Connect with us

News

“Humanitarian considerations”: Pharmally exec Twinkle Dargani pinakawalan na ng Senado

Published

on

Imahe mula sa CNN PH

Pinayagan na ng pamunuan ng Senado na makalaya mula sa Senate detention si Pharmally Pharmaceutical Corp. executive Twinkle Dargani dahil sa ‘humanitarian considerations’.

Ang release order ay pirmado ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na sinabing pumayag na rin dito sina Senate Blue Ribbon Committee chairman Sen. Richard Gordon, Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon.

Dargani siblings| Imahe mula sa OneNews.ph

Nitong Lunes nang gabi, Enero 10, ipinag-utos ni Sotto sa Senate Sergeant-at-Arms ang pagpapalaya kay Dargani na nasa kustodiya ng Senado simula pa noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Paliwanag ni Sotto, pinalaya nila si Dargani matapos makiusap ang nanay nito dahil umano sa lumalalang kondisyon ng ‘mental health’ ng kaniyang anak na babae.

“Her mother has promised to present her to the Senate whenever she is needed by the Senate Blue Ribbon Committee,” ayon sa pahayag ng Senado.

Imahe mula sa Senate

Ayon naman kay Gordon, pinalaya nila si Dargani subalit mananatili itong nasa ilalim ng ‘house arrest’ at may ilang kondisyong dapat sundin ang banyaga.

Kabilang dito ang pananatili ni Dargani sa kanilang bahay lamang habang patuloy ang Senate hearing. Kailangan umanong ‘available’ palagi ang Pharmally exec tuwing tatawagin sa kanilang pagdinig.

Hindi rin pinapayagang makalabas ng bahay o ng bansa ang nasabing opisyal ng Pharmally hangga’t hindi pa tapos ang ginaganap na hearing.

Imahe mula sa Manila Times

Si Twinkle Dargani ay nagpositibo sa COVID-19 base sa test result na lumabas noong Enero 7. Isinugod umano ito sa Philippine General Hospital (PGH) subalit ibinalik din sa Senado.

Sa kasalukuyan, siya ay nakararanas umano ng mild na sintomas lamang.

Si Twinkle at ang kaniyang kapatid na si Mohit Dargani ay isinailalim sa kustodiya ng Senado matapos tumanggi ang mga ito na ilabas ang mga dokumentong hinihingi ng mga senador na may kaugnayan sa P8.6-B na kontrata nito sa DBM-Procurement Service para sa pagbili ng medical supplies sa kalagitnaan ng pandemya.

Sinubukang lumipad palabas ng bansa ang magkapatid upang takasan ang Senate hearing subalit nahuli ang mga ito ng mga awtoridad.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

News

Lolo Narding tatlong beses humingi ng paumanhin sa caretaker, batay sa record ng barangay

Published

on

By

Hindi lamang isa kung hindi tatlong beses pa umanong humingi ng paumanhin si Lolo Narding sa caretaker ng lupang kinatatayuan ng kontrobersiyal na punong mangga.

Ito ay kung pagbabatayan umano ang record ng barangay, ayon sa ulat ng Inquirer.

Nauna nang sinabi ng caretaker ng lupa na si Robert Hong na handa siyang iurong ang reklamo laban kay Lolo Narding kung aaminin ng matanda ang kasalanan at mag-public apology ito na hindi pa raw nangyayari hanggang ngayon.

Subalit base sa record umano ng Barangay Bantog kung saan nagharap ang dalawa, unang humingi ng paumanhin si Lolo Narding noong Abri 26, 2021, isang araw matapos siyang akusahan ni Hong ng pagnanakaw ng manga at pagbebenta nito sa isang buyer.

Ayon umano sa transcript ng pag-uusap ng dalawa sa harap ng mga opisyal ng barangay, sinabi ni Lolo Narding na binayaran lamang siya ng P600 ng buyer para sa 10 crate ng mangga; malayong-malayo raw sa presyong dapat ay P1,200 bawat crate.

Inamin rin dito ng 84-anyos na matanda na napilitan lamang siya sa naturang sitwasyon at humingi ng paumanhin kay Hong.

Muli raw humingi ng paumanhin si Lolo Narding sa ikalawang pagkakataon sa nasabi ring meeting nila nang araw na iyon.

Noong Mayo 6 ay muling nagharap ang dalawa sa barangay at humingi ulit ng paumanhin si Lolo sa caretaker ng Lupa. Turan pa umano nito, “Bakit hindi nila ako mapatawad?” sa salitang Pangasinan.

Tuluyang sinampahan ni Hong ng reklamong pagnanakaw at trespassing si Lolo Narding noong Mayo 13, 2021 sa 7th Municipal Circuit Trial Court ng Asingan-San Manuel.

Nitong Enero 13, 2022, isinilbi ng Asingan police ang warrant of arrest laban kay Lolo Narding.

Nag-viral sa social media ang pagkakakulong sa matanda at umani ito ng simpatiya sa maraming netizens na naawa sa kaniyang sinapit, habang marami naman ang nagalit sa caretaker na nagsampa ng reklamo.

BASAHIN: Lolo Nardo binigyan ng negosyo ni Wendell Ramos

Pansamantala nang nakalaya si Lolo Narding matapos makapagpiyansa noong Enero 20, subalit ang arraignment para sa kaniyang kaso ay itinakda sa ika-8 ng Pebrero.

Continue Reading

business

Informant ibinahagi kung paano nila nakuha ang OTP ng ilang kliyente ng BDO

Published

on

By

Idinetalye ng informant ang paraan kung paano sila nagkaroon ng access sa OTP (one-time password) ng mga kliyenteng apektado ng BDO hacking noong nakaraang Disyembre.

Sa panayam ng GMA News, isiniwalat umano ni ‘Alex’ na siya ang gumawa ng ‘text blast’ na ipinadala sa mahigit 700 kliyente ng BDO. Si Alex din ang nagbigay ng impormasyon na nauwi sa pagkakahuli ng apat na suspek noong isang araw.

Kuwento ng impormante, sa message link na ipinadala nila ay doon naglogin ang mga account holder gamit ang kanilang username at password.

“At the same time meron na po kaming OTP nung depositor, kumbaga hindi na po papasok sa kanya yung OTP, kundi sa panel na po namin,” lahad ng informant.

Inamin din ni Alex na kasama siya sa gumawa ng ‘Mark Nagoyo’ account na siyang ginamit ng mga hacker para itago at ibili ng cryptocurrency ang milyones na kanilang nanakaw.

Tinaon umano talaga nila na sa buwan ng Disyembre gagawin ang hacking dahil maraming OFW ang nagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Alam po namin na mas maraming depositor yung sa month ng December kasi po magpa-Pasko at Bagong Taon. Mas marami pong depositor si BDO sa ibang bansa po like OFW (Overseas Filipino Workers),” wika nito.

Inamin din ng isa pang naaresto, na isang babae, na isa siya sa kumakausap sa mga kliyente ng bangko para makuha ang kanilang OTP.

Samantala, patuloy na sinusuri ng National Bureau of Investigation  (NBI) ang mga gadgets na nasamsam nila mula sa apat na kataong naaresto para mas maintindihan nila umano ang operasyon.

BASAHIN: 4 kataong umano’y sangkot sa BDO hacking noong Disyembre, nahuli na

Bukod dito, magagamit rin daw ito para mas lalo pang mapalakas ang security ng ating financial institutions.

Buong ulat ng GMA News:

Continue Reading

News

Kampo ni BBM naniniwalang biased kontra Marcos si Jessica Soho; GMA Network naglabas ng pahayag

Published

on

By

Ipinaliwanag ng kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos ang desisyon nitong hindi lumahok sa presidential interview ni Jessica Soho.

Naniniwala raw silang biased kontra mga Marcos ang host kaya ang mga ibabato umano nitong tanong ay hindi papabor kay Bongbong.

“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike,” sabi ni Atty. Victor Rodriguez, ang spokesman at chief of staff ni Bongbong.

Hindi raw masusukat ang kakayahan niyang maging presidente sa pagdalo sa isang show, lalo na kung may “preconceived judgment” ito laban sa kanilang pamilya.

Gayupaman, patuloy raw na ipararating ni Bongbong ang kaniyang plataporma sa pamamagitan ng pagdalo sa iba pang show at forum.

“Presidential aspirant Bongbong Marcos’ duty is to the Filipino people and not to a particular tv show or program host. We will continue with our way of communicating direct to the people in so many equally significant shows, platforms, and forums where all the attendees are allowed to present their visions, plans, and platforms freely, unfiltered and unhindered by any biases,” dagdag ni Atty. Rodriguez.

Samantala, sa pahayag ng GMA ay sinabi nilang si Soho ang isa sa mga most trusted media personality sa bansa dahil sa pagsunod nito sa GMA News and Public Affairs ethos na “Walang Kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.”

“This same ethos has guided Ms. Soho and the whole GMA News and Public Affairs organization, which is the most trusted media organization in the Philippines, according to the University of Oxford/Reuters Institute for the Study of Journalism,” saad sa kanilang pahayag.

Naniniwala rin daw silang mahalagang magkaroon ng ganitong uri ng mga diskusyon upang tulungan ang mga mamamayang magdesisyon kung sino ang karapat-dapat iboto sa darating na halalan.

“We believe that this is an important exercise to inform the public about the candidates seeking their votes in Eleksyon 2022, to help them make the best, most informed choice on their ballots.”

Continue Reading

Trending