Connect with us

business

Unilab, itinangging iniipit ang stock ng mga gamot; ‘di rin umano nagtaas ng presyo

Published

on

Itinanggi ng Unilab na iniipit nila ang stock ng kanilang produkto sa gitna ng nagkakaubusang gamot sa mga botika dahil sa dami ng nagkakaroon ng sipon, ubo at trangkaso.

Sa isang pahayag na inilabas ng pharmaceutical company, pinasinungalingan nito ang diumano’y kumakalat na tsismis tungkol sa pagho-hoard nila ng gamot at pagtataas ng presyo nito.

“We refer to rumors circulating that Unilab is withholding stocks and increasing the prices of Biogesic, Bioflu, Neozep, Solmux and Decolgen, which allegedly caused the out of stock situation in drugstores,” anang Unilab.

“The rumor is NOT TRUE. Unilab has not increased the prices of these brands,” giit ng kompanya.

Nilinaw din ng Unilab na ang pansamantalang pagkaubos ng mga naturang gamot sa mga botika ay sanhi ng ‘extraoridnary high demand’ ng mga produktong panlunas sa ubo, sipon at trangkaso sa ilang bahagi ng bansa.

“We continue to manufacture and have in fact increased the manufacturing volume of these products toserve the extraordinary demand,” dagdag pa nito.

Nakiusap rin ang Unilab sa mga tao na iwasang maniwala agad sa mga ‘fake news’ at ilang impormasyong nababasa at lalong iwasang ipasa ito sa iba upang hindi dahilan ng panic at pagkalito.

Bilang ng mabibiling gamot limitado na

Kung magugunita, naglabas na ng direktiba ang gobyerno na naglilimita sa bilang ng mga nasabing gamot na maaaring bilhin ng mga tao.

Sa listahang inilabas ng Malakanyang kamakailan, nakasaad dito na ang paracetamol tablet na 500mg ay maaari lamang mabili ng hanggang 20 piraso kada indibidwal o 60 piraso bawat household.

BASAHIN: Bilang ng mabibiling paracetamol at iba pang gamot, nilimitahan  na

Ganito rin ang itinakdang limitasyon para sa phenylephrine hydrochloride na 10/20/500mg tablet at carbocistine 500mg capsule.

Bukod dito, ipinagbabawal na rin ang online selling ng mga nabanggit na gamot.

Nakatakda ring magsagawa ng compliance monitoring kapwa ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) upang matiyak na masusunod ang nabanggit na direktiba.

business

‘Bento Cakes for everyone’: Engineering graduate nakamit ang tagumpay sa baking business

Published

on

By

Posible ba ang ‘career shift’? 

Bagama’t walang background sa pagbe-bake, alam n’yo bang may isang Engineering graduate na nagpatunay na maaari ka palang mag-shift ng focus kahit malayo ito sa iyong tinapos?

Matapos magpalit ng career, si Danica Lynne Casta, 25-anyos, ay isa na ngayong matagumpay na owner ng isang online cake business. Ang kanyang ‘Amberlyns Cake’ ay kumikita na ng six-digit income kada buwan!

“I graduated from MAPUA University, Bachelor of Science in Construction Engineering & Management and I’m now a full time baker. I’m earning six digits a month,” inilahad ni Danica sa isang feature video na ibinahagi ng ‘Philippine Star noong Steyembre 2022.

Nang makaranas ng pagsubok sa usaping pinansyal ang kanyang pamilya noong kasagsagan ng pandemya, napilitan siya isantabi ang kanyang propesyon bilang inhinyero. Naghanap siya ng online job upang makatulong sa pamilya.

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start,” isinalaysay niya.

Bagama’t isa lamang siyang beginner, ang kanyang cake business ay mabilis na nakilala dahil sa kanyang bento cakes.

[Siyempre, rumampa rin ang kanilang Valentine’s cakes nitong nagdaang Araw ng mga Puso!]

Bento Cakes for Everyone, Anytime

Ipinagpatuloy niya ang kanyang dedikasyon sa pagkatuto at mas mapabuti pa ang kanyang kaalaman kaya naman hindi nakapagtatakang naabot niya ang mga goals niya. Mula sa mga basic designs, nakagagawa na rin siya ng iba ibang disenyo at uri ng cakes.

Mula sa isang order lamang, mahigit 1,000 orders na kada buwan ang kanyang natatanggap; lalo’t higit ngayon 2023. Marami na rin siyang empleyado na katuwang sa kanyang negosyo.

Nagpapasalamat siya sa mga media features at sa mga celebrity na nag-eendorso sa kanyang mga produkto at sa lahat ng kanyang mga customers.

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay, hindi pa naman umano nawawaglit ang kanyang pangarap kaugnay sa kanyang pagiging engineer.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yon. Mas prefer ko talaga passion, kung hindi mo love ‘yung ginagawa mo, ilulugmok mo lang ‘yung sarili mo do’n sa work mo na ‘di ka naman masaya,” mensahe niya sa iba.

Para mas lalo kang ma-inspire, panoorin ang feature mula sa Philippine Star at bisitahin ang Facebook page ng Amberlyns Cake  para sa mga nakatatakam nilang cakes.  Baka ikaw na ang susunod na oorder?

Continue Reading

business

Negosyanteng taga-Nueva Ecija, kinubra na ang P114-M na napanalunan sa Megalotto

Published

on

By

Kinubra na ng masuwerteng mananaya mula sa Nueva Ecija ang mahigit P114-M na jackpot na kaniyang napanalunan sa 6/45 Megalotto noong Disyembre.

Ayon sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Ener0 12, noong Enero 3 ay nagpunta sa kanilang tanggapan ang mapalad na bettor upang kunin ang kaniyang premyo.

Isa umano itong negosyante na nakabase sa bayan ng Sto. Domingo sa Nueva Ecija.

Napanalunan ng lalaki ang P114,327,454.00 na jackpot sa Megalotto na binola noong Disyembre 23 matapos lumabas ang kaniyang tinayaang kombinasyon na 11-21-01-12-17-03.

Ibinahagi ng negosyante na halos 15 taon na siyang tumataya sa lotto at ang lumabas na kombinasyon ay mula sa kaniyang mga paboritong numero.

Hindi niya umano inaasahan ang panalong ito sapagkat ang pinakahuli niyang panalo ay nagmula lamang sa 4 Digit at ‘balik-taya’.

“Lubos akong nagpapasalamat sa PCSO at sa Panginoon sa pagkapanalo ko sa lotto. Di ko po inasahan na sa ganitong panahon ko mapapanalunan ang jackpot, tamang tama magpa-Pasko pa yun. Hindi ko po maipaliwanag ang aking nararamdaman,” wika ng negosyante.

Bagama’t maayos naman daw ang kaniyang buhay ngayon, plano niya pa ring makatulong sa kaniyang mga kababayan at magtabi ng pera para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“Sa totoo lang po, naging maayos naman po ang naging takbo ng buhay ko. Nakita ko ang pangangailangan ng aking mga kababayan at napagpasyahan ko po na unahing ipantulong ang makukuha kong premyo mula sa lotto. Ipagpapatuloy ko rin at palalaguin ang aking mga negosyo at syempre mag-iipon para sa kinabukasan ng aking pamilya,” bahagi pa ng lalaki.

Dahil babawasan ng 20 porsiyentong buwis ang kaniyang premyo, aabot na lamang sa mahigit P92-M ang kaniyang maiuuwing pera.

Samantala, nakiusap naman ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto para sa pag-asang mabago ang kanilang buhay bukod pa sa pagkakataong makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan na sinusuportahan ng PCSO.

Continue Reading

business

BPI tiniyak na aayusin ang ‘duplicate transactions’, ligtas pa rin ang accounts ng kanilang customers

Published

on

By

Nag-aalala ang maraming customers ng Bank of the Philippine Islands (BPI) dahil sa hindi maipaliwanag na transaction sa kanilang account nitong nagdaang araw na nagresulta sa pagkawala o pagkabawas ng kanilang mga pera na nakatago sa naturang bangko.

Dahil dito, inulan ng reklamo ang BPI sa kanilang website at social media pages mula sa mga customers na hindi pa naliliwanagan kung ano ang nangyari sa kanilang account at kung maibabalik pa ang kanilang pera.

Nag-trending pa nga sa Twitter nitong Miyerkules, Enero 4, ang hashtags na ‘Hoy BPI’ at ‘0431 Debit Memo’, ang terminong ginagamit sa anumang uri ng debit transactions gaya ng withdrawals, funds transfer at bills payment.

Karamihan sa mga tweets gamit ang naturang hashtags ay dismayado sa nangyari sa kanilang bank account lalo pa umano na kailangan nila ngayon ang pera subalit hindi ma-access ang kanilang account, sa app man o sa website.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BPI na aayusin nila ang gusot na ito at ibabalik ang anumang pera ng kanilang mga customer sa mas lalong madaling panahon.

“Following the double posting of ATM, CAM deposits, POS and e-commerce debit transactions from Dec. 30 to 31, 2022, please be informed that we expect correction of the duplicate transactions within the day,” ayon sa pinakahuling update ng BPI sa kanilang Facebook page.

“Given the high volume of inquiries on our online banking channels, you may experience intermittent access to our web and mobile app platforms. Rest assured that your account is safe and secure. Thank you,” saad pa ng bangkong pag-aari ng pamilya Ayala.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa BPI hinggil sa nangyaring insidente.

“The Bank already identified the root cause of the operational error and committed to reverse the erroneous transactions and restore mobile and internet banking services the soonest possible,” ayon sa pahayag ng BSP.

Inatasan na rin ng BSP ang nasabing bangko na magsumite ng timeline at updates tungkol sa reversal ng ‘erronous transactions’ na nangyari.

Sa kabila nito, marami pa ring customers ng BPI ang naniniwalang maayos ng bangko ang nasabing problema at maibabalik sa kanilang account ang naglahong pera.

Continue Reading

Trending