Connect with us

VIDEO

Terrence Romeo, iniwan nga ba sa ere ang asawang nasakote ng awtoridad?

Published

on

Mainit na mainit ngayon ang tsika tungkol sa dalawang babae na dinakip ng mga awtoridad. Ang isa kasi sa kanila ay asawa ng isang napakapopular na player sa Philippine Basketball Association (PBA).

Marami raw inutangan ang asawa ng basketball star na hindi binabayaran, kabilang na roon ang talent manager-comedian na si Ogie Diaz.

Image from PNP

Puro pangako lang daw ang ibinibigay sa kanya ng asawa ng PBA player.

“Kung nakaka-bilyonaryo lang ang mga pangakong magbabayad na me kasama pang petsa kung kelan, baka nabayaran ko na ang utang ng Pinas. Ganu’n ka-grabe mangako. At ang kapal ng mga tseke niyang walang pondo,” ayon sa komedyante na isa na ring sikat na vlogger ngayon.

“Pasasaan ba’t babanggitin ko din ang name ng lola n’yong maganda,” sabi  pa ni Ogie.

Pero bago pa magawa ni Ogie na ibulgar ang pangalan ng babae ay pumutok na ang balita na dinakma iyon ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operation dahil sa “rent-tangay” carnapping modus.

Bukod pa ito sa mga reklamo ng 700 investors na natangayan raw ng miyun-milyong piso sa MLM company ng mga suspek.

Kinilala ang isa sa mga suspek bilang si Beatrice Pia White na asawa umano ng PBA star na si Terrence Romeo ng koponang San Miguel Beer.

Image from PBA

Bago pa masakote ang asawa ni Terrence ay ibinulgar na ni Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute noong January 6, 2022 na hiwalay na pala ang mag-asawa.

Sobra daw na minahal ni Pia ang asawa, subalit nang magkabaon-baon ito sa utang ay iniwanan ito ni Terrence, ayon sa entertainment columnist at radio host.

Nasaan na raw ang basketball player noong kailangan siya ng asawa?

“Nakakaawa lang si Pia kasi wala siyang nagawang kasalanan kundi ang magmahal,” sabi ni Cristy Fermin.

Screenshot from Cristy Ferminute video

“Masyadong na-in love si Pia kay Terrence, masyadong naging faney. Fan na fan. Hindi niya ipatatalo si Terrence kahit kailan. Bobonggahan niya ang pagsuporta. Anong nangyari ngayon? Nung magkautang-utang si Pia, ang dami-daming naniningil na ang daming magdedemanda, nasaan si Terrence?” makahulugang tanong ni Nay Cristy.

“Tumakbo, wala na. Hindi na siya sinamahan. Hindi ba dapat ‘pag karelasyon, sa hirap at sa ginhawa?”  sabi pa niya.

Panoorin ang pagtalakay ni Nay Cristy sa paghihiwalay ni Terrence Romeo at asawang si Pia (simula sa 30:18 mark ng video)

Inspiring

Delivery rider nakatanggap ng helmet kapalit ng isang Paracetamol

Published

on

By

Parami na nang parami ang mga grupo ng riders na may natutulungang mga tao lalo na sa hanay ng mga delivery rider.

Katulad na lamang ng isang Toktok rider na nakatanggap ng biyaya mula sa isang rider vlogger na ipinost ng Jawo Motovlog sa kanyang Facebook  page na mayroon nang 444k reacts at 11k shares.

“Kahit isang pirasong bioflu lang nabili niya pero yung effort at malasakit niya sa tao ayun yung hindi matutumbasan! Saludo ako kay kuya toktok rider! Kayo rin ba? Habang naglilibot at umiikot ang vlogger at naghahanap ng mabibigyan na helmet ay pinili naman niya ngayon ay ang isang Toktok rider na hindi na kagandahan na helmet ang kanyang matutulungan,” saad sa kanyang caption.

Sa kanyang paglilibot at paghahanap ng mabibigyan pinili niya ang isang Toktok rider na hindi kagandahan ang helmet.

Tinanong naman niya ang rider kung mayroon itong paracetamol. “Sir may ano ka diyan, mayroon kang paracetamol Biogesic?” tanong ni Jawo.

“Wala po eh,” sagot naman ng Toktok rider.

Nakisuyo si Jawo na baka may mabilhan na Biogesic dahil masama umano ang pakiramdam niya. Iniwan pa ng rider ang kanyang motorsiklo para lang makahanap ng gamot para sa vlogger. Agad naman itong naglakad at naghanap sa mga tindahan para may mabiling gamot.

“Ang effort ni kuya oh, tingnan mo iniwan pa pati cellphone dito, kung may mga gamit dito [sa motorsiklo] baka nawala na rin yan kung masamang tao ako,” wika ni Jawo.

Alam naman ng rider na talagang mahirap makahanap at nagkakaubusan na ng mga gamot ngayon lalo na ng paracetamol at Bioflu dahil sa lumolobong kaso ng Covid-19 at influenza dahilan sa malamig na panahon.

Natuwa ang rider sapagkat makikita talaga kung gaano kamatulungin ang mga Pinoy. Siya naman talagang tunay!

Nang bumalik ang rider ay may dala na itong isang pirasong Bioflu at kaagad na ibinigay sa vlogger. Hindi paracetamol ang nabili ng rider. Pero sabi nga ni Jawo, may mabili man o wala ang rider ay bibigyan pa rin niya ito ng helmet.

“Okay lang ba, sir, palitan ko Bioflu mo? Evo helmet? ” tanong ni Jawo.

Hindi makapaniwala ang Toktok rider na ganoon kadali siyang mabibigyan ng helmet. Dahil sa pagkawili ni Jawo  sa rider ay agad niyang ibinigay ang bagong helmet para mapalitan na ang lumang suot nito.

Naiyak ang delivery rider matapos siyang makatanggap ng bagong helmet dahil lang sa isang pirasong Bioflu. Bukod pa sa helmet ay nag-abot din ng pera ang vlogger para makatulong sa delivery rider.

Maraming netizens ang natuwa at nagkomento sa ginawa ni Jawo;

“Grabe yung tiwala ni toktok driver sayo idol. Imagine iniwan niya nang buo ung panghanapbuhay nya sa di naman niya kilala para lang matulungan ka makabili ng gamot… Salute ke kuya driver at sayo din syempre idol Jawo”  –  H Delfin

“Ito yung ‘di inaasahang tulong na alam mong bukal sa loob ang pagtulong kc di \siya nag expect ng kapalit dahil di nya kilala ung taong tinutulungan niya salute sau kuya rider at sir jawo…God blessed more” – J Suarez

Nakakatuwa, naiiyak God bless po sa inyong dalawa.”  – E Surco

Narito at panoorin ang kabuoang video ni Jawo Motovlog:

Continue Reading

celebrities

Chiz inaming ‘bothered’ siya sa pagiging ‘magastos’ ni Heart

Published

on

By

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero para amining ‘bothered’ siya sa pagiging magastos ng kaniyang misis na si Heart Evangelista.

Sa pinakahuling episode ng “Adulting with Chiz” vlog sa You Tube channel ni Heart, tinanong ng aktres kung bothered ba si Chiz sa kaniyang mga expenses.

“Of course. Just yesterday for example,” diretsahang sagot ng gobernador.

Nang tanungin si Chiz ng kaniyang asawa kung bakit, sagot nito, “Okay, kasi… again, contentment. You have to be happy with what you have.”

Patuloy ng dating senador, hindi mauubusan ng bagong gamit – relo, bracelet, damit atbp – dahil palaging may lalabas na bagong modelo nito sa mga susunod na linggo, buwan o taon.

“Tantanan na, tigilan na. Hindi naman tayo nagkukulang, tama naman,” patuloy ni Chiz na sinang-ayunan naman ng kaniyang misis.

Wika ni Heart, “Totoo naman, gets ko naman ‘yun. Pero tama naman.”

Subalit biro ni Chiz, “Pero kailan na gagawin?”

Sagot naman ng Kapuso actress, “Gagawin ko na. I’m sure there’s going to be an event, a really beautiful event in my life when things will shift for me.”

Pahabol ng pulitiko sa kaniyang misis, hindi na nito kailangan pang hintayin anuman ang ‘event’ na iyon upang maunawaan ang kaniyang sinasabi.

Marami pang napag-usapan ang mag-asawa gaya ng kung alam ba ni Chiz kung nagsisinungaling sa kaniya si Heart, at pati na ang tungkol sa kanilang age gap.

Interesting rin ang paliwanag at pananaw ni Chiz, na isang abogado, tungkol sa kanilang pre-nuptial agreement.

“In our case, we have a prenup, which is a complete separation of property. Whats hers is hers. What’s mine is mine,” paglalahad ng Bikolanong gobernador.

Tunghayan ang kanilang usapan sa vlog sa ibaba upang lalo pang maunawaan ang kanilang prenup agreement:

Continue Reading

social media

Viral: Customer na nanapak ng Grab rider, tinapon raw ang pagkain; nagalit dahil ‘walang panukli’

Published

on

By

Screenshot mula sa Facebook| Mike Motovlog PH

Viral ngayon sa social media ang video ng komprontasyon ng isang customer sa Taguig City at isang Grab rider na nag-deliver ng pagkain.

Ang naturang video ay ibinahagi ng Facebook page na Mike Motovlog PH at humakot na ng mahigit 6 milyong views, 122K reactions at 61K comments. Mayroon na rin itong halos 100K shares sa Facebook.

Mapapanood sa video ang galit na galit na customer na ilang beses inambahan at sinigawan ang kawawang rider.

‘Walang panukli’

Kuwento ng rider sa isang hiwalay na video, kalalabas lamang niya noong araw na iyon at ang nasabing customer ang kaniyang unang delivery.

May pera naman daw siya talaga subalit  naipasok na niya sa GCash para sa Grab. Ang natira na lang daw sa kaniyang wallet ay P300 cash.

Pagkadeliver daw niya, tinanong niya ang customer kung may ‘smaller bill’ ito dahil wala siyang panukli sa P1,000, subalit mayroon sa P500. Pinakita pa raw niya ang bag na P300 na lamang ang hawak niyang cash.

Doon daw nagalit ang customer at lalo pa itong nag-init nang tanungin niya kung mayroon itong ‘smaller bill’.

Sa pagkakataong iyon din umano ay tinapon ng lalaki ang pagkain kaya nainis na rin siya.

Tanong pa raw sa kaniya ng customer, “Anong gusto mo, ako pa ang magpabarya?”

Subalit nagpaliwanag naman daw siya na hindi ganun ang ibig niyang mangyari dahil may panukli naman siya kaya lang sa P500.

Sa video, makikitang ilang beses hinablot, sinigawan at kinalmot pa ng customer ang rider hanggang sa mamagitan na ang asawa ng galit na galit na lalaki.

Iginiit naman ng rider na wala siyang planong patulan ang customer kahit pa sinaktan na siya nito.

Grab iimbestigahan ang insidente

Nangako naman ang Grab na iimbestigahan nila ang pangyayari matapos makarating sa kanila ang video na itinag ng isang netizen.

“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway,” anang Grab sa isang pahayag.

“Consumer behavior is not tolerated on our platform. Our teams are already looking into it and are coordinating with the parties involved,” dagdag na komento nito sa kanilang Facebook page.

Maraming netizen din ang nagalit sa lalaki dahil sa pananakit nito sa kawawang rider. Turan pa ng ilan, matapang lang daw ang lalaki dahil nasa lugar nila ito.

Samantala, may kumakalat namang larawan kung saan makikita ang isang lalaking hawig ng naturang customer na nakaposas at may pinanood sa cellphone. Ito umano ang lalaking nanakit sa rider at nahuli.

Subalit wala pang kumpirmasyon ang awtoridad kung totoo nga na nadakip na ang lalaki sa video.

I-Click ang imahe sa ibaba upang mapanood ang buong video:

Continue Reading

Trending