Connect with us

VIDEO

Utang ng ex-wife ni Terrence Romeo kay Ogie Diaz mahigit P5 million

Published

on

Sa latest vlog niya sa YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update” kung saan kasama niya si Mama Loi bilang co-host ay idinetalye ni Ogie Diaz ang atraso sa kanya ng dating asawa ni Terrence Romeo na nasakote ng mga awtoridad kamakailan lang.

Sa vlog, idinetalye niya kung paano niya nakikilala si Beatrice Pia White na laman ngayon ng mga balita matapos mahuli sa entrapment operation dahil sa technical carnapping o “rent-tangay modus” kasama ang isa pang babaeng kasabwat.

Screenchot from Ogie Diaz’s vlog

Ipinakilala raw sa kanya si Pia ni Nap Gutierrez, isang producer, entertainment and sports columnist na may koneksyon sa PBA.

Inengganyo raw siya ni Nap na mag-invest sa chicken farm ni Pia na “BLI” ang pangalan. Pia Romeo pa nga raw ang gamit nitong pangalan. Sa palitan nila ng mga text messages, makikitang Pia Romeo Chicken ang username na ginagamit ng ex-wife ni Terrence Romeo.

Umabot daw sa P5.5 million ang principal investmest niya sa chicken farm. Tumutubo raw iyon ng 30%. Noong una ay nakatatanggap siya ng tseke ng interest sa investment niya, pero kalaunan ay dumalang nang dumalang hanggang sa tuluyan nang nahinto.

Inalok daw siya ni Pia na lote na lang ang ibabayad na tinanggap naman ni Ogie, pero nawala raw ang titulo. Gumastos pa raw si Ogie ng mahigit P200,000 para asikasuhin sa Registry of Deeds ang dokumentasyon ng diumano ay nawawalang titulo.

Hindi naman pala nawawala ang titulo, kundi ibinayad daw iyon ni Pia sa isa pa nitong pinagkakautangan, na kakilala rin ni Ogie kaya nagkaalaman sila.

Nang magkabukingan ay ibang lote naman ang inalok sa kanya, isang taniman ng palay sa Quezon, pero hindi niya tinanggap iyon. Ang ipinangako na lang umano sa kanya ay P50,000 kada may aanihin sa nasabing palayan.

Siinabi nga raw ni Ogie na ipo-post niya sa Facebook ang mga ginagawa nitong panloloko, pero nakiusap si Pia na huwag niyang gawin iyon.

Screenchot from Ogie Diaz’s vlog

Bago pa nga raw masakote si Pia ay nangako ito na bibigyan siya ng 10 kaban ng bigas, na hindi naman dumating.

“Itong huli, bago sila masakote, pinangakuan pa ako ng sampung kaban o tig-50 kilos, sampung tig-50 kilos na bigas na ani mula sa Lopez, Quezon pero waley. Ayan, hanggang sa nabuwisit ako, ipinost ko na. Mga 2 days after, ayan, na-entrap ata sila,” sey ni Mama Ogs.

Marami ang nagtatanong kung siya ba ang nagpahuli kay Pia, pero itinanggi iyon ni Ogie. Hindi raw siya ang klase ng tao na mapaghiganti.

Hindi ah. Ako, hindi po ako mapaghiganting tao. Hindi po. Kung ano po ‘yung ipahintulot sa inyo ng tadhana, eh ‘yun siguro ‘yung nakalaan para sa ‘yo. Ganun ako. Kaya nga gusto ko nang mag-move on eh, bigla namang nabalitaan na nahuli na si Pia White at si Efcel.

Screenchot from Ogie Diaz’s vlog

Panoorin ang pagbubunyag ni Ogie sa investment scam ni Pia White:

celebrities

‘Nakaraan’ nina Ryan Bang at Yeng Constantino, naungkat sa ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Nasurpresa ang mga hosts at manonood ng ‘It’s Showtime’ nitong Biyernes, Enero 28, nang biglang maungkat ni Yeng Constantino ang ‘nakaraan’ nila ni Ryan Bang.

Nagsimula ito sa komento ni Yeng  sa isang contestang ng ‘Tawag ng Tanghalan’ kung saan isa sa mga hurado.

“Minsan, kahit hindi mo nga naging jowa, e, basta nagparamdam na sa ‘yo tapos biglang nawala, naku, napakasakit talaga,” panimula ng singer, sabay hirit “‘Di ba, Ryan?”

Dahil sa pambubuking ni Yeng, napilitan tuloy si Ryan na umaming nanligaw siya dati sa singer matapos usisain ni Vice Ganda tungkol dito.

“Unang crush ko kasi si Yeng. 2010, ‘no, Yeng? Nanligaw ako kay Yeng,” pag-amin ng South Korean actor-host.

Kaagad namang nilinaw ni Yeng na hindi niya binasted si Ryan.

“Pero, hindi kita binasted! Hindi kita binasted noon. Tumigil na lang siya magpadala ng kape,” paglilinaw nito sa host.

Inamin rin ni Yeng na nakikilig siya noon nang nililigawan pa siya ni Ryan. Nalungkot din daw siya nang bigla na lamang itong tumigil sa panunuyo sa kaniya.

“Oo na-sad ako nun,” ani Yeng.

Nang usisain ni Vice kung bakit bigla na lang siyang tumigil at hindi na nagparamdam kay Yeng, napilitan na ring magpaliwanag si Ryan.

“Akala ko, ayaw mo sa akin. Kasi noong panahon na ‘yun, gumigimik kami, kasama ko sila James Reid. Siyempre lumalabas ako tuwing gabi. Inaaya ko siya, ilang beses. Tuwing inaaya ko siya tuwing gabi, hindi siya lumalabas, kaya akala ko ayaw niya sa akin,” kuwento nito.

Maliban dito, akala rin daw niya noon ay nanliligaw din kay Yeng si Richard Poon, na pinabulaan naman ng ‘Chinito’ singer.

Humingi rin ng pasensiya si Ryan kay Yeng matapos siyang ‘pagsabihan’ ni Vice Ganda.

Anito, “Yeng, pasensya na. Dapat pala nagpaalam ako, nagtanong ako sa ‘yo. Noong nanligaw ako, galing naman talaga sa puso ko ‘yon. Ikaw ‘yung pinaka unang-unang crush ko sa buong buhay ko, ikaw ‘yun.”

Panoorin ang kanilang nakatutuwang pag-amin:

Continue Reading

celebrity

Vice Ganda ipinasilip ang bagong luxury car; ‘malas’ daw sa sasakyan kaya nagpalit

Published

on

By

Ipinasilip ni Vice Ganda ang kaniyang bagong-biling luxury car na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Sa kaniyang vlog na ‘New Car Reveal’ nitong Miyerkules, makikitang excited ang komedyante habang hinihintay ang delivery ng kaniyang sasakyan bagama’t pilit niya ring pinipigil ang sarili.

Kuwento ni Vice, mukhang malas siya sa iba niyang sasakyan kaya nagpasiya siyang bumili na lang ng bago.

“Parang minamalas ako sa sasakyan, so sabi ko baka it’s time na bumili na ng bago para ma-dispose na ‘yung ibang lumang sasakyan since ngarag na naman siya,” pagbabahagi ng ‘Unkabogable Star’.

‘Yung isa umano ay nawalan ng preno habang nagda-drive siya. Ang isa naman daw na ginagamit niya kapag pumapasok sa ‘It’s Showtime’ ay nagloloko naman ang aircon unit, habang ang isang sinasakyan niya kapag may shooting ay ‘nangarag’ din.

Ang bagong luxury car na binili ni Vice ay kulay itim na Cadillac Escalade na tinatayang nagkakahalaga ng hindi bababa sa P10-M.

Ipinasilip niya rin sa mga viewers ang magandang interior at ilang makabagong features ng mamahaling SUV.

“Kailangan nating bumili ng bagong sasakyan for safe travels. Ingatan mo ‘yan kuya, ha,” paalala ng ‘It’s Showtime’ host sa kaniyang driver.

Kuwento pa ni Vice, noong Agosto pa nila ito hinihintay subalit hindi available ang kulay na gusto niya.

‘ES’ naman ang napili niyang ipangalan sa bago niyang ‘caru’, na umano ay katas ng kaniyang programang ‘Everybody, Sing!’.

Panoorin ang vlog ni Vice Ganda na umani na nang mahigit 1 milyong views sa loob lamang ng dalawang araw:

Continue Reading

Social News

Batang sementeryo noon, miyembro na ng SWAT team ngayon

Published

on

By

Kapag bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng kapalaran. Sino ba naman ang mag-aakala na mula sa pagiging batang-sementeryo ay  mararating niya ang estado bilang miyembro ng MPD SWAT team?

Siya si PO1 Angelo ‘Yong’ Borlongan na kabilang sa SWAT team ng MPD. Ang 28-anyos na police officer ay sa sementeryo ipinanganak at doon na rin lumaki at nagkaisip kasama ang kanyang nanay, lolo at lola.

Viral na pulis

Nag-viral si PO1 Yong dahil sa isang video sa Tiktok kung saan plano niya sanang magsayaw ngunit biglang pumasok ang kaniyang team leader  na naghahanap ng kutsilyo para tanggalin ang tali sa walis. Ang video na ito ay humakot  ng mahigit 8.7M views. Dahil dito ay ifineature siya ng Rated Korina.

Si Yong pala ay lumaki sa sementeryo kapiling ang kanyang ina at ang lolo’t lola. Ang kanyang lolo ay isang sepulturero at naging katu-katulong nito si Yong.

“Bilang isang bata, nagkaroon po ako ng pangarap sa buhay. Nakita ko po ‘yung aking mga magulang, ang aking mga lolo kung gaano kahirap,” paglalahad niya.

Walang permanenteng trabaho ang pagsesepulterero, kaya iniwanan si Yong ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.

“Wala ‘kong mapapag-iwanan kundi mga magulang ko lang ang pagkakatiwalaan ko, kailangan kong maghanapbuhay, pumapasok sa pabrika para kahit papano siyempre meron din silang makain. Napakahirap po ng isang single mom,” ani Alona Borlongan, nanay ni Yong.

Dumating rin sa punto na halos walang ulam at kanin lang umano ang kinakain nina Yong.

Noong 2003 bumalik at kinuha siya ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola at pinalaki na siya ng kanyang stepfather.

Pagka-graduate sa highschool, hindi na niya inasahan na siya ay makatutuntong pa sa kolehiyo. Ngunit nagtulong-tulong umano ang mga magulang ni Yong at mga kamag-anak sa sementeryo para matustusan ang pag-aaral niya sa kursong BS Criminology.

Sa wakas ay nakatapos na siya ng kolehiyo at naging ganap na pulis nang pumasa sa board exam noong 2016.

“Siyempre po maraming salamat sa Diyos dahil maiisip mo na sitwasyon mo ganun, pero napakasaya maam, Maraming salamat sa Diyos,” aniya sa kanyang panayam sa Rated Korina.

“Naiiyak ako dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ‘yung isa sa mga pinili ‘di ba, na maging isang alagad at tagapagpatupad ng batas, sinisikap na maging isang mabuting pulis, ‘di ba po?” aniya.

“Kaya po nakakaiyak dahil sa tuwa, walang mapaglagyan po yung tuwa,” dagdag pa niya.

Nang magkatrabaho ay umupa sila ng kanyang nanay ng bahay sa halagang P4,000 na kadikit din lang ng sementeryo. Kung dati ay sa ibabaw ng nitso siya natutulog, ngayon kahit paano ay may silid na siya at higaan.

“Hindi ko po maiiwan itong sementeryo kasi andito po ang aking comfort zone, dito po ako masaya, nandito po ang buhay ko, walang sasaya pa dito sa lugar na to kahit na ako’y bigyan pa ng pagkakataon ng diyos na mas lalong umangat pa hinding hindi ko kakalimutan ‘tong lugar na to dito na po ako eh, dito na po ako lumaki, dito na rin po ako hihimlay,” pagtatapos niya sa panayam ng Rated Korina.

Panoorin si Gwapulis:

Continue Reading

Trending