Connect with us

government

Termino ng presidente, bise at iba pang opisyal, nais baguhin ng isang mambabatas

Published

on

Imahe mula sa PNA

Isinusulong ngayon ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang panukalang nais pahabain ang termino ng pangulo, pangalawang pangulo at iba pang elected officials.

Ang Resolution of Both Houses No. 7 ay inihain ni Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. noong Enero 7 kung saan hinihiling dito na magconvene ang Senado at Kamara bilang isang constitutional assembly upang talakayin ang isyu.

Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.| Screenshot mula sa YT

Iminumungkahi ng naturang resolusyon na gawing limang taon ang termino ng pangulo at pangalawang pangulo subalit maaari silang tumakbo muli para sa isang reelection.

“A six-year tenure is too short for a good President, especially if he is confronted with a crippling crisis like the COVID-19 pandemic, which continues to wreak havoc on our health and economy and whose end is not yet in sight. It may take more than one presidency before the nation can fully recover from this catastrophe,” paliwanag ni Gonzales nitong Linggo.

“On the other hand, if we do not like the way the President is governing, we can vote him out of office a year earlier if his term of office is five years,” dagdag pa ng kongresista.

Imahe mula sa CNN PH

Bukod dito, ipinagbabawal din ng panukalang batas ang muling pagtakbo ng pangulo sa anumang elective post kapag nakumpleto na niya ang kaniyang termino. Ang boto para sa presidente ay magiging boto rin para sa kaniyang running mate na bise presidente.

Sa ganitong paraan umano ay mapapalakas ang political party system at matitiyak na magkasundo ang dalawang pinakamataas na opisyal sa pagpapatakbo ng bansa.

Maliban sa pangulo at pangalawang pangulo, nais din ni Gonzales na gawing ‘5 years with one reelection’ ang termino ng mga kongresista. Masyado umanong maikli ang tatlong taon para sa kanila dahil ang huling taon ng kanilang pagseserbisyo ay napupunta na lamang sa mga gawaing may kinalaman sa eleksiyon.

Imahe mula sa PNA

Sa kasalukuyan, ang termino ng isang kongresista ay tatlong taon subalit maaaring sumabak sa reelection nang dalawang beses.

Nasasaad din sa resolusyon na lahat ng local officials, maliban sa barangay officials, ay magkakaroon ng ‘five-year term’ at “no official shall serve for more than two consecutive terms.”

Wika pa ni Gonzales, ang kasalukuyang batas para sa termino ng mga opisyal ay mahigit 34 taon nang umiiral  at ngayon ay napapanahon na umano para baguhin ito upang palakasin ang political system sa bansa para mas mabilis na pag-unlad.

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.

government

Rekomendasyong kasuhan sina Sec. Duque at ex-FDA chief Domingo, binawi ng Kamara

Published

on

By

Ilang oras lamang matapos isapubliko ang committee report na nagrerekomendang sampahan ng reklamo sina Health Secretary Francisco Duque III at dating FDA chief Dr. Eric Domingo dahil umano sa kapalpakan ng mga ito sa pagtugon sa pandemiya, binawi naman agad ito ng Kamara.

Nitong Miyerkules, Enero 26, ay inilabas ang Committee Report No. 1393 na may petsang December 16, 2021 na nagmumungkahing kasuhan sina Duque at Domingo dahil sa paglabag sa Republic Act No 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” at sa “Anti-Red Tape Act of 2007”.

Ang dalawang opisyal umano ay dapat ksauhan dahil sa kanilang “failure to render government services such as approval of applications for automatic renewal within prescribed time.”

Kinuwestiyon din ng report ang magkakasalungat na pahayag ng DOH at FDA hinggil sa Ivermectin bilang gamot sa COVID, pagiging ‘bias’ pabor sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Inc. (PSMID), at backlogs sa mga aplikasyon sa License to Operate and Certificate of Product Registration.

Ang committee report ay nagmula sa House Committee on Good Government and Public Accountability chairperson na pinamumunuan ni DIWA party-list Rep. Michael Edgar Aglipay.

Nagkamali kaya binawi?

Subalit nitong Miyerkules din ay binawi rin ito ng Mababang Kapulungan dahil hindi pa raw tapos ang kanilang pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

“The House of Representatives has always followed the rule of law. And in the constitution enshrined the principle of due process. The resource persons remain such and cannot be respondents unless he was able to attend all hearings and defend himself,” paliwanag ni Aglipay sa mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag.

“So with this, the committee will conduct further hearings or get the side of Secretary Duque since he was not able to attend those hearings. Then and only then we will be able to get the full picture,” dagdag pa ng kongresista.

Inamin rin ni Aglipay na nagkamali sila dahil absent umano sa mga pagdinig si Duque at inakala nilang ini-waive ng kalihim ang kaniyang karapatang marinig sa Kongreso.

Continue Reading

government

Iba pang frequency ng ABS-CBN napunta rin sa SMNI ni Quiboloy, Aliw Broadcasting

Published

on

By

Bukod sa kompanya ni Manny Villar, nakakuha rin ng dating frequency ng ABS-CBN ang Sonshine Media Network International (SMNI) na pag-aari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pahayag nitong Miyerkules, kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) na naibigay sa Swara Sug Media Corp., ang kompanyang namamahala ng SMNI, ang Channel 43.

Ang Channel 43 ay dating naka-assign sa Amcara Broadcasting Network, ang block timer ng ABS-CBN para ipalabas ang programa sa kanilang set-top box TV Plus o ‘black box’.

Paliwanag ng NTC, ang SMNI ni Quiboloy ang pangatlong aplikante na naghahanap ng provisional authority (PA) para sa kanilang digital media broadcasting system simula pa noong 2007.

Ang kontrobersiyal na pastor ay kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.  Ang SMNI ay kasalukuyang umeere sa UHF Channel 40.

Samantala, ang Channel 23 ay ibinigay naman ng NTC sa Aliw Broadcasting Corp, ang kompanyang nagpapatakbo sa radio stations na DWIZ AM at Home Radio FM.

Sa Channel 23 napanonood dati ang Studio 23 ng ABS-CBN at ang kanilang programang Sports+Action.

“Aliw was the second applicant for an authority to install, operate and maintain a digital TV in Metro Manila.  Aliw was granted the PA after the determination of its legal, technical and financial qualification,” paliwanag ng NTC.

Nauna nang kinumpirma ng NTC na ibinigay sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ni Manny Villar ang Channel 2 at Channel 16 frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN.

BASAHIN: Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC,” pahayag ng NTC.

Ang ABS-CBN ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong 25-taong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

Continue Reading

government

Dating frequencies ng ABS-CBN hawak na ng kompanya ni Manny Villar

Published

on

By

Ibinigay na sa kompanya ni dating Senate President at bilyonaryong negosyante na si Manny Villar ang television at radio frequency na dating ginagamit ng ABS-CBN Corporation.

Kinumpirma ito ng National Telecommunications Commission (NTC) sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, Enero 25.

“After the technical evaluation of AMBS’ request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS. This temporary assignment is for simulcast purposes only, and only until the analog shut-off scheduled in 2023,” pahayag ng NTC.

Ang AMBS (Advanced Media Broadcasting System Inc.) ay pag-aari ni Villar at nabigyan ng 25-taong prangkisa noong 2019.

Samantala, ang ABS-CBN naman ng pamilya Lopez ay nabigong makakuha ng panibagong prangkisa matapos itong ibasura ng Kamara noong Hulyo 2020.

 

“The temporary assignment was granted to ensure service to both analog and digital TV signal users as the country transitions to full digital TV,” dagdag pa ng NTC.

Bukod dito, isa pang NTC order na pirmado nina  NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, at deputy commissioners Edgardo Cabarios at Delilah Deles ang nagbigay din ng ‘provisional authority’ sa AMBS para sa isang digital TV broadcasting system gamit ang isa pang dating frequency ng ABS-CBN.

“In the interest of public service, the Commission hereby grants Advanced Media System Inc. a provisional authority to install, operate, and maintain a digital TV broadcasting system…using Channel 16…for 18 months,” ayon sa order.

Paliwanag ng NTC, ang AMBS ang unang aplikanteng naghahanap ng frequency simula pa noong 2006 umano.

“AMBS has been waiting for an available digital frequency since 2006 after undergoing a quasi-judicial process which include notice to all interested/affected parties and hearing,” anang ahensiya.

Ang anak ni Villar na si Las Piñas Rep. Camille Villar ay isa sa mga bumoto noon para ibasura ang prangkisa ng ABS-CBN. Ang isa pang niyang anak na si Mark Villar ay itinalagang Public Works Secretary at ngayon ay tumatakbong senador.

Continue Reading

Trending