Connect with us

Health

Dahon ng tanglad nakapagpapalakas ng resistensya

Published

on

Sa paningin ng iba ang halamang tanglad ay pangkaraniwang damo lamang. Ngunit alam mo bang espesyal ang damong ito?

Ano ang tanglad o lemon grass?

Ang tanglad ay isang mabangong damo na karaniwang ginagamit na pantanggal sa lansa ng mga pagkain. Kilala rin ito bilang sangkap sa paggawa ng tsaa. Ang mga dahon nito’y pahaba at napalilibutan ng maliliit na tusok-tusok. Orihinal na nagmula ang halaman sa bansang Sri Lanka, India at isla ng Java, ngunit ito’y karaniwan na ring pananim sa mga taniman sa Pilipinas.

Popular ang halamang ito sa rehiyon ng Southeast Asia dahil sa iba-ibang gamit nito. Ginagamit mang pampabango at pampasarap sa pagkain ang tanglad, mahalagang malaman din natin na pinalulusog din nito ang mga kumakain. Ito ay ayon sa mga pag-aaral sa halamang ito na may scientific name na Cymbopogon citratus at kilala rin bilang lemongrass.

Tradisyunal sa mga pinoy na gumamit ng tanglad bilang sahog sa pagluluto dahil sa taglay nitong bango at pampalasa. Ang puting bahagi ang kadalasang hinihiwa nang pino at hinahalo sa lutuin dahil malambot ito kumpara sa berdeng parte.

Karamihan sa mga nagluluto ay sinasahog ang buong bungkos ng tanglad para tumingkad pa ang lasa ng  iba’t ibang putahe.

Ngunit may benepisyo rin palang hatid sa atin ang dahon ng tanglad at hindi lang basta pampagana sa ating pagkain.

Katulad ng kalamansi, luya at iba pang mga halamang gamot, ang tanglad ay nagbibigay resistensya din pala para sa ating pangangatawan.

Ngayong 2022 mas patibayin at palakasin pa natin ang ating resistensya laban sa mga sakit at virus na kumakalat.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ibinahagi ni  Annie ang benepisyo ng tanglad. Si Annie Rose Cane ng Bayugan City, Agusan del Sur,  ay may mahigit 2.5 hektarya na taniman ng tanglad.

“Ang intensyon po namin noong una for food seasoning lang po, tapos ayun may bumalik sa amin na bibili nun,” sabi ni Annie

Ang purpose lamang talaga nila daw ay pansahog lamang ang mga tanglad nila hanggang sa lumaon ay naisip nila na puwede pala itong gawing tsaa.

Kada tatlong buwan ay kanila itong inaani at inilalagay sa distiller upang makuha ang katas nito at ginagawang tanglad juice.

Ang kanilang inaaning tanglad o lemongrass ay kanilang kinukuhanan ng katas o hydrosol at ginagawang inumin.

“Pag-inuubo po ako o sinisipon o kahit po lagnat iniinom ko po ang tubig ng tanglad pampawala ng sakit ko,” aniya.

Kapag nagkakasakit umano siya tulad ng ubo o sipon, ang tubig na pinaglagaan ng tanglad daw ang kaniyang iniinom at gumiginhawa na ang kaniyang pakiramdam.

At kahit sa bahay, maaaring makagawa ng tanglad juice sa pamamagitan ng pagpapakulo ng dahon nito. Pero hindi dapat patagalin ang pagpapakulo upang hindi mawala ang nutrients ng halaman.

Ayon kay Algy Bacla, certified naturopathic practitioner, “70 hanggang 80 percent ng essential oil na galing sa tanglad ay may citral.”

Batay umano sa mga pag-aaral, ang citral ay maraming benepisyo tulad ng pag-prevent ng impeksyon, ng mga bacteria, nagpapalakas ito ng lungs at immune system.

Paglilinaw ng mga eksperto,  ang tanglad ay hindi gamot sa Covid-19 pero nakatutulong ito sa pagpapalakas sa resistensiya ng katawan na mahalaga lalo na sa panahong ito ng pandemya.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaaring makuha sa Tanglad?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang tanglad ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan. Taglay ng sariwang dahon ng tanglad ang ilang uri ng langis gaya ng lemongrass oil, verbena oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone at terpenes. Ang dahon at ugat ay makukuhanan din ng alkaloids, saponin, a-sitosterol, terpenes, alcohol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

 

Panoorin ang KMJS feature:

Disclaimer: Ang mga halamang gamot ay maaaring makatulong sa iba’t ibang mga karamdaman. Subalit marami dito ay wala pang sapat na pag-aaral at wala pang kasiguraduhan. Hindi makapagbibigay ang Mediko.PH ng katiyakan na ang mga ito ay epektibo sapagkat ang epekto ng mga halamang gamot ay maaaring gumana sa ilan, ngunit sa iba ay maaaring hindi naman gumana. Gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa inyong doktor.

entertainment

Andi Eigenmann shares tips to ensure consistency in her fitness journey

Published

on

By

Actress turned social media personality Andi Eigenmann took to social media to share tips on how she ensures consistency in her wellness journey.

In an Instagram post, Andi also said she noticed that being in good shape also affects other aspects in her life.

“Enjoying the journey towards wellness, keeping in mind that a healthy self is all about balance. I’m happy to make it a duty to care for my body because as I grow older, I’ve found that when I take good care of my physical health (inside and out), it spills over into other aspects of my being that are, in hindsight, more of a priority to me,” she explained.

Andi also encouraged others to join her in her wellness journey as she shared tips on how to start strong.

“A good TIP to begin: keep a good mindset and lay- out your priorities to allow yourself to stay in this for the long run. Jumping into things can often lead to exhaustion early on. Hope you will be inspired to join me in this too!”

Last year, Andi shared that diet plays a huge role in keeping herself fit, but it is also important to do activities that one enjoys doing. She shared that she was then doing boxing sessions.

“The diet plays a big part in this fitness journey, especially when the goal is to shed some weight. But choosing physical activities and sports to enjoy enough to do regularly is a good tip to be consistent!” she said.

“When I challenge myself to achieve something in a specific sport, I get into a mindset of going for it in a holistic way. Most importantly in eating the right nutrients – dense foods that go with the fitness goal!”

Fellow celebrity moms commented on Andi’s post to express their support and admiration, including Anne Curtis and Jessy Mendiola.

Continue Reading

celebrities

‘Missing my baby’s kicks in my womb’: Jessy nagbahagi ng post partum photo, netizens humanga

Published

on

By

Matapos ianunsiyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kamakailan na sila ay proud parents na, nagbahagi ang new mom sa kanyang Instagram Stories ng isang larawan ng kanyang post partum body.

Aniya dito, “Missing my baby’s kicks in my womb.” Idinagdag pa niya na siya’y “almost two weeks post partum”.

Sa ibinahaging post ng Inquirer.net sa Facebook page nito kung saan ay makikita ang screenshot ng IG post ni Jessy ay bumuhos ang maraming komento ng paghanga. Hindi kasi naabutan ng ibang followers ang IG Story ni Jessy na nag-eexpire na matapos ang 24-oras.

Kinabiliban ang post partum na pangangatawan ng 30-anyos na mommy.

“Sana ol ganyan ang aura 2 weeks post partum! Congrats!”

“Grabe sana all talaga. dyusku dyosa pa din. Ako nung tym ng two weeks na ko po dugyot ako sa taba ko .”

“Sana all ganyan ang hitsura nang 2 weeks postpartum 😄 nung ako yong 2 weeks ko mukhang 5 months pa rin ang tiyan ko.”

“Bat ganun parang di kayo nanganak hahaha  Samantalang ako 2 years old na anak ko mukhang buntis pa din, unfair talaga hahaha”

Naalagaan nang mabuti ni Jessy ang kanyang pagbubuntis kaya’t hindi ito lumobo katulad ng iba? Sabi nga ng isang nagkomento, “Iba talaga pag nasa tamang tao ka.” 

Bumuhos din ang pagbati sa kanila ni Luis at mayroon pang mga nagbiro na sundan agad si Baby Peanut para hindi niya mamiss ang mga ‘baby kicks.’

Mahihinuha na bandang Pasko nang isilang ni Jessy si Baby Peanut (palayaw). Kaya naman hindi na sila nakadalo sa Christmas get-together na ibinahagi naman ni Vilma Santos-Recto sa kanyang social media accounts. Mayroon na pala silang Isabella Rose Tawile Manzano!

Basahin: ‘Never knew I could love like this’: Jessy, Luis Manzano proud parents kay Baby Isabella Rose

Inaabangan na rin ang reaksyon ni Momsy Vilma na inihayag din ang kanyang excitement sa kanyang panibagong status in life bilang lola.

“As a first time lola, super excited talaga ako sa paglabas ng aming baby Peanut soon! <3  Siyempre marami akong tanong sa parents ng aming baby, and they have questions for me also. 🙂   Gaano ko kaya kadalas mahihiram si baby Peanut?” aniya sa nakaraang vlog kasama sina Luis at Jessy.

Panoorin ang latest vlog nina Luis at Jessy kung saan tinour nila ang followers nila sa room ni Baby Peanut aka Baby Isabella Rose:

Continue Reading

Food

Kamote mainam sa ating kalusugan

Published

on

By

Bahagi ba ng inyong hapag kainan ang kamote?

Ang kamote, na sweet yam o sweet potato sa Ingles (Ipomoea batatas), ay isang pangkaraniwang halamang-ugat sa Pilipinas na maaaring kainin. Ang mga mura at malambot na mga dahon nito na talbos kung ating tawagin ay maaaring pakuluan o i-steam at isahog sa mga lutuin.

Isa ang kamote sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy. Kaaniwang may matamis na lasa ang pagkaing-ugat na ito.  Manipis ang balat nito at may iba ibang uri; may kulay lila, may puti, may kulay kahel at dilaw.

Maaari mo itong kainin nang nilaga lamang o gamitan ng ulang na parang inihaw. Maaaring balatan o ipito nang may balat matapos linising maigi. Kamote cue ang pinaka-karaniwang pamamaraan sa pagluto ng kamote. Ang kanyang dahon ay puwedeng kainin din, at may maraming paraan sa pagluto nito.

Ano-ano naman kaya ang mga benepisyo ng pagkain ng kamote sa ating kalusugan?

1. Ang kamote ay mainam na source ng potassium.

Ang kamote ay isang magandang regulator sa tibok ng puso (heartbeat) at nerve signals. Ang mataas na lebel ng potassium ay makikita dito. Ang klase ng electrolyte na nasa kamote ay hindi lang nagre-regulate ng pagtibok ng puso kundi pinipigilan din nito ang muscle cramps at nagbibigay proteksyon din sa ating mga bato (kidneys).

2. Ang kamote ay masustansiya at nagbibigay ng karagdagang tubig at fiber 

Ito ay mainam na source ng fiber, vitamins, at minerals. Mayaman din ito sa antioxidants na nangangalaga sa ating katawan mula sa mga radical damage at mga chronic disease.

Tandaan din na ang ating katawan ay nangangailangan ng sapat na tubig para maging malusog. Malaking tulong ang kamote para diyan. Ang fiber na matatagpuan sa kamote ay tumutulong sa pagpapanatili ng tubig sa ating katawan. Pinapanatili itong balanse at pinapanatili tayong hydrated.

3. Ang kamote ay nakatutulong sa may hika (asthma)

Bukod sa pagiging masustansiya, mainam na isama sa diet ang kamote kung ikaw ay may hika. Ang kamote kasi ay isa sa mga pagkain na bihirang nagdudulot ng allergic reactions sa katawan. Di nga ba’t ang hika ay kadalasang kinakabit sa mga allergy?

Kapaki-pakinabang para sa mga may hika ang talbos o dahon ng kamote dahil sa pamamagitan ng aroma nito, nakatutulong ito na ma-decongest ang ilong at baga, kaya ang paghinga ay hindi stressful para sa may hika.

4. Ang kamote o sweet potato ay magandang source ng iron.

Hindi lamang karne ang magandang mapagkukunan ng iron. Ang kamote ay nakatutulong din sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti ng paggawa ng mga white blood cells at pinapabuti ang pangkalahatang pagpapalakas ng ating immune system dahil sa iron na matatagpuan dito. Di nga ba’t noon pa man ay sinasabi na kumain tayo ng talbos ng kamote lalo na kung maputla tayo o anemic?

5. Nakatutulong ang kamote upang makaiwas sa cancer.

Ang kamote ay may antioxidants na maaaring makatulong upang maprotektahan tayo laban sa ilang uri ng cancer.

Ang anthocyanins — isang grupo ng antioxidants na karaniwang  tinataglay ng kulay lilang kamot – ay nakapagpapabagal umano sa paglaki ng ilang uri ng cancer cells sa pantog,  bituka, tiyan at dede.

Ang matingkad na kulay kahel na kamote ay mayaman naman sa carotenoids na nagsisilbing antioxidants at tumutulong upang mapigilan ang paglaki ng cells. Napabababa nito ang risk na magka-cancer tayo.

Kailangang malakas ang ating immune system lalo na sa panahon ngayon na maraming virus. Kumain tayo ng maraming kamote dahil ito ay nakatutulong para hindi makapasok ang virus sa ating katawan.

Maraming paraan ng pagluluto ng kamote bukod sa simpleng paglalaga o pag-steam nito. Gawing bahagi ng inyong menu para sa buong pamilya.

Alalahanin ang ating mga ninuno noon at mga taga-probinsiya nating lolo at lola na naging malakas at mahaba ang buhay; marahil ay dahil sa kamoteng regular nilang kinakain!

Continue Reading

Trending