Connect with us

VIDEO

Heart transplant gamit ang puso ng baboy, matagumpay na nagawa sa isang pasyente

Published

on

Matagumpay na nakapag-transplant ng puso ng baboy sa isang pasyente, nakamamangha, ‘di ba?

Imahe mula sa Pixabay

Ibinagi ng The New York Times na ito ang unang matagumpay na paglipat ng puso ng baboy sa isang tao. Ang pasyente ay kinilalang si David Bennett Sr, 57 taong gulang, ng Maryland.

Wala mang garantiya kung magtatagumpay ang  gagawing eksperimento, wala siyang mapagpilian kundi ang tanggapin ito dahil gusto pa niyang patuloy na mabuhay.

“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice,” ani Bennett bago naganap ang makasaysayang transplant.

Ang walong oras na operasyon ay isinagawa sa Baltimore noong Biyernes. Pagkalipas ng tatlong araw, maayos na umano ang kalagayan ng pasyenteng si David; iniulat ng kanyang mga doktor noong Lunes.

Imahe mula sa University of Maryland School of Medicine

“It creates the pulse, it creates the pressure, it is his heart,” saad ni Dr. Bartley Griffith, ang direktor ng cardiac transplant program sa medical center na nagsagawa ng operasyon. “It’s working and it looks normal. We are thrilled, but we don’t know what tomorrow will bring us. This has never been done before.”

Kung mapatutunayang matagumpay, umaasa ang mga siyentipiko na ang mga organs ng baboy ay makatutulong sa pagpapagaan sa pagkakalap ng mga organ donor.

“This was a breakthrough surgery and brings us one step closer to solving the organ shortage crisis. There are simply not enough donor human hearts available to meet the long list of potential recipients,” pahayag ni Dr.  Griffith.

“We are proceeding cautiously, but we are also optimistic that this first-in-the-world surgery will provide an important new option for patients in the future,”  dagdag pa nito.

Imahe mula sa University of Maryland School of Medicine

Humigit-kumulang 110,000 Amerikano ang kasalukuyang naghihintay para sa isang organ transplant, at higit sa 6,000 mga pasyente ang nasasawi bawat taon bago makakuha ng isa, ayon sa organdonor.gov.

Noong 1960s, ang mga kidney ng chimpanzee ay inilipat sa ilang pasyente noon, ngunit ang pinakamatagal na nabuhay sa mga nakatanggap nito ay inabot lamang ng siyam na buwan. Noong 1984 naman, isang puso ng baboon ang inilipat sa isang sanggol na nakilala bilang Baby Fae, ngunit yumao siya makalipas lamang ang 21 araw. Sa kabila nito, ayon sa mga ulat ay “she lived weeks longer than any previous recipient of a non-human heart.”

Panoorin ang ibinahaging video ng University of Maryland School of Medicine via YouTube:

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

VIDEO

Estudyante, emosyonal sa nakuhang gradong 83 sa Filipino subject

Published

on

By

Gaano ka ka-grade conscious nung panahong nag-aaral ka pa? Nalulungkot ka rin ba kapag mababa ang grades at ubod nang saya kapag naabot mo ang matataas na marka?

Sa panahon ngayon, ang edukasyon ay isang napakahalagang bagay na dapat nating matamo dahil dito nakasalalay ang magiging kinabukasan natin. Ang edukasyon ang magsisilbing sandata natin sa buhay na punong-puno ng pagsubok at pakikipaglaban. Alam natin ang halaga ng edukasyon at ang paghihirap ng ating mga magulang mapag-aral lang tayo kaya’t ginagawa natin ang ating buong makakaya upang maibigay ang mataas na grado na hinahangad ng ating mga magulang.

Ngunit paano kung nabababaan ka sa gradong iyong nakuha? Malulungkot ka ba?

Iyan ngayon ang nararamdaman ng isang mag-aaral na naging emosyonal nang makakuha ito ng line of 8 na marka dahil ayaw niya sigurong mapahiya o malungkot ang kanyang mga magulang.

Ibinahagi ni Sachzna Laparan sa kanyang TikTok account ang video ng kanyang nakababatang kapatid na naging emosyonal matapos makakuha ng gradong 83 sa kanyang Filipino subject.

Sa video, makikita ang pananangis ni Julia habang ipinapakita ang kanyang mga grades sa kanyang pamilya.

Ipinahayag ng dalaga ang kanyang pagkabigo na makakuha ng mas mataas na grado sa Filipino. Dangan kasi’y 83 lamang umano ang kanyang marka sa Filipino, na sa opinyon ng marami ay hindi naman kababaan.

Mahihinuha na masipag mag-aral si Julia kung pagbabasehan ang matataas nitong grades na halos line of 9 lahat, at hindi marahil katanggap-tanggap sa kanyang kalooban na may isa siyang marka na line of 8. Iba kasi talaga kapag sanay kang lahat ay matataas ano? On the bright side, mukhang mataas ang tinitingala ng bata kaya’t hindi siya satisfied sa markang nakuha sa isang subject.

Sinabi ng kanyang ate Sachzna na okay lang ‘yun at biniro pang ang 8 ay suwerte sa mga chinese kaya’t ‘wag na itong tumangis.

“Pinipilit ko naman na hindi umiyak eh,” tugon ng kanyang kapatid.

Sinikap naman siyang i-lift ng kaniyang mga kasama kung saan sinabi pa ng isa na “Ako nga 73 sa Math eh.”

“Bakit ka umiiyak, Julia? Pasado naman ‘yan. Ako nga 75 sa Math e,” ani Sachzna.

Ayon naman sa estudyante, ayaw naman talaga raw niyang maging emosyonal ngunit natatakot raw siya sa kaniyang pamilya. “Sorry po,” aniya habang nananangis.

Maya-maya lamang ay dumating ang nobyo ni Sachzna na si Jerome Ponce at ipinakita ang matataas na marka. Tinanong niya kung ano ang masasabi nito.

“Ang galing ah,” tugon ni Jerome.

Sagot naman ng kaniyang pamilya, wala raw dapat ikabahala sa grades nito lalo na at halos lahat naman ng subjects ay line of 9 naman ang kaniyang marka.

Pinayuhan siya ng kanyang pamilya na gumawa nang mas mahusay sa susunod na pagkakataon upang makakuha ng mas mataas na marka sa asignaturang Filipino.

Si Julia ay kapatid ng social media influencer/YouTube vlogger na si Sachzna Laparan. Makikita rin sa video ang aktor na si Jerome Ponce na katipan ni Sachzna.

Panoorin ang video:

@missflawlessssAko nga 75 sa math eh♬ original sound – SACHZNA

Continue Reading

Social News

Bride ‘nawindang’ sa Groom nang kinain nito ang cake

Published

on

By

Para sa karamihan ng mga ikinakasal, ang kanilang wedding day ang ‘pinakamahalagang araw’ sa kanilang buhay, lalo na sa perspektibo ng isang bride. Pinaka-memorable event ng isang babae, ‘ika nga, lalo na kung may kaganapan na sobrang ikinagulat mo!

Ang kasal o matrimonyo, bagama’t isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan, ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag sa lipunan o komunidad ng pag-iisang-dibdib ng dalawang tao. Magkakaiba ang anyo ng pagdiriwang at tradisyon sa bawat lugar sa mundo. At kadalasan ito’y ipinagdiriwang ayon sa kultura, pangkat etniko, pananampalataya, paniniwala, lahi, at bansa ng mga ikinakasal.

Nag-viral  ang isang video clip ng bagong kasal na sina Cristian at Roviedelia na ibinahagi ng Eric Gallardo Photography sa Facebook page nito kamakailan.

Kuha ito sa reception part ng ikinasal. Nagulat na lamang ang bride na si Roviedelia matapos ang pag-slice ng cake dahil imbes na subuan siya ng groom na si Cristian ay nauna na itong kumain.

Sa video na humakot ng pansin sa Facebook, nanlaki ang mata ng bride nang makitang kinain ng kanyang groom ang dapat sana’t isusubo sa kanya tulad ng nakagawian nang ‘symbolic act.’

“Gutom yan?” sigaw kay Cristian ng mga dumalo sa reception kaya nagulat din ang lalaki at napatingin sa kanyang misis na nawindang sa ginawa niya at halatang bahagyang nadiskaril. Gutom ka na talaga?

Agad naman niyang napagtanto ang kanyang pagkakamali kaya sinabayan na lang niya sa pagtawa ang asawa.

Agad namang bumawi ang groom. Sinubuan na rin nito ang kanyang bride! 

Sinisimbolo ng cake cutting ang commitment sa isa’t-isa ng bagong kasal. Base sa tradisyon, unang susubuan ng lalaki ang babae bago susubuan ng babae ang lalaki. “I will take care of you.”

Marami ang naaliw at natuwa sa naturang video.  Bumuhos din ang pagbati at reaksyon sa comments section.

“Love the bride’s reaction.”

“Thank you for making me laugh at my super stress day.”

“Sa sobrang excited ni groom ‘di sguro nag almusal kaya gutom na.”

“Wala rehersal si hubby Congrats unforgetable moment n’yo yan.”

“Gusto lang ni groom na ma sure if the food is safe for his love.”

“The groom ate the cake wasn’t much but the girl’s reaction was priceless.”

Congratulations sa bagong kasal!

Panoorin ang nakatutuwang video clip:

Ang kahulugan sa mag-asawa ng pagputol at pagpapakain ng cake

Ang pag-slice ng cake at pagsubo nito sa isa’t isa ay sumisimbolo ng kanilang pangako na aalagaan nila ang isa’t isa at itataguyod. Sa isang Kristiyanong kasal, ang pagbabahagi at pagpapakain ng cake ay maaaring magawa nang may kagalakan ngunit dapat ring gawin nang may pagmamahal at paggalang, bilang isang paraan ng buong pusong pakikipagtipan.

Continue Reading

entertainment

Baby Shark, ang unang video na umabot sa 10 billion views sa YouTube

Published

on

By

Gumawa ng kasaysayan ang video ng children song/dance craze na Baby Shark bilang kauna-unahang video na nagkaroon ng 10 billion views sa YouTube.

Mas marami pa ang views nito kaysa sa populasyon sa buong mundo na wala pang 8 billion.

“The catchy sing-along by Pinkfong was first uploaded in 2016, becoming the most viewed children’s music video on YouTube, before surpassing Luis Fonsi’s ‘Despacito’ in 2020 as the most viewed music video on YouTube and the most viewed video on YouTube overall,” ayon sa pahayag ng Guinness World Records.

Si Hope Segoine, na noon ay 10 years old pa lang, ang kumanta ng Baby Shark noong 2016. Umabot lang ito noon sa number 32 sa US Billboard Hot 100 at No. 38 naman sa Global 200.

Pero nag-viral ito sa Indonesia at South Korea at mabilis na kumalat ang popularidad sa buong Asya at iba pang bansa noong 2017.

Mas lalo pang naging sensational ang dance craze nang nagtanghal nito ang BlackPink.

Sinabi ng Guinness World Records na kung ang 10 billion views ng video ay panonoorin nang sunud-sunod ay aabutin ito ng 41,095 years para matapos.

Noong 2020 ay nalampasan ng Baby Shark ang YouTube views ng “Despacito.”

“We are delighted to announce that our beloved Baby Shark has recorded another remarkable milestone. It has been a truly meaningful journey to witness how Baby Shark has connected people around the world, and we can’t wait to introduce Baby Shark’s further adventures that will bring unparalleled experiences to even more fans everywhere,” ayon kay Min-seok Kim, ang CEO ng “Baby Shark” creator na The Pinkfong Co.

Kasunod na kasikatan ng Baby Shark, ginawan ito ng Nickelodeon ng TV series noong 2021 – ang “Baby Shark’s Big Show.” Nagkaroon din ito ng live tour noong 2019.

Kamakailan  lang ay inanunsyo ng Nickelodeon na gagawan nito ng pelikula ang Baby Shark.

Continue Reading

Trending