Connect with us

News

Piloto naisalba ng LAPD officers bago masalpok ng tren ang eroplanong bumagsak sa riles

Published

on

Parang eksena sa isang maaksyong pelikula pero nangyari sa totoong buhay ang nasaksihan sa Los Angeles, California noong linggo, ika-9 ng Enero.

Isang maliit na eroplano ang bumagsak sa gitna  mismo ng riles ng tren. Sugatan ang piloto dahil sa emergency landing kaya hindi nito magawang makaalis sa loob ng eroplano. Mabuti na lang at may mga pulis na nakasaksi sa pangyayari na agad rumesponde para tulungan ang piloto.

Screenshot from LAPD Officer’s body cam footage

Habang tinutulungan ang piloto, isang rumaragasang tren naman ang papalapit na. Makikita sa video na kuha ng isang saksi na binabantayan ng isang lady officer ang paparating na tren para bigyan ng babala ang mga kasama.

Ilang segundo lang mula nang mailabas ang piloto ay nasalpok na ng tren ang eroplano. Nagtalsikan pa ang ilang bahagi niyon at muntik pang tamaan ang isang saksi na kumukuha ng video.

“The plane had a failed takeoff and landed on the train tracks at a popular intersection. Just seconds before impact police officers saved the pilot, and a piece of debris almost hit me,” sabi ni Luis Jimenez, isang 21-year-old music composer na nakunan ang buong pangyayari.

Agad dinala sa pagamutan ang duguang piloto, na ngayon ay nasa maayos na raw na kalagayan, ayon sa local media sa Los Angeles.

Ibinahagi rin ng Los Angeles Police Department (LAPD) sa official Facebook page nito ang video ng pangyayari na kuha mula sa body cam ng police officers.

Screenshot from LAPD Officer’s body cam footage

“Foothill Division Officers displayed heroism and quick action by saving the life of a pilot who made an emergency landing on the railroad tracks at San Fernando Rd. and Osborne St., just before an oncoming train collided with the aircraft,” FB post ng LAPD.

Bumilib ang mga netizens sa bilis ng aksyon na ginawa ng mga LAPD officers:

“Thank you for being close LAPD Foothill Div.”

“Amazing bravery! Definitely Medal of Valor candidates.”

Screenshot from LAPD Officer’s body cam footage

“This is legit heartwrenching/heartwarming… to see how many people put their lives in line to save 1 person. To see that lady officer standing there knowing there was nothing she could do to stop that train, except to stand guard and tell her fellow officers how close that train was. She didn’t leave their side and those officers didn’t leave that man’s side.

“God is so gracious and He placed these heroic officers there to save this man’s life just in the nick of time!”

“Thank you for your heroism and honorable actions. Absolutely amazing moment in time protecting and serving the community. True heroes.”

Ayon pa sa ulat ng LAPD, walang nasaktan na train passengers.

Screenshot from LAPD Officer’s body cam footage

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

News

Gov. Jonvic Remulla sa mga bumabatikos sa pagpanig kay Bongbong Marcos: Everyone is free to choose

Published

on

By

Pinanindigan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pahayag na naniniwala siyang nakatadhanang manalo sa pagkapangulo si dating Sen. Bongbong Marcos.

“Maraming letga sa huling post ko kung saan sinulat ko na mananalo si BBM sa Cavite. Maraming letga sa aking pananaw na ginuhit ng tadhana na maging Pangulo si BBM. Maraming letga sa aking impresyon na panahon na ni BBM bilang susunod na lider ng bansa,” ani Gov. Remulla sa isang post.

Sa kabila nito ay pinaninindigan niya raw ang kaniyang paniniwala at hindi raw siya hihingi ng paumanhin sa kahit sino.

“To all those who reacted (special mention to the first time visitors of the page who dropped by just to make their feelings known), let me make one thing clear: I am owning up to my words. I will never apologize to anyone for what I wrote or what I believe is the most likely outcome,” sabi niya.

Basahin: ‘It’s his destiny’: Cavite Gov. Jonvic Remulla naniniwalang mananalo si Bongbong Marcos sa pagkapangulo

Ayon pa kay Gov. Remulla, mahalaga para sa kaniya na marinig ang iba’t ibang panig sa usaping politika. Masaya rin umano siyang makitang marami ang nagmamahal sa bansa.

“I welcome hearing all sides – even with the extreme emotions and expletives. It only proves one thing: We all care about our country. Sa galit at gayak pa lang ay nakikita ko na marami pa rin ang nagmamahal sa bansa,” paliwanag niya.  

“To everyone, thank you very much for the feedback. It gives me a great sense of hope that our love for the country remains steadfast and the virtues we want in our leaders are precise and clear.”

Paalala niya rin, ang bawat isa ay may karapatang pumili ng lider.

“Let the final arbiter be the people. Meanwhile, everyone is free to choose sides. Let’s choose the issues that matter. Most importantly, let us choose our leaders wisely. Every vote counts. For every vote is a win for our democracy. It’s a win for our future.”

Continue Reading

Money

P142-M jackpot sa lotto napanalunan ng mananaya mula Leyte

Published

on

By

Isang mapalad na mananaya sa Leyte ang mag-uuwi ng mahigit P142-M na jackpot prize sa Lotto 6/49.

Sa draw na ginanap nitong Linggo, Enero 16, masuwerteng natamaan ng mananayang taga-Abuyog, Leyte ang lumabas na mga numerong 02-05-04-31-01-46.

Ito ay may kaakibat na premyong nagkakahalaga ng P142,679,606.40, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binati rin ng PCSO sa kanilang Facebook page ang masuwerteng bettor at pinakabagong milyonaryo.

Bukod dito, 14 na bettors din ang tamang nakahula ng limang numero mula sa anim na lumabas. Sila ay mag-uuwi ng P50,000 kada isa bilang second prize.

Noong nakaraang araw, isa ring bettor mula sa Albay ang nanalo ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 na nagkakahalaga ng mahigit P65-M.

Noong Biyernes, Enero 15, ginanap ang bola kung saan lumabas ang mga numerong 39-29-09-21-19-20. Napanalunan ng mapalad na Bicolano ang kabuuang gantimpala na nagkakahalaga ng P65,991,571.

Ang masuwerteng tiket ay binili umano sa Tabaco City, Albay.

Ito na ang pang-apat na beses ngayong buwan na ang jackpot prize ay napanalunan ng nag-iisang bettor.

Samantala, wala namang nanalo sa Ultra Lotto 6/55 na may kasalukuyang jackpot na P49,500,000. Sa bola nito ring Linggo, lumabas ang mga numerong 13 – 34 – 17- 41 – 58 – 53.

Ang premyong mahigit sa P10,000 ay kakaltasan ng 20 porsiyentong buwis bilang pagsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Para sa mga nanalo, maaari lamang silang magtungo sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City bitbit ang kanilang winning ticket.

Continue Reading

News

Lalaking nagpresenta ng fake na RT-PCR test result, COVID-positive pala

Published

on

By

Imahe mula sa Check Point Blog

Isa na namang pasaway na balikbayan ang hindi sumunod sa mandatory quarantine protocol para sa mga umuuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Batay sa ulat ng ABS-CBN News, isang lalaking galing Australia ang nagpumilit na umalis sa kaniyang hotel na tinutuluyan kahit hindi pa lumalabas ng resulta ng RT-PCR test.

Dumating umano sa bansa ang nasabing balikbayan noong Enero 2 at tumuloy sa Lelita Hotel para sa kaniyang mandatory quarantine. Enero 6 naman nang siya ay sumailalim sa RT-PCR test.

Subalit ayon sa management ng hotel, bago pa man lumabas ang resulta noong Enero 7, nagpumilit nang bumaba sa kaniyang kuwarto ang lalaki dahil dumating na umano ang susundo sa kaniyang mga kaibigan.

“Ang sabi niya po, wala daw po siyang pakialam kung ano yung sasabihin, kung ano ‘yung gagawin. Basta lalabas daw po siya,” kuwento ng manager ng hotel.

Nagpadala rin umano ang lalaki sa email ng resulta ng RT-PCR test na negatibo subalit nang kanila itong i-i-check ay pangalan ng babae ang nakalagay.

Bukod dito, lumalabas na nagpositibo rin sa COVID-19 ang nasabing balikbayan nang dumating na ang resulta.

Ayon pa sa management, nang bumaba raw ito sa kaniyang kuwarto ay talagang nagpupumilit at dala na ang lahat ng kaniyang bag na naka-impake.

Dahil dito, napilitan tuloy silang tumawag ng pulis at Philippine Coast Guard dahil hindi na nila makontrol ang lalaki.

Kinausap daw ng mga pulis ang lalaki at pinabalik ito sa kaniyang kuwarto bago ginawan ng blotter report. Kinumpirma rin ng mga awtoridad ang RT-PCR test na unang isinumite ng balikbayan sa laboratory at napatunayan ngang peke ito.

Makaraan ang ilang araw ay sinundo na sa hotel ang pasaway na balikbayan ng mga personnel ng Bureau of Quarantine (BOQ) at dinala ito sa isang pasilidad.

Hindi man lang daw nag-sorry sa kanila ang lalaki nang umalis ito at hindi na nila nalaman pa kung nasaan na ito ngayon.

Noong nakaraang linggo ay laman din ng balita ang dalawang balikbayang babae – na tinawag na ‘Poblacion Girl’ at ‘Massage Girl’ – na hindi sumunod sa ipinatutupad na mandatory quarantine matapos dumating galing sa ibang bansa.

Continue Reading

Trending