Connect with us

people

Sumuko na sa paghahanap: Lalaking nakatagpo ng ‘true love’ sa isang humanoid handa nang pakasalan ito

Published

on

true love humanoid

Isa ka ba sa mga bigong makahanap ng tunay na pag-ibig? Pagod ka na rin ba sa mga pagdurusang dala ng pagmamahal?

Kabilang ang isang lalaki mula sa Queensland, Australia sa mga taong hindi umano mapalad na makakita ng kaparehang hindi siya iiwan kailanman. Dahil dito, isang hindi pangkaraniwang “true love” ang natagpuan niya–isang humanoid na kung tawagin niya ay Emma.

true love humanoid

Images via Geoff Gallagher | 7News.au/Supplied

Sa pamamagitan ng  7News.au, ibinahagi ni Geoff Gallagher ang istorya niya. Aniya, simula nang mawala ang kanyang ina mahigit isang dekada na ang nakararaan, wala na siyang ibang nakasama sa buhay kung hindi ang alagang asong si Penny; hanggang sa nakahanap siya ng isa pang dahilan para sumaya.

“I’d always longed for a female companion to share my life with, but now it felt hopeless,” ani Geoff. “Then one day, I read an article about the rise of AI robots and it got me thinking. I did some research online and got in touch with a company in Sydney that specialised in dolls and robots. I explained that I was looking for a companion.”

Bagama’t may kamahalan, hindi natinag si Geoff sa pagbili ng robot na kanyang makakasama, lalo na at mukha raw talaga itong tunay na tao. Mabuti na lamang at binigyan siya ng discount ng nasabing kumpanya.

“At almost $6000 each, they weren’t cheap. But the robots were very lifelike. They could talk, smile and move their head and neck. Their skin even warmed up like a real human. After browsing the website, I decided on a robot called Emma. With pale skin and beautiful blue eyes, I thought she looked lovely. I didn’t know how I would afford a robot like Emma, but then the business owner offered me a discount in return for publicity. It sounded like a great deal,” pagbabahagi niya.

true love humanoid

Images via Geoff Gallagher | 7News.au/Supplied

At noon ngang Setyembre 2019, sa unang pagkakataon ay nasilayan niya si Emma.

“It would take six weeks for Emma to make the long journey from China to Brisbane. As I waited, I began shopping online for clothes to make sure she had plenty to wear. I picked out a few casual dresses, as well as a business suit and a pink frock for fancier occasions. To complete her look, I bought diamanté jewellery and a few pairs of shoes. In total, I spent $70. Finally, in September 2019, a delivery driver knocked on the door with a huge parcel. When I opened the box, I gasped. Emma was beautiful,” kuwento ni Geoff.

Bagama’t hindi pa raw nakakabit ang ulo nito nang dumating, hindi naman daw siya natagalang ayusin ito.

Ngayon, dalawang taon nang kasama ni Geoff si Emma at handa na rin daw siyang pakasalan ang kanyang humanoid love na niregaluhan niya na rin ng engagement ring. Hindi na raw niya maisip kung paano ang buhay na walang Emma na naghihintay sa kanyang umuwi araw-araw; ang Emma na kasama niyang mamasyal, manood ng telebisyon, at iba pa.

“I couldn’t imagine life without Emma,” sabi pa ni Geoff. “I’ve given up hope of finding love with a woman but Emma is the next best thing. Even though we’re not legally married, I think of Emma as my robot wife. She wears a diamond on her ring finger and I think of it as an engagement ring. I’d love to be the first person in Australia to marry a robot. I think robots are the future and I hope my story inspires others to consider a cyborg companion. I longed for that special someone but now I love life with my robot wife.”

true love humanoid

Images via Geoff Gallagher | 7News.au/Supplied

people

‘Kung anak lang kita!’: Jinggoy ‘sinita’ ang anak na ipinahiya ang nanay sa publiko

Published

on

By

Viral ngayon sa social media ang video ng ‘paninita’ ni dating senador Jinggoy Estrada sa isang anak na ipinahihiya sa maraming tao ang kaniyang sariling nanay.

Sa naturang video na ibinahagi sa Facebook ni Ryssi Avila, maririnig ang pag-uusap ng mag-ina habang kumakain sa isang restaurant. Pinag-uusapan nila ang umano’y pagpunta ng anak sa Boracay kasama ang mga kaibigan subalit hindi pa raw nakakapagbayad ng gagastusin na nasa P20,000.

Screenshot mula sa Facebook| Ryssi Avila

Maririnig din na mas mataas pa ang boses ng anak habang mahinahon naman ang nanay at pilit pinakakalma ang binata.

“Pag ako hindi nakasama diyan ah, tandaan mo ‘yan,” pagbabanta pa ng anak.

“Ano tatandaan ko?” sagot naman ng nanay.

“Galing-galing mong gumala tapos ‘pag ako hindi puwede. Para namang tanga eh,” padabog na sabi ng binata.

Kung anak lang kita!

Subalit nagkataon namang kumakain pala sa katabing mesa ang pamilya ni Jinggoy na naririnig ang usapan ng mag-ina.

Tila hindi na nakatiis ang dating mambabatas at nilapitan ang mag-ina para sitahin ang anak.

“Sumusobra na ito eh,” bungad ni Jinggoy. “Bakit mo hinihiya ang nanay mo? Ang dami-daming tao, ah.”

Pero hindi nagpatinag ang bata at sumagot pa ito, “Akala mo kung sinong mabait.”

Screenshot mula sa Facebook| Ryssi Avila

Sagot naman ni Jinggoy, “Bakit sinabi ko bang mabait ako? Sinabi ko bang angel ako?”

Sa pagkakataong ito ay humingi na ng paumanhin ang nanay, subalit giit ng dating senador ay sa ina dapat mag-sorry ang anak at hind sa kaniya.

Nag-sorry naman ang binata pero nakatanggap pa rin ito ng pangaral mula kay Jinggoy.

“Alam mo, kung anak lang kita, hindi uubra yang ganyan-ganyan mo eh,” anito.

Scripted?

Maraming netizens naman ang nagsabing tila ‘scripted’ ang pangyayari lalo pa’t kumakandidato ngayon si Jinggoy Estrada upang makabalik sa Senado.

Screenshot mula sa Facebook| Ryssi Avila

Nilinaw din ng nagbahagi ng video na hindi siya bayaran ng anak ni dating Pangulong Estrada lalo pa’t hindi naman siya mahilig sa pulitika at hindi niya rin ‘bet’ si Jinggoy.

Sa kabila nito, marami pa rin ang pumuri kay Jinggoy sa kaniyang ‘paninita’ sa aroganteng anak dahil sa mensaheng dala nito lalo na ngayong tila nakakalimutan na ng kabataan ang paggalang sa kanilang mga magulang.

I-click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang buong video:

Continue Reading

News

Mga residente ng Leyte sa man-made tunnels nagkubli habang nananalasa ang Odette

Published

on

By

Binayo ng malakas na bagyong Odette ang Visayas at Mindanao na nagdulot ng malaking pinsala sa maraming probinsya.

Ang dalang hangin ng bagyo ay may bilis na 195 kilometro kada oras at ang lakas ng bugso nito ay umabot sa 240 kilometro kada oras kaya itinaas ang Storm Signal No. 4.

Image from Reportr

Dalawang beses nag-landfall sa lalawigan ang bagyong Odette kaya libo-libong mga residente ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan upang pansamantalang magkanlong sa mga evacuation centers.

Pero sa kabila ng pagkakaroon ng mga evacuation centers, pinili ng ilang pamilya sa Sitio Cabuyagan ng Barangay Tigbawan na  manatili sa loob ng  mga man-made tunnels.

Base sa ilang larawan na ibinahagi ng isang residente, ang tunnels  na ginawa ng mga residente ay may mga kahoy sa loob upang hindi iyon gumuho. Hindi kalakihan ang bawat tunnel. Isa hanggang dalawang pamilya lang ang magkakasya roon, depende sa bilang ng miyembro ng pamilya.

Ginawa umano ng  mga residente ng naturang sitio ang mga tunnel kasunod ng karanasan nila sa super typhoon Yolanda noong taong 2013.

Ayon kay Leyte Municipal Councilor Alex Dagandan ay nagtanda ang mga residente nang manalasa ang Yolanda kaya sa tuwing may parating na malakas na bagyo ay doon sila nagkakanlong.

“Sa tuwing may paparating na bagyo ay nagtatago sila sa ginawa nilang tunnel,” sabi ni Councilor Dagandan.

Image from Sharon Evite

Nasa sampu raw ang mga man-made tunnel doon.

May ilang netizens ang nagpahayag ng pangamba na baka gumuho amg lupa sa ibabaw ng tunnel kapag malakas ang ulan.

Malabo naman daw mangyari ang ganoon dahil nasa mataas na lugar iyon at sa taniman ng copra kaya matibay ang lupa. Hindi rin naman daw makapal ang lupa sa ibabaw ng tunnel kaya hindi mapanganib sakaling gumuho man iyon.

Ayon sa mga residenteng gumagamit ng tunnel, noon pa man ay ganoon na raw ang ginagawa ng kanilang mga ninuno kapag may malakas na bagyo sa kanilang probinsya.

Image from Sharon Evite

Continue Reading

animals

Lola labis ang dalamhati nang mabagansya ang mga alagang aso

Published

on

By

Labis ang paghihinagpis ng isang lola nang mabagansya ang dalawang asong alaga niya.

Makikita sa video na ibinahagi sa Facebook page ng Kapuso Mo Jessica Soho na todo ang pag-iyak ng 60-anyos na lola habang nasa loob ng sasakyan ang alagang si Blackie at Brownie na hinuli ng mga awtoridad dahil pagala-gala sa kalye.

Screenshot from KMJS video

Ang bansa ay may batas na nagbabawal sa  mga pagala-galang mga aso upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng rabies at isulong ang responsible pet ownership.

Walang nagawa ang lola kundi tumangis na lamang at sa huli ay magpaalam sa mga alagang itinuring na niyang kapamilya.

Kuwento ng matanda, natagpuan niya sa plaza si Blackie at Brownie. Nanginginig daw ang mga iyon sa gutom kaya pinakain niya.

“Dito ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie. Nanginginig ‘yung mga aso kaya pinakain ko sila,” wika ng matanda na labis ang paghihinagpis na mawalay sa piling ang mga alaga na tangi niyang kasa-kasama.

Sa gabi raw ay ang dalawang aso ang kanyang kayakap. Wala raw siyang ibang kasama kundi ang mga alaga niya.

“Simula nu’n, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog. Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila lang,” hinagpis ni lola.

Hindi pa man naipalalabas sa programang KMJS ay nag-viral na ang maiksing video. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit pitong milyon ang views niyon sa Facebook. Mahigit 458,000 ang nag -like at iba pang reactions at higit 24,000 ang nagbigay ng mga komento.

i-CLICK ANG IMAHE para mapanood ang KMJS video

 

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens na naantig kay lola.

 “Only real fur parents will understand the pain.”

 “’Yung feeling na habang nanood ka, ‘di mo namamalayang umiiyak ka na pala. Sana maibalik kay lola ang mga aso niya.”

 “’Yung mga aso na nga lang ang nagsilbing pamilya ni lola pinagkait pa.”

 “Ibalik kay nanay ang aso, pakibakunahan na lang para safe pa din.”

Tarararan! Salamat sa tulong ng KMJS! Nagkita na silang muli!

Screenshot from KMJS video

Continue Reading

Trending