Connect with us

Social News

Nanatiling bata? Teenager sa Palawan tila hindi tumatanda

Published

on

Paano kung sa paglipas ng panahon ay nagsisitanda ang mga tao sa iyong paligid, ngunit ikaw ay nanatiling bata? Ituturing mo kaya itong blessing? O tila isang sumpa?

Ganyan siguro ang tumatakbo sa isip ng mga nakararanas ng tinatawag na ‘stunting; gaya ng pinagdaraanan ng isang disiotso anyos na teenager sa Palawan.

Kung titignan mo siya, iisipin mong nasa edad sais lamang siguro ang taong ito; isang batang nasa kindergarten pa lamang. Ngunit ito pala ay nakaapat nang karelasyon sa nakalipas na taon?

Imahe mula sa KMJS

Sino si Ral?

Marami ang naaalarma pagkat pabata na raw nang pabata ang mga nakikipagrelasyon sa panahong ngayon, at may mga maagang napapasubo sa pag-aasawa sa mga kabataan ngayon.

Siguradong mapapailing ang mga tao kapag nalamang ang batang may taas na 3 feet at 6 inches ay nagka-dyowa na; naka-apat pa! Siya si Ralhnero Dacasin o mas kilalang Ral, na mula sa Narra Palawan. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid ngunit siya lamang ang bukod-tanging napag-iwanan sa taas.

Pero ang inaakalang bata ay hindi na pala bata kundi isang teenager, na sa gitnang bahagi ng taong ito ay mag-eedad disinuwebe na. Mapapa-‘what?’ ka talaga.

Sa programang KMJS o Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) ay ipinalabas ang kuwento ni Ral noong Linggo lamang, Enero 9. Na-curious ang marami sa kuwento ng kanyang lovelife. Aba’y nakaapat na palang girlfriend?

“Siguro na-aatract dahil magaling akong mambola, magaling ako magjoke, siguro sa appeal ko at maganda akong mag-ayos,” pagbabahagi ni Ral nang makapanayam ng KMJS.

Mabait at masipag naman daw mag-aral si Ral kaya pagkatapos mag-aral ay binibigyan naman nito ng oras ang nagiging nobya. 2018 umano nang unang magkaroon ng nobya si Ral.

“Sumama po ako sa kanila sa padagat, nag-outing po kami minsan nireregaluhan ko po ng mga kuwintas, purselas,” saad pa niya.

Magalang, malambing at mapagmahal umano si Ral kahit sa mga magulang ng mga naging karelasyon niya.

Imahe mula sa KMJS FB Account

Subalit nagka-love life man si Ral, ang mga nakarelasyon niya ay hindi nagtagal dahil sa sari-saring kadahilanan. Ngunit ang kadalasang pangunahing dahilan ay ang pagiging maliit niya.

Dahil sa kanyang kondisyon, minsan ay inaasar o binubully pa siya. Naroon ang tawagin siyang tiyanak, maliit at minsan ay sinasabihan na, oh kapatid mo? dagdag pa niya, kapag nakakasama raw umano ang kanyang nobya.

Sa ngayon ay may karelasyon si Ral na nakilala naman niya sa kanilang online ministry. On off man ang relasyon masaya naman daw sila.

Inamin niya sa KMJS na minsan ay naiinis siya sa kanyang sarili; kung bakit nagkaganun siya at hindi na lumaki pa. i

Bakit nga ba hindi tumatanda ang kanyang hitsura?

Sa tulong ng KMJS at ng mga team nito dinala siya sa isang ospital at doon ay ipinasuri. Ngunit wala namang nakitang ibang problema ang doktor, kundi mayroon siyang ‘Stunting o Stunting malnutration’.

Ano nga ba ang Stunting at paano nagkaroon nito?

Imahe mula sa KMJS FB account

Ang pagkakaroon ng Stunting ay kapag ang isang bata ay may mababang taas para sa kanilang edad. Kadalasan ito ay dahil sa malnutrisyon, paulit-ulit na impeksyon, and/or poor social stimulation. 

Humihingi naman ng tulong ang mga magulang ni Ral dahil sa sila ay mahirap lamang, Sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito sa: Metrobank San Pedro, Puerto Princesa Palawan

Panoorin ang kabuuang video ng KMJS;

 

Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Social News

Paalala ng netizen sa mga customer ng delivery riders: It’s not very hard to be kind

Published

on

By

Ibinahagi ng isang netizen ang pinaka-hassle na karanasan niya sa isang rider matapos abutin ng dalawang oras ang dapat sana’y 20 minuto lamang na delivery. Sa kabila nito, sinalubong niya ang rider nang may ngiti at triple pa ang ibinayad dito.

Kuwento ni Mariz Agento sa isang Facebook post, nag-book siya ng delivery para sa kaniyang order sa Hidalgo, Pasay bandang 8 p.m. at dumating ito sa kaniya matapos ang dalawang oras kahit wala pang limang kilometro ang layo nito.

Habang nasa biyahe raw kasi ay nagkaroon ng problema ang rider sa kaniyang app kaya hindi niya ito mabuksan.

Sinigurado naman ng rider na maihahatid niya ang parcel ngunit medyo matatagalan ito dahil hindi niya kabisado ang daan.

Sa halip na magalit ay inunawa ito ni Mariz at ginabayan ito kung paano makararating sa destinasyon kahit wala ang app.

“I have all the time to be angry and put pressure on the man, but I didn’t. I have to wake up before 5 am tomorrow, and by this time, I should be asleep already,” aniya.

“I patiently waited and replied to him the exact directions on how to go to my place even without using Waze and when he finally arrived, he kept on apologizing for the inconvenience.”

Buong-puso namang tinanggap ng uploader ang paumanhin ng rider. Triple rin ang ibinayad niya rito at binigyan pa ng five-star rating.

“You see, it’s not very hard to be kind. We must do it often, as nothing compares to the feeling that you did not hurt anybody’s feelings but instead, made them happy even when they expected the exact opposite,” sabi ni Mariz.

“Delivery riders are humans too. They deserve to be respected and they make our lives hassle-free in terms of delivery.  To tatay rider, keep hustlin’. Aahon din.”

Continue Reading

Social News

Solenn at Nico Bolzico’s adorable Baby Thylane, naghatid ng saya sa kanyang bibong pagkanta

Published

on

By

Napaka-cute at smart ng anak nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico na makikita sa Instagram post ng huli sa in-upload niyang video  kamakailan.

Ang kanilang anak na si Thylane na 2 taong gulang na ay makikitang kumakanta ng counting song sa lenggwaheng Espanyol habang buhat-buhat ni Nico sa kanyang likuran nang sila ay nag-hiking sa France.

“Counting the number of days #ElPadre will be in the dog house because we forgot #TiliBolz outdoor jacket,” aniya sa kanyang caption.

Maraming netizen ang nagkomento sa kanilang video dahil sa napaka-cute at sa taglay na talino ni Thylane.

“Tili huhuhu ka cute nimo oy.”

“Very smart and lovable Tili.”

“Grabeh!!!!! Cute!!!! Di ko mapigilan di magcomment.”

Isa rin sa mga ipinost ni Nico ay ang kanyang mag-ina kung saan nakayakap si Solenn sa kanilang anak habang nakangiti naman si Thylane na nakatingin sa camera.

“My whole life in one picture… also the source of all my commands for the rest of my life…,” ani Nico sa kanyang post.

Nag-post naman si Solenn sa kanyang Instagram kasama ang anak kung saan sumisigaw siya at siya namang ginagaya ng anak na ikinatuwa naman ng maraming netizen.

“Screaming our feelings out,”  pagbabahagi ni Solenn sa kanyang caption post.

Kamakailan lang ay pinabilib niya ang netizens dahil sa pagsasalita niya ng iba-ibang lenggwahe – French to Spanish –  habang nakikipag-usap sa kanyang ina.

Si Nico Bolzico ay founder at Presidente sa LM10 Corporationp; isang Argentine na naninirahan sa Pilipinas sa nakalipas na walong taon. Siya ay 38 taong gulang na.

Si Solenn Heussaff ay isang Filipina-French aktres, TV host, model, singer, painter, fashion designer at propesyunal na make-up artist na ngayon ay 36 anyos na.

Ipinagdiwang nila sa France noong Bagong Taon, Enero 1, 2022 ang ikalawang kaarawan ni Thylane Katana Bolzico.

Continue Reading

Social News

Mayor Vico ‘binati’ ng kapwa-COVID patient: “Finally, nakisama ka na rin”

Published

on

By

Kahit na kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19, nakuha pa ring magpangiti ng kaniyang mga social media followers at supporters si Mayor Vico Sotto.

Noong Linggo, Enero 16, ibinahagi ni Mayor Vico ang screenshot ng isang mensahe na ipinadala sa kaniya  ng isang netizen na isa ring COVID patient.

Bagama’t hiling ng netizen ang agarang paggaling ng butihing alkalde, may hirit pa rin itong nakakatawa.

Anang netizen kay Mayor Vico, “Get well soon” na pinasalamatan naman ng alkalde.

“Finally nakisama ka na. Now IN ka na. Get well soon,” muling hirit ng netizen.

“Ha ha Thanks sir,” tugon naman ni Mayor Vico.

Ang screenshot ng kanilang nakakatawang usapan ay ibinahagi ng 32-anyos na mayor sa kaniyang Facebook story. May caption itong “Ganito na raw ang batian ng get well soon sa Omicron’” with laughing emoji.

Imahe mula sa Facebook| Mayor Vico Sotto

Noong Linggo ay ibinahagi ni Mayor Vico na nagpositibo siya sa COVID-19 at nakararanas ng mga sintomas gaya ng sore throat, lagnat at pananakit ng katawan.

Sa kabila nito, tiniyak niya sa kaniyang mga constituent na maayos ang kaniyang kalagayan at patuloy ang kaniyang pagtatrabaho bilang alkalde kahit nasa isolation.

“Hi everyone, bad news, I’ve tested positive for covid-19. I have sore throat, fever, and body aches, but please don’t worry! I’ll continue to work remotely while in isolation for the next 7 days,” bahagi ng alkalde.

“Naka ilan close call ako sa Delta (gaya nung sa driver ko mismo) pero di ako nahawaan. Matindi talaga ang pagkalat ng Omicron– sabi nga ng ibang eksperto, LAHAT TAYO ay mae-expose sa variant na ito,” kuwento pa ni Mayor Vico.

Nagpaalala rin ito sa lahat na laging mag-ingat, palakasin ang resistensiya at maging responsible. Sakali man umanong makaramdam ng sintomas ay mabuting huwag na lang munang lumabas.

BASAHIN: Mayor Vico ‘nangako’: “Pagkatapos ng pandemya, kahit mag-kiss po tayo puwedeng-puwede”

 

Continue Reading

Trending