Connect with us

VIDEO

“Dirty secrets” sa lumang bahay ni Dra. Vicki Belo nabunyag sa vlog ni Vice Ganda

Published

on

Si Dra. Vicki Belo ang guest ni Vice Ganda sa latest vlog niya.

Binisita ni Vice si Dra. Belo sa lumang bahay nito sa isang posh subdivision sa Makati City. Sixteen years old na raw ang bahay kaya nagpatayo ang celebrity dermatologist at asawa niyang si Hayden Kho ng bagong bahay doon din sa subdivision na iyon.

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

Natuwa ang mga nakapanood ng vlog dahil naipakita roon ang isang side ni Dra. Belo na game na game din sa pakikipagkulitan kay Vice.

Inilibot ni Dra. Belo si Vice sa lumang bahay. Doon na nakita ng It’s Showtime host ang itinatagong “dirty secrets”  sa loob ng bahay.

Habang minamasdan ni Vice ang mga sapatos na koleksyon at ilang mga damit ni doktora ay napansin niya ang isang napakaalikabok na electric fan na medyo kinakalawang pa sa ibang parte.

“Alam mo mayaman kayo, pero salaula kayo. Andumi-dumi ng electric fan n’yo,” sabi ni Vice na nagulat sa natuklasan.

“Saka rusty na, oh. See guys, we’re not rich,’ pabirong sabi ni Dok Vicki.

Duda ni Dra. Belo dala ni Vice ‘yung maruming electric fan.

“Ba’t naman ako magdadala. Bahay ba naman ‘to?” hirit ni Vice.

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

Sumunod na pinasok nila ang master’s bedroom kung san may sariling massage bed na especially made para sa kanya. Dumako ang pansin ni Vice sa King size bed sa kwarto at pinansin ang bedsheet na may butas.

Nagbiro tuloy si Dra.Belo na sisisantehin niya ang kasambahay.

Sinubukang mahiga ni Vice sa kama at umakap sa isang unan, pero laking gulat niya nang makita ang isang maruming brief sa ilalim ng unan.

Aniya, ang yaman-yaman ni Dra. Belo pero hindi maibili ng bagong brief ang asawang si Hayden.

“Andami mong naipundar sa buhay, brief ng asawa mo Brute madumi pa,” pang-ookray pa ni Vice na labis na ikinatuwa ng mga subscribers niya sa YouTube.

Screenshot from Vice Ganda’s vlog

“Grabe ka Vice, you really bring out the joy in people. We all know who Dra. Belo, is, but this vlog showed a different side to her that we all needed to see. Ang funny niyong dalawan anad it really helped me see the light in this current situation. Sana mag-collab talaga kayo ulit.”

 “Akala ko super masungit talaga siya hahaha pero dahil meron tayong Vice Gance, nakita natin ‘yung side niya na ganito na super cool niya lang and may pagkakalog din.”

 “Regardless of their status in life, Vice and Dra. Vicki still offerd us how to be humble, generous and to be radiant in all aspects of life. Katol, dirty electric fan, brief, plenty of shoes and bags, lubricant – laugh trip.”

Panoorin ang riot sa katatawanang vlog ni Vice:

 

 

Social News

Batang sementeryo noon, miyembro na ng SWAT team ngayon

Published

on

By

Kapag bata ka pa, hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng kapalaran. Sino ba naman ang mag-aakala na mula sa pagiging batang-sementeryo ay  mararating niya ang estado bilang miyembro ng MPD SWAT team?

Siya si PO1 Angelo ‘Yong’ Borlongan na kabilang sa SWAT team ng MPD. Ang 28-anyos na police officer ay sa sementeryo ipinanganak at doon na rin lumaki at nagkaisip kasama ang kanyang nanay, lolo at lola.

Viral na pulis

Nag-viral si PO1 Yong dahil sa isang video sa Tiktok kung saan plano niya sanang magsayaw ngunit biglang pumasok ang kaniyang team leader  na naghahanap ng kutsilyo para tanggalin ang tali sa walis. Ang video na ito ay humakot  ng mahigit 8.7M views. Dahil dito ay ifineature siya ng Rated Korina.

Si Yong pala ay lumaki sa sementeryo kapiling ang kanyang ina at ang lolo’t lola. Ang kanyang lolo ay isang sepulturero at naging katu-katulong nito si Yong.

“Bilang isang bata, nagkaroon po ako ng pangarap sa buhay. Nakita ko po ‘yung aking mga magulang, ang aking mga lolo kung gaano kahirap,” paglalahad niya.

Walang permanenteng trabaho ang pagsesepulterero, kaya iniwanan si Yong ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola para hanapin ang kapalaran sa ibang lugar.

“Wala ‘kong mapapag-iwanan kundi mga magulang ko lang ang pagkakatiwalaan ko, kailangan kong maghanapbuhay, pumapasok sa pabrika para kahit papano siyempre meron din silang makain. Napakahirap po ng isang single mom,” ani Alona Borlongan, nanay ni Yong.

Dumating rin sa punto na halos walang ulam at kanin lang umano ang kinakain nina Yong.

Noong 2003 bumalik at kinuha siya ng kanyang ina sa kanyang lolo at lola at pinalaki na siya ng kanyang stepfather.

Pagka-graduate sa highschool, hindi na niya inasahan na siya ay makatutuntong pa sa kolehiyo. Ngunit nagtulong-tulong umano ang mga magulang ni Yong at mga kamag-anak sa sementeryo para matustusan ang pag-aaral niya sa kursong BS Criminology.

Sa wakas ay nakatapos na siya ng kolehiyo at naging ganap na pulis nang pumasa sa board exam noong 2016.

“Siyempre po maraming salamat sa Diyos dahil maiisip mo na sitwasyon mo ganun, pero napakasaya maam, Maraming salamat sa Diyos,” aniya sa kanyang panayam sa Rated Korina.

“Naiiyak ako dahil sa dinami dami ng tao, ako pa ‘yung isa sa mga pinili ‘di ba, na maging isang alagad at tagapagpatupad ng batas, sinisikap na maging isang mabuting pulis, ‘di ba po?” aniya.

“Kaya po nakakaiyak dahil sa tuwa, walang mapaglagyan po yung tuwa,” dagdag pa niya.

Nang magkatrabaho ay umupa sila ng kanyang nanay ng bahay sa halagang P4,000 na kadikit din lang ng sementeryo. Kung dati ay sa ibabaw ng nitso siya natutulog, ngayon kahit paano ay may silid na siya at higaan.

“Hindi ko po maiiwan itong sementeryo kasi andito po ang aking comfort zone, dito po ako masaya, nandito po ang buhay ko, walang sasaya pa dito sa lugar na to kahit na ako’y bigyan pa ng pagkakataon ng diyos na mas lalong umangat pa hinding hindi ko kakalimutan ‘tong lugar na to dito na po ako eh, dito na po ako lumaki, dito na rin po ako hihimlay,” pagtatapos niya sa panayam ng Rated Korina.

Panoorin si Gwapulis:

Continue Reading

entertainment

Rabiya Mateo, from beauty queen to Agent Asha Raj, sa ‘Agimat ng Agila Season 2’

Published

on

By

Matapos ang action-drama-fantasy series na ‘Agimat ng Agila’ ay kumpirmado nang magkakaroon ito ng Season 2  dahil bumenta ito sa mga manonood.

Itinuring na lucky charm ng pangunahing tauhan na si  Senator Bong Revilla sina Sheryl Cruz at Sanya Lopez na nakasama niya sa unang season. Ang tanong ngayon, maging lucky charm din kaya ni Revilla si Miss Universe PH 2021 Rabiya Mateo sa Season 2?

Malaki ang pasasalamat ni Senator Bong Revilla at ng buong team ng Agimat ng Agila na nanatiling napaka-supportive ni Sanya Lopez sa Book Two ng action-fantasy series na ito ng GMA-7. Nandiyan pa rin kasi si Sanya bilang si Maya na may mahalagang role pa rin sa book 2 nito.

Pasok, Rabiya Mateo

Sa Season 2 ay makakasama na ni Revilla`ang beauty queen-turned-actress na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo  na gaganap bilang si Agent Asha Raj.

Aa isang panayam ay inamin nitong isang matinding challenge ang pagtanggap niya ng action-heavy role.

“With me being a beauty queen, nandon ’yung finesse, poise. Dito, you have to sweat it out—everything,” saad ni Mateo.

“Sobrang layo niya po talaga sa pagiging isang beauty queen [pero] I’m loving the challenge,” dagdag pa niya.

Ang serye ay puno ng maraming aksyon kaya naman sa kanyang pagsasanay ay nagkakaroon daw talaga ng sakitan na kanya namang iniinda. Gayunpaman, masaya siya lalo na’t ‘yung gagampanan niyang karaker ay si Agent Asha Raj at magiging  leading lady ng bigating aktor.

“I know masakit talaga siya. I know hindi siya biro. Nagkakasakitan talaga, nagkaka-pasaan din. I guess it’s part (of it). I have to be professional about it and magandang training ground siya,”aniya.


“Sana in the future, marami pa akong mga action scenes, action series na magawa kasi nakikita ko ang sarili ko rito,” ani Rabiya. “If there’s pain, there’s power.”

Ito ang kauna-unahang serye ng Beauty Queen mula nang maging Kapuso siya noong Nobyembre. Kahit baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte ay makikita na umano ang potensyal nito sa industriya.

Kaya naman napabilib niya si Revilla. “She’s a very good actress and may chemistry rin kami,” saad ng senator-actor.

“Nakikita ko na malayo rin ang mararating [niya]. Malay mo maging action queen ’yan,” dagdag pa nito.

“Ang galing sa stunts, matapang, at magaling umarte. ’Di pa nakapag-workshop nang ganon [katagal] ’yan pero ang galing na niya umarte,” humahangang pagbabahagi ni Revilla.  “She’s very smart.”

Nawa’y suwerte rin ang hatid ni Mateo sa ikalawang season ng Kapuso action-fantasy series.

Mapapanood ang Agimat ng Agila Season 2, simula sa January 29, tuwing Sabado, 7:45pm. Abangan!

Paanoorin ang Agimat ng Aguila Season 2 teaser, Ang Pagbabalik.

Continue Reading

Social News

Wedding vow ng groom na sobrang kabado: ‘tinitipan kita ng kanyang bahay ang aking bahay na may bahay’

Published

on

By

Para sa mga couples, ang kanilang wedding day ang ‘pinakamahalagang araw’ sa kanilang buhay, lalo na kapag talagang mahal n’yo ang isa’t isa. Hindi nakapagtataka na sa araw na iyun ay may halong kaba at pananabik ang mga ikakasal kapag nasa altar na.

Nag-viral ang isang video clip na ibinahagi ng Facebook page na Tambayan ni mael; kung saan ay mapapanood ang pagpapahayag ng wedding vow ng groom.

Dahil yata sa labis na kaba ay hindi makapag-concentrate ang ating bida sa kanyang linyahan sa kasal.

Bitaw niya sa kanyang bride, “Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kita ng kanyang bahay… ang aking bahay (napapikit)… na may bahay.” 

Hindi mapigilang matawa ng mga naroroon kabilang na ang bride at ang paring nagdadaos ng kanilang matrimonyo. Agaw pansin din ang reaksyon ng bride.

“House and lot ang gusto mo ah, hindi si Stephanie!” biro ng pari. “Ulit-ulit” dagdag pa nito.

Inulit muli ng pari ang pagdidikta ngunit ilang beses pa ring nagpaulit-ulit ng sabi ng ‘bahay’ ang groom.

 

“Stephanie sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayan tinitipan kitang aking maging bahay …, pag-ulit ng groom na humakot na naman ng tawanan.

Hindi nagtagal ay ibinigay na lamang ng pari ang kanyang librong hawak sa groom. “Basahin mo na nga,” ani father.

Ayun, nabuo din sa wakas ang wedding vow ng groom. Truly unforgettable wedding!

Ang mga netizens ay sobrang naaliw kaya naman ang video ay nagkaroon na ng 315k reacts, 9K comments at 7.1M views as of posting.

“Yung Kinakasal ka pero Bahay na agad ang nsa isip mo.”

“Congratz po imbes maiyak kasi kasal puro tawa ako eh pero ang cute n’yo po mag jowa este mag asawa pala.”

“I LOVE the Future Wife’s Gestures…If di mo pa na experience yong Tap sa dib2 at kurot sa pisngi then you don’t know how much LOVE that goes with it.”

“I can imagine how their life will be full of laughters and joy God bless your union.”

“The happiest bride that I’ve ever seen…Congrats to both of you.”

Nagbahagi din ng video sa YouTube ang newly weds na sina Steph at Alfie Magpantay.

Continue Reading

Trending