Connect with us

politics

Inday Sara may mensahe sa mga supporters na ayaw kay BBM: “I cannot be one with you on this”

Published

on

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

May mensahe si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa kaniyang mga supporters na iba ang manok sa pagka-presidente.

Si Duterte-Carpio ay tumatakbo bilang pangalawang pangulo sa ilalim ng Lakas-CMD at nakipag-alyansa kay dating senador Bongbong Marcos na siyang bumubuo ng ‘UniTeam’.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

Sa simula ng kaniyang video message ay pinasalamatan ni Inday Sara ang kaniyang libo-libong volunteers at supporters sa iba’t-ibang panig ng bansa at ng mundo na kasama niya umano sa mga gawain para maipagpatuloy ang kaniyang kandidatura.

“Lagi ring nandiyan si Bongbong Marcos, ang aking kandidato sa pagkapangulo,”anito.

“Nang magdesisyon akong tumakbo bilang vice president, pinili ko pong ka-tandem si BBM. Dahil dito nabuo ang UniTeam BBM-Sara,” dagdag pa ng alkalde.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

Nangako rin umano siya ng katapataan sa alyansang pinasok niya kasama ang kaniyang partido at ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ni Marcos dahil mahalaga sa kaniya ang ‘paninindigan at isang salita’.

“I truly appreciate the love of so many for me and while I continue to respect your decision to support another presidential candidate, it is with a heavy heart that I cannot be one with you on this,” dagdag pa ni Inday Sara.

Sa kabila nito, umaasa at nagdarasal pa rin umano siya na patuloy ang suporta sa kanilang UniTeam.

Imahe mula sa Facebook| Bongbong Marcos

“Handa ang UniTeam BBM-Sara para harapin ang mga hamon sa pamamahala. Mahalin natin ang Pilipinas,” pagwawakas ng alkalde.

Kapwa nangunguna sa mga survey ang BBM-Sara tandem kahit hindi pa nagpapahayag ng suporta rito ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ama ng alkalde.

Makakalaban ni Inday Sara sa pagka-bise presidente sina Senate President Tito Sotto, Senador Kiko Pangilinan, Rep. Lito Atienza, Doc Willie Ong at Walden Bello.

politics

Pacquiao, palalakasin ang presensya sa social media para harapin ang mga trolls

Published

on

By

Palalakasin ng presidential aspirtant na si Senator Manny Pacquiao ang presensya niya sa social media para harapin ang mga trolls na nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kanya.

Inamin ng Team Pacquiao campaign manager na si Salvador “Buddy” Zamora na matindi ang social media trolling laban sa senador. Nakaaapekto raw iyon sa standing ni Pacquiao sa presidential race.

Nilinaw ni Zamora na hindi sila uupa ng mga trolls para harapin ang mga bashers ni Senator Pacquiao, kundi mga supporters at volunteers na naniniwala sa kakayahan ng retired boxing champion na maging lider ng bansa.

“We are recruiting real persons who may help to handle the social media. We will be addressing these in the coming months. Such as that come May, we hope to overtake everybody,” wika ni Zamora.

Aniya, mas madalas nang makikita sa social media ang senador para tumugon sa mga katanungan ng mga tao o kaya naman ay mag-post ng mga bagay na magpapakita ng kanyang mga katangian na hindi pa nalalaman ng publiko.

“Just like what he posted yesterday. He was doing the piano and was singing. We will be doing more of that,” sabi pa ng campaign manager ni Pacquiao.

Ayon pa kay Zamora, mas mataas pa sana ang popularity rating ng pambansang kamao kung agad nilang natugunan ang mga fake news na ipinakakalat laban sa kanya.

Sabi niya, batay sa mga pinakabagong survey, nasa pangatlo si Pacquiao. Una si Bongbong Marcos at ikalawa naman ni Vice President Leni Robredo. Pero kung susuriing mabuti ang survey ay “statistically tied” daw si Pacquiao at VP Robredo.

Aniya, hindi raw totoo na dinudumog lang si Pacquiao sa mga lugar na pinupuntahan dahil sa pamimigay niya ng pera. Inihalimbawa niya ang una nitong pagbisita sa Batangas kung saan dinumog din ito kahit walang ipinamahaging pera.

Inamin ni Zamora na lahat sila sa Team Pacquaio ay kontra sa ginagawa ng senador na pagbibigay ng pera sa mga lugar na pinupuntahan, subalit mapilit daw ito dahil bahagi na raw ng buhay at adbokasiya nito ang pamamahagi ng tulong.

Tiniyak naman niya na matitigil na ito kapag  pormal nang nagsimula ang campaign period sa February 8.

Sinisilip ng Team Pacquiao ang Luneta o Bulacan para sa kick-off rally sa February 8 upang malaki ang espasyo para sa pagdagsa ng mga supporters.

Paiigtingin din ng kampo ni Pacquiao ang political advertisements sa radyo, telebisyon at sa iba’t ibang social media platforms.

Ang hindi raw nila gagawin ay ang paninira sa kapwa kandidato at sa kasalukuyang administrasyon.

Continue Reading

politics

‘Nothing personal’: Sotto iginiit na walang ‘tampuhan’ sa pagitan nila nina Sharon at Kiko

Published

on

By

Nilinaw ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi nagkaroon ng lamat ang relasyon nila sa mag-asawang Sharon Cuneta at Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan.

Si Sotto ay tumatakbong bise presidente ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, habang si Pangilinan naman ay ka-tandem ni Vice President Leni Robredo.

Ang misis ni Kiko na si Megastar ay pamangkin ng asawa ni Sotto na si Helen Gamboa.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Sotto na ‘walang personalan’ umano kung pareho man sila ngayon ng posisyong tinatakbuhan ni Pangilinan.

“Well siguro, only the future will tell. Ako, sa akin, I think of it as a political situation,” paliwanag ni Sotto. “Sa akin, nothing personal.”

Tungkol naman sa pamangkin niyang si Pasig Mayor Vico Sotto, sang-ayun din umano siya na desisyon nitong huwag munang sumabak sa national election.

“Alam mo si Mayor Vico, ano siya, focused yun eh. Nakalatag ang paa nun sa lupa. Meron siyang sariling partido, iba ang partido namin,” wika ng Senate President.

“Perhaps in the future, baka hindi natin masabi kung ano man ang ikinikilos niya,” dagdag pa nito.

Si Mayor Vico ay anak ni Vic Sotto na nakababatang kapatid ni Tito Sotto.

Ang alkalde ng Pasig ay kasapi ng Aksyon Demokratiko na ang standard bearer ay si Manila Mayor Isko Moreno, habang ang pangulo ng Senado naman ay miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Nauna nang sinabi noong nakaraang taon ni Sotto na hindi siya nababahala sa paghaharap nila ni Pangilinan sa susunod na halalan bilang magkalaban.

Subalit inamin din nitong ‘big deal’ umano sa kanilang pamilya ang usaping ito.

“That question would better be asked [of] my wife and my children. They have a different perspective. As far as I am concerned, sa akin I brush it off. But to them, it’s a big deal,” paglalahad noon ng Senate president.

Continue Reading

politics

Pacquiao, excited at handang-handa na sa presidential debates para sa nalalapit na eleksyon

Published

on

By

Excited na si Senator Manny Pacquiao na makilahok sa presidential debates na gagawin bago ang eleksyon sa Mayo.

Ang mga debate ay isa umanong magandang pagkakataon para mailahad niya ang kanyang plataporma at mga programa para sa ating bayan.

“I’m ready and excited to join any presidential debate. Itong mga debate ng mga gustong mamuno sa ating bansa ay isang magandang paraan upang aming mailahad ang aming saloobin, layunin at programa para sa bayan at para sa ating mga mamamayan,” ani Sen. Pacquiao.

Isa rin umanong paraan ang presidential debate upang masabi ng mga presidential aspirants ang kani-kanilang mga nagawa bago pa pumasok sa politika at ang kanilang plano kapag nasungkit ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.

“Maganda rin itong venue upang maipaalam natin sa ating mga kababayan ang mga bagay na ating mga nagawa na bago pa man tayo pumasok sa politika at kung ano ang ating mga gagawin pa para naman guminhawa ang buhay ng mga Pilipino. Ito na po ang panahon at pagkakataon para manalo ang mahihirap,” wika ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Sinabi ni James Jimenez, ang spokesperson ng Commission on Elections (Comelec),  na magkakaroon ng hybrid primary debates para sa mga national candidates ngayong buwan ng Enero.

Ipinaliwanag ni Jimenez na sa hybrid debate, ang mga kanadidato ay personal na maghaharap-harap habang ang mga manonood ay online ang gagawing panonood bilang pag-iingat na rin sa pandemya.

 

Ayon sa Comelec, magkakaroon ng tatlong presidential debates at tatlo ring vice-presidential debates.

Noon pa mang nakaraang taon ay isinusulong na ni Senator Pacquiao ang face-to-face presidential debate. Ayaw daw niya na gawin iyong online.

“Dapat face-to-face, para magkaalaman…Mas maganda personal, huwag ‘yung online. Bakit online? Ano, natatakot sila? Sinasabi ko sa inyo… di ako papasok dito kung hindi ko alam ang gagawin ko,” aniya.

Sinabi ng senador na ang pagtutuunan niya sa presidential debates ay ang kanyang plataporma na nakasentro sa paglago at pagsasaayos ng ekonomiya, trabaho, healthcare, pangkabuhayan , pabahay at anti-corruption drive.

Continue Reading

Trending