Connect with us

Philippine Showbiz

Shanaia Gomez masayang-masaya sa kanyang unang acting project na kasama si Belle Mariano

Published

on

Ang dating Ex PBB housemate, ang “Ang Rising Darling ng Quezon City”, na si Shanaia Gomez ay sasabak na sa isang proyekto. Ito umano ang kanyang unang acting stint.

Ibinalita ng PUSH na kasama nga si Shanaia Gomez sa unang pagkakataon at makakasama niya ang aktres na si Belle Mariano sa isang acting project; ang latest season ng ‘Click, Like, Share’ kung saan ay gagampanan niya ang karakter bilang kapatid ni Belle Mariano.

Imahe mula sa YouTube

“I loved working with Belle. She’s so great. She’s so fun and I feel like I learned a lot from her. Especially because this is my first acting experience and I’m with Belle. She’s super talented so siguro one thing that was a memorable moment is just watching her work is already enough for me. Just like watching her do her thing. It was really great,” ibinahagi niya sa isang media conference noong Enero 6.

Sa kumperensya naganap ng ‘Click Like and Share’ ay sinabi ni Direk Andoy – na siyang nagdirihe ng episode- na talagang interesado, may skills at matalino ang aktres na si Shanaia kahit baguhan pa lamang ito sa larangan ng showbiz.

“Well I think that I really did of course. I was told to always ask for help when I need help. If I need guidance, I know that I have people there to guide me. Of course I want to do my best. I want to try my best for everything and yun lang, I just asked for help. Kahit sa Tagalog din nahirapan ako (laughs). But of course it’s such a great experience especially with direk Andoy (Ranay) and working with different actors. I just feel really grateful and blessed. I feel like it really comes with experience so I’m really blessed that this is the project that I got. Working with direk Andoy was a really, really great experience. I loved it so much and sana there are more coming soon,”  paliwanag ni Shanaia.

Imahe mula sa YouTube

Makikita sa mukha ng dalaga ang excitement sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa larangan ng aktingan  sa pangatlong season ng Click Like and Share.

Ang ‘Click Like and Share’ ay mapapanood sa i-WanTFC simula Enero 12. Ang mga bagong episode ay available tuwing Miyerkules, 8 pm. Mapapanood sina Belle Mariano at Shanaia Gomez sa episode na pinamagatang SWAP. Nasa ilalim ito ng direksyon ni Andoy Ranay.

Panoorin ang mediacon dito na may pasilip sa kanilang episode:

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Philippine Showbiz

Andi Eigenmann ibinahagi ang kanyang fitness journey

Published

on

By

Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa Instagram na ang ilan sa kanyang fitness goals ay naging matagumpay isang taong matapos niyang ipanganak ang kanyang ikatlong anak na si Koa.

Ibinahagi niya ang isang compilation ng videos habang nagsasagawa ng pag-eehersisyo sa bahay,  “Was looking for some motivation and found it in myself!”

Ayon kay Andi, umabot ang kanyang timbang sa 175 lbs nang ipinagbubuntis niya ang bunsong anak na si Koa.

Dahil sa kagustuhang maibalik sa healthy shape ang kanyang katawan ay sinisikap niyang mag-ehersisyo kahit mahirap. Nabawasan siya ng 50 lbs makalipas lamang ng 10 buwan.

Wow! Sana all matiyaga mag-exercise dahil sa panahon ngayon ay food is life! 

Aminado naman ang aktres na nahinto ang kanyang pagpapapayat subalit naisip pa rin niya ang kahalagahan ng ginagawa niyang pag-eehersisyo, hindi lamang sa physical kundi para sa mental health nito.

“Suddenly being “out of place” for almost 2 months froze me up quite a bit, but I realise how much of an impact physical exercise has really had on my mental health and overall well- being,” aniya.

Pinasasalamatan din niya ang kanyang mga fitness coach at ang kanyang asawang si Philmar Alipayo dahil sa pagtulong sa kanyang fitness journey.

“I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit. And also I just wanted to try making a reel,”dagdag pa ni Andi.

Maraming followers naman ang na-inspire sa tiyaga ni Andi:

“Galing Andie! You’re really so inspiring – ina_feleo”

“YAAAAASSSSSS GO GURLLLL!!!!! – yassipressman”

“Galing talaga!happy islander fam fan here.”

“Wow!!!! Thats what you call HARD WORK! Good Job”

Kamakailan ay bumalik na muli ang anak na si Ellie na masayang ibinahagi ni Andi sa Instagram account nito.

Panoorin ang buong fitness journey ng aktres:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Continue Reading

Philippine Showbiz

Tom Rodriguez at Carla Abellana, nag-unfollow sa isa’t isa?

Published

on

By

Usap-usapan ngayon ang pag-unfollow ng mag-asawang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa isa’t isa sa Instagram.

Unang ibinalita ng entertainment website na PEP ang tungkol dito, kalakip ang screenshots na kanilang nakuha, ngunit habang isinusulat ito ay naka-follow na si Carla kay Tom.

Naging concerned tuloy ang kanilang mga taga-suporta sa estado ng kanilang married life lalo na at kamakailan lang nang sila ay magpalitan ng I Dos sa isang Church wedding.

Ang ilan sa kanilang mga suporta, nag-iwan ng komento sa kanilang posts upang iparamdam ang kanilang pagmamahal.

“Be strong. Kaya n’yo ‘yan. Pagsubok lang ‘yan. Fight, Tom! Don’t give up. God is good,” komento ng isang Instagram user sa latest post ni Tom.

“Hi, Tom and Carla. Walang susuko sa inyong dalawa. Kaya ninyo ‘yan. Kahit ano pa ang inyong pinagdadaanan, alam naming kasama n’yo lagi ang Diyos sa inyong pagsasama,” sabi ni Maribel A.

“Marami po kaming mga fans ninyo na humahanga at nagdarasal para sa inyo. Bagama’t ako ay isa sa bago ninyong fans, natutuwa ako kapag parati ko kayong nakikita at napapanood sa Youtube at sa inyong mga social media accounts. Sana po pareho kayong hindi magbago hanggang sa inyong pagtanda,” dagdag niya.

Samantala, sa ulat ng PEP ay sinabi nilang sinubukan nilang hingan ng komento ang manager ng dalawa tungkol sa pag-unfollow nila sa isa’t isa ngunit hindi pa ito sumasagot.

Ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021 sa isang simbahan sa Tagaytay matapos ang pitong taon na relasyon.

Bago ang kanilang kasal, nagbahagi si Carla ng isa sa kanilang prenup photos at sinabing pakakasalan niya ang kaniyang soulmate.

Si Tom naman, isang araw matapos ang kanilang kasal ay nag-post pa ng larawan at sinabing gusto niyang i-flex na kasal na siya sa isang napakagandang binibini. “Wala lang… flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas,” aniya.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Anywhere is meaningful as long as I am with them – Andi Eigenmann

Published

on

By

Dahil hindi pa rin nakababalik sa isla ng Siargao kung saan naninirahan kasama ang kaniyang pamilya ay may napagtanto si Andi Eigenmann.

Ani Andi, nakahanap ng paraan ang kaniyang pamilya upang mag-enjoy sa pansamantalang pagtira sa “concrete jungle.” Naisip niya rin daw kasi na ang mga memorable experience nila ay hindi dahil sa lugar kundi dahil magkakasama sila.

“Happy Islanders have found ways to enjoy the concrete jungle for the meantime. Being away from our island home has made me realise that all those amazing memories had always been so special to me because of who I get to share them with. Anywhere is meaningful as long as I am with them,” sabi ni Andi sa isang Instagram post.

Gayunpaman, sinabi niyang gusto pa rin niyang umuwi sa Siargao.

“Don’t get me wrong though, we still can’t wait to get back home. I’ll always be so thankful for the island that has given me sooo much. Its greatest gift, for one– our little Siargaonons!”

Sa pagsisimula ng taon ay sinabi niyang nahihirapan siyang i-proseso ang kaniyang nararamdaman.

“Been having a tough time assessing how I feel but I realise, never mind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for,” sabi ni Andi.

“My kids know for sure this is not ‘home,’ but having both of us around somehow makes everything better. Although soon, papa will be going back to the island again, I am more than happy to focus on our children for the both of us knowing that he is able to help better from there.”

“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families’ homes in Siargao by watching our December videos on YouTube,” pagpapasalamat niya.

Kabilang ang Siargao sa mga lugar sa bansa na tinamaan ng matinding hagupit ni bagyong Odette.

Continue Reading

Trending