pang kalahating oras ay humakot na ng maramings followers at views.

Naging verified agad ang account ng aktor matapos ang video kung saan ay sinayaw niya ang trending na “Gensing Strip 2002” sa TikTok. Nakapagtala ng mahigit 93.8 milyong views ang naturang video.

Sa ngayon ang kanyang TikTok account ay mayroon nang mahigit 4.4 milyong followers at halos 18 milyon likes.

Kasalukuyang napapanood si Joshua sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “Viral Scandal” kasama si Charlie Dizon.

Kamakailan lamang din ay inanunsyo na si Joshua ang magiging leading man  ng aktres na si Jane De Leon sa kanilang upcoming Kapamilya adaptation na “Darna” .

Continue Reading

Trending