Connect with us

OFW

Pinoy expat na nawalan ng trabaho sa Dubai, nanalo ng P1.3-M sa Mahzooz draw

Published

on

Malaki ang pasasalamat ng isang Pinoy expat matapos siyang manalo ng AED 100,000 o mahigit P1.3-M sa ginanap na Mahzooz draw kamakailan lamang.

Kuwento ni ‘Willie’ sa panayam ng Gulf News, kumakain siya ng hapunan nang malaman niyang nanalo siya ng malaking halaga sa nasabing lottery. Dahil dito, hindi niya umano napigilang magtatalon sa sobrang tuwa sa kanilang kusina.

Si Willie ay 55 anyos at isang engineer na nagtrabaho sa Dubai bilang area manager. Subalit Hulyo noong nakaraang taon ay natanggal siya sa kanilang kompanya.

Dahil dito napilitan siyang mag-part time upang kumita kahit paano at may maipadala sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.

“I’ve been doing a part-time job after I lost my regular employment and it has been hard for me to meet even my own expenses. I even had to borrow money from my mother,” kuwento ng Pinoy expat.

Napakalaking bagay umano para sa kanila ang kaniyang napanalunan dahil nahihirapan na rin siyang pagkasyahin ang kita mula sa part time bukod sa lumalaki na rin ang pangangailangan ng kaniyang mga anak na nag-aaral.

“The win came at a perfect time as I was struggling to make ends meet and cover my kids’ higher education back in the Philippines,” wika ni Willie.

Wala ring pagkasyahan ang kaniyang pasasalamat sa Mahzooz sa suwerteng dumapo sa kaniya.

Ani Willie ,”So, I want to express my heartfelt thanks to Mahzooz for changing my life. I have no words to express how happy I am!”

Maliban kay Willie, dalawa pang expat- isang Indian at isang Iranian – ang kapwa nanalo rin ng tig-100,000 dirhams sa ika-61 na draw ng Mahzooz.

Noong Nobyembre, isa ring 52 anyos na Pinoy expat mula Laguna ang nanalo ng AED 10-M (katumbas ng halos P136-M) sa Mahzooz.

BASAHIN: ‘Sana all’: Pinoy expat sa UAE, nanalo ng AED 10-M (P 136-M) sa isang draw

Inspiring

‘Slowly but surely’: OFW in Japan shares getting a house built for their parents

Published

on

By

“How do I love thee? Let me count the ways…”

“Sabi nila hindi raw obligasyon ng mga anak ang kanilang magulang. Pero para sa akin obligasyon kong pasayahin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagpapasaya at pagsuporta sa aking mga magulang.”

These are the words of an OFW in Japan regarding her feelings towards her parents whom she wants to be happy by giving them support and happiness in the way she knows how.

In a post on the Home Buddies Facebook page she shared photos of their former home; narrating their simple and humble life in Masbate.

“Ito ang aming tahanan for almost 12 years. Pero bago ito, tumira muna kami sa mas payak na tahanan sa bukid at nakitira din sa bahay ng kamag-anak. Ang tahanang ito ay puno ng masasayang ala-ala at mga pangarap.”

She further shared how their humble dream home turned into reality.

Eversince they were small kids it had been the siblings’ dream to have their own comfortable and beautiful home for their entire family, most especially for their parents who are both hardworking.

Being the eldest, Jea had to lead the flock while opting to forego her plans of pursuing a college degree. She had to work early in life to sustain her siblings’ education so they would have a better future, she said. Moreover, it was part of their plan to soon be able to join forces when they start on their dream home.

 

“Not just for them to have a better future, but for me to have a KASANGGA sa pagtupad sa pangarap na yun (emojis) At hindi naman ako nabigo, may napagtapos ako  🙂   Kasabay noon, pinalad akong makapunta dito sa Japan para magtrabaho,” she shared.

Thereafter, she and her siblings started their ‘operation savings’ until they reached their 200K goal (July 2020) to start on the construction of their dream home.

SLOWLY BUT SURELY

It was a continuous struggle, she said. Budget was so tight so their family had to halt construction every now and then until they come up with more savings.

Their father even had to sell their carabao to help and their mother did her fair share by taking a loan from her Cardbank.

It was a ‘slowly but surely’ effort on their part to reach the culmination of their goal. It became a family effort altogether. Just wow!

Jea is super grateful to the Lord for guiding and blessing them. Their hardwork, she said, were all worth it. Much has to be done still, but in good time they will manage it – again.

“Andaming pinagdaanan bago ito tuluyang nabuo. Pero ang lahat ng yun sobrang worth it, lahat ng pagod at mga sakripisyo lalo na ako dito sa malayo, pawing-pawi. (emojis)  LORD, SOBRANG SALAMAT PO. Ang sarap sarap po sa puso.  <3   Yung pangarap lang namin noon, realidad na ngayon,” she expressed.

She also disclosed how thankful she is for the family effort; admitting they reached their goal because of everyone’s part towards realizing their dream.

“Pinaghirapan, pinagpaguran at pinagtulungan naming lahat ito, hindi lang ako.(heart emojis) Tunay ngang mas magaan at mas madali kapag sama-sama sa pagtupad ng pangarap ang isang pamilya. We’re all in this together. Salamat sa aking mga magulang sa lahat ng suporta at tulong. Salamat sa aking mga kapatid na hindi ako hinayaang mag-isa sa mga gastusin, dahil kahit nandito ako sa Japan, di ko kakayanin kapag ako lang.”

She also thanked those who had a crucial part in their progress. “Salamat kay Tita Delia sa pagpapatira sa bahay nya habang on going construction kami. Salamat sa aming Foreman, Tiyo Alipio na napakadedicated at salamat sa mga taong nagbayanihan at tumulong nang walang bayad noong unang simula. At SALAMAT po ulit LORD.”

Every photo shared by Jea tells a story.  Be inspired!

 

Continue Reading

OFW

Two Pinoy expats in UAE win P1.4-M each in Mahzooz draw

Published

on

By

A Filipino barista and a quantity surveyor in the United Arab Emirates (UAE) have become the latest millionaire after winning AED 100,000 (approx. P1.43-M) each in the 74th weekly Mahzooz Raffle Draw.

They were among the lucky 42 winners who shared the second prize of 1,00,000 dirhams drawn last April 28.

‘Anneliese’, who works as a barista in Dubai, told Khaleej Times the prize money means a lot to her and her family as she could now secure the future of her daughters.

She also plans to pay off all her debts, according to the 28-year-old Pinay expatriates.

“Being able to return the money I borrowed will help me feel I am not indebted to anyone. It is a great relief to know that I can start making the right investments to secure a better future for my daughters,” Anneliese said.

As for ‘Gregorio’, a quantity surveyor, most of his winnings will be used in building his house back in the Philippines.

“With the new cash, I can immediately start building the family house my wife and I dreamt of for years. I would like to thank Mahzooz from the bottom of my heart for the unexpected blessing I received,” said Gregorio.

Apparently, it was his son who had been participating in the Mahzooz weekly draw and encouraged him to try his luck as well.

“Thanks to him and Mahzooz, I am Dh100,000 richer today,” Gregorio happily shared.

Anneliese and Gregorio became the latest Pinoys in UAE whose lives were transformed for the better after winning in the same draw.

In November last year, a 52-year-old OFW from Laguna took home almost AED 10-M (almost P136-M).

READ: ‘Sana all’: Pinoy expat sa UAE, nanalo ng AED 10-M (P 136-M) sa isang draw

‘Paterio’, a materials contract supervisor in an oil and gas company, became an instant millionaire as the world battled COVID-19 pandemic.

“The UAE has been my safe zone during the pandemic. The country takes care of its residents so well. Winning such a big amount makes me want to invest here in the UAE in order to secure my future and that of my family,” he said in an interview.

In January 2022, another Filipino engineer, ‘Willie’, also won AED 100,000.

READ: Pinoy expat na nawalan ng trabaho sa Dubai, nanalo ng P1.3-M sa Mahzooz draw

‘Willie’ said it couldn’t have come at a better time because he had just recently lost his job as an area manager and had to accept part time job to make both ends meet and send money to his family in the Philippines.

Continue Reading

Inspiring

Dating OFW, hinanap ang magkapatid na nagsilbing inspirasyon niya noon sa buhay

Published

on

By

Naging inspirasyon ng dating OFW sa Saudi Arabia ang larawan ng batang magkapatid na hindi niya kilala habang nakalusong sa baha noong 1997 sa Pilipinas.

Sa episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” noong Mayo 2 ay ibinahagi ng dating OFW na si Roel Mendoza na regular siyang nagbabasa ng diyaryo na galing sa Pilipinas kahit nasa KSA siya.

Noong 1997, nakita niya ang larawan ng batang magkapatid na nakalusong sa baha. Pasan sa likod ng isang bata ang mas nakababata niyang kapatid.

 

Kapag tinititigan umano ni Roel ang larawan ng dalawang bata ay may kirot sa puso niya dahil isa rin pala siyang kuya sa kaniyang bunsong kapatid.

Naging inspirasyon din kay Roel ang larawan ng magkapatid sa tuwing dumadaan siya sa mga pagsubok ng buhay.

Sa mga sandali na nahihirapan siya, iniisip niya ang batang magkapatid sa larawan na kung kinaya nila ang pagsubok sa buhay ay kakayanin rin niya.

Ang naturang larawan ay idinikit noon ni Roel sa kaniyang bulletin board sa KSA, katabi ng kaniyang family photo.

Pagkatapos ng 17 taon na pagtatrabaho sa KSA, umuwi ng Pilipinas si Roel dala ang larawan ng magkapatid na ginupit niya sa pahayagan.

Sa kasamang-palad nabiktima umano si Roel ng pyramiding scam kaya nagsimula siyang muli sa wala.

Sa mga sandaling iyon, naging inspirasyon niyang muli sa pagbangon ang larawan ng batang magkapatid.

Matapos ang 25 taon, hindi niya pa rin makalimutan ang mga bata at ninais niyang mahanap ang dalawa upang kumustahin ang kanilang naging buhay.

Ipinost niya ang larawan sa social media para magpatulong sa paghahanap sa mga bata. Kasabay naman nito ang pag-tag ng ilang netizens sa “KMJS” para tumulong sa paghahanap.

Tumulong naman ang KMJS team upang matunton ang mga bata sa naturang larawan na unang nailathala sa pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Napag-alaman ng team na ang larawan ay kuha pala sa Dinalupihan, Bataan. Nakilala ang magkapatid na sina Ronelo Carlos, ang bunsong nakapasan sa kaniyang kuya na si Rowell.

Hindi raw nila nalaman na nag-viral ang larawan nila noong bata pa sila at may taong naghahanap sa kanila.

Ngayon na natukoy na ang kinaroroonan ng magkapatid ay agad namang bumiyahe si Roel patungong Bataan upang makita at makausap sa unang pagkakataon ang magkapatid na naging bahagi ng kaniyang buhay.

Umantig ang kuwento ng maraming netizens kaya’t hindi nakapagtataka na humakot ito ng milyong views,

Panoorin ang feature video na ibinahagi ng KMJS:

Continue Reading

Trending