Connect with us

politics

Robin Padilla pumalag sa pumuna sa kaniyang plataporma

Published

on

Sinagot ni Robin Padilla ang netizen na nagsabing pang-Grade 6 ang mga gusto niyang ihaing plataporma sa kaniyang kandidatura bilang senador.

“Hoy Robin Padilla, tatakbo kang senador pero ‘yong plataporma mo pang Grade 6 class President,” sabi ng netizen.

Imahe mula sa Facebook | Robin Padilla

Bago iyon ay nagbahagi si Robin ng listahan ng kaniyang mga plataporma ngunit ngayon ay burado na ito mula sa kaniyang Facebook page.

Ani Robin, sa halip na ang lalim ng mga plataporma ang busisiin, dapat tingnan kung talagang may nagawa na ang mga kandidato.

“Wala pa rin nagagawa ‘yong mga kandidato ninyo na sa ibang bansa pa nagsipag-aral. Mga paulit-ulit nang nakaupo at nangangako. Galing na galing kayo sa plataporma dahil napakasarap basahin, ‘yong iba palaliman pa sa wikang Ingles pero bakit po kaya wala pa ring nangyayari sa plataporma nila at sa ibinoto ninyo?” 

Masaya na raw si Robin kapag naibigay niya ang mga basic na pangangailangan ng mga kababayan.

Imahe mula sa Facebook | Robin Padilla

“Ako po maayos ko lang po ang basic needs ng mga Pilipino katulad po ng pagkain sa lamesa, tamang sahod nila, may tirahan, maging parehas hindi man sa katayuan kundi sa karapatan,” paliwanag niya.

“Hindi po kailangan ang kumplikadong plataporma na puro porma lang ang nangyayari at drama lang sa media pero pag nanalo ay limot na. Aksyon po ang kailangan,” sabi niya.

Dagdag niya rin, ‘di bale nang pang elementary ang plataporma basta alam ang mga problemang kailangang solusyonan.

Imahe mula sa Facebook | Robin Padilla

“Mabuti pa po ‘yong grade school, batid na ang problema sa bayan niya,” dagdag ni Robin.

“Mula’t sapul puro genius na ang iniluklok. Nasaan na ang Pilipinas ngayon? Baon sa utang… Anong nararamdaman ninyo? Umasenso ba kayo sa plataporma ng mga genius?” sabi pa niya sa comment section.

Sa kabila nito ay sinabi niyang hindi siya apektado sa mga bumabatikos sa kaniya. “Hindi tayo nagpapaapekto diyan sa mga ‘yan, mga utol. Sinasagot lang natin para mabatid din nila ang tama.”

Tumatakbo sa pagka-senador si Robin sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

government

Pang. Duterte nangakong papangalanan ang ‘most corrupt’, ‘inexperienced’ presidential bets

Published

on

By

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilalabas niya ang ‘baho’ ng ilan sa mga kandidato na tumatakbong presidente sa susunod na eleksyon.

Sa kaniyang ‘Talk to the People’ nitong Lunes nang gabi, nangako ang Pangulo na papangalanan niya kung sino sa mga ito ang ‘masyadong corrupt’ pati na umano ang isang walang kakayahang maging lider ng bansa.

“In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them. Kailangan malaman ng tao because you are electing a president,” paglalahad ni Duterte.

Iginiit rin ng Pangulo na hindi siya namumulitika subalit ginagawa lamang niya ito bilang presidente at dapat ring malaman umano ng mamamayang Pilipino.

Batay raw ito sa mga impormasyong nakararating sa kaniya bilang presidente bukod pa sa kaniyang personal na karanasan at obserbasyon.

Kabilang raw sa nakarating sa kaniya ang isanng kandidato na ‘lasenggo’, mahilig mang-insulto at nagwawala pa kapag nakainom.

Isa rin umano ay ‘masyadong corrupt’ kaya hindi maaaring maging presidente.

“Akala lang kasi ng mga tao malinis pero ‘yung mga nag-transact sa business sa kanya, mga official business, pati yung mga Chinese nagreklamo na na masyadong corrupt daw,” bahagi ng Pangulo.

Mayroon din umanong ‘kulang’ pa talaga sa karanasan at walang kapasidad na mamuno sa bansa.

“Meron dito hopelessly, I think, hindi dapat mag-presidente kasi medyo kulang talaga, kulang na kulang,” anito.

Hindi naman sinabi ng Pangulong Duterte kung kailan niya tuwirang papangalanan ang kaniyang mga tinukoy na kandidato subalit bahala na raw ang mga tao kung maniniwala sa kaniyang mga ibinulgar.

“But if you reject it at ayaw ninyong maniwala, ang masasabi ko lang, bahala kayo. Besides, it’s also your country, it’s not only mine,” dagdag pa nito.

Ilan sa mga kumakandidato ngayon sa pagkapangulo ay sina dating Senador Bongbong Marcos, Vice President Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno at Labor Leader Leody de Guzman.

Continue Reading

politics

Mayor Sara nais nang itigil ang liga, pageant ng mga kabataan; tutukan na lang daw ang disaster preparedness

Published

on

By

Tulad umano ng kaniyang ginawa sa Davao City, nais ni Mayor Sara Duterte-Carpio na itigil na ang mga ginagawa ng kabataan tuwing piyesta gaya ng mga liga, beauty pageant at dancing contest.

Sa halip umano, dapat ay turuan na lamang ang kabataan ng disaster preparedness o paghahanda para sa sakuna.

Sa ginanap na virtual caravan ng UniTeam nina Inday Sara at Bongbong Marcos noong isang araw, sinabi ng alkalde na ito ang kaniyang iniutos noon sa lider ng Sangguniang Kabataan sa Davao City

“Tigilan na natin yan dahil nasasayang ang pera ng gobyerno sa mga ganyan, sa mga trophy at kung ano-anung prizes na ibinibigay natin,” ani Mayor Sara.

“Sabi ko itutok natin ang ating mga Sangguniang Kabataan dito sa Davao City sa disaster preparedness,” dagdag pa ng pambatong bise president ng UniTeam.

Naging matagumpay naman umano ang programa nilang ito sa Davao kaya hindi ito mahirap dalhin sa national level, bukod pa sa may budget naman talaga ang gobyerno sa disaster preparedness training.

Kabilang din sa isusulong ng alkalde kapag nanalo sa darating na halalan ay ang mandatory military traning para sa lahat ng kabataang lalaki at babae.

BASAHIN: Inday Sara isusulong ang mandatory military training para sa lahat ng kabataang Pinoy

“Gagamitin ko ang aking opisina— Office of the Vice President — para kausapin ang ating (to talk to our) Congress and the Senate of the Philippines to make military service for all 18 years old, male and female, mandatory in our country,” lahad ng anak ng Pangulo.

Ito raw ang nakikita sa ibang bansa gaya ng South Korea at Israel.

Hindi rin umano ito gaya sa ROTC na isang subject lamang, o isang weekend o isang buwan sa isang taon.

Nilinaw naman ng alkalde na kapag pumasa ang kaniyang panukala sa Kongreso,  kasama rito ang pagbibigay ng subsidy ang lahat ng mga sasailalim sa training na pamamahalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Continue Reading

politics

Pacquiao, palalakasin ang presensya sa social media para harapin ang mga trolls

Published

on

By

Palalakasin ng presidential aspirtant na si Senator Manny Pacquiao ang presensya niya sa social media para harapin ang mga trolls na nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kanya.

Inamin ng Team Pacquiao campaign manager na si Salvador “Buddy” Zamora na matindi ang social media trolling laban sa senador. Nakaaapekto raw iyon sa standing ni Pacquiao sa presidential race.

Nilinaw ni Zamora na hindi sila uupa ng mga trolls para harapin ang mga bashers ni Senator Pacquiao, kundi mga supporters at volunteers na naniniwala sa kakayahan ng retired boxing champion na maging lider ng bansa.

“We are recruiting real persons who may help to handle the social media. We will be addressing these in the coming months. Such as that come May, we hope to overtake everybody,” wika ni Zamora.

Aniya, mas madalas nang makikita sa social media ang senador para tumugon sa mga katanungan ng mga tao o kaya naman ay mag-post ng mga bagay na magpapakita ng kanyang mga katangian na hindi pa nalalaman ng publiko.

“Just like what he posted yesterday. He was doing the piano and was singing. We will be doing more of that,” sabi pa ng campaign manager ni Pacquiao.

Ayon pa kay Zamora, mas mataas pa sana ang popularity rating ng pambansang kamao kung agad nilang natugunan ang mga fake news na ipinakakalat laban sa kanya.

Sabi niya, batay sa mga pinakabagong survey, nasa pangatlo si Pacquiao. Una si Bongbong Marcos at ikalawa naman ni Vice President Leni Robredo. Pero kung susuriing mabuti ang survey ay “statistically tied” daw si Pacquiao at VP Robredo.

Aniya, hindi raw totoo na dinudumog lang si Pacquiao sa mga lugar na pinupuntahan dahil sa pamimigay niya ng pera. Inihalimbawa niya ang una nitong pagbisita sa Batangas kung saan dinumog din ito kahit walang ipinamahaging pera.

Inamin ni Zamora na lahat sila sa Team Pacquaio ay kontra sa ginagawa ng senador na pagbibigay ng pera sa mga lugar na pinupuntahan, subalit mapilit daw ito dahil bahagi na raw ng buhay at adbokasiya nito ang pamamahagi ng tulong.

Tiniyak naman niya na matitigil na ito kapag  pormal nang nagsimula ang campaign period sa February 8.

Sinisilip ng Team Pacquiao ang Luneta o Bulacan para sa kick-off rally sa February 8 upang malaki ang espasyo para sa pagdagsa ng mga supporters.

Paiigtingin din ng kampo ni Pacquiao ang political advertisements sa radyo, telebisyon at sa iba’t ibang social media platforms.

Ang hindi raw nila gagawin ay ang paninira sa kapwa kandidato at sa kasalukuyang administrasyon.

Continue Reading

Trending